Share

Chapter 6

Author: Melvz Veloso
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Nang matapos ang school year ay bumalik ako sa Lamiangan kung saan kami nakatira, kasama ko si Tita Fely. Na tanggal sa trabaho si Tita at hindi niya kaya bayaran ang buwanang renta ng bahay niya kasama ang gastosin namin. Balak sana niyang ibenta ang bahay namin ngunit hindi pwede ayon sa abogado na kinausap niya. Kaya kahit labag sa loob niya ay dito kami tumira.

Sinagot ko na rin si Jaxson bilang boyfriend ko. Naniwala naman ako kay Ella na wala siyang gusto kay Jaxson. Kaya lang may parte parin sa akin na nasaktan siya noong nalaman niya na ako ang nililigawan ni Jaxson. Nakita ko sa mga mata niya kahit pa sinabi niyang masaya siya para sa amin.

Unang gabi sa loob ng sampong buwan, ngayon ko lang naramdaman ang kapayapaan ng dumating ako sa aming bahay. Unang gabi na hindi ako umiyak dahil sa kwarto ako nila mama natulog. Pakiramdam ko, kasama ko parin sila. Pakiramdam ko yakap ko sila. Ngunit ang lahat panandalian lamang dahil mas lalo pang naging marahas si Tita sa akin. Sa tuwing uuwi siya galing sa bayan sa akin niya binubunton ang galit at pagod na nararamdaman niya. Sa tuwing pa ubos na ang aming imbak na bigas kulang nalang lumpohin niya ako para may lumabas na bigas sa katawan ko.

Ang hirap. Subra na. Pero hindi ko magawang sumagot o maglabas ng hinaing sa kanya. Ini-intindi ko na lang kasi baka nga pagod na siyang pasanin ako. Pagod na siyang mag hanap-buhay para lang may makain kami. Mabuti nalang at may nilaan na pera ang mga magulang ko sa pag-aaral ko bago sila namatay kasi kung wala, hindi ko alam kung magkapag-aral pa ba ako. Kaya kahit anong pananakit ni Tita sa akin ay ini-inda ko. Kasi sa kanya ko inaasa ang araw-araw na pangkain ko.

"Maki-usap ka sa abogado na ibenta mo yong maliit ninyo na sakahan."

Natigil ako sa aking ginagawa sa sinabi ni Tita. May kalahating ektarya na lupain ang mga magulang ko sakop nitong bahay na tinitirhan namin. Sa pagkaka-alam ko isang titulo lang ito kapag binenta ko at pumayag ang abogado saan kami titira kung ganon?

"Pero Tita, ito lang po ang iniwan sa akin nina mama."

Masama siyang tumingin sa akin. "E, ano ang gusto mo? Ang mamatay sa pagod ang katawan ko sa paghahanap ng trabaho para lang may ipa-kain ako sayo?! " Singhal nito.

" H-hindi h-ho sa g-ganon T-tita. Kasi baka p-pati itong b-bahay kunin sa atin. Isa lang ang titulo nitong lupa Tita. "

" Maki-usap ka sa abogado kung ano dapat gawin. Pagod na ako kakahanap ng pera may madaling sulosyon naman. Yong walang kwenta mong nanay, namatay na nga may responsibilad pang iniwan sa akin. Ano ipakain ko sayo? Wala namang pera na iniwan yon para sa ilang taon na ipakain ko sayo!"

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng talikuran ako ni Tita. Tama naman siya. Bukod sa lupaing pamana at fully paid na bayarin sa koleheyo ay wala ng ibang iniwan na pera ang mga magulang ko. Ang hindi ko lang matanggap ay tawagin niyang walang kwenta si mama. Magkapatid sila. Ate niya si mama. Pero kung pangalanan niya ito tila ba isang masamang tao si mama na may napakalaking atraso sa kanya. Kaunting intindi pa Janice, pasaan ba't matapos rin ang lahat.

