Share

Chapter 2

Author: Melvz Veloso
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Best! I miss you!"

Malapad ang ngiti at sinalubong ko ng yakap si Ella. Gumanti siya ng yakap na halos hindi na ako makahinga. Magkaiba kami ng kurso na kinuha. IT ako samantala Business Add naman sa kanya kaya bihira na lang kami magkita dahil busy kami pareho at hindi pareho ang class hour namin.

"Miss you too. Tama na ang yakap hindi ako makahinga," natatawa na saad ko.

"Ano oras next subject mo?" Tanong niya.

"2 pm pa."

"Same," umangkla siya sa braso. "Ano? Sa Torres tayo?"

"Hoy! Wala akong pera pang burger," agad na sambit ko.

"Libre ko na. Miss na kita e," naglalambing na saad niya kaya natawa ako.

Para siyang bata na tuwang-tuwa nang um-oo ako. Parang magkapatid na kami ni Ella na hindi mapaghiwalay, siya lang ang naging close friend ko simula noon hanggang ngayon dahil nahihiya akong makipagkaibigan. Siya lang ang nagtiyaga na kaibiganin ako at hanggang ngayon hindi kami mapaghiwalay dalawa. Nang malaman niya na nangyari sa mga magulang ko hindi siya nagdalawang-isip na samahan ako magluksa. Hindi siya umalis sa tabi ko. Kahit nandito na ako kay Tita nakatira ay gumagawa parin siya ng paraan para puntahan ako dito. Ayaw siyang papasukin ni Tita sa bahay. Ayaw niyang makipag-usap at magkita kami Ella kaya patago niya akong dinadalaw sa bahay at dalhan ako ng pagkain.

"Anong nangyari d'yan sa braso mo? Bakit may pasa ka? Si Tita Fely ba gumawa niyan?" Galit na tanong ni Ella at tinuro ang braso ko na may pasa.

" Ayos lang ako best. Maliit na pasa lang yan. "

" Matagal ka na ba niyang sinasaktan? "Tumango ako sa kanya." Bakit hindi mo sinasabi sa akin?! " Galit na singhal niya." Akala ko ba best friend tayo? Akala ko ba walang secret?"

" Sorry best, " I pouted." Hindi na mauulit. No more secret na."

" Sa bahay ka na lang tumira sabihan ko si mama. "

"Hindi pwede. Sa kanya ako binilin ni mama. "

" Sinasaktan ka naman. Hindi matutuwa sina Tito at Tita niyang best."

" Hindi naman siguro alam nila Mama na marahas si Tita. Kasi kung alam nila hindi nila ako iiwan at ipagkatiwala kay Tita. "

Sana nga walang mabigat na rason ang mga magulang ko kung bakit kay Tita Fely nila ako iniwan. May kapatid naman si Papa na malapit din sa amin pwede naman ako doon pero bakit kay Tita Fely? Hindi ko nga matandaan kung nakapunta siya sa bahay namin. Hindi ko rin matandaan na minsan siyang kinausap ni mama. Pero, ayos lang tanggap ko ang sitwasyon ko kay Tita siguro ito na yong kabayaran ko sa pagkamatay ng mga magulang ko na ako ang may kasalanan.

"Basta ha, kapag kailangan mo ng malapitan tandaan mo may best friend kang maganda!"

"Oo na. Kulit. See you again. Love you. "

" Love you too. Mag ingat ka. "

Ang swerte ko at may Ella ako na kaibigan. Kapag dumating ang araw na mawala siya sa akin, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Siya lang ang mayroon ako. Siya lang ang pamilya ko.

Pagkatapos ng klase ay dumiritso ako sa computer shop para mag print dahil maraming tao matagal akong natapos. Pagdating ko sa bahay sampal agad ni Tita ang sumalubong sa akin. Ano pa nga ba ang bago? Lagi naman ganito.

"IBALIK MO ANG PERA KO!!" Isang sampal ulit, pakiramdam ko namanhid ang buong mukha ko. "PINATIRA KITA DITO. PINAKAIN. BINIHISAN TAPOS ITO ANF GAGAWIN MO SA AKIN? ANG PAGNAKAWAN AKO?! HA?! WALANG-HIYA KA! IBALIK MO ANG PERA KO!"

Parang lantang gulay ako pasalampak sa sahig ng bigyan niya ako ng isang malakas ng sampal. Nalasahan ko pa ang dugo sa labi ko ngunit pinilit kong huwag umiyak. Ayoko umiyak sa harapan niya at baka panibagong sampal na naman ang matanggap ko.

