(Wilma POV)“Napakaganda naman pala ng asawa ni Master Nathaniel…”“Kahit kanina na wala siyang kulerete, napakaganda niya.” Ani ng isa pang babae.“Sa tingin niyo, talaga bang magagawa ng isang madam Yao na magnakaw? Eh, parang may loko-loko sa tabi na naframe up lamang siya.”“Bakit naman siya magnanakaw, eh nasa kanya na ang lahat. Sa lahat ng babae dito sa mundo, siya ang pinagpala at pinakamaswerte. Sigurado talaga na naframe-up lamang siya.”Punyeta. Naiinis ako sa aking naririnig. At napalingon nga ako sa dumaan na grupo… Si Sera na nangunguna at parang pupunta sa may Greenhouse kung nasaan ang masungit na matandang Yao. Bakit kasi hindi ko makuhakuha ang loob ng matandang yun. Tsk. Saka wala ba talagang patutunguhan yung paninira ko sa kanya kanina. Sobra nga akong nahirapan, at ganito lang ang maririnig ko?! Bwisit ta
(Sera POV)“Madam Yao, kailangan niyo kumain ng maayos. Yun ang habilin kanina ni Master Nathaniel ng tumawag siya sa akin.” Paki-usap ni Mrs. Dorris sa akin. Nakatitig lamang ako sa pagkain na hinanda. “Kung hindi niyo gusto ang nakahanda, maari namang ipagluto ka namin ng gusto niyo.”Ngumiti na lamang ako kay Mrs. Dorris. “Kakain po ako.”Na sinubukan ko nga kumain, pero sa huli nailuha ko ang kinain ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig. “Kailangan niyo na atang magpatingin niyan sa doktor Madam Yao.”“Uhmmm. Hawaiian Pizza. Ma-aari bang ipa-order niyo na lang?”“Ah, sige Madam Yao.” Para nga makahinga si Mrs. Dorris sa nakikita niyang situation sa akin.“Saka nga pala Mrs. Dorris, wag niyo sanang ipaalam kay Nathaniel ang tungkol sa pagsusuka ko. Please…” At ang matandang babae, walang nagawa kundi tumango. “Iga
(Sera POV)“Paniguradong kagagawan na naman yan ng Ate Wilma mo yan sayo. Grabe ang pagka-ingit niya sayo. Maluwag na ata ang turnilyo niya Sera. Worst ikaw ang pinag-iinitan niya.” Halos gusto ko nga maiyak…“Hindi ko ito magagawa.”“Alam ko yan. Ikaw ang pinaka-santang nakilala ko sa mundong ito Sera. Sa sobra mo ngang kabaitan, pati sarili mong buhay idudusay mo riyan sa pinagbubuntis mo. Sabagay yan naman talaga ang nararamdaman ng isang ina. Wag mo na yan pansinin Sera, mawawala din ang issue na yan. Saka impossible naman na walang gawin dyan ang grandpa ng baby mo. Kung walang kwenta talaga yang asawa mo. Kung sino pa ang kabit siya pa ang pinapanigan ng karamihan. Bakit kaya? Dahil ba sila yung matapang? Chill na buntis, ako lang ang nastress para sayo.”Napapikit na lamang ako, at tinapik nga ako sa balikat ni Gail.“Kukunin ko lang ang bitamina mo at makakatulo
(Sera POV)“Ang katotohanan? Nagpapatawa ka ba Sera?” Saka ngumisi siya sa akin at kumilos siya para may gawin sa phone ko. Hindi ko inaasahan na ide-delete niya ang video saka ang back-up ko sa aking photo album. Kaagad ko man na inagaw kay Nathaniel ang phone ko ngunit huli na ang lahat… Nabura na niya lahat.“Bakit mo binura? Bakit? Akala ko pa naman may papupuntahan itong katotohanan na hindi ako ang nagnakaw ng bracelet, saka nilagay lang ito sa akin ni Ate Wilma. Bakit mo binura? Alam mo ba na maraming tao sa SocMed ang hinahamak ang pangalan ko dahil sa video clip na hindi nila alam ang buong kwento? Yun lang naman na video sana ang magpapatunay na inosente ako at hindi ako magnanakaw. Nakakatuwa ba na ang asawa ng isang matatag na Nathaniel Yao ay isang magnanakaw?” Na hindi ko na talaga napigilang umiyak. Naiinis ako sa kanya ng sobra. Talagang naiinis ako sa kanya!“Tss. Ang punto dito