"Tita, maghahanap po ako ng trabaho sa bayan, kahit part time lang."

"Maghahanap ka ng trabaho?" Hindi makapaniwala na tanong niya. Binato niya sa akin ang baso na hawak niya ng tumango ako." Hindi ka nga magkanda-uga dito sa gawaing bahay tapos maghahanap ka ng trabaho? Paano kung magkasakit ka? Palamunin ka na nga mag dagdag ka pa ng bagong alalahanin! "

Gusto ko siyang sagutin. Mag gusto ko pang magkasakit sa pagtrabaho kaysa masaktan sa mga kamay niya mismo. Kaya gusto kong mag trabaho para kahit papano ay makatulong ako sa kanya pero naging masama pa. Hindi na ako nagpumilit na maghanap ng trabaho, hindi rin naman ako papayagan.

Nagpasalamat ako at balik eskwela na, kahit papano makapag-pahinga ako sa pagmamalupit ni Tita. Hindi natuloy ang pag benta ng lupain namin ngunit naka sangla. Mabuti na yon, darating ang araw mababawi ko rin iyon.

"Ayoko pa umuwi. Kung pwede na nga lang na hindi umuwi ginawa ko na."

Sinabi ko kay Jaxson ang nangyayari sa akin sa poder ni Tita. Gusto niyang ilayo ako doon pero wala rin siyang magawa dahil umaasa rin siya sa mga magulang niya. Awang-awa siya sa akin pero wala siyang magawa kundi ang damayan ako at manatili sa tabi ko.

"Anniversary na natin sa makalawa. Saan mo gusto mag celebrate?" Tanong ni Jaxson.

Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang, sunod siya ng sunod sa akin. Parang kahapon lang, na umamin siya na gusto niya ako. At sa makalawa mag celebrate na kami ng Anniversary. Ang bilis lumipas ng araw. Isang taon ko na ulit nalagpasan ang lahat ng hirap sa mapag-malupet kong Tita. Isang taon na lang, makalaya na ako. Isang taon na lang Ma, Pa matupad ko na ang pangarap ko sa inyo.

"Kahit saan, basta kasama kita. Gagawa ako ng paraan para magpa-alam kay Tita, friday naman yon."

Tulad ng sinabi ko, kahit natatakot sa maaring gawin ni Tita ay naglakas loob akong nagpa-alam sa kanya.

"Tita, magpapa-alam sana ako," kunot ang kanyang noo na bumaling sa akin. Nanginginig ang kamay ko ngunit kailangan kong subukan. "May group project ho kasi kami ngayon at baka gabihin ako, p-pwede ho ba na doon a-ako m-matulog sa b-bahay ng kaklase ko?"

"Kung para sa pag-aaral mo,Janice. Huwag ka lang umuwi dito na may masamang nangyari sayo. Dahil hindi kita tatanggapin. "

" Promise po Tita. Uuwi ho agad ako bukas. "

Kahit hindi direkta na sinabi ni Tita na mag-ingat ako,masaya ako kasi sa kabila ng mga ginawa niya sa akin ay nag-alala pala siya na baka may mangyari na masama sa akin. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ko hanggang makarating sa University.

Hindi ko alam kung saan o anong plano ni Jaxson ngayon, basta sapat na sa akin na magkasama kaming dalawa sa araw ng Anniversary namin. Wala akong cellphone kaya ng matapos ang klase ko ay hinintay ko siya sa tapat ng gate.

"Besty!"

Yumakap ako kay Ella ng makalapit siya sa akin. Na miss ko siya. Na miss ko na ang bonding namin dalawa ngunit pareho kaming busy kaya bihira nalang kami mag kita.

"Hi babe. Kanina ka pa?" Tanong ni Jaxson ng makalapit siya sa amin ni Ella at humalik sa noo ko.

"Hindi naman," bumaling ako kay Ella. "Best, una na kami. Anniversary kasi namin ngayon."

Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. " Dalaga na talaga ang best friend ko. Congrats. Happy anniversary sa inyong dalawa."

"Thank you, best."

Nagpa-alam siya sa amin ng tawagin siya ni Maris at Sandra mga kaklase niya.

"Happy anniversary," Jaxson greeted me.

"Happy anniversary din," kumapit ako sa kanyang braso at sabay na naglakad papuntang sakayan. "Akalain mo yon, isang taon mo na akong tinitiis."

"Mahal kita e."

Tumawa lang ako dahil kinikilig ako. Sumakay kami sa jeep papunta sa village kung saan kami nakatira dati. Na miss niya raw tumambay sa tulay. Bumili muna kami ng pagkain sa convenience store at naglakad patungo sa tulay.

"Dumadaan ka parin ba dito kahit wala na ako?" I asked him.

Naglatag siya ng papel bago ako pina-upo. "Oo. Minsan lang. Tuwing weekend. Na mi-miss kita e."

" Hindi pala ako uuwi ngayon sa bahay. "

" Ha? Bakit? Saan ka kung hindi ka pala uuwi? "

" May murang lodging house doon sa kabilang kanto doon nalang ako magpalipas ng gabi. Nagpa-alam na ako kay Tita, pumayag siya. "

" Gusto mo samahan kita? Promise, hanggang sa makatulog ka lang. "

Ngunit ang kanyang pangako ay hindi natupad. Sa malamig at tahimik na gabi sumiklab ang init ng aming nararamdaman. Sa isang maling galaw humatong kami sa ibabaw ng kama,parehong walang saplot at pinapaligaya ang isa't isa. Alam kong mali. Alam ko hindi tama ngunit hindi namin napigilan ang bugso ng init ng katawan.

"Papakasalan kita. Hindi kita iiwan. Pangako. I love you. "

" I love you. Happy anniversary. "

Wala akong regalo. Kaya iyon nalang ang regalong binigay ko. Mama, patawad. Hindi na ako berhin.

Kaugnay na kabanata

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 7

    Naging magkaibigan din kami ni Maris at Sandra hanggang sa naging forth year college na kami. Minsan sumasama din si Jaxson sa amin tuwing tanghalian at hinahatid ako hanggang sa Lamiangan. Naging matatag pa ang relasyon namin. Naging solid pa ang friendship namin ni Ella kasama sina Maris at Sandra. At naging malala ang galit at pananakit sa akin ni Tita.Minsan, naisip ko na magsumbong sa barangay pero mabigat sa loob ko. Hindi makatarungan ang ginagawa ni Tita sa akin pero ang bigat sa loob na magsumbong sa kinaukolan. Paano kung makulong siya? Lalo lang siya magalit sa aking pamilya. Kaunting tiis nalang naman at makalaya na ako. Kaya ko pa.Isang bagay ang tumama sa noo ko pagkapasok ko ng bahay. Nang kapain ko namutla ako ng makita ang dugo sa kamay ko. Ngayon ko lang napagtanto, babasagin na flower vase pala ang itinapon ni Tita sa akin."Ibalik mo ang pera ko!" Halos ma bingi ako sa lakas ng sigaw niya. "Pinakain kita! Nagawa mo pa akong nakawan! Kahit sabihin mong pera iyon g