"Hindi ko ho ninakaw ang pera niyo Tita," nahihirapan na saad ko. " Nilagay ko sa drawer kasi nakita ko po sa lamesa kanina. Wala ho akong kinuha doon."

Napaigik ako sa aking isipan ng sipain niya ang paa ko. "TANGA! ALAM MO NAMAN NA GAGAMITIN KO ANG PERA NILAGAY KO PA SA DRAWER. BAKIT HINDI MO NALANG INABOT IYON SA AKIN! TANGA! INUTIL! "

Gusto kong sagutin si Tita ngunit wala akong lakas para sa panibagong pananakit niya. Ako na nga itong nagmalasakit ako pa ang naging masama. Pwede naman niya ako tanungin ng maayos at walang sampal na kaganapan. Pero dahil si Tita Fely siya at ako si Janice na kinamuhian niya lahat sa akin na nakikita niya ay mali at siya ang tama. May pag-asa pa kaya na magbago si Tita? Kahit nahihilo dahil sa mga sampal na natanggap kay Tita ay pinilit kong tumayo at umupo sa sofa. Hanggang kailan ko pa ito dadanasin? May tatlong taon pa bago ako makapagtapos sa koleheyo. Tatlong taon ko pa pala itong iindahin. Tumayo ako at paika-ika na pumunta sa kusina.

I sigh. "Walang stock. Ma bawasan na naman ang allowance ko."

No choice ako kundi bumili ng pagkain dahil wala na kaming stock na pagkain. Nagbihis muna ako at walang paalam kay Tita na lumabas ng bahay. Dumiritso na ako sa convenience store at bumili ng cup noodles at toasted bread, ito lang ang kaya ng budget ko at gabi na rin wala ng karenderya na bukas. Tahimik kung inubos ang kinakain ko at naglakad pauwi. Alas diyes na ng gabi, tahimik na ang daan na binabagtas ko pauwi sa bahay nang makadaan ako sa maliit na tulay napahinto ako. Dahan-dahan akong umakyat at tumayo sa rehas nito. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at hinanap ang malaking bituin.

"Ma, Pa. Maging masaya ba kayo kapag sumunod ako sa inyo? Hirap na hirap na ako Ma, Pa. Sa bawat araw na bumabangon ako lalo ko kayong namimiss. Gusto ko na kayo makasama," saad ko na nakatingala sa malaking bituin. "Pero nangako ako sa inyo na magtatapos ako ng koleheyo kahit wala na kayo tutuparin ko parin ang mga pangako ko sa inyo. Alam ko nandito kayo lagi sa tabi ko, binabantayan ako. I love you Ma, Pa. Miss na miss ko na kayo."

Hinayaan kong tuyoin ng hangin ang mga luha sa pisngi ko. Nakatingin lang ako sa malaking bituin at iniisip na mga magulang ko iyan. Miss ko na si Mama, ang pag-alaga niya. Ang pag-asikaso sa akin kahit malaki na ako. Miss ko na ang pangunsinti ni Papa sa akin. Ang singing bonding namin. Miss ko na ang pamilya ko. Ang pamilya na winasak ko. I'm sorry Ma, Pa. Kung dahil sa akin kaya kayo nawala ng maaga. Hanggang alaala nalang ang lahat dahil maaga ko iyon winakasan. I'm sorry.

"Ang sarap mabuhay kaya't huwag mong kitilin ang iyong buhay.

Ito'y hiram lamang sa diyos kaya't mag-hunos-dili ka. "

Muntik na akong madulas sa gulat ng may nagsalita sa likuran ko. Dahil madilim hindi ko klaro ang kanyang mukha, naglakad siya papunta sa aking tabi at tumingin sa madilim sa ilog.

" Ang pagkitil ng buhay ay isang malaking kasalanan. "

Inis na tumalon ako pababa." Hindi ako magpakamatay. "

Mula sa ilaw ng sasakyan na dumaan nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng bumaling sa akin.

"Ha? Hindi ko naman sinabi."

