"Anong ginawa mo sa cp ko at bakit mo inihagis?" Sabay kuha ko sa may sofa. Napatingin ako kay Jeho at inismaran ko siya. Kita ko sa kan'yang mga mata na nanggigil ito sa galit. "Bakit ka ba nagagalit kay Luke ha? May alitan ba kayong dalawa na hindi ko alam?" Nakatayo ako sa kan'yang harapan at pinamewangan ko siya habang nagagalit ako. Ang lapit ko lang sa kan'ya, kahit na matangkad ito ay kinailangan ko pa siya tingalain. "Kung sinabi kong layuan mo siya, gagawin mo ba?" Sakartiskong tanong nito na hindi ito sa akin nakatingin. Tila nahihiya pa itong tingnan ako. Pakiramdam ko, nagseselos ito kay Luke."Bakit nga? Hindi kita maintindihan kung bakit galit na galit ka sa kan'ya.""Tsk! Kung sasabihin ko ba sayo maniniwala ka ba? Puwede bang huwag mo kong titigan ng gan'yan?"Natawa ako, "bakit naman hindi kita puwedeng titigan. Aber!" Napacross arm ako."Baka mafall lang ako sayo at sa lalim ng pagkahulog ko sayo ay hindi mo na ko kayang abutin pa at lumagapak na lang sa lupa nang h
Napaigtad ako bigla nang marinig ko ang boses ni Jeho na narito na pala siya sa aking likuran kaya napahakbang ako malayo sa kan'ya. Kinabahan ako nang mailock niya ang pinto. Kumunot ang aking noo. "Ano ba ang binabalak mo Jeho?" Tanong ko habang dumadagundong sa kaba ang aking dibdib. Prenteng nakatayo lamang siya sa may pintuan na hindi ito gumagalaw. Ang mga mata niya'y nakatutok lamang sa akin. "Why sweetheart? Are you afraid of me?" Umiling ako. "Okay that's good. Let's sleep together," aniya ngunit dumiretso lang ito sa loob ng banyo. Sa banyo ba siya matutulog? Anang isip ko. Komportable naman akong nahiga sa kama niya habang yakap yakap ko ang malambot nitong unan. Kalaunan, nakaramdam na lang ako na parang may mabigat na nakadagan sa aking tiyan. Unti-unti kong iminulat ang dalawa kong mga mata nang dahan dahan kong iwaling ang paningin ko sa aking tabi. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa gulat at baka magising ko lang si Jeho at maistorbo ko siya sa pagtulog. Dahan-
"Change your clothes," utos nito nang hindi ito nakatingin sa akin habang abala siya sa pagsasa-ayos ng mga damit niya. Hindi ko na nagawang tulungan siya dahil sa sobrang pagkainis ko sa kan'ya. Narito lamang ako nakasilip sa may labas ng pintuan ng kan'yang closet.Hindi ko sinasadyang mapatikhim kaya napadako ang tingin niya sa 'kin. "You have no longer to use my underwear," biglang sabi nito sabay tingin niya sa akin at napakagat labi pa ito nang mapababa ang kan'yang tingin sa aking maputing hita. Nagsalubong ang dalawa kong kilay at napanguso ako dahil sa pagkainis ko. Tila alam talaga nito ang bilang ng mga underwear niya at alam din niyang wala akong suot na undies."Anong pinagsasasabi mo diyan?" Naiinis kong sabi na kunwaring hindi ko alam.Humakbang siya patungo sa akin. "Do you want me to peek at you sweetheart ?" Bulong niya sa aking tenga. Nasapak ko siya sa kan'yang braso dahil sa pagka-pervert nito.Napatawa siya, "Ang bastos mo. Nakakainis ka!" singhal ko saka umalis
Almost a week, miss na miss na niya si Kayrelle at pati si Johann ay namimiss din niya ito. Tanging sa telepono na lang niya ito nakakausap.Natalimbangon si Jeho nang makarinig ito ng ilang tawag sa kan'yang telepono. Ayaw pa niya sana itong sagutin dahil inaantok pa ito dala ng kalasingan. Tamad niyang dinampot ang telepono dahil patuloy lamang ito sa pagriring. Nang makita niya kung sino ang tumatawag kaagad niya din itong sinagot."Yes Joe?" Tanong nito sa kaibigan niyang detective na kan'yang inutusan mula pa kagabi. Inabala niya ang kaibigan niya kahit natutulog na ito. Kaya ang ganti naman ng kan'yang kaibigan ay gisingin ito ng maaga."Tsk! Tsk! Tsk! Hang-over na 'yan Jeho. Kamusta ang bagong gising? Hindi naman siguro ako nakakaabala sa himbing mong pagtulog no."Rumihistro sa mukha niya na inaantok pa ito at walang gana makipag-usap sa kaibigan niya kaya nahiga muli si Jeho habang ang kan'yang cp ay nakapatong lang sa tenga nito. "Can you start our discussion. I want to sle
