ONE
Drako
"The Moon Goddess had given us the strength and power not to think of ourselves as higher and better beings than the normal humans. She bestowed it unto us, so we can be strong for those who aren't, and we can protect those we love and care about."
Humikab ako at prenteng isinandal ang aking likod sa silya. Ang sinag ng palubog na araw ay tumagos sa salaming bintana at humalik sa aking pisngi, senyales na malapit nang mag-uwian.
Patapos na naman ang isang araw at bukas ay walang pasok dahil sa general pack gathering. Ofcourse the youngsters like us are not included yet. Puro pa lamang history at pahapyaw na trainings ang binibigay sa amin. Well of course not with my bestfriend. When did it start? Ang alam ko ay talagang bata palang kami ay madalas nang bugbog iyon sa mga pagsasanay.
Maybe that's why Lay acts and thinks maturely even if I'm older than him. Wala akong matandaang naging kaibigan niyang mas bata sa kanya. He actually got only a few friends, and we are all older than him.
We've been friends since I can't remember because my dad is his father's Beta. Alam naming lahat na si Layco ang susunod na pinuno ng Brenther, kaya kahit pa sabihing mas matanda ako sa kanya, kailangan ko pa rin siyang bigyan ng respetong nararapat sa estado niya.
I wonder if Layco will come over tonight? Matagal na naming planong magkakaibigan na matulog sa tree house ko. I'm sure Warren's parents will let him crush at my place. Si Layco lang naman ang medyo alanganin.
Mrs. Rosemary leaned on the edge of her table as she scanned our faces. Our Lycanthrope class teacher looks way younger than her age, and her obsession with everything about our kind is just too much. Why do we still have to take this class anyway? Hindi pa ba sapat na impormasyong sa pagtungtong namin ng fifteen ay lalabas na ang totoo naming kakayanan?
I sighed. Sumulyap ako sa wall clock at tamad na nagkamot ng ulo. "Can we please go home now? It's just five minutes before the end of our class."
Ngumiti siya at dinampot ang isang fish bowl na nasa mesang may lamang mga papel na nakatiklop. "Draco Lafrell, my most impatient student as always. Tama, limang menuto na lang. Limang menuto ka na lang maghihintay para matapos ang klase."
She and the rest of the class laughed with what she said. Hindi na lang ako sumagot at nakasimangot na lang na nagpangalumbaba tutal ay mukhang wala na rin akong magagawa.
When everyone's laughter finally subsided, Mrs. Rosemary raised the bowl while looking at me. "I still need you to pick a piece of paper from this bowl. Each piece has a number written on it. That's gonna determine which group you'll work with for your project."
Napalunok ako, ang mga mata ay napatingin sa unang taong pinabunot sa bowl. Hindi ako mahilig sa mga ganitong gawain sa eskwelahan kaya lang ay hindi nito maiwasang mapukaw ang atensyon ko...dahil sa isang tao.
She was sitting on the left part of front row, looking so prim and proper with her classy yet conservative blue dress, her long silky black hair was swaying with her every move.
Pagbuklat niya ng kapirasong papel ay nagsisilip kaagad ang ibang mga kaklase namin para makita kung anong grupo siya mapapabilang. Ang nakakainis lang, karamihan sa mga sumilip ay iyong mga kaklase naming lalake na wala rin namang hilig mag-aral.
Of course they were just interested with her. Sino ba naman ang ayaw makahalubilo ang panganay ng mga Magnison? She's just so famous at school and even in the other packs that almost everyone wanted to get even the slightest of her precious attention.
She giggled in a calculated manner. "Teka lang, hindi ko pa alam."
"Uy, Chleo sana magka-grupo tayo."
"Ako rin. Dalian niyo na kasing bumunot diyan!"
Dinig kong sabi ng iba naming kaklase. Inis akong napangisi habang umiiling. Why don't she just shoo them away just like what Layco often does? Magkapatid ba talaga ang dalawang 'to?