"Hindi mo sinabi sa akin ng direkta pero ipinapahiwatig mo naman sa iyong mga salita. "

" Ah. Asyumera mo naman te. Nagpa-practice mo ako ng tula. "

" E, bakit sa tapat ko pa? Ha!? "

" Sensya na. Hindi kita nakita e. "

Sa inis at pagkahiya ay padabog ko siyang tinalikuran. Pahiya ka self! Uso naman magtanong. Bakit kasi doon pa sa tabi ko siya nagsalita? Pwede naman sa bahay mag practice. Kainis.

"Miss, teka may na iwan ka."

Kunot noo ko siyang nilingon. "Wala akong dala kaya wala akong naiwan."

"Meron."

"Ano!"

"Ako. Naiwan mo ako."

Halos ma laglag ang panga ko sa sinabi niya. Mahaba ang pasensya ko pero sa lalaki na'to na feeling close ubos na ang pasensya ko. Sa inis ay hinubad ko ang aking tsinelas at binato sa kanya.

"Tigilan mo ako h*******k ka! Nanggigigil ako sayo!" Singhal ko at inis na umuwi sa bahay. Ang gago tumawa pa.

Kaugnay na kabanata

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 3

    Noong nagpa ulan ng kamalasan ang kalangitan sinalo ko yata ang lahat. Sa sitwasyon ng buhay ko minsan gusto ko ng mamatay. Sa tuwing pinagmalupitan ako ni Tita hinihiling ko na lang na sana mamatay ako sa mga bogbog at palo niya. Ngunit nanaig sa akin ang kursohidad na alamin kung saan nanggaling ang galit ni Tita."Hoy! Hala! Bumaba ka nga d'yan!" Inis na nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig. Ano bang problema niya at nangi-alam ng trip sa buhay nang may buhay? "Bumaba ka nga d'yan! Nakakatakot yang trip mo. Bakit umakyat ka na naman d'yan?"Bakas sa boses nito ang kaba at pag-alala. Hindi ko siya pinakinggan. Imbis na bumaba ay umupo ako sa bakal sa railings ng tulay. Gusto ko lang naman mapag-isa at mag drama bakit may asungot na sumulpot."Hoy! Buma-,""Hindi ako magpakamatay kung iyan ang iniisip mo," kaswal na saad ko. Hindi siya nilingon at pinagmasdan ko lang ang bilog at maliwanag na buwan."Ano ba kasi ang ginagawa mo d'yan? Nakakatakot ka. Paano kung may masamang elem

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 4

    Ano kaya ang tinira non at nagkagusto siya sa akin? Seryoso? Sa akin talaga? Duling ba siya? Tingnan ko nga ulit ng maayos ang mata niya baka ako yata ang duling. I heard a lot of compliments about me before but, before yon, hindi na ngayon, nagbabago ang mukha ng isang tao lalo na at stress at walang happiness sa buhay. "Sabay tayo mag lunch mamaya.""Ay! Santisima! Bakit nanggugulat ka?"Parang na laglag ang puso ko sa gulat. Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala siya. Paano kung may sakit ako sa puso,edi patay agad ako. Ayoko mamatay na virgin no."At bakit sasabay kang mag lunch sakin?" Masungit na saad ko, nakataas pa ang isang kilay para approve ang pagiging maldita ko."Syempre, nanliligaw ako. Diba iyon naman ang ginagawa ng manliligaw-,""Stop!" Pigil ko sa kanya ng mapagtanto ko ang sinasabi niya. Hinarap ko siya at umiwas naman siya ng tingin, naiilang, ang lakas niyang magsabi non tapos mailang siya kung harapin ko siya. Gago ba siya?"Manliligaw ka sakin?" Parang aso s

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 5

    Buong gabi ako hindi pinatulog sa sinabi ni Jaxson sa akin kanina. Hindi ako sigurado kung seryoso ba siya sa sinabi niya pero ang kabog ng puso ko hindi ko maintindihan. Hanggang sa makauwi ako ay hindi parin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko. Pinilit kong matulog dahil patay na naman ako kay Tita bukas kapag tinanghali akong gumising. Ngunit kahit anong pilit kong matulog hindi ako makatulog."Arggh!" Inis na bumangon ako sa kama. Shit! Bakit ayaw akong patulogin? Kainis naman e. Anong oras na ba? Ay, sira nga pala ang alarm clock ko. Maingat na lumabas ako sa aking silid at tiningnan wall clock kung anong oras na."Alas diyes na, tulog na siguro si Tita."Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan upang hindi makalikha ng ingay. Sinilip ko muna ang kwarto ni Tita kung tulog na ba ito bago dumaan sa bintana sa kusina. Mabuti nalang at walang aso si Tita, pwede akong makatakas tuwing gabi kung gusto ko. Tahimik na binagtas ko ang maliit na eskenita palabas ng village at dumiritso sa

