Narito kami sa opisina kasama ang lalaking tumulong sa akin. Luke ang pangalan niya. Siya na din ang nagpresintang gumamot sa aking pisngi. Nang magamot na niya ang aking natamong sugat sa pisngi. Inaya pa niya ako na kumain kami sa labas kahit meron naman dito sa restaurant. Agad naman ako pumayag na sumama sa kan'ya dahil kilala naman daw niya si Don Escobar. Mabait naman si Luke sa akin.Pagkalabas namin dito sa restaurant, hindi ko inaasahan na makakasalubong namin si Jeho kasama si Cassey. Nakahawak pa man din si Luke sa aking bewang na matamang nakatingin doon si Jeho. "Long time no see Jeho," si Luke ang unang bumati. Bagamat sa akin lang nakatingin si Jeho.Unti-unti naman ang pagbaba ng mukha ko dahil hindi ko kayang sabayan ang paninitig niya sa akin. Sobrang lakas ng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ngayon pa na kasama ko pa si Luke. Hindi ko din alam kung bakit kilala ni Luke si Jeho."Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa din nagbabago," sabi nito."Who told you?" tano
"Nothing will happen to you sweetheart when you're with me in my arms," sabi nito sa matamis niyang salita. Napahigpit ang pagkakayakap ko sa kan'ya nang marinig kong muli ang malakas na kulog at kidlat. Pero mas lalo lang niya ko kinulong sa kan'yang mga bisig nang maramdaman niya ang panginginig ng buo kong katawan."Salamat Jeho at dumating ka. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka," hagulhol na sabi ko na para akong isang bata na takot na takot sa kulog at kidlat. Nasa ganoong posisyon pa din kami hangga't hindi pa tumitigil ang magkakasunod sunod na kulog at kidlat. Unti unting nawawala ang panginginig ng aking katawan nang maramdaman ko ang init ng katawan ni Jeho lalo na ang kan'yang mainit na hininga. "We're not safe here sweetheart. Kailangan na nating makaalis agad dahil hindi ako sigurado kung kailan huhupa ang malakas na ulan at baka ma stranded lang tayo dito sa loob," sabi nito.Hindi talaga pumayag si Kayrelle sa kagustuhan ni Jeho na lisanin ang lugar. Pero nan
"Do you like it?" Tanong ni Jeho nang siya ay makalapit sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. "Nagustuhan ko ito pero sana hindi ka na nag abala pa kung hindi rin naman tayo para sa isa't-isa," malungkot kong sabi. "Huwag mo sana ako pangunahan kung ano ang dapat kong gawin dahil ito ang gusto ko. You can't stop me to love you 'coz I know you still love me. At iyon ang nararamdaman ko sayo sweetheart. Huwag mong ideny na hindi 'yon totoo," seryosong saad nito na matamang nakatingin pala sa akin. Napangiwi ako at tila alam niya kung ano ang aking nararamdaman para sa kan'ya. Hindi talaga p'wedeng dayain ang puso kasi ako din ang masasaktan. Lalo na ngayong kaharap ko siya. Ramdam pa din ng kan'yang puso na mahal ko pa siya hanggang ngayon kahit sabihin ko sa kan'ya ng paulit ulit na hindi ko na siya mahal. Alam niyang nagsisinungaling ako."Paano ka nakakasiguro diyan sa sinasabi mo?" "Don't ask me because you already know what's t
"Anong ginawa mo sa cp ko at bakit mo inihagis?" Sabay kuha ko sa may sofa. Napatingin ako kay Jeho at inismaran ko siya. Kita ko sa kan'yang mga mata na nanggigil ito sa galit. "Bakit ka ba nagagalit kay Luke ha? May alitan ba kayong dalawa na hindi ko alam?" Nakatayo ako sa kan'yang harapan at pinamewangan ko siya habang nagagalit ako. Ang lapit ko lang sa kan'ya, kahit na matangkad ito ay kinailangan ko pa siya tingalain. "Kung sinabi kong layuan mo siya, gagawin mo ba?" Sakartiskong tanong nito na hindi ito sa akin nakatingin. Tila nahihiya pa itong tingnan ako. Pakiramdam ko, nagseselos ito kay Luke."Bakit nga? Hindi kita maintindihan kung bakit galit na galit ka sa kan'ya.""Tsk! Kung sasabihin ko ba sayo maniniwala ka ba? Puwede bang huwag mo kong titigan ng gan'yan?"Natawa ako, "bakit naman hindi kita puwedeng titigan. Aber!" Napacross arm ako."Baka mafall lang ako sayo at sa lalim ng pagkahulog ko sayo ay hindi mo na ko kayang abutin pa at lumagapak na lang sa lupa nang h
