Share

Kabanata 23

Author: Señorita
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Natunton ni Roan ang kasalukuyang tinitirahan ni Shaina. Nakita niya ang kalunos-lunos na pamumuhay nito at ang bahay nila na pinagtagpi-tagping yero lamang.

Tatawag pa lamang sana siya nang makarinig siya ng malakas na sigaw at kalabog mula sa bakuran nito.

Sinundan niya ang tinig na kaniyang naririnig, hanggang sa napagtanto niya ang mga magulang ni Shaina sa likod non.

Kasalukuyang binubugbog ng ginoo ang sarili niyang asawa habang paulit-ulit na nilulublob ang mukha nito sa isang malaking drum na punong-puno ng tubig. Halos nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa sobrang gulat at napatakip na lamang sa kaniyang bibig.

Tila bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba mula sa kaniyang dibdib, kung kaya't napahakbang siya paatras ngunit huminto rin siya kaagad nang matamaan niya ang isang latang walang laman.

Nang dahil sa ingay na dulot nito ay natigilan naman sandali ang ginoo at napatunghay sa kaniya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 24

    Walang kamalay-malay si Shaina na si Roan ang may pakana ng lahat at ang bumili sa kaniya upang gawin siyang isang hostess nito. Malaki kasi ang paniniwala ni Roan sa kaniyang sarili na si Shaina ang kasagutan sa lahat ng mga problema niya. Pagkatapos nilang magkasunduan ng sarili nitong ina ay kaagad din niyang pinasundo si Shaina sa mga tauhan nila. Tangging ang pagkakaalam lamang ng dalaga ay binenta siya ng sarili niyag ina sa mga hindi kilalang tao, subalit hindi niya alam na ang taong tinuturing niyang matalik na kaibigan ay ang siyang puno't dulo ng lahat kung bakit siya napariwara ng landas. Walang nakakaalam ng tungkol doon, maliban na lamang sa misteryosong lalaki na nagmamay-ari ng night club na iyon at kay Roan. Wala ring nakakaalam tungkol sa relasyon nilang dalawa at tungkol sa mga napagkasunduan nila.

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 25

    "Dumating na ba si Shaina?" ang tinanong ni Roan kay Troy habang nagpupunas naman ito ng mga lamesa."Si Shaina?" aniya sabay nilibot niya ng tingin ang kanilang paligid."Wala pa yata siya. Hindi ko pa siya napapansin magmula kaninang umaga pa." Ang tinugon niya sa dalaga at muli niyang pinagpatuloy ang ginagawa niyang pagpupunas.Napadaan naman si Karen sa gawi ng binata at napansin niya sa hindi kalayuan si Roan na tila ay may hinahanap at may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha.Napalingon naman bigla si Troy sa kaniya at gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi."Bakit, Karen? may kailangan ka ba?" usisa nito sa dalaga.Nabaling naman ang atensyon ni Karen kay Troy na nakangiti pati na ang mga singkit nitong mga mata."Si Roan iyon, hindi ba?" turo niya gamit ang kaniyang nguso.Sinundan naman iyon ng tingin ni Troy at napansin niya na balisang-balisa ang dalaga."Oo, bakit?" ang tinuran niya na

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 26 : Shaina's POV

    Tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag nang makarating ako sa hidden room ng pinagtatrabauhan kong club. Makikita roon sa loob ng silid ang mga nagaganap sa bawat sulok.Mahigpit na pinagbabawal na pumasok sa loob non, ngunit tangging ako at si Roan lamang ang may makarapatang makapasok roon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasundan ako ni Troy at pumasok rin siya sa loob. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang mapatunghay ako sa kaniya at mapagtanto na kaming dalawa lang ang naroroon."A-anong ginagawa mo rito?" usisa ko sa kaniya. Napamaang naman siya sa kaniyang nakita, lalo nang mapagmasdan niya ang ilang monitor ng cctv sa loob ng club. Ang bawat kwarto kasi ay may hidden cctv rin sa loob, pero hindi namin ito ginagamit upang ipakalat o pagbantaan ang sino man bagkus ay para maseguridad namin ang kaligtasan naming lahat.May ilan kasing customer na masyadong mapangahas. Nananakit sila kapag hindi mo sinunod kaagad an