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 6

    Nang matapos ang school year ay bumalik ako sa Lamiangan kung saan kami nakatira, kasama ko si Tita Fely. Na tanggal sa trabaho si Tita at hindi niya kaya bayaran ang buwanang renta ng bahay niya kasama ang gastosin namin. Balak sana niyang ibenta ang bahay namin ngunit hindi pwede ayon sa abogado na kinausap niya. Kaya kahit labag sa loob niya ay dito kami tumira. Sinagot ko na rin si Jaxson bilang boyfriend ko. Naniwala naman ako kay Ella na wala siyang gusto kay Jaxson. Kaya lang may parte parin sa akin na nasaktan siya noong nalaman niya na ako ang nililigawan ni Jaxson. Nakita ko sa mga mata niya kahit pa sinabi niyang masaya siya para sa amin.Unang gabi sa loob ng sampong buwan, ngayon ko lang naramdaman ang kapayapaan ng dumating ako sa aming bahay. Unang gabi na hindi ako umiyak dahil sa kwarto ako nila mama natulog. Pakiramdam ko, kasama ko parin sila. Pakiramdam ko yakap ko sila. Ngunit ang lahat panandalian lamang dahil mas lalo pang naging marahas si Tita sa akin. Sa tu

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 7

    Naging magkaibigan din kami ni Maris at Sandra hanggang sa naging forth year college na kami. Minsan sumasama din si Jaxson sa amin tuwing tanghalian at hinahatid ako hanggang sa Lamiangan. Naging matatag pa ang relasyon namin. Naging solid pa ang friendship namin ni Ella kasama sina Maris at Sandra. At naging malala ang galit at pananakit sa akin ni Tita.Minsan, naisip ko na magsumbong sa barangay pero mabigat sa loob ko. Hindi makatarungan ang ginagawa ni Tita sa akin pero ang bigat sa loob na magsumbong sa kinaukolan. Paano kung makulong siya? Lalo lang siya magalit sa aking pamilya. Kaunting tiis nalang naman at makalaya na ako. Kaya ko pa.Isang bagay ang tumama sa noo ko pagkapasok ko ng bahay. Nang kapain ko namutla ako ng makita ang dugo sa kamay ko. Ngayon ko lang napagtanto, babasagin na flower vase pala ang itinapon ni Tita sa akin."Ibalik mo ang pera ko!" Halos ma bingi ako sa lakas ng sigaw niya. "Pinakain kita! Nagawa mo pa akong nakawan! Kahit sabihin mong pera iyon g

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 8

    Galing Maynila ang mga pinsan ni Jaxson, kakarating lang daw nila kahapon ayon kay Bray.Sakto ang dating nila dahil baka hindi ma tuloy itong balak namin kung ibang lalaki ang isasama nang mga kaibigan ko.Isa sa mga rason kong bakit minahal ko si Jaxson,dahil kaibigan rin ang turing niya sa mga kaibigan ko."Jaxson,bakit hindi mo sinabi na may mga pinsan ka pala at nagtatago sa siyudad?" namamaktol na saad ni Maris ng makita ang mag pinsan. " Kaya nga.Edi sana matagal na namin itong hinunting," naka-ngusong sigunda naman ni Sanda."Ayos lang sa akin Jaxson,ang mahalaga nandito na pinsan mo,may gagayumahin na ako, "desperadang sagot naman ni Ella." Panginoon,tulungan niyo po ako na bumalik sa tamang pag-iisip ang mga kaibigan ko," umiiyak kunwari na dasal ko.Nahihiya na ngumiti si Sandra sa mag pinsan. Nagbibiro lang kami boys,baka magsi-uwian kayo. Pero pwede rin naman totohanin, " pabebe na dugtong niya. " Oo nga naman pinsan,bakit hindi mo sinabi sa kanila," nagtatampo kunyari n