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 8

    Galing Maynila ang mga pinsan ni Jaxson, kakarating lang daw nila kahapon ayon kay Bray.Sakto ang dating nila dahil baka hindi ma tuloy itong balak namin kung ibang lalaki ang isasama nang mga kaibigan ko.Isa sa mga rason kong bakit minahal ko si Jaxson,dahil kaibigan rin ang turing niya sa mga kaibigan ko."Jaxson,bakit hindi mo sinabi na may mga pinsan ka pala at nagtatago sa siyudad?" namamaktol na saad ni Maris ng makita ang mag pinsan. " Kaya nga.Edi sana matagal na namin itong hinunting," naka-ngusong sigunda naman ni Sanda."Ayos lang sa akin Jaxson,ang mahalaga nandito na pinsan mo,may gagayumahin na ako, "desperadang sagot naman ni Ella." Panginoon,tulungan niyo po ako na bumalik sa tamang pag-iisip ang mga kaibigan ko," umiiyak kunwari na dasal ko.Nahihiya na ngumiti si Sandra sa mag pinsan. Nagbibiro lang kami boys,baka magsi-uwian kayo. Pero pwede rin naman totohanin, " pabebe na dugtong niya. " Oo nga naman pinsan,bakit hindi mo sinabi sa kanila," nagtatampo kunyari n

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 9

    Masaya kaming nagku-kwentuhan habang nag-iinuman.Si Axcel ay naka-akbay kay Sandra.Si Maris na naka hiling ang ulo sa balikat ni Bray.Si Prixcel na ina-alalayan si Ella dahil nahihilo na.At ako,naka upo sa harapan ni Jaxson,naka-hiling ang ulo ko sa kanyang dibdib habang nakayakap siya sa akin."Kailan kaya ito magkalaman," mahinang usal niya habang hinihimas ang flat kong tiyan."Hoy!, Magpakasal muna tayo," natatawang sagot ko at pinatong ang palad ko sa kamay niyang nasa ibabaw nang tiyan ko."Papakasalan naman kita,may laman man iyan o wala."" Alam ko babe,kaya lang iba ang dating sa akin kapag nabuntis ako at hindi pa tayo kasal. At saka hindi pa ako maayos na nagpakilala sa mga magulang mo. Paano kung ayaw-,"Hinalikan niya ako sa labi na nagpahinto sa sasabihin ko."Ang dami mong sinasabi babe," bulong niya at dinilaan ang punong tainga ko na ikina-tindig nang balahibo ko. "Naintindihan ko naman." "Hatid ko muna si Ella sa tent nahihilo na," paalam ni Prixcel at inilalayan na

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 10

    Sa lakas ng suntok niya hindi na ako nakagalaw upang protektahan ang sarili ko. At sa isang iglap hubo't hubad na ako.Kahit gusto ko manlaban ay hindi ko na kaya. Wala na akong lakas. Nanghihina ako.Nandidiri ako sa bawat haplos niya sa katawan ko.Tahimik akong umiiyak at nananalangin na sana ay may tutulong akin."Huwag, please.Tama na," pagmamaka-awa ko ngunit ang lalaki sa ibabaw ko ay bingi.Hanggang sa nagtagumpay siya sa kanyang nais sa akin.Napahagulhol ako.Galit ako sa sarili ko dahil napakahina ko.Gusto kong manlaban ngunit heto ako mahina at wala nang lakas upang lumaban sa taong walang awa na binababoy ako.Nanigas siya sa ibabaw ko,nang makaraos siya."Hayop ka!Napakahayop mo!" nanghihina na sigaw ko.Walang salita akong narinig sa kanya.Hanggang sa narinig ko na tinatawag ang pangalan ko.Hindi ko magawang sumaya dahil huli na ang lahat,nagtagumpay na ang hayop na na ito sa balak niya.Dali-daling tumayo ang lalaki at inayos ang sarili niya.Sinuot niya rin ang mga damit ko