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 27

    "Teka, anong ginagawa mo rito?" usisa ni Shaina sa binatang nasa harapan niya ngayon na si Troy."Hindi ko inakalang may ganito palang silid rito sa loob. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito." Namamanghang turan ng binata sa kaniya. Humakbang naman palapit si Shaina sa kaniya at saka niya ito tinataboy palabas ng silid na iyon."Hindi ka puwede rito kaya umalis ka na at baka madatnan ka pa ni Roan dito." Aniya at pilit siyang tinutulak sa kaniyang balikat nang bigla siyang hawakan nito sa pulsuhan niya at gulat na gulat na nakatitig sa cctv monitor."Saglit lang, parang pamilyar sa akin ang lalaking iyan. Saan ko nga ba siya ulit nakita?" saglit namang natigilan ang dalaga sa sinabi nito at nilingunan ang tinutukoy niya sa monitor. Napagtanto niya na si Karlos pala ang binabanggit ng binata at napukaw din ng atensyon niya ang kakaibang ginagawa ni Karen sa tabi ng kaniyang nobyo."Anong ginag

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 28 : Luz POV

    Nasa tapat ako ng VIP room at tinititigan ang pintuang iyon nang mapalingon ako sa aking paligid at napukaw ng aking atensyon si Roan na kasalukuyang nakatingin naman sa kinaroroonan ko.Kaagad akong nagtago at sumilip ng bahagya sa kaniya. Laking pagtataka ko na lamang nang mapansin kong hindi pala siya sa akin nakatingi kundi sa VIP room.Nasa first floor siya at mukhang may espesyal siyang taong kinakausap ngayon sa cellphone niya.Pero, bakit ganoon na lamang siyang makatingin sa kwartong iyon? Hindi kaya may nalalaman siya tungkol sa nagmamay-ari nitong club? o baka naman magkakilala talaga silang dalawa?Sa kabila ng pagkausisa kong iyon ay sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makaakyat siya ng hagdan at magkasalubong kaming dalawa.Sabi ko na nga ba, tama ako ng hinihinala na ang taong kinakausap niya kanina ay yung taong nasa loob ng VIP room."Anong ginagawa

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 29

    "Shaina! mag-usap nga tayo!" ani ni Karlos sa dalaga habang sinusundan niya ito palabas ng club. "Shaina!" nahinto na lamang siya sa paglalakad nang pigilan siya ng binata at hinawakan sa braso niya."Bitawan mo ako," mahinang turan niya sa kaniyang nobyo.Hindi naman siya pinakinggan ng binata bagkus ay hinatak siya nito sa pulsuhan at siyaka pinasandal sa pader sabay kinulong niya ito sa kaniyang mga bisig."Ano bang ginagawa mo? lubayan mo nga ako!" pilit siyang nagpupumiglas sa lalaking nasa harapan niya ngayon at tinutulak sa dibdib niya subalit hindi siya pinapakawalan nito."Sabihin mo nga sa akin, ano yung mga nakita ko kanina? sino ang lalaking iyon? may relasyon ba kayong dalawa?" mahina ngunit mariin niyang turan sa dalaga na magkasalubong ang dalawang kilay niya."E ikaw? ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" ani ni Shaina habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik.Nakas