Napaigtad ako bigla nang marinig ko ang boses ni Jeho na narito na pala siya sa aking likuran kaya napahakbang ako malayo sa kan'ya. Kinabahan ako nang mailock niya ang pinto. Kumunot ang aking noo. "Ano ba ang binabalak mo Jeho?" Tanong ko habang dumadagundong sa kaba ang aking dibdib. Prenteng nakatayo lamang siya sa may pintuan na hindi ito gumagalaw. Ang mga mata niya'y nakatutok lamang sa akin. "Why sweetheart? Are you afraid of me?" Umiling ako. "Okay that's good. Let's sleep together," aniya ngunit dumiretso lang ito sa loob ng banyo. Sa banyo ba siya matutulog? Anang isip ko. Komportable naman akong nahiga sa kama niya habang yakap yakap ko ang malambot nitong unan. Kalaunan, nakaramdam na lang ako na parang may mabigat na nakadagan sa aking tiyan. Unti-unti kong iminulat ang dalawa kong mga mata nang dahan dahan kong iwaling ang paningin ko sa aking tabi. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa gulat at baka magising ko lang si Jeho at maistorbo ko siya sa pagtulog. Dahan-
"Change your clothes," utos nito nang hindi ito nakatingin sa akin habang abala siya sa pagsasa-ayos ng mga damit niya. Hindi ko na nagawang tulungan siya dahil sa sobrang pagkainis ko sa kan'ya. Narito lamang ako nakasilip sa may labas ng pintuan ng kan'yang closet.Hindi ko sinasadyang mapatikhim kaya napadako ang tingin niya sa 'kin. "You have no longer to use my underwear," biglang sabi nito sabay tingin niya sa akin at napakagat labi pa ito nang mapababa ang kan'yang tingin sa aking maputing hita. Nagsalubong ang dalawa kong kilay at napanguso ako dahil sa pagkainis ko. Tila alam talaga nito ang bilang ng mga underwear niya at alam din niyang wala akong suot na undies."Anong pinagsasasabi mo diyan?" Naiinis kong sabi na kunwaring hindi ko alam.Humakbang siya patungo sa akin. "Do you want me to peek at you sweetheart ?" Bulong niya sa aking tenga. Nasapak ko siya sa kan'yang braso dahil sa pagka-pervert nito.Napatawa siya, "Ang bastos mo. Nakakainis ka!" singhal ko saka umalis
Almost a week, miss na miss na niya si Kayrelle at pati si Johann ay namimiss din niya ito. Tanging sa telepono na lang niya ito nakakausap.Natalimbangon si Jeho nang makarinig ito ng ilang tawag sa kan'yang telepono. Ayaw pa niya sana itong sagutin dahil inaantok pa ito dala ng kalasingan. Tamad niyang dinampot ang telepono dahil patuloy lamang ito sa pagriring. Nang makita niya kung sino ang tumatawag kaagad niya din itong sinagot."Yes Joe?" Tanong nito sa kaibigan niyang detective na kan'yang inutusan mula pa kagabi. Inabala niya ang kaibigan niya kahit natutulog na ito. Kaya ang ganti naman ng kan'yang kaibigan ay gisingin ito ng maaga."Tsk! Tsk! Tsk! Hang-over na 'yan Jeho. Kamusta ang bagong gising? Hindi naman siguro ako nakakaabala sa himbing mong pagtulog no."Rumihistro sa mukha niya na inaantok pa ito at walang gana makipag-usap sa kaibigan niya kaya nahiga muli si Jeho habang ang kan'yang cp ay nakapatong lang sa tenga nito. "Can you start our discussion. I want to sle
Abala ang dalawa sa loob ng aming bahay ng mga pinamiling regalo ni Jeho para sa anak kong si Johann habang narito kaming dalawa ni papa sa may labas ng bahay sa kubong ginawa niya kamakailan at napag-usapan na naming dalawa ang tungkol sa dalawang mag-ama. Mabait naman daw si Jeho sabi ni papa at okay lang naman sa kan'ya na narito siya pero ang kan'yang mommy ang kan'yang pinoproblema dahil baka hindi lang ako ang saktan ng kan'yang mommy at pati ang mga anak ko ay madamay din. Tinanong din ako ni papa kung hanggang kailan ko ililihim sa kan'ya na siya ang tunay na ama ng mga anak ko. Ang sagot ko ay hindi pa ako sigurado dahil iniisip ko pa kung itutuloy ko ang plano na maghiganti sa kan'yang mommy dahil isang malaking problema ang aking kinakaharap ngayon lalo na't napakasama pala ng ugali ni Don Escobar na maaaring ikapahamak namin. Ngayon ko lang naalaman to. Maling tao ang nalapitan ko.Tulala ako ngayon dahil gulong gulo ang isip ko. Mabuti at nariyan si papa na magaling ma