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 11

    Napakurap ako. Hindi makapaniwala sa ginawa sa akin ni Jaxson. Ano ang nangyari? Bakit ganito na ang trato ni Jaxson sa akin? Nasaan na iyong sinabi niya na hindi niya ako kayang saktan? "Anong ginagawa mo dito?May mga mayamang bisita ang mga magulang ko," galit na singhal niya sa akin. "Sana nag text ka man lang na gusto mo akong kausapin."Napasinghap ako." Mag text?E, hindi mo nga sinasagot tawag ko text pa kaya?Isang buwan Jaxson,hindi ka nagparamdam tapos ngayon iyan ang sasabihin mo?""Kung pumunta ka lang dito para kumprontahin ako,mabuti pa ay umuwi kana."Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.Ibang-iba na siya.Hindi siya ang Jaxson na kilala ko,dahil ang Jaxson na kilala ko ay kahit ayaw pa nang mga angkan niya sa akin ay papasukin niya ako sa pamamahay nila."Buntis ako," natigilan siya sa sinabi ko,ngunit nakabawi rin agad."Mabuti umuwi kana. Mahamog. Buntis ka pala," malamig na turan niya sa akin. "Wala kana ba talagang paki-alam sa akin?" emosyonal na tanong ko.Pinip

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 12

    Ang sakit ng ulo ko pati ang kasukasuhan ko, ano ba ang nangyari sa akin? Na bundol ba ako nang sasakyan? Ang huling na alala ko may lalaki na nagbuhat sa akin galing sa isang sasakyan kung saan ako banda na tumba."Mabuti naman iha at gumising ka na."Nakangiti na saad ng isang matandang babae, sa palagay ko nasa singkweta anyos na siya dahil puti na ang ibang kulay ng buhok nito at medyo kulubot ang balat ngunit makikita mo parin ang kanyang taglay na ganda. Mestisa siguro siya. Inalalayan niya akong umupo sa higaan na yari sa kawayan at sapin na banig. Tinanggap ko ang isang baso ng tubig na binigay niya at ininom iyon."Nasaan ho ako manang?" Magalang na tanong ko at nilibot ang paningin sa lood ng silid.Ang lahat ay yari sa kawayan, mula sa dingding, sa bintana, sa sahig, sa higaan at pati nga lamesa at upuan ay gawa lahat sa biniyak na kawayan. Kaya pala malamig kahit tirik na ang araw. Ang preso ng hangin kaya nababatid ko na malayo ito sa bayan."Nasa Sagada ka parin iha, ng

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 13

    "Maraming salamat ho Manang Sonya, Ej. Wala talaga kasi akong mapuntahan sa ngayon, hayaan niyo ho maghahanap ako ng trabaho sa bayan para makatulong-,""No! Hindi ka magtatrabaho," nagulat ako pati si Manang Sonya sa biglang pagtaas ng boses ni Ej. " Hindi ka pwedeng magtrabaho dahil buntis ka.""Ah. Eh. Maliit pa naman ang tiyan ko at-""Mas delikado yon. Madali kang makunan.""Hindi naman siguro-,""Ikaw ang bahala. Kung iyan ang gusto mo. Sinabihan na kita. Baka naman may balak kang ipalaglag ang batang yan kaya gusto mong magtrabaho kahit alam mong buntis ka."Bakit ba galit siya? Nag suggest lang naman ako. Gusto ko rin makatulong kahit kaunti, kaya ko naman. At saka wala akong balak patayin ang anak ko. Kahit ganito ang kahinatnan ko hinding-hindi ko siya dadamayin sa galit ko sa ama niya. Siya na lang ang lakas ko. Siya na lang ang dahilan para magpatuloy ako sa hamon ng buhay. Kaya anong karapatan niyang pagsabihan ako ng ganon?"Ej," may pagbabanta na tawag ni Manang Sonya s