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 30

    "Long time no see, Alona." Ang binulong nito sa kaniyang tenga.Halos balot na balot ang buong katawan nito ng itim na kasuotan at maging ang kalahating mukha niya ay natatakpan ng itim na maskara, kahit may makakita sa kaniya ay wala namang makakakilala sa tunay niyang pagkatao."Sino ka?" usisa ng dalaga sa kaniya.Ayon sa tono ng boses niya at sa tamis ng pabango na ginagamit niya ay mukhang isa siyang babae. Pero, sino siya? at bakit niya ito ginagawa sa akin? at papaano niya nalaman ang buong pangalan ko?Paglalayag ni Alona sa kaniyang isipan."Hindi mo ba ako natatandaan? ilang beses na tayong nagkita at nagkasalubong noon. Halos hindi ko na nga makalimutan 'yang maganda mong mukha, tapos kakalimutan mo lang pala ako? sabagay, wala ka nga palang pakialam sa paligid mo at tangging 'yang sarili mo lang din ang iniitindi mo, kung kaya't pati ang sarili mong mga magulang ay pinatay mo na rin. Tama ba ako, Alona?" mahina nguni

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 31

    "Shaina? Shaina, naririnig mo ba ako?" ang pulit-ulit na tawag ni Roan sa dalaga ngunit tila may malalim itong iniisip habang nakatanaw siya sa malayo. "Uy, Shaina!" tinabig na siya nito sa kaniyang balikat kaya bigla rin siyang natauhan at napatunghay sa kaniya. "Ano kasi ulit iyon?" ani ng dalaga na may pag-iling sa kaniyang ulo. "Ano ba talaga ang iniisip mo riyan? kanina pa kitang napapansin na balisa at parang ang layo-layo naman ng tinitignan mo." Ang tinuran niya sabay napahigop sa mainit na kape. "Pasensya na, Roan. Pero mamaya na lang tayong mag-usap. May mahalaga lang akong pupuntahan." Sabay tumayo siya at lumabas ng silid nito. "Teka, Shaina! saan ka pupunta? Shaina!" pahabol na tawag sa kaniya ng dalaga ngunit hindi siya nito pinapansin o nililingunan man lang. Hanggang sa nahinto na lamang siya sa paglalak

Latest chapter

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 115

    Makalipas ang isang taon pagkatapos naming makapag-usap dalawa ni Karlos ay nabalitaan ko na lamang na isinuko niya ang kaniyang sarili na kasama si Shaina, pagkatapos niyang makapanganak. Nalaman ko rin na pinaubaya niya ang kanilang anak sa mas ligtas na lugar, sa isang bahay-ampunan. Kung saan nangako sila sa mga tagapagbantay doon na babalikan nila ang kanilang anak pagkatapos nilang malinis ang mga kasanalang nagawa nilang dalawa. Pinaubaya rin niya sa kamay ng mga owtoridad ang tungkol sa USB na ibinigay ko sa kaniya na may nilalamang ebidensiya tungkol sa mga krimeng ginawa ng sarili niyang ama na si Henry Sermiento at kasama na roon ang anak nito sa labas na si Jake. Maraming kaso ang kinakaharap nila ngayon at unti-unti ring bumagsak ang sarili nilang kumpanya. Bukod pa roon ay marami rin silang nahanap na ebidensiya na magpapatunay sa krimeng ginawa

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 114

    Dalawang taon ang makalipas magmula no'ng mamalagi ako sa ibang bansa kasama ang aking anak na si Emily.Pagkatapos ng dalawang taong iyon ay muli akong bumalik sa Pilipinas na kasama ang aming anak ni Karlos, upang ipakilala sa kaniya ang naging bunga ng aming pagmamahal nuon sa isa't-isa.Sapat na ang dalawang taong iyon upang makaipon ako ng lakas ng loob at ipagtapat sa kaniya ang matagal ko nang itinatago sa kaniya. Nakipagkita ako sa kaniya sa isang private restaurant upang makipag-usap sa kaniya ng masinsinan. Habang naglalakad ako papunta sa pinareserve niyang table ay natanaw ko kaagad ang pamilyar na mukha ng isang babaeng katabi niya.Nakasuot akong puting off-shoulder blouse at simpleng black-trouser na may five inch heels na suot sa aking paa, habang maayos namang nakaipit ang mahaba kong buhok na taas-noong naglalakad papunta sa kanila. "Alona." Ang unang salitang narinig ko mula kay Karlos na

