NAGTATAKA man ay nanatiling tikom ang bibig ni Pearl. Kasalukuyan silang papasok sa isang napakalaking bahay. Sa tingin niya ay isang mansyon. Kanina nang maiwan sila ng mommy ni Hycent ay halos hindi siya makahinga dahil sa pag-aakala na baka sabunutan o pag sasampalin siya nito. Masyado siyang nag-overthink. Na nakalimutan niya na nandoon ang anak kaya imposible ang kanyang iniisip. Tahimik lang ang Ginang na inayos ang mga gamit ng kanyang anak. Pagkatapos maayos ay sakto namang pasok ni Hycent. Hindi na rin sila nagtagal at bumiyahe na sila. "Mommy, here house," nabalik sa ulirat si Pearl nang marinig ang boses at maramdaman ang paghila nito sa kanyang braso. Nasa backseat kasi silang mag-inang nakaupo."Oh, we are here? Is this your house?" tanong niya sa anak habang nakadungaw ito sa bintana. Umiiling ang anak niya. "House, me, daddy, mamita and mommy," nakangiting tugon ng anak. Hindi maitatago ang sayang nararamdaman nito.Naagaw ang kanilang atensyon ng huminto na ang kani
TATLONG ARAW na ang lumipas mula nang alukin si Pearl ng sariling asawa na maging katulong ng mga ito. Oo, nagulat siya. Sino ba naman hindi? Asawa siya nito pero gusto niyang maging katulong. Parte pa rin ba ito ng paghihiganti ng asawa sa kanya. Bakit parang ang bigat? Oo, masakit ang ginawa niya pero handa naman siya bumawi. At kung ang pagsilbihan ang mga ito ang magpapatunay na handa siyang itama ang kanyang pagkakamali sa nakaraan ay handa siyang gawin para mabuo muli ang kanilang pamilya. "Is breakfast ready?" Nabalik si Pearl sa sarili nang marinig ang baritonong boses ng asawa. Napalingon tuloy siya rito. Hindi niya talaga maikakaila ang gandang lalaking taglay ng asawa kahit bagong gising at magulo ang buhok ay mas lalong nagbibigay ng dating rito. "Ready na ba ang breakfast?" ulit na tanong ni Hycent na magka salubong na ang mga kilay na nakatingin sa kanya."Ah, oo. Kumain ka na. Gigisingin ko lang si Harold para makapag-ayos na rin." Nagmamadali siyang inayos ang lamesa
"SIT DOWN!" madiing utos ng mommy ni Hycent kay Pearl pagkapasok pa lang niya sa loob.Mabilis namang umupo si Pearl. Kanina pagkarating nila ng kanyang anak ay inutusan ng mommy ni Hycent si Nanay Marissa na kunin ang kanyang anak at ito ang mag-asikaso.Nagtataka man ay sumunod na lang din siya dahil wala naman siya magagawa. Pagkatapos no'n ay sinabihan siya nito na sundan ito.Kasalukuyan sila ngayon nasa loob ng library. Ito ang unang beses na nakapag solo sila. At aaminin niya na sobra ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na 'yun. Bigla kasi nagbago ang awra nito. Nakaka intimidate ngayon na halos hindi niya ito matignan. "Do you have any idea why I called you?" tanong nito na nagpabalik sa kanya sa ulirat."Po-po? I mean…I don't have…" Nakita niyang tumayo ito mula sa kanyang pagkaka upo sa swivel na naroon. Umikot ito at umupo sa kaharap niyang upuan. She sit with her one legs crossed to the other one. Napa diretso ng upo si Pearl. "I know that you are now aware of what
"SAAN TAYO pupunta?" tanong ni Pearl sa asawa nang makasakay siya sa kotse nito. Hindi niya nakita ang anak ang sabi ni Nanay Marissa ay kasama ito ng lola umalis.Isinuot niya ang seatbelt at hinintay na sagutin nito ang kanyang tanong ngunit pinaandar lamang nito ang sasakyan at parang walang narinig na minaniobra ang sasakyan palabas ng mansyon.Huminga siya nang malalim. Wala naman siya magagawa. Ang kailangan niya lang gawin ay sundin ito. Halos mapanis ang kanyang laway sa sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Pinagkaabalahan na lang niya ang sarili na pagmasdan ang labas. Matataas na gusali at mausok na daan ang kanyang nasisilayan. Palagay niya ay palabas sila ng manila. Dahil sa pagod ay hindi niya napigilan na makatulog. "WAKE up!" Dahan-dahan iminulat ni Pearl ang mga mata ng may yumugyog sa kanya. Napalingon siya sa kanyang tabi at sumalubong sa kanya ang magkasalubong na kilay ni Hycent. "Fix yourself, we are here," sabi nito saka bumaba ng sasakyan. Mabilis naman ni