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 9

    Masaya kaming nagku-kwentuhan habang nag-iinuman.Si Axcel ay naka-akbay kay Sandra.Si Maris na naka hiling ang ulo sa balikat ni Bray.Si Prixcel na ina-alalayan si Ella dahil nahihilo na.At ako,naka upo sa harapan ni Jaxson,naka-hiling ang ulo ko sa kanyang dibdib habang nakayakap siya sa akin."Kailan kaya ito magkalaman," mahinang usal niya habang hinihimas ang flat kong tiyan."Hoy!, Magpakasal muna tayo," natatawang sagot ko at pinatong ang palad ko sa kamay niyang nasa ibabaw nang tiyan ko."Papakasalan naman kita,may laman man iyan o wala."" Alam ko babe,kaya lang iba ang dating sa akin kapag nabuntis ako at hindi pa tayo kasal. At saka hindi pa ako maayos na nagpakilala sa mga magulang mo. Paano kung ayaw-,"Hinalikan niya ako sa labi na nagpahinto sa sasabihin ko."Ang dami mong sinasabi babe," bulong niya at dinilaan ang punong tainga ko na ikina-tindig nang balahibo ko. "Naintindihan ko naman." "Hatid ko muna si Ella sa tent nahihilo na," paalam ni Prixcel at inilalayan na

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 10

    Sa lakas ng suntok niya hindi na ako nakagalaw upang protektahan ang sarili ko. At sa isang iglap hubo't hubad na ako.Kahit gusto ko manlaban ay hindi ko na kaya. Wala na akong lakas. Nanghihina ako.Nandidiri ako sa bawat haplos niya sa katawan ko.Tahimik akong umiiyak at nananalangin na sana ay may tutulong akin."Huwag, please.Tama na," pagmamaka-awa ko ngunit ang lalaki sa ibabaw ko ay bingi.Hanggang sa nagtagumpay siya sa kanyang nais sa akin.Napahagulhol ako.Galit ako sa sarili ko dahil napakahina ko.Gusto kong manlaban ngunit heto ako mahina at wala nang lakas upang lumaban sa taong walang awa na binababoy ako.Nanigas siya sa ibabaw ko,nang makaraos siya."Hayop ka!Napakahayop mo!" nanghihina na sigaw ko.Walang salita akong narinig sa kanya.Hanggang sa narinig ko na tinatawag ang pangalan ko.Hindi ko magawang sumaya dahil huli na ang lahat,nagtagumpay na ang hayop na na ito sa balak niya.Dali-daling tumayo ang lalaki at inayos ang sarili niya.Sinuot niya rin ang mga damit ko

Pinakabagong kabanata

  • Mapaglarong Tadhana    Epilogue

    "Sa farm ba tayo?" Tanong ko nang doon ang daan na tinatahak niya."Yeah. Pero hindi doon sa bahay. Malaman mo mamaya."Tahimik lang ako na naka-upo. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngunit hindi ko masabi. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Kahit may aircon pakiramdam ko namamawis ako."Bad memories."Nagtataka na nilingon ko siya. Huminto ang kanyang sasakyan . Kumunot ang noo ko pagtingin ko sa buong paligid. Bakit kami nandito? Anong gagawin namin dito? Hinawakan ko ang kamay niya nang umiba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi parin ba siya naka move on tungkol dito?"Nilinis ko ang buong paligid. . Ang plano ko, gawin itong farm na pwedeng dayuhan. Malawak naman itong lupain kaya pwede rito ang iba't ibang pananim. At doon," turo niya sa pinakagitna. " Doon natin itatayo ang mansyon natin.""Gusto ko ang plano mo. Huwag kang mag-alala tutulungan kita. . Pero hindi ko gusto ang mansyon.""Pwede bang malaman kung bakit?"I sigh. " Kapag malaki ang bahay pakiramdam ko ang layo

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 40

    Hindi parin ako makapaniwala na isa na akong Mrs. Montefalco. Mabilis lang ang ginawang seremonya ng judge na tito pala ni Javier. Nagulat pa ito ngunit hindi na nag atubiling magtanong at sinimulan ang seremonya upang maging ganap na mag-asawa na kaming dalawa ni Javier.Nakita ko kung gaano siya ka saya habang hawak ang kamay ko na nanunumpa sa harap ng judge. Kung paano pumatak ang kanyang luha nang halikan ako. Hanggang sa palabas kami ng munisipyo hindi ma palis ang ngiti sa labi niya.We decided to eat dinner but they refuse.Nagmadali na umalis si Artemis dahil may naghihintay raw sa kanya. Ang kanyang tito naman ay may importante ring gagawin kaya nagpasya nalang kaming umuwi at sa bahay kumain ng dinner."I love you," he said and kissed the back of my hand."Love you too. Pero bitawan mo muna kamay ko, nagmamaneho ka," natatawa na saad ko dahil hindi niya parin binibitawan iyon."I can drive with one hand, wife."Parang kinikiliti ang puso ko. Finally, I am his wife now. Hinay

