Edmund Javier pov:Malalim na ang gabi pero ang mga pinsan ko wala yatang balak na umuwi,sabagay lasing na sila at baka ma pano pa sila sa daan kapag umuwi pa.Napasinghap ako ng makita si Aki na nakadagan na sa kanyang syota at hinahalikan.Si Tim naman ay akay niya ang kanyang syota papuntang sasakyan niya dahil lasing na ito at mukhang tulog na.Imbis na sa mamahaling bar si Tim mag celebrate ng kanyang pagiging ganap na CEO ay dito sila napadpad sa farm namin sa Sagada. Hindi kami pwede doon sa bahay-kubo baka ma kurot ako sa singit ni Nanay Sonya kapag nakita niyang ganito ang mga pinsan ko kapag lasing na. Kaya dito kami sa dulo ng manggahan kung saan tanaw ang maliit at malinaw na batis na sakop parin ng lupain namin.Napa tsk nalang ako nang pumasok si Aki at girlfriend niya sa kotse nito upang ipagpatuloy ang kanilang ginagawa."Ubusin mo yan tol,pampa init ng katawan," pahabol na wika ni Aki bago sinara ang sasakyan.Wow.Saan matutulog kung ganon?Nanatili pa ako ng ilang minu
Edmund Javier pov:Hindi ako umuwi kaagad sa bahay pagkatapos naming lisanin ni Artemis ang presinto.Ako na nga ang sumuko sa sarili ko ayaw pa nila,ano bang gusto nila?Hintayin na mag report yung biktima?Paano kung natatakot yon na mag report.Paano ang hustisya na deserve nila?Kainis rin itong si Artemis wala man lang ginawa, ano pa't nag abogado siya? Tsk.Ayoko munang umuwi sa bahay, wala akong mukha na maihaharap kay Janice. Bakit sa lahat, bakit si Janice pa? Bakit pa kami pinagtagpo ng tadhana? Pinagtagpo ba talaga kami noong gabing nakita ko siyang natumba sa gitna ng daan? Kung ganon nga, grabe naman kami paglaruan ng tadhana.Ano na ang gagawin ko ngayon? Paano ko ibigay ang hustisya na nararapat kay Janice? Hindi pa ako handang sabihin sa kanya, natatakot ako para sa kanilang dalawa ng anak niya. Alam ko may karapatan siyang malaman habang maaga pa pero hindi ko talaga kaya. Siguro lalayo muna ako sa kanya, hindi ako tatakas sa kasalanang ginawa ko, lalayo lang ako at paghan
Janice pov:Masakit para sa akin ang lahat ng nangyari,hindi pa ako handa na sabihin ito lahat pero nakakapagod rin palang sarilin ang lahat. Pinagkatiwalan ako ni Manang Sonya at Ej pero wala silang narinig tungkol sa aking sarili. Kahit mahirap ay unti-untiin ko,handa ako na pati sila ay talikuran at pandirihan ako. Hindi ako makatingin kay Ej pagkatapos kong sabihin sa kanya kung paano ako pagtabuyan ni Jaxson. Natatakot akong malaman kung ano ang maging reaksyon niya."Hindi mo kailangan na ipilit ang sarili mo sa isang taong ayaw sayo Janice," napatingin ako sa kanya, naka igting ang kanyang panga at madilim ang kanyang awra. Galit ba siya?"Kung totoong mahal ka niya hindi niya gagawin ang bagay na iyon lalong-lalo na sa anak niyo."Kumuyom ang kanyang kamao at mabigat ang kanyang bawat paghinga. Galit ba siya sa ginawa si Jaxson? O baka galit siya dahil isa akong rape victim. Mapait akong ngumiti at umiwas ng tingin."Naintindihan ko kung pandirihan mo ako-,"Nagulat ako ng ham