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 14

    "Anong gusto mong pananghalian? " Tanong ni Ej habang inaayos sa kabinet ang kanyang mga pinamili."Ako na magluto, kaya ko naman ipagluto ang sarili ko."Biglang sumeryoso ang kanyang mukha,may mali ba akong nasabi? Bakit parang galit siya?"Ayaw mo ba sa luto ko?""Ha? Hindi naman. Ano kasi. Kaya ko naman.""Okay," saad niya at bumalik sa kanyang ginagawa. Naiilang ako sa subrang tahimik. Naka upo lang ako dito habang siya nag-aayos, ayaw niyang tumulong ako kaya nakatunganga lang ako dito sa harap niya."Masarap yong luto mo. Na ubos ko yong hinain ni Manang sa akin kaninang umaga, ikaw daw nag luto non sabi ni Manang," basag ko sa katahimikan para may pag-usapan kami.Hindi parin siya sumagot at parang walang narinig. "Ano ba sana ang lulutuin mo?" Tanong ko pa ulit. Sa puntong to lumingon na siya sa akin. Hindi na siya mukhang galit pero seryoso parin ang kanyang mukha."Ano ba ang gusto mong ulamin?""Hmm," nag-isip ako kung ano ba ang gusto kong ulamin ngayon pero walang ulam

Pinakabagong kabanata

  • Mapaglarong Tadhana    Epilogue

    "Sa farm ba tayo?" Tanong ko nang doon ang daan na tinatahak niya."Yeah. Pero hindi doon sa bahay. Malaman mo mamaya."Tahimik lang ako na naka-upo. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngunit hindi ko masabi. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Kahit may aircon pakiramdam ko namamawis ako."Bad memories."Nagtataka na nilingon ko siya. Huminto ang kanyang sasakyan . Kumunot ang noo ko pagtingin ko sa buong paligid. Bakit kami nandito? Anong gagawin namin dito? Hinawakan ko ang kamay niya nang umiba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi parin ba siya naka move on tungkol dito?"Nilinis ko ang buong paligid. . Ang plano ko, gawin itong farm na pwedeng dayuhan. Malawak naman itong lupain kaya pwede rito ang iba't ibang pananim. At doon," turo niya sa pinakagitna. " Doon natin itatayo ang mansyon natin.""Gusto ko ang plano mo. Huwag kang mag-alala tutulungan kita. . Pero hindi ko gusto ang mansyon.""Pwede bang malaman kung bakit?"I sigh. " Kapag malaki ang bahay pakiramdam ko ang layo

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 40

    Hindi parin ako makapaniwala na isa na akong Mrs. Montefalco. Mabilis lang ang ginawang seremonya ng judge na tito pala ni Javier. Nagulat pa ito ngunit hindi na nag atubiling magtanong at sinimulan ang seremonya upang maging ganap na mag-asawa na kaming dalawa ni Javier.Nakita ko kung gaano siya ka saya habang hawak ang kamay ko na nanunumpa sa harap ng judge. Kung paano pumatak ang kanyang luha nang halikan ako. Hanggang sa palabas kami ng munisipyo hindi ma palis ang ngiti sa labi niya.We decided to eat dinner but they refuse.Nagmadali na umalis si Artemis dahil may naghihintay raw sa kanya. Ang kanyang tito naman ay may importante ring gagawin kaya nagpasya nalang kaming umuwi at sa bahay kumain ng dinner."I love you," he said and kissed the back of my hand."Love you too. Pero bitawan mo muna kamay ko, nagmamaneho ka," natatawa na saad ko dahil hindi niya parin binibitawan iyon."I can drive with one hand, wife."Parang kinikiliti ang puso ko. Finally, I am his wife now. Hinay

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 39

    Tumikhim ako nang makabawi sa sensasyong nadarama. Inayos ko ang damit ko at hindi na inabalang i-lock ang hook ng bra ko." S-si Isabella.""Yeah," saad niya sa paos na boses. "Matulog ka na,ako na ang bahala sa kanya," dugtong nito. "But,your. .hard."Kanda lunok na sambit ko nang maramdaman ko ang matikas na bagay na sumusundot sa puson ko.He chuckled. " Yeah. Pero nagugutom na ang prinsesa," kumalas siya ng yakap sa akin at pinuntahan ang anak ko na patuloy parin sa pag-iyak. "Ayaw niya pa siguro magkaroon ng kapatid."Namula ang pisngi ko. Naalala ko ang kababalaghan na ginawa namin at hanggang ngayon ramdam ko parin ang kanyang kamay na humahaplos sa katawan ko at ang paglamas niya sa dibdib ko. Shit! Ramdam ko ang basa sa pagitan ko. Hindi ko siya sinagot at mabilis na nagtungo sa cr upang maligo.Walang salita na tiningnan ako ni Javier nang makita akong naka roba at basa ang buhok. Karga na niya si Isabella at pinapatulog ito muli."Ako na magpatulog sa kanya. Kanina ka pa n