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 113

    Kanina pa ako palakad-lakad at palingon-lingon sa aking paligid, habang hinahanap ko si Karlos. Nagpaalam kasi siya sa akin kanina na pupunta lang siya sandali ng restroom, ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya bumabalik. Iniisip ko na baka natangay na naman siya ng mga kakilala niyang negosyante o baka nakipagkuwentuhan na naman siya sa mga kasosyo niya sa negosyo.Subalit halos nalibot ko na yata ang buong hasyenda ay hindi ko pa rin siya nahahagilap. Nagpunta na rin ako sa men's restroom at inaabangan siya sa paglabas mula roon sa banyo, ngunit mukhang wala rin siya roon.Saan kaya siya nagpunta? bakit ang tagal naman yata niyang bumalik? Ang paglalayag sa aking isipan habang naglalakad ako at may hawak na metal stick pang-suporta sa aking paglalakad dahil kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat ikinikilos ko at dahil kailangan ko pa ring magpanggap na bulag

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 112

    "Good evening, Mr. Sermiento. Nice too see you again." Bati ng isang ginoo kay Karlos habang nagkakamayan silang dalawa.Kasalukuyan kaming nasa isang engrandeng okasyon. Hindi nabanggit sa akin ni Karlos kung saan kami tutungo, basta ang sinabi lang niya ay may pupuntahan daw kaming espesyal na okasyon.Nilibot ko ng tingin ang buo naming paligid. Mukhang napakaespesyal nga ng gabing ito dahil hindi lang basta-bastang ordinaryong bisita ang mga dumalo sa okasyong iyon. Pasimple kong pinagmamasdan ang aming paligid at hindi ako masyadong gumagalaw dahil baka may makahalata na nakakakita na akong muli. Nagsuot ako ng itim na sunglasses dahil iyon ang binilin sa akin ni Ivan, medyo hindi kasi ako mahusay umakting kaya nag-iingat lang din siya. Pagkatapos niyang makipagbatian sa mga kakilala niyang negosyante ay kaagad din naman siyang lumapit sa akin at inakbayan ako sa aki

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 111

    Makalipas ang mahigit isang taon na pamamalagi namin ni Ivan sa ibang bansa ay muli kaming nakabalik at nakauwi ng Pilipinas. Pagkababa ng eroplano ay sumalubong din naman kaagad sa aming dalawa ang mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak. Saglit kong inalis ang itim na sunglasses na aking suot at saka itiningala ang aking mukha sa langit, sabay ipinikit ang aking mga mata upang damhin ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha.Namiss ko 'to. Ang tumingala sa langit at damhin ang sinag ng araw habang tahimik na pinapakinggan ang ingay sa aking kapaligiran. Pagkatapos ng isang taon na pamamalagi ko sa ibang bansa ay halos ngayon ko lang ulit naramdaman ang init na pagsalubong sa akin ng bansang kinagisnan ko. Palagi na lang kasi kaming nakasuot ng makakapal na damit sa ibang bansa at halos puro snow lang ang makikita sa aming paligid.Umaaraw din naman roon pero hindi gaanong kainit, hindi