"Misis, halika na kumain na tayo."Napamulat ako ng tawagin ako ni Ej. Simula ng umalis kami sa clinic misis na ang tawag niya sa akin, alam ko na biro niya lang iyon, pang-asar pero hindi ko maiwasan na ngumiti sa tuwing tawagin niya ako ng ganon. Natutuwa ang puso ko. Sana balang araw may tatawag rin sa akin na misis at hindi na iyon biro."Mamaya ka na mag emote gutom na si baby...at si daddy.... lalong-lalo na si mommy."Binato ko siya ng bulaklak na hinablot ko lang sa tabi ko, hindi ako naiinis.... kinikilig ako... at ayaw kong mangyari yon dahil baka ma sanay ako sa ganong tawag niya at hindi ako pa handa sa susunod na mangyari. Sa pag trato niya sa akin hindi malabao na hindi ko siya..... magustuhan."Ang sweet naman ng mi-,""Isa pa," pagbabanta ko. "May kalalagyan ka sa akin.""Si dok kasi e," pamimintang niya.Umupo ako sa nilatag niyang maliit na banig. Mabuti nalang at may puno rito na pwedeng pagsilungan, mainit pa dahil alas dos palang ng hapon pero nangingibabaw ang m
Edmund Javier pov:Lalo akong na-guilty pagkatapos kung marinig ang kwento ni Janice. Hindi niya deserve ang lahat ng nangyari sa buhay niya. Wala na siyang mga magulang. Walang bahay na mauwian. Walang kaibigan na malapitan. Kahit ang nag-iisang tao na pag-asa niyang makatulong sa kanya ay tinalikuran rin siya, sila ng anak niya. At ang malala.. ang taong tumulong sa kanya ngayon ay siya ang may dahilan ng lahat.... kasalanan ko ang lahat kung bakit siya tinalikuran at pinabayaan ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Kasalanan ko kung bakit naghihirap siya ngayon. Kung sana hindi ko lang siya na rape ng gabing iyon hindi sana ito nangyari lahat."Lahat gagawin ko para sa inyo ng anak mo, huwag mo lang maramdaman na nag-iisa ka sa hamon ng buhay mo."Ito lang ang taging magagawa ko sa ngayon. Pangako, pagkatapos mong isilang ang anak mo sasabihin ko ang lahat sa iyo.. huwag lang ngayon at patong-patong na ang problemang iniisip mo. "Hindi bagay ang ganda ng paligid para mag emote
Janice pov:Nagising ako na wala si Isabella sa tabi ko. Tsskk. As usual si Javier na naman ang nagbabantay. Nagseselos na ako, noon sa akin ang lahat ng atensyon niya pero ngayon dalawa na kami ng anak ko. Gayunman, masaya ako dahil buong puso niyang tinanggap ang anak ko at tinuring niya rin na tunay na anak ito. "EDMUND JAVIER MONTEFALCO!"Nagulantang ako sa lakas ng sigaw ng kung sino mang tao sa labas ng bahay.Dali-dali kong sinuot ang tsinelas ko at nagmamadaling lumabas. Isang matandang lalaki na may tungkod agad ang nakita ko, nakatayo ito sa gilid ng sasakyan at halatang kakarating lang. Sino siya? Nang tingnan ko si Javier bakas sa kanyang mukha ang takot at kaba."Oh! Hello! Brother. Long time no see!"Isang matangkad na lalaki ang lumabas sa driver set at binati si Javier. Magkapatid sila? Nang titigan ko ang lalaki ay hawig nga sila. Mas matangkad lang si Javier at itong lalaki naman ay may pagkapilyo ang mukha."Woaahh! May anak ka?!" Gulat na sambit ng binata na nanlak
Nanatili ako sa aking kinatayuan kahit matagal ng naka-alis sina Don Emmanuel at Enrico. Hindi parin ma alis sa isipan ko ang narinig ko kanina. Nanlalamig parin ang kamay ko at palakas ng palakas ang kabog ng puso ko."Janice.""Saan ba ang importante na pupuntahan natin? Tara na!""Janice. I'm sorry," pumiyok ang boses niya.Paglingon ko sa kanya, namumula ang kanyang mga mata at naka-igting ang panga."Bakit? Bakit ka nag so-sorry?" Takang tanong ko ngunit parang mababasag ang rib cage ko sa subrang lakas ng tibok ng puso ko."Ako yon, Janice. Ako yong gumahasa sayo sa gitna ng maisan."Nanlambot ang tuhod ko sa narinig. Tila isa itong sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig. Bakit? Bakit siya pa? All this time, alam niya na ako ang biktima niya. Naka planado na pala ang lahat. Ang pagtulong niya sa akin ng gabing natumba ako sa gitna ng daan. Ang pagdala sa akin dito sa bahay niya. Ang pag-alaga niya sa akin. Lahat iyon planado niya. Para ano? Para hindi siya ma konsensya? Para
