Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Thomas. Hindi siya basta basta makapagsalita tungkol dito."Tigris, mag-ingat ka sa mga sinasabi mo."Agad na nagpaliwanag si Tigris, “Kumander, huwag kang mag-alala. Hindi ko hinihiling sa iyo na gumawa ng anumang krimen. Mayroon talagang isang mahalagang pagkakataon sa harap mo ngayon."“Anong pagkakataon?”"Isang pagsubok sa kwalipikasyon!"Ito ang unang pagkakataon na narinig ni Thomas ang tungkol sa terminong ito. Nakaramdam siya ng pagkalito, at tinanong niya, "Ano iyon?"Paliwanag ni Tigris, “Kumander, simula nang isuko mo ang posisyon, nabakante ito. Nagmamadali ang mga nakatataas, kaya't gusto nilang pumili ng namumukod-tanging kahalili. Ang problema, lahat ng kapangyarihan ay naglalayon sa posisyong ito. Ang pagpili ng isang tao mula sa alinmang panig ay makakasakit sa kabilang panig. Kaya, ang mga nakatataas ay nagpasya na gumamit ng isang kumpetisyon upang magpasya sa kahalili, na kung saan ay ang tinatawag na qualification trial.
Ang Purgatoryo Dojo ay ang pinakatanyag na dojo sa Central City. Ang pinakamagaling na eksperto mula sa iba't ibang martial arts sa Central City ay nasa lugar na ito.Nagkaroon ng suntukan, judo, Muay Thai, wrestling, sumo, at taekwondo.Hangga't mayroon kang isang kasanayan, maaari kang pumunta sa lugar na ito.Mayroong sampung palapag sa Purgatoryo Dojo, at may tagasuri sa bawat palapag. Pagkatapos mong talunin ang tagasuri, maaari kang lumipat sa susunod na palapag.Ang mga taong maaaring maabot ang ikasampung palapag ay ang mga natatanging eksperto.Higit pa riyan, naroon pa rin ang maalamat na Kwarto ng Diyos.Iyon ang silid na maaari ka lamang makapasok pagkatapos makilala ng lahat ng mga eksperto sa ikasampung palapag.Matagal na bakante ang kwarto dahil walang makikilala ng lahat ng nasa ikasampung palapag. Kung gusto mong maging elite at eksperto sa lahat ng mga eksperto, hinding-hindi ito magiging posible na makamit.Hanggang sa may lumitaw na tao. Iyon ay Capricorn.
Kalokohan. Sa kakayahan ni Thomas, kahit sampung examiners ay hindi siya kayang talunin. Kailangan ba talaga nilang makipaglaban?Dumiretso si Thomas sa itaas ng hindi tumitingin sa kanya.Nakatitig ang examiner sa likuran ni Thomas habang umaakyat siya sa itaas, at pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo bago niya sinasabi sa kanyang sarili, "P*ta, anong klaseng halimaw ito?"Stomp. Stomp. Stomp.Dumating si Thomas sa second floor at wala siyang problema nang makaakyat siya doon.Naulit ang nangyari sa first floor sa second floor. Hindi man lang nahirapan si Thomas na talunin ang lahat, at natumba ang examiner bago pa man niya mahawakan ang mga damit ni Thomas.Pagkatapos nito ay dumiretso siya sa third floor.Hanggang sa makaabot siya sa fourth, fifth at sixth floor nang walang problema…Habang umaangat siya ay mas malalakas ang mga nakakalaban niya. Gayunpaman, ito ay naaangkop lamang sa mga ordinaryong tao. Sa harap ni Thomas, ang mga taong ito ay kasing hina ng isang lang
Nagkagulo ang tenth floor ng Purgatory Dojo.Ang mga tinaguriang eksperto ay nakahandusay sa sahig, at hindi sila makagalaw. Pinanood nila si Thomas na naglalakad patungo sa Room of God.Isa siyang halimaw.Isang nakakatakot na halimaw.Hindi pa sila nakakita ng isang makapangyarihang tao sa kanilang buhay.Alam nila na pambihira ang lakas ng God of War, ngunit hindi nila inaasahan na mas abnormal pala ang kanyang lakas. Iniisip nila kung ano ang magiging resulta kapag nag-away ang dalawang taong ito.Gusto nila itong makita, ngunit wala silang kahit anong lakas na natitira para bumangon.Huminga ng ilang beses si Thomas sa oras na iyon at sinabi sa mga eksperto na nakahandusay sa sahig, “Magagaling kayo dahil nanatili ako ng ten minutes dito para kalabanin kayo. Praiseworthy ang efforts niyo.”‘Not bad’ ang mga experts na ito para sa kanyang standard.Meron pa rin malaking gap para maging isang ganap na expert.Hindi huminto si Thomas para makahinga at dire-diretso siyang na
