(Sera POV)
Ininom ko nga ang Jasmin Tea, at sinabi ni Mrs. Dorris na ipaghahanda niya ako ng agahan.
“Yung fast breakfast lang po. Half day na ako nito sa trabaho ko eh.” At yun pa nga ang inaalala ko… Yung trabaho ko. Ngayon pa naman ang presentation ng mga design namin na gagamiting alahas sa met gala.
Baka masisante kaagad ako kapag hindi ako makarating sa one PM na meeting. Nathaniel kasi, di man lang ako ginising. Akala niya siya lang ang may trabaho, eh ako? Meron naman diba?
As if naman may concern yun Sera sa trabaho mo. WALA.
“O ibalot niyo na lang po.”
“Sige Madam Yao.” Hawak ko ang phone ko at dali-dali nga akong nag-text sa manager.
Ngunit ang reply nito, hindi ko inaasahan… Or sarcastic ba?
‘Take your time, Mrs. Yao.’
Hehehe. Parang sarcastic!
Kaya nagmadali na nga ako kumilos, at nagpahatid sa kompa
(Wilma POV)Pero ako ang nasupresa, inamin ni Sera na buntis siya… Pinagbubuntis niya ang anak nila ni Nathaniel! Hindi ito maari! May kung anong malamig na aura na pumasok sa katawan ko upang manginig ako sa takot. Mananalo ba talaga sa akin si Sera? Ang tanong papayagan ko ba?Kaya naman, nilabanan ko siya, at kailangan talaga niyang ipa-abort ang batang pinagbubuntis niya!“Sweetheart Wilma…” Lumapit sa akin si Mommy na may ngiti ang kanyang labi. Para bang nang-iinsulto pa. Pa-uulanan ko sana siya ng talak tungkol sa kalagayan ni Sera… “Nasa ibaba si Nathaniel. Sabi ko naman sayo na pupunta siya dito. Hintay lang.”Kaya napatitig ako sa hawak kong phone. “Pakisabi Mommy na bababa na ako.”“Di ka pa sa akin sasabay?”“Pakisabi na lang kasi na baba ako Ma!” Na tumaas na naman nga ang inis na nararam
(Sera POV)Nang iminulat ko ang aking paningin, mukha ni Gail ang bumungad sa akin. Kaagad akong napa-upo bangon. Malulungkot ang mga mata ni Gail at ang mukha nito…“Gail… Wag mong sabihin sa akin na…”“Hindi ang bata Sera… Kundi ikaw.” Naguluhan ako sa sagot niya. “Maayos naman ang bata, pero ikaw…”“Gail…”“May tumor ka sa uterus mo, Sera at lumalala ito. Hindi maganda na magbutis ka, kaya kailangan mong ipalaglag ang bata, kung hindi, malalagay sa piligro ang buhay mo.”At ng marinig ko ang sinabi ni Dra. Gail… Nablangko ang isipan ko. “Hindi mo pa ba sinasabi sa asawa mo ang sitwasyon mo? Wala pa ba nitong nakakaalam, kundi tayong dalawa lang?”“Gail…” Naiiyak ako. “Hindi ko kailangan na ipalaglag ang bata. Ipagpapatuloy ko ang pagbubuntis ko.”
(Sera POV)“Kaya mo ako binanga dahil may nanakawin ka sa akin!” Ninakaw ko ang bracelet ng babaing ‘to? Pangalan niya Mrs. Ling hindi ba? “Ninakaw mo ang bracelet ko!”Tuluyan na ata akong nakapasok sa isang napakalaking kalokohan ng iskandalong ito.“Wala akong ninakaw.”“Mrs. Ling,” Pumagitna na sa amin si Ate Wilma. Napatitig siya sa akin, at nahihiyang ngumiti naman kay Mrs. Ling. “Isang napakalaking pagkakamali ito. Alam niyo po, minsan na nga pong naging magnanakaw si Sera, pero sa tingin ko nagbago na siya. Kaya baka ho…”“Hindi Madam Yao. Sinadya niyang mabungo ako para nakawin ang mamahalin kong porselas!”Hindi sa angal ng ni Mrs. Ling ako di makapagsalita, kundi sa sinabi ni Ate Wilma na minsan na akong magnanakaw? Parang lalo niya akong idiniin? Ako minsan na akong nagnakaw? Ate Wilma, talaga bang pinagtatangol mo ako o hindi. Saka, talagang nawiwili siyang tawagin na Madam Yao. Nakakatawa ang nangyayaring ito, sobrang nakakatawa, Ate Wilma.Lalong dumami ang naki-isyoso
(Wilma POV)“Napakaganda naman pala ng asawa ni Master Nathaniel…”“Kahit kanina na wala siyang kulerete, napakaganda niya.” Ani ng isa pang babae.“Sa tingin niyo, talaga bang magagawa ng isang madam Yao na magnakaw? Eh, parang may loko-loko sa tabi na naframe up lamang siya.”“Bakit naman siya magnanakaw, eh nasa kanya na ang lahat. Sa lahat ng babae dito sa mundo, siya ang pinagpala at pinakamaswerte. Sigurado talaga na naframe-up lamang siya.”Punyeta. Naiinis ako sa aking naririnig. At napalingon nga ako sa dumaan na grupo… Si Sera na nangunguna at parang pupunta sa may Greenhouse kung nasaan ang masungit na matandang Yao. Bakit kasi hindi ko makuhakuha ang loob ng matandang yun. Tsk. Saka wala ba talagang patutunguhan yung paninira ko sa kanya kanina. Sobra nga akong nahirapan, at ganito lang ang maririnig ko?! Bwisit ta