Nasa gitna na ang bowl nang mapasuntok sa ere ang isa naming kaklaseng lalakeng kanina ay nakikiusyoso kung anong grupo ang nabunot ni Chleo. Nabaling sa kanya ang buong atensyon ko at nang makita ko ang malaking ngisi sa bwisit niyang mukha, tuluyang naningkit ang mga mata ko.
"Yes! Kagrupo ko si Chleo!" Humalakhak ang tarantado at talagang lumapit pa sa harap ni Chleo para lang makipag-apir.
Inis kong hinampas ang palad ko sa mesa dahilan para biglang tumahimik ang buong klase. Nabaling ang atensyon ng lahat sa akin, pati na si Chleo na nakataas pa ang kamay para sa pakikipag-apir.
My jaw was locked as I stood up. Mabilis nalamon ng malalaki kong hakbang ang distansya ko mula kina Chleo, at nang marating ko sila ay sinamaan ko ng tingin ang lalake bago ko hinablot ang papel na hawak niya. Bumaba sa papel ang aking tingin saka ako bahagyang ngumuso. "Group four? You're not group four, Ike."
Kumunot ang noo niya. "Gro—"
Naputol ang sinasabi niya nang halos patakbo akong lumapit sa may hawak ng bowl. Dumukot ako roon ng isang piraso at binuklat. "Group two." Tinaasan ko siya ng isang kilay habang palapit ako sa kanila. "Group two ka." Huminto ako sa harap ni Chleo saka ko padabog na dinampot ang bag niya na alam ko namang pag-aagawang bitbitin mamaya ng mga patay na patay sa kanya.
"Ha? Teka gro—"
"Group two, Ike. Ako ang group four." Masama ko siyang tinitigan, pero si Ike ang tipong hindi ko masisindak kaya bago pa man umalingawngaw ang tunog ng bell, nasa sahig na kaming dalawa at nagpapambuno dahil lang sa piraso ng papel na kahit anong mangyari ay hindi ko ibibigay sa kanya.
"Para kang bata kanina! What are you? Six?" Singhal ni Chleo sa akin nang lumabas ako ng detention room. Ang bilugan at kulay abo niyang mga mata ay halos manlisik sa akin, ang ilang hibla ng kanyang buhok ay dumikit na sa kanyang noo dahil sa pawis
Kumunot ang noo ko nang makitang hanggang leeg niya ay pawis na na para bang kanina pa siya naghihintay. Ang init pa naman sa parteng 'to ng school. Ba't kasi nandito pa 'to?
Sinuot ko sa isang balikat ko ang bag ko saka ko inagaw ang bag niyang hawak niya sa parehong kamay. Hindi ko na pinansin ang pagtataray niya sa akin, sanay nang makita ang bahagi niyang 'yon na bihira niyang ilabas.
"Wala ka bang sundo? Anong ginagawa mo rito ang init-init dito tignan mo 'yang itsura mo?" Sita ko bago ko dinukot ang panyo sa bulsa ko. "Punasan mo 'yang mukha mo pawis na pawis ka."
Imbes na tanggapin ang panyo ay tinulak pa niya ako habang nagngingitngit ang mga ngipin niya sa inis. Napikon na naman dahil hindi ko na naman inintindi ang katarayan niya. Napakamot ako ng ulo. Kailan naman ba kasi gumana sa'kin 'yon?
Naningkit ang mga mata niya saka niya ako dinuro. "Ulitin mo pa 'yon magho-home school na talaga ako. You keep ruining my circle, Draco! Katorse ka na pero kung umakto ka para kang elementary boy!"
I sighed. "Chleo, hindi ko sinisira ang circle of friends mo. I am just—"
"What? Trying to protect me?" Naaasar nitong putol sa sinasabi ko.
"Keeping you away from trouble."
Inis siyang natawa saka niya tiniklop ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "By what? By putting yourself in it? Wow."
Napailing na lamang ako. "Tara na nga baka mamaya hinahanap ka na sa inyo." Ginaplos ko ang aking labing medyo masakit pa dahil sa pakikipag-suntukan kanina.
Unti-unting nawala ang inis sa mukha niya nang matitigan ang gilid ng aking mukha. Lumambot ang kanyang ekspresyon hanggang sa tuluyan siyang bumuntong hininga.