KASALUKUYANG naglilinis si Pearl ng mga kalat sa may bandang pool. Hindi man lang siya pinuntahan ng asawa o kahit tinanong kung ayos lang ba siya. Kung sabagay ano ba aasahan niya?"Napaka unfair ng buhay, 'no?" "Ay palaka!" tili niya ng may biglang magsalita. Mabilis niyang nilingon ang pinagmulan ng boses.Isa sa mga kaibigan ni Hycent. Nakasandal ito sa may isang puno habang humihithit ng sigarilyo.Pinatay nito ang sigarilyo saka itinapon. Nagsimula itong humakbang palapit sa kanya. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan. Huminto ito nang dalawang hakbang na lang ang pagitan nito sa kanya. Napa diretso si Pearl ng tayo. Nararamdaman niya ang matiim na titig na ibinibigay ng kaharap. "Sana hindi ka na lang nagpakita kay Hycent…" Nagulat siya sa sinabi nito kaya naman napatingin siya rito. Nagtatanong ang kanyang mga mata. "Masyado mong sinaktan ang kaibigan namin. Ang pagbabalik mo sa kanya ay para mo na rin isinalang ang sarili mo sa impyerno," seryosong pahayag nito.Big
"WHO ARE YOU?" tanong ni Pearl sa isang magandang babaeng nakaupo sa isang bench sa may garden. Tinawag siya kanina ni Nanay Marissa at sinabing may naghahanap sa kanya. Nagtataka nga siya kung sino naman ang hahanap sa kanya. Kaya mabilis siyang nagtungo sa garden kung saan daw ito pinatuloy ni Nanay Marissa. Tumayo ang babae saka ngumiti sa kanya. "Ayokong biglain ka kung yayakapin kita agad. But I really want to hug you, Pearl." Napakunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Kilala siya nito at mukhang hindi lang basta kakilala. Tumikhim siya. "I'm sorry but….Do I know you?" The girl showed a forced smile. She crossed her arms in front of her chest. And look at her with an emotion she can't understand. "I'm Abygail Naguit…your one and only best friend." Napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito.May kaibigan siya? Hindi lang basta kaibigan kung di best friend"Best….friend?" ulit niya na patanong rito.Lumiwanag ang bukas ng mukha nito at ngumiti. "Yes, your best friend. I hear
ISANG Buwan na rin ang nakalipas. Isang buwan na wala pa rin siya maalala. At tinupad nga ni Abygail ang sinabi nito na dadalawin siya. Ang unang beses nitong dalaw ay talaga naman nakakatakot dahil sa kanyang asawa. Nang salubungin siya nito ay binilinan lang siya na huwag gagawa ng kalokohan. At kung subukan niya daw itakas ang bata at sumama kay Abygail ay hindi 'yun mangyayari."Ang sama tlaga." Si Abygail naman ay laging may binibigay na gamot sa kanya. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya maalala kahit konti.Minsan gusto niya nang itanong kung anong klaseng gamot ba 'yun dahil walang epekto. O, masyado lang siya nagmamadali. Sino ba hindi. Isang buwan na simula ng magising siya nang walang maalala. Pero sa tuwing pipilitin niya ay mas lalong sumasakit ang kanyang ulo kaya tinigilan niya na."Are you new here?" Nabalik si Pearl sa ulirat nang marinig ang baritonong boses. Napaangat siya ng tingin at sumalubong sa kanya ang isang napakagwapong nilalang."Hu-huh?" nautal