(Sera POV)“Madam Yao, kailangan niyo kumain ng maayos. Yun ang habilin kanina ni Master Nathaniel ng tumawag siya sa akin.” Paki-usap ni Mrs. Dorris sa akin. Nakatitig lamang ako sa pagkain na hinanda. “Kung hindi niyo gusto ang nakahanda, maari namang ipagluto ka namin ng gusto niyo.”Ngumiti na lamang ako kay Mrs. Dorris. “Kakain po ako.”Na sinubukan ko nga kumain, pero sa huli nailuha ko ang kinain ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig. “Kailangan niyo na atang magpatingin niyan sa doktor Madam Yao.”“Uhmmm. Hawaiian Pizza. Ma-aari bang ipa-order niyo na lang?”“Ah, sige Madam Yao.” Para nga makahinga si Mrs. Dorris sa nakikita niyang situation sa akin.“Saka nga pala Mrs. Dorris, wag niyo sanang ipaalam kay Nathaniel ang tungkol sa pagsusuka ko. Please…” At ang matandang babae, walang nagawa kundi tumango. “Iga
(Sera POV)“Paniguradong kagagawan na naman yan ng Ate Wilma mo yan sayo. Grabe ang pagka-ingit niya sayo. Maluwag na ata ang turnilyo niya Sera. Worst ikaw ang pinag-iinitan niya.” Halos gusto ko nga maiyak…“Hindi ko ito magagawa.”“Alam ko yan. Ikaw ang pinaka-santang nakilala ko sa mundong ito Sera. Sa sobra mo ngang kabaitan, pati sarili mong buhay idudusay mo riyan sa pinagbubuntis mo. Sabagay yan naman talaga ang nararamdaman ng isang ina. Wag mo na yan pansinin Sera, mawawala din ang issue na yan. Saka impossible naman na walang gawin dyan ang grandpa ng baby mo. Kung walang kwenta talaga yang asawa mo. Kung sino pa ang kabit siya pa ang pinapanigan ng karamihan. Bakit kaya? Dahil ba sila yung matapang? Chill na buntis, ako lang ang nastress para sayo.”Napapikit na lamang ako, at tinapik nga ako sa balikat ni Gail.“Kukunin ko lang ang bitamina mo at makakatulo
(Sera POV)“Ang katotohanan? Nagpapatawa ka ba Sera?” Saka ngumisi siya sa akin at kumilos siya para may gawin sa phone ko. Hindi ko inaasahan na ide-delete niya ang video saka ang back-up ko sa aking photo album. Kaagad ko man na inagaw kay Nathaniel ang phone ko ngunit huli na ang lahat… Nabura na niya lahat.“Bakit mo binura? Bakit? Akala ko pa naman may papupuntahan itong katotohanan na hindi ako ang nagnakaw ng bracelet, saka nilagay lang ito sa akin ni Ate Wilma. Bakit mo binura? Alam mo ba na maraming tao sa SocMed ang hinahamak ang pangalan ko dahil sa video clip na hindi nila alam ang buong kwento? Yun lang naman na video sana ang magpapatunay na inosente ako at hindi ako magnanakaw. Nakakatuwa ba na ang asawa ng isang matatag na Nathaniel Yao ay isang magnanakaw?” Na hindi ko na talaga napigilang umiyak. Naiinis ako sa kanya ng sobra. Talagang naiinis ako sa kanya!“Tss. Ang punto dito
(Nathaniel POV)Ginagawa ko lang na magulo ang sitwasyon namin ni Sera. Paano pa ba ako makakabawi sa kanya… At ang pakiramdam na ito, yung init at galit na bigla lang sumibol sa akin ng malaman ko ngang kasama ng asawa ko si Ruel. Si Ruel na halata naman na merong pagtingin kay Sera, o sadya lang talaga ako nagseselos? Heto ba ang pakiramdam na yun?Siguro kailangan ko muna bigyan ng space at oras na mapag-isa ang asawa ko… At yun din ang kailangan ko. Oras para ma-asses ang nangyayari ngayon sa akin. Saka ayokong mawala sa akin si Sera.Ano ba talaga ang plano ko? Tss.Paglabas ko sa sasakyan, “Siguraduhin niyo na kumain ng maayos ang Madam Yao niyo.”Ang iniwan kong bilin kay Mrs. Dorris.Dumaan ako sa silid ni Sera, at may kung ano sa akin na nais buksan ito at puntahan si Sera para yakapin siya at humingi ng kapatawaran sa mga nasabi ko sa kanya. Pero hindi yun ma