Chleo held my arm and dragged me back inside the room. Pinaupo niya ako sa isa sa mga silya roon bago niya kinuha ang isang plastic sa kanyang bag na nakapatong sa kandungan ko. Nasa harap ko siya, abalang maglagay ng gamot sa bulak, pero ako, ang buo kong atensyon ay nasa matinding pag-aalalang nakaguhit sa maganda niyang mga mata.
I don't know why I felt somewhat happy to see her worry about me. It's like a part of me feels so fulfilled, iyong tipong hindi sasapat ang mga salita para lang maipaliwanag mo.
"Huwag mo nang uulitin 'yon." Nagtatampo pa rin ang tonong bilin niya bago ako tinitigan pabalik.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nagwawala, hindi ko makontrol. Bakit ganito? Bakit madalas ganito ang maramdaman ko? Nakakapraning, pero ni ang kumurap, hindi ko man lang nagawa. Kung hindi pa niya pinitik ang aking noo saka niya isinilid ang mga gamit niya sa kanyang bag, hindi pa siguro ako matatauhan.
"Hindi magandang nakikipag-away, Drako. Lalong hindi ka dapat nakikipagbuno dahil lang sa akin. Kapag inulit mo pa 'yan hindi na talaga kita kakausapin." Nakasimangot niyang sabi bago siya naupo sa silyang nasa tabi ko.
"Para wala nang gulo, at dahil baka raw maghamon ka na naman, nagdecide si Mrs. Rosemary na ilagay na si Ike sa group two. Ikaw, si Lou Anne, si Bently tsaka ako ang magkakagrupo, at dahil sa naging gulo kanina, ako na ang magpapaliwanag sayo ng project natin."
She pulled out a book inside her bag. Ang kapal naman paano 'yon nagkasya sa bag niya? Kaya naman pala ang bigat eh hindi naman 'to sanay mahirapan.
"We're going to report about the historical mates in the history of Remorse and their contributions to the lycan society. Nakapili na kami kanina kung sino ang sa atin." Ngayon ay may sigla na niyang ani, halatang excited.
"Sino naman?" Kunwari na lang ay interesado akong tanong kahit pa tamad talaga ako sa mga ganitong gawain. Bakit kasi may mga ganito pa. Kung aral, aral lang sana hindi kung ano-ano pang mga pakulo ang pinapagawa.
Gumuhit ang napakalaking ngiti sa mga labi niya at kumislap sa saya ang kanyang kulay abong mga mata.
"Cassandra Rose Coulson and Vance Devonaire! The first ever vampire and lycan mates in history!"
Parang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig.
TWOChleoMy eyes roam around the stadium where our Nexus team is having their weekend practice. Hinahanap ng mga mata ko ang lalakeng alam kong dito ko matatagpuan at nang matanaw ko siya sa bench malapit sa team ng school, nilingon ko ang dalawa ko pang ka-grupo."Ayun si Drako. Tara na para makapag-meeting na tayo." Excited kong sabi. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kanila ang gusto kong mangyari para lang magkaroon kami ng mas mataas na marka sa project namin.Nagsimula akong maglakad habang ang dalawa kong kasama ay tahimik lang na nakabuntot. May ilang nakapansin sa akin at agad bumati, habang ang ilang kalalakihan ay nakangising kumaway. Mayamaya'y may isang nasa field na nakakita sa akin. Tumigil ito sa pagta
THREEChleoNapakurap-kurap si Lou Ann at Bently nang marinig ang sinabi ko. Ang mga mukha nila ay halos hindi ko maintindihan kung nagulat ba o hindi naniniwalang kaya kong gawin iyon."Oh—kay? Paano naman natin mapapasok ang Vourden? I mean, do you plan to seek your Dad's help?" Tanong ni Lou Ann saka itinali ang kanyang maikli ngunit kulot na buhok. I've actually been friends with Lou since first grade and I hate the fact that other kids bully her because of her curly blonde. Tingin ko ay bagay iyon sa maliit niyang mukha. She has this protruding dark brown eyes she normally hides under her glasses. Walang problema ang mga mata niya. Gusto lang talaga niyang nagsusuot ng salamin nang magmukha naman daw siyang matalino.Drako