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 39

    Tumikhim ako nang makabawi sa sensasyong nadarama. Inayos ko ang damit ko at hindi na inabalang i-lock ang hook ng bra ko." S-si Isabella.""Yeah," saad niya sa paos na boses. "Matulog ka na,ako na ang bahala sa kanya," dugtong nito. "But,your. .hard."Kanda lunok na sambit ko nang maramdaman ko ang matikas na bagay na sumusundot sa puson ko.He chuckled. " Yeah. Pero nagugutom na ang prinsesa," kumalas siya ng yakap sa akin at pinuntahan ang anak ko na patuloy parin sa pag-iyak. "Ayaw niya pa siguro magkaroon ng kapatid."Namula ang pisngi ko. Naalala ko ang kababalaghan na ginawa namin at hanggang ngayon ramdam ko parin ang kanyang kamay na humahaplos sa katawan ko at ang paglamas niya sa dibdib ko. Shit! Ramdam ko ang basa sa pagitan ko. Hindi ko siya sinagot at mabilis na nagtungo sa cr upang maligo.Walang salita na tiningnan ako ni Javier nang makita akong naka roba at basa ang buhok. Karga na niya si Isabella at pinapatulog ito muli."Ako na magpatulog sa kanya. Kanina ka pa n

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 38

    Nang maka-uwi kami dumiritso agad ako sa kwarto upang basahin ang liham ni Ella. At halos gumuho ako sa aking nabasa.All this time ako parin ang iniisip niya. Kapakanan ko parin ang inuna niya. Paano. .paano niya nakayanan ang lahat ng iyon? Hindi ko man lang siya nadamayan. Hindi ko man lang siya nasamahan sa mga araw na nahihirapan siya. Anong klaseng kaibigan ako? Sana nag contact ako sa kanya noong nasa farm ako ni Javier. Sana, kahit sa kanya man lang ako nag contact, sana alam ko ang kalagayan niya. Sana nakita at nayakap ko pa siya. Sana nagka-usap pa kami."Wife."Bakas sa mukha nito ang pag-alala nang makita akong umiiyak yakap ang sulat ni Ella. Napahagulhol ako nang yakapin niya ako. Nangsisisi ako kung bakit pinairal ko ang pride ko na huwag silang kausapin. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na isa naman ang mahal ko sa buhay ang mawala. Kumalas ako ng yakap sa kanya at dinampot ang cellphone ko."Jaxson," humikbi na sambit ko nang sagotin niya ang tawag. "Gusto ko makausap si

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 37

    Wala ako masyadong alam tungkol sa mga kapatid ni mama. Bukod sa watak-watak sila si Tita Fely lang ang malapit sa amin. Hindi ito lumayo katulad ng ibang kapatid ni mama na nasa Maynila lahat.Hindi rin nagkwento si mama tungkol kay Tita, doon ko lang rin siya nakita noong sa kanya ako binilin ni mama nang mawala sila. Kaya wala akong alam kung bakit ganito ang pinagdaanan nilang magkapatid. "Kasamahan ko sa trabaho ang papa mo. May lihim na pagtingin ako sa kanya," nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi na ako nagsalita at nakinig nalang sa kanya." Nang makita siya ni Floida. .hindi ko alam kung ano ang nangyari basta isang araw nakisuyo sakin ang mama mo. .may binigay siyang Tupperware na may laman ng pagkain at sabi ibigay ko raw iyon kay Alfred. Sinunod ko kasi ate siya. At na sundan pa ng ilang beses na halos araw-araw na niyang ginagawa. Iyon pala may gusto rin siya kay Alfred. "Tumigil siya saglit at pumikit, parang inaalala ang mga nangyari na para bang kahapon lang ito n