"Hindi mo talaga ako matatalo sa kakayahan na meron ka ngayon."Bumuntong-hininga si Capricorn at sinabing, "Ang layunin ko sa buhay ay talunin ka, pero hindi talunin ang isang kinakalawang na bersyon mo. Commander, hindi ko alam kung saan ka nag-aalangan. Sana lang ay makaalis ka sa estadong ito sa lalong madaling panahon."Dahil mahina ka na ngayon."Pagkatapos magsalita ni Capricorn, tumalikod na siya at naghahanda na sanang umalis."Teka lang." Tumayo si Thomas.Sumagot naman si Capricorn, "Sinabi ko na hindi mo ako kayang kalabanin ngayon, kaya bakit ka pa nag-aabala..."Bago pa siya matapos magsalita, sumulpot si Thomas sa likod ni Capricorn na kasing bilis ng kidlat. Sa sobrang bilis ay hindi ito naabutan ng kanyang mga mata.Ang makapangyarihang si Tomas ay bumalik na muli."Ito na ba iyon?"Ito na iyon. Naging interesting na muli."Ito ang God of War na gusto kong talunin."Hindi nanghina si Thomas sa awakening ng kapangyarihan ni Thomas. Sa halip ay naging mas exci
Nang bumaba si Thomas, lahat ay nakatingin sa kanya nang may paghanga.Karamihan sa mga tao ay hindi kinayang makaabot sa tenth floor, ngunit isang oras lamang ang inabot ni Thomas upang makarating mula sa first hanggang tenth floor. Pumunta pa siya sa Room of God.Hindi kaya ito ang tinatawag na "speedrun" na mga manlalaro?Naglakad siya papunta sa receptionist at inabot niya ang kanyang kamay para kunin ang coat. Pagkatapos nito ay isinuot niya ang coat at sinabing, "Wala pang isang oras, hindi ba?"Namutla sa takot ang receptionist. Patuloy niyang winawagayway ang kanyang mga kamay at sinabing, "Hindi, wala pang isang oras."Nawala na ngayon ang lahat ng pangungutya at pagmamaliit nila kay Thomas. Sa mga mata ng receptionist, ang lalaking ito ay isang diyos.Siya ay isang malakas at imposible na siya ay maging isang tao.Si Alexander the Great ay hindi kailanman natalo ng isang digmaan, at ngayon, si Thomas ay dumaan sa lahat ng mga floors ng Purgatory Dojo nang napakabilis.
"Ikaw!"Makikipaglaban na sana si Tigris ngunit tumigil siya nang maisip niya ang mga qualification trials.Hindi niya ito pwedeng gawin.Hindi ngayon ang panahon kung saan pwede siyang makipaglaban.Tinakpan niya ang kanyang ulo at hinayaan silang insultuhin at bugbugin siya.Nang makita ito ni Sylvan, ngumiti lamang siya at sinabing, “Akala ko makapangyarihan ka, pero wala ka palang silbi. Sinasayang mo ang malaking katawan mo dahil hindi ka man lang nakipaglaban."Umupo siya at pinagmasdan si Tigris na binubugbog habang naka-de kwatro.Napagod ang lahat pagkatapos ng sampung minutong labanan. Isa-isa silang umatras. Nakayuko si Tigris sa sulok habang nakatakip ang kanyang ulo.Pagkatapos ng lahat, siya ay isang tao na nakipaglaban sa larangan ng battlefield. Kahit bugbog-bugbog sarado na siya, hindi pa rin siya natumba.Kumunot ang noo ni Sylvan at sinabing, “Wow! Medyo matigas ang ulo mo. Kahit ang ginawa nila ay hindi ka napatumba. Okay, bibigyan kita ng isa pang bagay."
Tiningnan ni Thomas nang walang pakialam ang grupo at sinabi niya, "Susubukan niyo kaming takutin sa dami niyo?"Napangiti si Sylvan. "Tama, anong problema doon?""Sige. Dahil ‘yan ang gusto mo…” Pinitik ni Thomas ang kanyang mga daliri, at isang malaking grupo ng mga tao ang nagsiksikan sa may entrance.Sila ang Nocturnal.Wala masyadong ginagawa si Flying Rooster mula nang siya ay ma-discharge mula sa ospital. Ngayon, tuwang-tuwa siya nang makabalik siya sa dati niyang career.Kasunod nito ay sinabi ni Thomas, "Flying Rooster, pwede kang magsanay sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga taong ito, para malaman mo kung gumaling na ang iyong mga sugat."Masayang pumasok si Flying Rooster. "Yes, Sir."Nataranta si Sylvan nang makita niyang pinangungunahan ni Flying Rooster ang isang grupo ng mga tao."Oy, kilala mo ba kung sino ako?"Ngumiti si Flying Rooster. “Wala akong pakialam kung sino ka. Mag-usap tayo pagkatapos kitang talunin."Itinaas niya ang kanyang kamao at sinuntok