FOURChleoHindi ako makapaniwala sa klase ng emosyong nakaguhit sa mga mata ng kapatid ng Alpha King. Nakatikwas man pataas ang kanyang mamula-mulang mga labi, hindi nito maitatago ang selos na kahit taon na ang lumipas, halatang nasa puso niya pa rin.I gasped for air when he gently brushed his fingertips on the side of my face, his pair of lonely blue pools wandering to see every detail of my face. Mayamaya'y umismid ito na tila may naisip."It's undeniable. You really are Mellian's daughter. Kasing ganda mo ang nanay mo kaso mukhang minana mo ang klase ng lakas ng loob ni Lucius na siguradong magpapahamak sayo pagdating ng araw." He inhaled my scent once more before he flashed another mischievous smile, his set of pearl-white teet
FIVEChleoKatakutakot na pakiusap ang ginawa namin kay Alpha Pierre para lang hindi niya kami isumbong sa aming mga magulang pero sa huli, wala kaming nagawa nang siya mismo ang naghatid sa amin pabalik ng Brenther.Kabado ang mga kasama ko, ngunit mas matindi ang takot na nadarama ng aking dibdib. I'm sure my dad would be furious. Baka mamaya ay ma-grounded pa ako. Ang tapang kong sinabi sa utak kong alang-alang sa grades ay papasukin ko ang lungga ng Alpha King at haharapin ko na lang ang galit ni Daddy kapag nalaman niya, pero nagkamali pala ako. Takot pa rin ako kahit na sinubukan ko nang naihanda ang sarili ko sa posibleng mangyari.My hands were trembling the moment we finally dropped off Bently and Lou Ann. Ang swerte ng dalaw
SIXChleo"I was the sun that burned him, yet everytime stars conquer the night sky, I always find myself at the comfort of his arms, the most forbidden place I'm not supposed to be at." Basa ni Drako sa isang parte ng journal entry ni Cassandra. Lahat ay tutok sa kanya maging kaming mga kasama niya sa group four dahil sa ganda ng parteng binabasa niya.Drako flipped the old pages of Cassandra's journal, but before he continued reading it, he took a glance at my direction and formed a ghost of a smile."Vance had faced a hundred wars against my kin, but never had I witnessed him on the verge of giving up. He took every slash like a privilege to show his love for me, and his scars were like tattoos he proudly shows to prove how many ba
SEVENChleoMaingay ang buong klase at bakas ang excitement sa mukha ng lahat dahil sa announcement kaninang umaga tungkol sa nalalapit na Howling Night. Hindi na nakapagtataka ang bagay na iyon dahil sa Howling Night, ang bawat lycan na nagawa nang gisingin ang kanilang wolf spirit ay pormal nang ipakikilala sa pack bilang opisyal na myembro.Howling Night is the most awaited ball every year, and I am one of those lycans who's looking forward to that night.Hinaplos ko ang peklat sa aking palapulsuhan na nagsisimbolo ng araw na nagising ang aking wolf spirit. It was a little early, and it took a lot of guts for me to confess to my parents how it happened. Napagalitan kaming pareho ni Drako, ngunit sa kabilang banda ay proud ang Daddy
EIGHTChleoNanlamig ang mga palad ko nang makitang nilalabanan ni Cade at Drako ang matalim na titig sa isa't-isa, at sa mga oras na ito, halos mabingi ako sa katahimikan. Even our folks suddenly went silent, tila pinakikiramdaman ang dalawa.Nabasag ang katahimikan nang marinig namin ang mga yapak. The familiar noise coming from his crane that's tapping the marble floor made me gulp."Yours? Is my grand daughter Chleonour dating your son, David?"Nabaling ang aming atensyon sa aking lolo Thomas. Ang ama naman ni Drako ay kunot-noong tinignan si Drako bago ito nagtanong."Are you courting Chleo, son?" Seryoso ang tono n