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 38

    Nang maka-uwi kami dumiritso agad ako sa kwarto upang basahin ang liham ni Ella. At halos gumuho ako sa aking nabasa.All this time ako parin ang iniisip niya. Kapakanan ko parin ang inuna niya. Paano. .paano niya nakayanan ang lahat ng iyon? Hindi ko man lang siya nadamayan. Hindi ko man lang siya nasamahan sa mga araw na nahihirapan siya. Anong klaseng kaibigan ako? Sana nag contact ako sa kanya noong nasa farm ako ni Javier. Sana, kahit sa kanya man lang ako nag contact, sana alam ko ang kalagayan niya. Sana nakita at nayakap ko pa siya. Sana nagka-usap pa kami."Wife."Bakas sa mukha nito ang pag-alala nang makita akong umiiyak yakap ang sulat ni Ella. Napahagulhol ako nang yakapin niya ako. Nangsisisi ako kung bakit pinairal ko ang pride ko na huwag silang kausapin. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na isa naman ang mahal ko sa buhay ang mawala. Kumalas ako ng yakap sa kanya at dinampot ang cellphone ko."Jaxson," humikbi na sambit ko nang sagotin niya ang tawag. "Gusto ko makausap si

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 37

    Wala ako masyadong alam tungkol sa mga kapatid ni mama. Bukod sa watak-watak sila si Tita Fely lang ang malapit sa amin. Hindi ito lumayo katulad ng ibang kapatid ni mama na nasa Maynila lahat.Hindi rin nagkwento si mama tungkol kay Tita, doon ko lang rin siya nakita noong sa kanya ako binilin ni mama nang mawala sila. Kaya wala akong alam kung bakit ganito ang pinagdaanan nilang magkapatid. "Kasamahan ko sa trabaho ang papa mo. May lihim na pagtingin ako sa kanya," nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi na ako nagsalita at nakinig nalang sa kanya." Nang makita siya ni Floida. .hindi ko alam kung ano ang nangyari basta isang araw nakisuyo sakin ang mama mo. .may binigay siyang Tupperware na may laman ng pagkain at sabi ibigay ko raw iyon kay Alfred. Sinunod ko kasi ate siya. At na sundan pa ng ilang beses na halos araw-araw na niyang ginagawa. Iyon pala may gusto rin siya kay Alfred. "Tumigil siya saglit at pumikit, parang inaalala ang mga nangyari na para bang kahapon lang ito n

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 36

    "Parang bad mood yata si brother ngayon. Anong nangyari kagabi?"Napatingin ako sa hagdan at pinasadahan ng tingin si Javier habang naglalakad ito pababa. Tumaas ang sulok ng labi ko nang makitang naka kunot ang noo nito at hindi maipinta ang mukha. Mukhang tama nga ang sinabi ni Enrico, bad mood nga siya."Huwag mo ng asarin baka ma lumpo ka ng tuluyan," babala ko rito dahil balak yata na asarin ang kuya. Dumistansya siya sa akin ng tumingin sa aming gawi si Javier. Nanlaki ang mata ko ng irapan niya ako at dumiritso sa kusina."Nakita mo yong ginawa ng kuya mo?"Tumango si Enrico at bakas rin sa kanyang mukha na nagulat sa inasta ng kuya niya. Anong nangyari doon?"Ano ba nangyari sa inyo kagabi?"Kumunot ang noo ko. " Wala naman. Nag usap lang naman kami at-," saglit akong napatigil sa pagsalita nang maalala ang nangyari kagabi."Hindi ko kasi siya sinagot nang sabihan niya ako nang I love you," nakanguso na saad ko."What?" Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. " At baki