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 110

    Nakatanggap kami ng magandang balita ni Ivan mula sa ibang bansa, tungkol ito sa aking donor sa mata.Nakumpirma rin namin mula sa pinakamahusay na doktor na may pag-asa pang maibalik muli sa normal ang mga paningin ko at buong puso akong nagpapasalamat sa maykapal dahil binigyan niya ako muli ng isa pang pag-asa para makita ang mga magagandang tanawin sa aking kapaligiran.Kaya nagsagawa na rin kami kaagad ng plano na pansamantala na muna kaming maninirahan sa ibang bansa hanggang sa matapos ang operasyon ko at hanggang sa mailuwal ko ng maayos ang aking anak.Wala pa ring kaalam-alam si Karlos tungkol sa anak naming dalawa. Pinili kong ilihim ito sa kaniya dahil ayokong angkinin niya ang aking anak, kagaya ng ginawa ng kaniyang ama sa tunay na ina ni Jake.Kung saan puwersahan siyang sinama ng kaniyang ama at pinatay ang sarili niyang ina. Kung magkataon ay baka ikamatay ko rin iyon kung sakaling mawa

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 109

    Pagkagising ko sa umaga ay bigla na lang akong nakaramdam ng papanakit ng ulo kaya napabangon din ako kaagad at lumabas mula sa aking kuwarto nang makarinig ako ng mga pagtatawanan mula sa kabilang silid at kung hindi ako nagkakamali ay opisina iyon ni Karlos. Maliit na liwanag lamang ang naaninag ko ngunit parang dinadala ako roon ng mga paa ko, hanggang sa mapakahawak sa seradura ng pinto at marahan itong binuksan.Mas lumakas pa ang pagtatawanan na naririnig ko kanina at napagtanto ko na may babae pala sa loob ng opisina niya at kung hindi ako nagkakamali sa boses na aking narinig kanina ay mula mismo iyon kay Jen o sa totoong pangalan na si Shaina.Tila nabigla naman silang dalawa nang makita ako sa tapat ng pintuan kaya kaagad din silang natahimik at apurahan namang lumapit sa akin si Karlos habang nakasunod sa likuran niya ang babae niya."Kanina ka pa ba nandiyan?" bungad niyang tanong

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 108

    (Alona's POV)Nagpasama ako sa isang kasambahay ko na magtungo sa malapit na hospital upang ipatingin ang aking mga mata.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iba ang sinadya ko roon at hindi para ipa-check up ang aking mga mata.Walang nakakaalam tungkol sa pag-alis kong iyon. Tangging ako lang at ang kasambahay na sinamahan ako sa pagpunta roon.Nito kasing mga nakaraang araw ay parang nagiging madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka.Palagi rin mabigat yung pakiramdam ko kahit wala naman talaga akong sakit. Medyo nag-iiba na rin ang timpla ng panlasa at pang-amoy ko na tipo pati mga paborito kong kinakain nuon ay tinatanggihan ko na ngayon at parang nababauhan ako.May kutob na ako sa mga sunud-sunod na sintomas na nararamdaman ko, subalit gusto ko pa rin makasigurado kung tama ba ang hinala ko at hindi naman ako nabigo dahil nakumpirma ko mismo mula sa aking doktor na isang buw

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 107

    Nabitawan na lang bigla ni Alona ang hawak niyang baso habang pinupunasan niya ito at tinutulungan sa gawaing bahay ang mga kasambahay niya sa loob ng kusina na kasalukuyang nagpupunas din naman ng mga pinggan at baso.Napalingon naman silang lahat at natigilan nang marinig nila ang malakas na pagkabagsak nito sa sahig at kaagad ding nagkapiraso-piraso sa sahig. "Naku, Ms. Alona! ayos lang ho ba kayo? hindi ba kayo nasaktan o nasugatan? sinabi ko naman ho sa inyo na kami na ang bahala rito at magpahinga na lang kayo sa loob ng kuwarto niyo." Nag-aalalang turan ng isang katulong nila sa kaniya habang nililinis naman ng ibang kasambahay niya ang basong nabitawan nito kanina.Apurahan namang tumungo sa loob ng kusina si Ivan nang marinig niya ang malakas na pagkabasag ng baso at nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan niya si Alona na nakatayo lamang sa puwesto niya at nakatulala.

DMCA.com Protection Status