Nang magising ako kinabukasan,wala na si Javier. Nag iwan lang siya ng cellphone at number ng kanilang mansyon. Napangiti ako nang mukha ni Isabella ang nasa wallpaper ng cellphone niya ng buksan ko ito. He loves my daughter so much. And, I love him,too. Buntong-hininga ako saka tinawagan ang numero na binigay niya."Good morning sister-in-law. How are you? Susunduin na ba kita? "Pinamulahan ako ng pisngi sa tinawag sa akin ni Enrico. Mangyari kaya iyon? Malabo kasi na magustuhan ako ni Javier at saka may issue kami."May lakad ako ngayon. Pwede ba na mamayang hapon mo nalang sila Manang ihatid dito sa bukid?"" Uhm. Okay. Take care sister-in-law. Don't worry okay lang si Isabella."Hanggat maari ay ayokong pumunta sa mansyon ng mga Montefalco. Inagaw ko na nga sa kanya ang tirahan niya rito sa farm, ayoko na pati sa mansyon nila ay hindi na rin siya uuwi dahil nandoon ako. Pagkatapos naming mag-usap ni Enrico ay nagtungo na ako sa bayan upang mag hanap ng part time job. Sana may mah
"Sa farm ba tayo?" Tanong ko nang doon ang daan na tinatahak niya."Yeah. Pero hindi doon sa bahay. Malaman mo mamaya."Tahimik lang ako na naka-upo. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngunit hindi ko masabi. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Kahit may aircon pakiramdam ko namamawis ako."Bad memories."Nagtataka na nilingon ko siya. Huminto ang kanyang sasakyan . Kumunot ang noo ko pagtingin ko sa buong paligid. Bakit kami nandito? Anong gagawin namin dito? Hinawakan ko ang kamay niya nang umiba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi parin ba siya naka move on tungkol dito?"Nilinis ko ang buong paligid. . Ang plano ko, gawin itong farm na pwedeng dayuhan. Malawak naman itong lupain kaya pwede rito ang iba't ibang pananim. At doon," turo niya sa pinakagitna. " Doon natin itatayo ang mansyon natin.""Gusto ko ang plano mo. Huwag kang mag-alala tutulungan kita. . Pero hindi ko gusto ang mansyon.""Pwede bang malaman kung bakit?"I sigh. " Kapag malaki ang bahay pakiramdam ko ang layo
Hindi parin ako makapaniwala na isa na akong Mrs. Montefalco. Mabilis lang ang ginawang seremonya ng judge na tito pala ni Javier. Nagulat pa ito ngunit hindi na nag atubiling magtanong at sinimulan ang seremonya upang maging ganap na mag-asawa na kaming dalawa ni Javier.Nakita ko kung gaano siya ka saya habang hawak ang kamay ko na nanunumpa sa harap ng judge. Kung paano pumatak ang kanyang luha nang halikan ako. Hanggang sa palabas kami ng munisipyo hindi ma palis ang ngiti sa labi niya.We decided to eat dinner but they refuse.Nagmadali na umalis si Artemis dahil may naghihintay raw sa kanya. Ang kanyang tito naman ay may importante ring gagawin kaya nagpasya nalang kaming umuwi at sa bahay kumain ng dinner."I love you," he said and kissed the back of my hand."Love you too. Pero bitawan mo muna kamay ko, nagmamaneho ka," natatawa na saad ko dahil hindi niya parin binibitawan iyon."I can drive with one hand, wife."Parang kinikiliti ang puso ko. Finally, I am his wife now. Hinay
