(Nathaniel POV)
Pagkatapos na may nangyari sa amin ni Sera… naligo ako. At pinagsusuntok ko nga ang tubig na nararamdaman kong galit para sa aking sarili. Bakit hindi ko napigilan ang aking sarili na saktan ang asawa ko.
F*ck! Sarili mo dapat Nathaniel ang sinasaktan mo! Hindi si Sera!
Kasalanan mo kung bakit para kang asong ulol na sumusunod ngayon sa mga nangyayari kay Wilma. Dala niya ang anak mo… At doon ka lang nag-aalala para sa kanya.
Si Sera ang mahal ko, at talagang huli na nga ang tungkol sa amin ni Wilma. Bata lang ang habol ko sa kanya… At wala na akong paki-alam sa pangakong binitawan ko kay Wilma.
Alam kong inayos na ni Mrs. Dorris si Sera, kung sakali ngang nakatulog ito sa ginawa ko. Kaya kampante ako… na dapat lang na hindi ko makita si Sera, at kung ano man ang ginawa kong katarantaduhan sa kanya.
Mapapatay ko lang ang aking sarili.
Paglabas ko
(Nathaniel POV)Ang bulaklak na yakap-yakap ni Wilma, binili ko yun para sa aking asawa… Pero bakit hindi ko masabi sa kanya na hindi yun kanya? Dahil ba baka maging malungkot ito? Sabagay, kakalabas lang nito sa hospital.Pinagbuksan ko siya ng sasakyan, at kaagad na pumasok ito. Nang biglang ma-aching ito.“Allergy ka ata sa bulaklak.” Napangiti lang sa akin si Wilma. At inabot ko nga dito ang panyo ko. Nang bigla na naman siyang mapabanghing… Kaya nabitawan niya ang bouquet.“Oo, Allergy ako sa bulaklak, at since alam mo na Nathaniel na allergy ako… wag ka na lang bumili ng bulaklak…”“Alam mo naman palang allergy ka, bakit binalikan mo pa ang bulaklak at kinuha ito.” At bago pa man makasagot si Wilma, sinarhan ko na ang pinto. Napailing na lamang ako ng lihim… Kailangan ko ikubli ang nararamdaman ko para kay Sera.Napatitig ako sa bulakl
(Sera POV)Habang namumutol ako ng bulaklak sa hardin, tumunog ang phone ko. Unregister number… Curious ako kung bakit may tumatawag sa akin, kaya sinagot ko na. At nanlaki ang mga mata ko dahil niyaya akong magkaroon ng online interview mamaya.“Meron po ba kayong portfolio Ma’am, kailangan na ipakita yun mamaya.”“Ahh, meron. Thank you.”“Thank you Ma’am, see yah po mamaya.” Saka ibinaba ng HR na kausap ko.Dali-dali kong kinuha ang bulaklak na pinutol ko at bumalik nga sa loob ng bahay. Sa akala kong umalis na si Nathaniel, ayun abala siya sa kinakausap nito sa telephono. Lumingon ito ng bahagyang, pero kaagad naman ako dumiretso sa may sala at tuluyan na ngang inayos muna yung mga vase.Maganda ang umagang ito, para lang masira.Ngunit naramdaman ko ang presensya niya na palapit sa akin.“Talagang iniiwasan mo ako Sera. Mas galingan mo pa ha.”“Oo, next time.”“Tsk. Iniinom mo pa ba ang contraceptive mo?”“Ahhh. No need na din naman inumin diba, since si Wilma na ang ginagalaw mo
(Wilma POV)Parang nagiging istorbo lang talaga ang papel ko kay Nathaniel. Puny*ta! Hangang ngayon hindi parin niya ako kayang mahalin. Ginawa ko na ang lahat-lahat. Tsk.Yung phone niya, boring… Wala akong nakita. Walang laman… Para saan pa ba ang phone niyang ito? Pero ang natuklasan ko, kahit ang number ko hindi niya sini-save sa contacts… Habang si Sera… Ayun, Madam Yao ang nakalagay.Sobra akong naiinis. Napakawalang-hiya talaga ng puny*tang yun.Mahal na ba ni Nathaniel? Hindi maari~! HINDI!At dahil wala ngang progress ang tungko sa divorce paper sa pagitan nilang dalawa, bakit hindi ako gumawa ng paraan na si Sera mismo ang sumuko. Napangiti ako sa aking ideya. Kailangan ko lang ng lalaking magbubuntis sa akin ngayong gabi, at tatawagan ko si Sera gamit ang phone ni Nathaniel, at pak… masasaktan na ng husto niyan si Sera. Ahahaha.Sumuk