NINEDrakoPatakbo akong bumaba sa makipot na hagdan ng bahay namin bitbit ang aking asul na jacket. It's still five in the morning but Layco wanted to make a run to the woods with me and Warren. Naging routine na namin iyon tuwing Sabado ng umaga kaya naman nasanay na rin ang mga magulang kong makita akong excited na bumababa sa kusina.The smell of brewed coffee and mom's newly cooked breakfast filled the kitchen. Suot niya ang paborito niyang apron habang nagsasalin ng kape sa isang tasa, at nang makita niya akong pumasok sa kusina, kaagad siyang ngumiti at nilagay ang tasa sa tray."Your father is up early today." Aniya saka sumandal sa gilid ng lababo.Isinuot ko ang aking
PearceMy brows furrowed the moment I stepped out of my car, the others parked theirs next to mine. Mukhang napakahalaga ng bagay na kailangan naming pag-usapan ngayon at bakit halos kumpleto kaming lahat pati ang Beta ni Levi at si Hank na bumyahe pa mula Rosset.Levi went out of his car first, his brow cocked at me when he saw me smirked. Sinara ko ang pinto ng kotse ko saka ko tinaas ang ulo ko habang nakangisi sa kanya."How's your sleep? You were like sleeping beauty last week." Alaska ko na kinaigting ng kanyang panga."You're lucky my wife was on her red days when you came over. Kung hindi lang baka sayo at sa magaling mong anak ko naitarak ang lahat wolfabanes na tinatago ng asawa ko."I chuckled in a teasing way before I sighed. "Let's just admit it. You're the underdog in your relationship."Umismid siya at tiniklop ang braso sa tapat ng kanyang dibdib. "And you
Epilogue"Darling, hindi ba masyado naman yatang enggrande 'to? Baka masyadong malaki ang gastusin mo." Kunot-noo niyang sabi habang tinitignan ang listahan ng mga kakailanganin para sa kasal.I can't help but smile. Masyado niya talagang pinoproblema ang pera. Shantal is really a practical wife material. Ayaw niya ng masyadong magastos. She's business minded at gusto niyang palaging nakaplano ang mga pinaggagamitan ng pera. No doubt why Olympus is a success.But there's no way I'll just give her a cheap wedding. I want to make sure our marriage is something she'll never forget. I'll make every second of our lives together memorable. I'll start with our wedding day. I want her big day be the best one that every girl will get jealous to. She deserves all the best
Chapter • Thirty OneHindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ang pagbagsak ni Jace sa harap ko. Ang sigaw at pagtawag nina Hank sa pangalan niya ang tangi kong narinig. Para bang pati ang pagtibok ng puso ko ay bigla na lamang tumigil."Kyran! Get King Bjourne!" Sigaw ni Baron kay Kyran.Nakatulala lamang ako sa kanila habang pilit nilang pinapakiramdaman si Jace. Hindi ko magawang humakbang muli palapit sa kanila. Parang pati ako ay mawawalan na ng malay dahil sa nangyayari. Hindi na kinakaya ng utak ko ito.Sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig ni Baron. Bakas na ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Halos hindi na maipinta ang mukha niya habang nakatapat ang kanyang tenga sa dibdib ni Jace. Ang puti niyang damit ay namantsahan pang lalo dahil sa dugo ni Jace.Mayamaya'y nagsitakbuhan ang ilang kasamahan namin patungo kay Jace. Lahat ay halos manlumo nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Jace. Halos mamu
Chapter • ThirtyI ran as fast as I could. Hindi ko na inintindi ang makapal na luha sa aking mga mata o ang nakakabinging tibok ng aking dibdib. All I can think about right now is to get to Jace before King Karlos do.Ilang hakbang na lamang at mararating na ni King Karlos si Jace ngunit kaagad ko siyang niyakap bago pa man maiangat ni King Karlos ang katana sa ere. Mahigpit kong ipinulupot ang mga braso ko sa katawan ni Jace saka ako mariing pumikit at hinintay ang pagtama ng matalim na bagay sa likod ko.Pero hindi iyon nangyari...Nakaramdam ako ng kakaibang katahimikan. Tila biglang binalot ng matinding tensyon ang paligid na ni isa ay natakot na gumawa ng kahit na anong pagkilos. Even Jace didn't move.