Tumikhim ako nang makabawi sa sensasyong nadarama. Inayos ko ang damit ko at hindi na inabalang i-lock ang hook ng bra ko." S-si Isabella.""Yeah," saad niya sa paos na boses. "Matulog ka na,ako na ang bahala sa kanya," dugtong nito. "But,your. .hard."Kanda lunok na sambit ko nang maramdaman ko ang matikas na bagay na sumusundot sa puson ko.He chuckled. " Yeah. Pero nagugutom na ang prinsesa," kumalas siya ng yakap sa akin at pinuntahan ang anak ko na patuloy parin sa pag-iyak. "Ayaw niya pa siguro magkaroon ng kapatid."Namula ang pisngi ko. Naalala ko ang kababalaghan na ginawa namin at hanggang ngayon ramdam ko parin ang kanyang kamay na humahaplos sa katawan ko at ang paglamas niya sa dibdib ko. Shit! Ramdam ko ang basa sa pagitan ko. Hindi ko siya sinagot at mabilis na nagtungo sa cr upang maligo.Walang salita na tiningnan ako ni Javier nang makita akong naka roba at basa ang buhok. Karga na niya si Isabella at pinapatulog ito muli."Ako na magpatulog sa kanya. Kanina ka pa n
Nang maka-uwi kami dumiritso agad ako sa kwarto upang basahin ang liham ni Ella. At halos gumuho ako sa aking nabasa.All this time ako parin ang iniisip niya. Kapakanan ko parin ang inuna niya. Paano. .paano niya nakayanan ang lahat ng iyon? Hindi ko man lang siya nadamayan. Hindi ko man lang siya nasamahan sa mga araw na nahihirapan siya. Anong klaseng kaibigan ako? Sana nag contact ako sa kanya noong nasa farm ako ni Javier. Sana, kahit sa kanya man lang ako nag contact, sana alam ko ang kalagayan niya. Sana nakita at nayakap ko pa siya. Sana nagka-usap pa kami."Wife."Bakas sa mukha nito ang pag-alala nang makita akong umiiyak yakap ang sulat ni Ella. Napahagulhol ako nang yakapin niya ako. Nangsisisi ako kung bakit pinairal ko ang pride ko na huwag silang kausapin. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na isa naman ang mahal ko sa buhay ang mawala. Kumalas ako ng yakap sa kanya at dinampot ang cellphone ko."Jaxson," humikbi na sambit ko nang sagotin niya ang tawag. "Gusto ko makausap si
Wala ako masyadong alam tungkol sa mga kapatid ni mama. Bukod sa watak-watak sila si Tita Fely lang ang malapit sa amin. Hindi ito lumayo katulad ng ibang kapatid ni mama na nasa Maynila lahat.Hindi rin nagkwento si mama tungkol kay Tita, doon ko lang rin siya nakita noong sa kanya ako binilin ni mama nang mawala sila. Kaya wala akong alam kung bakit ganito ang pinagdaanan nilang magkapatid. "Kasamahan ko sa trabaho ang papa mo. May lihim na pagtingin ako sa kanya," nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi na ako nagsalita at nakinig nalang sa kanya." Nang makita siya ni Floida. .hindi ko alam kung ano ang nangyari basta isang araw nakisuyo sakin ang mama mo. .may binigay siyang Tupperware na may laman ng pagkain at sabi ibigay ko raw iyon kay Alfred. Sinunod ko kasi ate siya. At na sundan pa ng ilang beses na halos araw-araw na niyang ginagawa. Iyon pala may gusto rin siya kay Alfred. "Tumigil siya saglit at pumikit, parang inaalala ang mga nangyari na para bang kahapon lang ito n
"Parang bad mood yata si brother ngayon. Anong nangyari kagabi?"Napatingin ako sa hagdan at pinasadahan ng tingin si Javier habang naglalakad ito pababa. Tumaas ang sulok ng labi ko nang makitang naka kunot ang noo nito at hindi maipinta ang mukha. Mukhang tama nga ang sinabi ni Enrico, bad mood nga siya."Huwag mo ng asarin baka ma lumpo ka ng tuluyan," babala ko rito dahil balak yata na asarin ang kuya. Dumistansya siya sa akin ng tumingin sa aming gawi si Javier. Nanlaki ang mata ko ng irapan niya ako at dumiritso sa kusina."Nakita mo yong ginawa ng kuya mo?"Tumango si Enrico at bakas rin sa kanyang mukha na nagulat sa inasta ng kuya niya. Anong nangyari doon?"Ano ba nangyari sa inyo kagabi?"Kumunot ang noo ko. " Wala naman. Nag usap lang naman kami at-," saglit akong napatigil sa pagsalita nang maalala ang nangyari kagabi."Hindi ko kasi siya sinagot nang sabihan niya ako nang I love you," nakanguso na saad ko."What?" Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. " At baki