(Sera POV)Ininom ko nga ang Jasmin Tea, at sinabi ni Mrs. Dorris na ipaghahanda niya ako ng agahan.“Yung fast breakfast lang po. Half day na ako nito sa trabaho ko eh.” At yun pa nga ang inaalala ko… Yung trabaho ko. Ngayon pa naman ang presentation ng mga design namin na gagamiting alahas sa met gala.Baka masisante kaagad ako kapag hindi ako makarating sa one PM na meeting. Nathaniel kasi, di man lang ako ginising. Akala niya siya lang ang may trabaho, eh ako? Meron naman diba?As if naman may concern yun Sera sa trabaho mo. WALA.“O ibalot niyo na lang po.”“Sige Madam Yao.” Hawak ko ang phone ko at dali-dali nga akong nag-text sa manager.Ngunit ang reply nito, hindi ko inaasahan… Or sarcastic ba?‘Take your time, Mrs. Yao.’ Hehehe. Parang sarcastic!Kaya nagmadali na nga ako kumilos, at nagpahatid sa kompa
(Wilma POV)Pero ako ang nasupresa, inamin ni Sera na buntis siya… Pinagbubuntis niya ang anak nila ni Nathaniel! Hindi ito maari! May kung anong malamig na aura na pumasok sa katawan ko upang manginig ako sa takot. Mananalo ba talaga sa akin si Sera? Ang tanong papayagan ko ba?Kaya naman, nilabanan ko siya, at kailangan talaga niyang ipa-abort ang batang pinagbubuntis niya!“Sweetheart Wilma…” Lumapit sa akin si Mommy na may ngiti ang kanyang labi. Para bang nang-iinsulto pa. Pa-uulanan ko sana siya ng talak tungkol sa kalagayan ni Sera… “Nasa ibaba si Nathaniel. Sabi ko naman sayo na pupunta siya dito. Hintay lang.”Kaya napatitig ako sa hawak kong phone. “Pakisabi Mommy na bababa na ako.”“Di ka pa sa akin sasabay?”“Pakisabi na lang kasi na baba ako Ma!” Na tumaas na naman nga ang inis na nararam
(Sera POV)Nang iminulat ko ang aking paningin, mukha ni Gail ang bumungad sa akin. Kaagad akong napa-upo bangon. Malulungkot ang mga mata ni Gail at ang mukha nito…“Gail… Wag mong sabihin sa akin na…”“Hindi ang bata Sera… Kundi ikaw.” Naguluhan ako sa sagot niya. “Maayos naman ang bata, pero ikaw…”“Gail…”“May tumor ka sa uterus mo, Sera at lumalala ito. Hindi maganda na magbutis ka, kaya kailangan mong ipalaglag ang bata, kung hindi, malalagay sa piligro ang buhay mo.”At ng marinig ko ang sinabi ni Dra. Gail… Nablangko ang isipan ko. “Hindi mo pa ba sinasabi sa asawa mo ang sitwasyon mo? Wala pa ba nitong nakakaalam, kundi tayong dalawa lang?”“Gail…” Naiiyak ako. “Hindi ko kailangan na ipalaglag ang bata. Ipagpapatuloy ko ang pagbubuntis ko.”
(Sera POV)“Kaya mo ako binanga dahil may nanakawin ka sa akin!” Ninakaw ko ang bracelet ng babaing ‘to? Pangalan niya Mrs. Ling hindi ba? “Ninakaw mo ang bracelet ko!”Tuluyan na ata akong nakapasok sa isang napakalaking kalokohan ng iskandalong ito.“Wala akong ninakaw.”“Mrs. Ling,” Pumagitna na sa amin si Ate Wilma. Napatitig siya sa akin, at nahihiyang ngumiti naman kay Mrs. Ling. “Isang napakalaking pagkakamali ito. Alam niyo po, minsan na nga pong naging magnanakaw si Sera, pero sa tingin ko nagbago na siya. Kaya baka ho…”“Hindi Madam Yao. Sinadya niyang mabungo ako para nakawin ang mamahalin kong porselas!”Hindi sa angal ng ni Mrs. Ling ako di makapagsalita, kundi sa sinabi ni Ate Wilma na minsan na akong magnanakaw? Parang lalo niya akong idiniin? Ako minsan na akong nagnakaw? Ate Wilma, talaga bang pinagtatangol mo ako o hindi. Saka, talagang nawiwili siyang tawagin na Madam Yao. Nakakatawa ang nangyayaring ito, sobrang nakakatawa, Ate Wilma.Lalong dumami ang naki-isyoso
(Wilma POV)“Napakaganda naman pala ng asawa ni Master Nathaniel…”“Kahit kanina na wala siyang kulerete, napakaganda niya.” Ani ng isa pang babae.“Sa tingin niyo, talaga bang magagawa ng isang madam Yao na magnakaw? Eh, parang may loko-loko sa tabi na naframe up lamang siya.”“Bakit naman siya magnanakaw, eh nasa kanya na ang lahat. Sa lahat ng babae dito sa mundo, siya ang pinagpala at pinakamaswerte. Sigurado talaga na naframe-up lamang siya.”Punyeta. Naiinis ako sa aking naririnig. At napalingon nga ako sa dumaan na grupo… Si Sera na nangunguna at parang pupunta sa may Greenhouse kung nasaan ang masungit na matandang Yao. Bakit kasi hindi ko makuhakuha ang loob ng matandang yun. Tsk. Saka wala ba talagang patutunguhan yung paninira ko sa kanya kanina. Sobra nga akong nahirapan, at ganito lang ang maririnig ko?! Bwisit ta