Chapter • Twenty NineSomeone's POV"Fuck. Fuck. Fuck!"Sunod-sunod ang malulutong na murang lumabas mula sa bibig ni Layco habang binabarurot niya ang kanyang sasakyan patungo ng Camelot. He already had a bad feeling about this the moment Hank called him. Mula nang malaman niya ang pagsugod ni Xander sa distrito ni King Karlos, alam na niyang mauuwi sa hindi maganda ang lahat.He dialled Levi's number as soon as he reached the boundary of Brenther and Crescent. Titigil muna siya roon para hingiin ang tulong ni Alpha Pierre."The short-tempered son of a bitch just declared war while his wolf is dying." Inis niyang sabi bago pa man makapagsalita si Levi.
Chapter • Twenty EightMahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ko habang tahimik akong humihikbi. Nakaupo kaming dalawa ni Klaus sa likod ng sasakyan habang si Jomyl at ang ama nina Kiara ay nasa harap. Ang pinuno ng Camelot ang siyang may hawak sa manibela. Walang ibang ingay na maririnig sa saradong sasakyan kun'di ang impit kong iyak at ang ingay na nagmumula sa aircon ng kotse.Ramdam ko ang panay na sulyap sa akin ni Jomyl. Dinig na dinig sa saradong sasakyan ang kanyang malalalim na hininga. He's blaming himself, I can feel it. Ayaw kong ganoon ang maramdaman niya kaya kaagad kong pinalis ang luha sa aking mga pisngi bago ako humugot ng malalim na hininga. I need to be strong for Jace and his people. I owe this to them. Hindi naman sila malalagay sa alangani kung hindi ako tangang padalos-dalos ng mga na
Chapter • Twenty SevenI never knew what sacrifice really means until this day came... The day when I have to make a choice for myself, for Jace, and for the rest of his people.Hinilot ko ang aking sintido habang nasa byahe patungong Camelot. I have to admit. Hindi madali itong gagawin ko. Umalis kami ni Jomyl kahit na hindi alam ni Jace ang naging pasya ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Sinubukan akong pigilan ni Pearce pero buo na ang desisyon ko. There is a bigger picture that I need to consider. Hindi na lamang ito tungkol sa akin at kay Jace.Noong una ay nagdalawang-isip pa ako pero pagkatapos kong malaman ang mas malaking problema, naging buo na ang pasya kong magtungo ng Camelot.
Chapter • Twenty SixMahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jace habang chinicheck siya ng doktor. Walang umiimik sa mga kasama namin sa pribadong silid. Tila ang lahat ay nakaabang din sa sasabihin ng doktor.Obviously, the doktor is not just a typical doctor I know. May kakaiba siyang paraan sa pagsuri kay Jace.Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito bago bumaling sa seryosong si Pearce. "This is a big problem, Alpha. His wolf is dying."Nagsalubong ang kilay ni Pearce dahil sa narinig. "Dying? Pa'nong nangyari 'yon?" Puno ng pagtataka nitong tanong.Itinupi ng lalakeng doktor ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib saka niya seryosong tinign
Chapter • Twenty FiveDamang-dama ko ang matinding problemang kinakaharap ni Jace sa mga oras na ito. Ilang beses na siyang nagpakawala ng malalalim na hininga habang pabalik-balik na naglalakad sa sala.Mayamaya'y pumasok sa loob ng mansyon ang isang lalakeng may mahawk na istilo ng buhok, matangkad at may katamtamang kulay ng kutis, malaking pangangatawan ngunit may napakaamong mukha."Ramiel..." Ani Jace nang makita ang lalake."Alpha, wala talaga. We did everything but we can't trace the giver." Tila bigo nitong pahayag.Naihilamos ni Jace ang kanyang palad sa kanyang mukha saka siya napasabunot sa kanyang buhok. Marahas na naman siyang napabunto