Pinuproseso ko parin ang huling sinabi nang Don. Nakatanga lang ako sa kanya at hindi makasagot. Ano ba ang isasagot ko? Hindi pa namin ito napag-usapan ni Javier at hindi ko pa na ayos ang dapat kung ayosin. Magsalita na sana ako nang unahan ako ni Javier."Pwede ka naman niyang tawagin na daddy, dad. Pwede naman siguro na unahin ka niyang tawagin na daddy bago ko siya pakasalan, " bumaling siya sa akin at kinindatan ako." Ayos lang ba sa'yo, misis ko? " Bulong nito na ikina-pula ng pisngi ko. "Wooahh!""Yon ohh!"Kantiyaw ng dalawang kapatid. Si Don Emmanuel ay hindi mapalis ang ngiti sa labi."Hintayin ko muna na makalakad si Isabella, gawin ko siyang flower girl."Hindi ko akalain na ito ang kanyang plano. Kung ako ang masusunod ay iyon din ang gusto ko. At sana maayos muna ang lahat, yong wala ng pag-alala sa t'wing lalabas kami dahil sa takot sa ginawa ni Jaxson. Ang makausap si Tita Fely, dahil kung sakali na papakasalan ako ni Javier si Tita Fely lang ang pamilya na mayroon a
Tahimik na nagmamaneho si Javier palabas sa kanilang lupain. Mula ng maka-alis kami ay wala akong narinig na salita mula sa kanya, hindi niya rin ako sinusulyapan. Hindi naman mukhang galit. Hindi rin makitaan ng inis , kaswal lang ang kanyang mukha. Ano kaya ang iniisip niya? "Javier."Hindi niya ako sinagot, kahit sulyap ay wala rin."Javier."Tawag kung muli ngunit nag bingi-bingihan siya at nakatuon lang sa daan ang tingin. Dahil karga ko si Isabella, nilingon ko siya. "Mister," malambing na tawag ko. Umismid siya. "Nayakap mo lang ex mo Javier na itawag mo," nagtatampo na reklamo niya. Napangisi ako." Nagselos ang daddy mo anak, ano kaya ang gagawin ko para ma wala ang selos niya? " Nag-iisip kunyari na saad ko. Umingos siya at bumulong-bulong kaya natawa ako."Sorry," agad siyang bumaling sa akin at binagalan ang pagpatakbo. Ngumiti ako sa kanya. "I love you."Binalik niya sa daan ang tingin. Namumula ang kanyang tainga at leeg. Kinikilig yata siya. Ilang beses pa siyang t
Tiim-bagang na bumaba ako sa taxi pagkarating ko sa lugar kung saan sinabi ni Jaxson. Hindi ito ang eksaktong lugar kung saan ako ginahasa ngunit parte parin ito ng lupain ng mga Montefalco. Malinis na ito at wala ng mga tanim kaya kitang-kita kung gaano ka lawak ang lupain. Namuo ang galit sa puso ko nang makita ko si Jaxson na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan habang karga nito si Isabella, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin na narito na ako."Jaxson."Nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya. Galit ako. Nag-alala baka may nangyari sa anak ko. Humarap siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mukha. Binuksan niya ang kanyang sasakyan at nilagay sa loob si Isabella, may suot itong headphone at sa palagay ko ay tulog siya."Akin na ang anak ko," saad ko ngunit hindi siya nakinig nang masara niya ang kotse saka siya humarap sa akin.Sumandal siya sasakyan." Kung hindi ko pa kinuha si Isabella hindi mo ako maalala na tawagan."Napasinghap ako. Wala naman talaga akong