(Nathaniel POV)Ginagawa ko lang na magulo ang sitwasyon namin ni Sera. Paano pa ba ako makakabawi sa kanya… At ang pakiramdam na ito, yung init at galit na bigla lang sumibol sa akin ng malaman ko ngang kasama ng asawa ko si Ruel. Si Ruel na halata naman na merong pagtingin kay Sera, o sadya lang talaga ako nagseselos? Heto ba ang pakiramdam na yun?Siguro kailangan ko muna bigyan ng space at oras na mapag-isa ang asawa ko… At yun din ang kailangan ko. Oras para ma-asses ang nangyayari ngayon sa akin. Saka ayokong mawala sa akin si Sera.Ano ba talaga ang plano ko? Tss.Paglabas ko sa sasakyan, “Siguraduhin niyo na kumain ng maayos ang Madam Yao niyo.”Ang iniwan kong bilin kay Mrs. Dorris.Dumaan ako sa silid ni Sera, at may kung ano sa akin na nais buksan ito at puntahan si Sera para yakapin siya at humingi ng kapatawaran sa mga nasabi ko sa kanya. Pero hindi yun ma
(Sera POV)Nang nasa harapan na ako ng pamamahay ni Nathaniel, matapos nga ako hatirin ng taxi… “Manong wait lang… Ibaba ko lang ito sa may tarangkahan…”Dahil hindi ako susuko na mawalan ng trabaho. Maghahanap ako… Personal, at sana man lang wala na itong impluwensya tungkol nga sa paratang na isa akong magnanakaw. Instant sikat talaga ako, kapag ganoon parin ang nangyari.Iniwan ko nga sa may tarangkahan ang gamit ko, at bumalik sa taxi. Naghanap ako sa online kung saan ako maaring pumasok bilang isang designer… Ang sabi nila bagay na trabaho sa akin ang maging isang modelo, pero ang totoo niyan ang hinangad ko nga ang maging designer, at isa lang ang jewelry design ang alam ko. Marami naman akong nakita na maari kong pag-applayan ng personal. Kaya nagpahatid ako kay Manong, ngunit sa kasamaang palad… Naubos ang oras ko, kapag nakikita ako ng mga mag-iinterview sa akin, kaagad
(Sera POV)Pinuntahan nga namin ni Kuya Ruel kung nasaan si Lolo… Wala nga siyang malay… Sinabi naman ng doctor na malapit na itong magising dahil araw-araw maganda ang progress na ipinapakita nito. Yun ang magandang balita na narinig ko sa buong araw.Ang pangalan nito si Lolo Theo, marami ang nakapagsabi na ito daw ang kasama ko palagi, bago pa man ako damputin at ampunin ng mag-asawang Mendevil. Kumpirmado, dahil nga sa mga CCYV footage na nagawa pang i-retrieve kahit matagal na ito.“Maraming salamat talaga Kuya Ruel.” Na ang luha ko ngayon ay dahil sa kaligayahan na nararamdaman ko.“Shhh. Tatangapin ko lang yan Sera, kung sasamahan mo akong kumain ng hapunan. Gutom na din talaga ako.”“Sige Kuya… Pero… Baka ano na naman ang isipin ni Nathaniel kung…”“Kapag sumulpot siya ulit, ako ang unang susuntok sa kanya.&nbs
(Sera POV)“Sige ka Sera, kung nais mo talagang lumuhod dyan, edi manatili kang lumuhod. Akala mo naman maniniwala si Nathaniel sa mga sasabihin mo. Hinding-hindi. Galit na galit siya sayo. Hindi ka niya mapapatawad dahil sinaktan mo ako. Ahahaha.”Napatitig lamang ako sa kanya. Alam kong may-araw din si Ate Wilma. Mas malala pa sa nangyayari ngayon sa akin.“Ako na muna ngayon Sera ang magpapaligaya sa asawa mo ha. Soon to be husband ko na din naman.” At tuluyan na siyang pumasok sa loob ulit.Di ko na pinatulan si Wilma dahil masama na ang aking pakiramdam. Nathaniel akala ko ba… Ang usapan natin hangang tumila ang ulan? Nasaan ka na ngayon? Ang baby natin, kailangan mo siya sagipin sa inang nais ngang patunayan sayo na nagsasabi ng totoo. Nasaan ka na… At muli na naman pumatak ang luha sa aking pisngi na akala ko ubos na.Hindi ko na maramdaman ang aking kamay