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 35

    Pinuproseso ko parin ang huling sinabi nang Don. Nakatanga lang ako sa kanya at hindi makasagot. Ano ba ang isasagot ko? Hindi pa namin ito napag-usapan ni Javier at hindi ko pa na ayos ang dapat kung ayosin. Magsalita na sana ako nang unahan ako ni Javier."Pwede ka naman niyang tawagin na daddy, dad. Pwede naman siguro na unahin ka niyang tawagin na daddy bago ko siya pakasalan, " bumaling siya sa akin at kinindatan ako." Ayos lang ba sa'yo, misis ko? " Bulong nito na ikina-pula ng pisngi ko. "Wooahh!""Yon ohh!"Kantiyaw ng dalawang kapatid. Si Don Emmanuel ay hindi mapalis ang ngiti sa labi."Hintayin ko muna na makalakad si Isabella, gawin ko siyang flower girl."Hindi ko akalain na ito ang kanyang plano. Kung ako ang masusunod ay iyon din ang gusto ko. At sana maayos muna ang lahat, yong wala ng pag-alala sa t'wing lalabas kami dahil sa takot sa ginawa ni Jaxson. Ang makausap si Tita Fely, dahil kung sakali na papakasalan ako ni Javier si Tita Fely lang ang pamilya na mayroon a

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 34

    Tahimik na nagmamaneho si Javier palabas sa kanilang lupain. Mula ng maka-alis kami ay wala akong narinig na salita mula sa kanya, hindi niya rin ako sinusulyapan. Hindi naman mukhang galit. Hindi rin makitaan ng inis , kaswal lang ang kanyang mukha. Ano kaya ang iniisip niya? "Javier."Hindi niya ako sinagot, kahit sulyap ay wala rin."Javier."Tawag kung muli ngunit nag bingi-bingihan siya at nakatuon lang sa daan ang tingin. Dahil karga ko si Isabella, nilingon ko siya. "Mister," malambing na tawag ko. Umismid siya. "Nayakap mo lang ex mo Javier na itawag mo," nagtatampo na reklamo niya. Napangisi ako." Nagselos ang daddy mo anak, ano kaya ang gagawin ko para ma wala ang selos niya? " Nag-iisip kunyari na saad ko. Umingos siya at bumulong-bulong kaya natawa ako."Sorry," agad siyang bumaling sa akin at binagalan ang pagpatakbo. Ngumiti ako sa kanya. "I love you."Binalik niya sa daan ang tingin. Namumula ang kanyang tainga at leeg. Kinikilig yata siya. Ilang beses pa siyang t

  • Mapaglarong Tadhana    Chapter 33

    Tiim-bagang na bumaba ako sa taxi pagkarating ko sa lugar kung saan sinabi ni Jaxson. Hindi ito ang eksaktong lugar kung saan ako ginahasa ngunit parte parin ito ng lupain ng mga Montefalco. Malinis na ito at wala ng mga tanim kaya kitang-kita kung gaano ka lawak ang lupain. Namuo ang galit sa puso ko nang makita ko si Jaxson na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan habang karga nito si Isabella, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin na narito na ako."Jaxson."Nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya. Galit ako. Nag-alala baka may nangyari sa anak ko. Humarap siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mukha. Binuksan niya ang kanyang sasakyan at nilagay sa loob si Isabella, may suot itong headphone at sa palagay ko ay tulog siya."Akin na ang anak ko," saad ko ngunit hindi siya nakinig nang masara niya ang kotse saka siya humarap sa akin.Sumandal siya sasakyan." Kung hindi ko pa kinuha si Isabella hindi mo ako maalala na tawagan."Napasinghap ako. Wala naman talaga akong

DMCA.com Protection Status