Abala ang dalawa sa loob ng aming bahay ng mga pinamiling regalo ni Jeho para sa anak kong si Johann habang narito kaming dalawa ni papa sa may labas ng bahay sa kubong ginawa niya kamakailan at napag-usapan na naming dalawa ang tungkol sa dalawang mag-ama. Mabait naman daw si Jeho sabi ni papa at okay lang naman sa kan'ya na narito siya pero ang kan'yang mommy ang kan'yang pinoproblema dahil baka hindi lang ako ang saktan ng kan'yang mommy at pati ang mga anak ko ay madamay din. Tinanong din ako ni papa kung hanggang kailan ko ililihim sa kan'ya na siya ang tunay na ama ng mga anak ko. Ang sagot ko ay hindi pa ako sigurado dahil iniisip ko pa kung itutuloy ko ang plano na maghiganti sa kan'yang mommy dahil isang malaking problema ang aking kinakaharap ngayon lalo na't napakasama pala ng ugali ni Don Escobar na maaaring ikapahamak namin. Ngayon ko lang naalaman to. Maling tao ang nalapitan ko.Tulala ako ngayon dahil gulong gulo ang isip ko. Mabuti at nariyan si papa na magaling ma
"Sige na po mama, pumayag ka na po na kasama si daddy sa pagbibake mo. Magbebehave po ako please," with matching beautiful eyes pa talaga ito.Napatingin ako kay Jeho at nagkibit-balikat na lamang ito.Napasingahap ako, "okay baby," ngiting sabi ko dahil hindi ko mahindian si Johann. Kukulitin lang ako ng kukulitin kapag umayaw ako. "Stay here okay and behave," sabi ko habang inuumpisahan ko ng sindihan ang tv para hindi maboring ang aking anak sa pag-aantay habang nagbibake kasama si Jeho at nauna na nga itong magtungo sa kusina.Excited na naman ang kumag na iyon dahil masosolo na naman niya ko sa kusina."Just behave baby okay," ngiting sabi ko sa aking anak ngunit hindi man lang ito nagsalita dahil abala na ito sa kan'yang pinanonood na cartoon movie.Tahimik akong nagtungo sa kusina at nakita kong nag uumpisa na nga si Jeho na magbake. Nakakapagtaka lang dahil marunong din pala ito. "Alam mong magbake Jeho?" Bungad na tanong ko."Yeah! Hindi ko gagawin to kung hindi ko alam. Why
Lumipas ang tatlong araw na pamamalagi ni Jeho sa bahay nila Kayrelle ay siyang masayang balita naman ang batid ng kan'yang ama nang siya'y makauwe sa bahay. Hindi na nagpang-abot pa ang dalawa dahil nagmamadali din si Jeho na umuwe. Bukod pa doon ay may mahalaga itong gagawin dahil nagkaroon ng agarang imbitisyon para sa mga piling tao lang.Hindi din akalain ni Kayrelle sa regalong inabot sa kan'ya ng kan'yang ama. Isang napaka eleganteng gown nang makita niya ito sa isang box. Kompleto na din ito, may cinderela shoes pa itong kasama at may mga pares pang necklace at earings na babagay sa kan'yang susuoting gown. "Kaylawak ng ngiti mo anak. Masaya ka ba sa niregalo ko sayo?" Ngiting tanong nito."Opo naman papa ang kaso po ay baka hindi ko kayang suotin 'yan kasi hindi nababagay sa kagaya kong mahirap lang," malungkot na sabi ko."Kayrelle anak, minsan lang 'tong mangyari sa iyo kaya susuotin mo ito bukas ng gabi. Saka kung hindi mo ito susuotin ibibigay ko ito kay Monette," panana
Kinabukasan, maaga kaming namasyal ng aking anak kasama si Monette. Request ito ni Johann dahil ayaw nitong sumama sa event mamayang gabi. Oo nga naman, hindi kasi mahilig ang aking anak sa mga ganoong mga okasyon dahil mapapagod lang ito at hindi niya maeenjoy dahil para sa matatanda daw ang event na iyon. Naloka talaga ako sa kan'yang tinuran kaya pinagbigyan ko ang kahilingan ni Johann na mamasyal.Habang nasa malayo kami, nasa malayo naman ang kan'yang tanaw nang makita ko ang isang sorbetero sa di kalayuan mula sa amin."Gusto mo ng icecream baby?" "Yes mama, p'wede po?""Sure anak!" ngiting sabi ko."Yehey!" tuwang tuwang sabi nito with patalon talon pa."Okay baby, dito ka muna kay tita Monette ha at bibili si mama ng icecream," bilin ko sa kan'ya. "Yes po mama," nakangiting tugon nito.Nagtungo na ko sa may nagtitinda ng sorbetes pagkapaalam ko kay Johann at bumili ng tatlong pirasong icecream para sa kakainin namin. Ilang minuto lang ang itinagal ko, pabalik na ko kung saan