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 36

    "Parang bad mood yata si brother ngayon. Anong nangyari kagabi?"Napatingin ako sa hagdan at pinasadahan ng tingin si Javier habang naglalakad ito pababa. Tumaas ang sulok ng labi ko nang makitang naka kunot ang noo nito at hindi maipinta ang mukha. Mukhang tama nga ang sinabi ni Enrico, bad mood nga siya."Huwag mo ng asarin baka ma lumpo ka ng tuluyan," babala ko rito dahil balak yata na asarin ang kuya. Dumistansya siya sa akin ng tumingin sa aming gawi si Javier. Nanlaki ang mata ko ng irapan niya ako at dumiritso sa kusina."Nakita mo yong ginawa ng kuya mo?"Tumango si Enrico at bakas rin sa kanyang mukha na nagulat sa inasta ng kuya niya. Anong nangyari doon?"Ano ba nangyari sa inyo kagabi?"Kumunot ang noo ko. " Wala naman. Nag usap lang naman kami at-," saglit akong napatigil sa pagsalita nang maalala ang nangyari kagabi."Hindi ko kasi siya sinagot nang sabihan niya ako nang I love you," nakanguso na saad ko."What?" Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. " At baki

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 35

    Pinuproseso ko parin ang huling sinabi nang Don. Nakatanga lang ako sa kanya at hindi makasagot. Ano ba ang isasagot ko? Hindi pa namin ito napag-usapan ni Javier at hindi ko pa na ayos ang dapat kung ayosin. Magsalita na sana ako nang unahan ako ni Javier."Pwede ka naman niyang tawagin na daddy, dad. Pwede naman siguro na unahin ka niyang tawagin na daddy bago ko siya pakasalan, " bumaling siya sa akin at kinindatan ako." Ayos lang ba sa'yo, misis ko? " Bulong nito na ikina-pula ng pisngi ko. "Wooahh!""Yon ohh!"Kantiyaw ng dalawang kapatid. Si Don Emmanuel ay hindi mapalis ang ngiti sa labi."Hintayin ko muna na makalakad si Isabella, gawin ko siyang flower girl."Hindi ko akalain na ito ang kanyang plano. Kung ako ang masusunod ay iyon din ang gusto ko. At sana maayos muna ang lahat, yong wala ng pag-alala sa t'wing lalabas kami dahil sa takot sa ginawa ni Jaxson. Ang makausap si Tita Fely, dahil kung sakali na papakasalan ako ni Javier si Tita Fely lang ang pamilya na mayroon a

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 34

    Tahimik na nagmamaneho si Javier palabas sa kanilang lupain. Mula ng maka-alis kami ay wala akong narinig na salita mula sa kanya, hindi niya rin ako sinusulyapan. Hindi naman mukhang galit. Hindi rin makitaan ng inis , kaswal lang ang kanyang mukha. Ano kaya ang iniisip niya? "Javier."Hindi niya ako sinagot, kahit sulyap ay wala rin."Javier."Tawag kung muli ngunit nag bingi-bingihan siya at nakatuon lang sa daan ang tingin. Dahil karga ko si Isabella, nilingon ko siya. "Mister," malambing na tawag ko. Umismid siya. "Nayakap mo lang ex mo Javier na itawag mo," nagtatampo na reklamo niya. Napangisi ako." Nagselos ang daddy mo anak, ano kaya ang gagawin ko para ma wala ang selos niya? " Nag-iisip kunyari na saad ko. Umingos siya at bumulong-bulong kaya natawa ako."Sorry," agad siyang bumaling sa akin at binagalan ang pagpatakbo. Ngumiti ako sa kanya. "I love you."Binalik niya sa daan ang tingin. Namumula ang kanyang tainga at leeg. Kinikilig yata siya. Ilang beses pa siyang t

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 33

    Tiim-bagang na bumaba ako sa taxi pagkarating ko sa lugar kung saan sinabi ni Jaxson. Hindi ito ang eksaktong lugar kung saan ako ginahasa ngunit parte parin ito ng lupain ng mga Montefalco. Malinis na ito at wala ng mga tanim kaya kitang-kita kung gaano ka lawak ang lupain. Namuo ang galit sa puso ko nang makita ko si Jaxson na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan habang karga nito si Isabella, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin na narito na ako."Jaxson."Nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya. Galit ako. Nag-alala baka may nangyari sa anak ko. Humarap siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mukha. Binuksan niya ang kanyang sasakyan at nilagay sa loob si Isabella, may suot itong headphone at sa palagay ko ay tulog siya."Akin na ang anak ko," saad ko ngunit hindi siya nakinig nang masara niya ang kotse saka siya humarap sa akin.Sumandal siya sasakyan." Kung hindi ko pa kinuha si Isabella hindi mo ako maalala na tawagan."Napasinghap ako. Wala naman talaga akong

DMCA.com Protection Status