HATING-GABI na at hindi pa rin dalawin ng antok si Pearl.Hindi mawala sa isip niya ang paghalik ni Hycent kanina sa loob ng library. Hindi lang basta simpleng halik dahil lumalim ang halikan nila nang ipasok nito ang dila sa kanyang bibig. At hindi niya rin alam pero tila bigla ay hindi niya kontrolado ang katawan na hinayaan ang asawa namnamin ang kanyang mga labi.Umabot pa nga sa puntong pumulupot ang kanyang mga braso sa leeg ng asawa upang mas namnamin ang kanilang paghahalikan.Iba ang hatid na kiliti ng halik ng asawa. Nakakabaliw, nakakawala sa huwisyon. Parang may mahika ito na kayang tangayin ang kanyang buong pagkatao. And she can't deny that her husband is a f*cking good kisser. Dalang-dala na siya nang bigla itong bumitaw at tila napaso sa kanya.Wala man itong binitiwan na salita bagkus ay nagmamadali itong lumabas ng library at naiwan siyang nakatulala. Nandiri ba ito sa kanya?Bakit? Dahil may ibang lalaki nang nagpakasawa sa kanyang katawan.Sumakit din ang dibdib
"EXPLAINED WHAT HAPPENED?" seryoso ang boses ni Reese habang nakatingin sa dalawang anak. Narito sila ngayon sa sala. Kakauwi lang nila galing sa school ng mga anak. Ipinatawag sila ng teacher dahil raw nakipagsuntukan ang anak na lalaki at ayaw naman magsalita kung ano dahilan. Kaya humingi na lang sila ng pasensya mabuti at nadaan sa mabuting usapan o mas tamang sabihin na empleyado nila ang magulang ng nasuntok ng kanilang anak kaya hindi na pinalaki.Pero kahit na ganoon ay hindi niya hahayaan na lumaking walang disiplina ang anak. "Hira? Do I need to repeat my question?" Baling niya sa anak na panganay. "Didn't tell you to watch your brother?" Tumingin si Hira kay Hans na nanatiling nakayuko bago nito ibinalik ang tingin sa kanya."Mom, it was my fault. Huwag n'yo na po pagalitan si Hans." Nag-angat ng tingin si Hans at tumingin kay Hira. "I'm sorry Hans, sinabi ko naman kasi sayo na hindi siya nararapat sayo. She's a bitch—""Hira!" Napalakas ang boses niya dahil sa lumabas na
MATAPOS ANG ARAW NA pag-propose ni Hycent ay nakahinga rin siya nang maluwang. After niya malaman na anak niya si Hira ay sinimulan na niya planuhin kung paano mag-pro-propose kay Reese. At nang wala siyang maisip ay humingi siya ng tulong sa kanyang mommy na humingi rin ng tulong sa mommy ni Reese. At hindi naman sila nabigo. Simple lang pero tama sila, Reese definitely like it. Isa 'yun sa mga katangian nito na talagang umagaw ng kanyang pansin. Despite growing in a wealthy family she stayed humble and kind."Hindi ka ba uuwi?" Napukaw ang kanyang pag-iisip nang marinig ang boses ni Reese. Napalingon siya rito na kakalabas lang ng banyo. Natatakpan ang katawan nito ng roba habang ang buhok ay may towel na nakapulupot. At hindi niya napigilan na hindi mag-init. Ewan niya ba, pero pagdating kay Reese madikit lamang siya rito ay nabubuhay ang katawang lupa niya. "Stop giving me that look na para bang gusto mo akong kainin ng buhay.""Paano kung gusto ko nga?" sagot niya na ikinabilog n
KAPWA may ngiti sa labi sina Reese at Hycent habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila Reese. Matapos ang nangyari sa bahay ni Marlon ay panatag na ang loob nilang iwan si Harold. At sigurado naman sila na hindi ito pababayaan ng mga tunay na magulang. Walang humpay ang pasasalamat naman nina Marlon at Pearl sa kanila. "Harold is really a smart kid and a mature one. Nagulat talaga ako kanina sa revelation niya. Alam mo 'yung hindi natin alam paano sasabihin sa kanya pero siya alam na pala ang totoo," pagsisimula ni Reese ng paksa. "Me too. Sobra akong kabado kung paano magpapaalam sa kanya. All along he already knew. Ayoko talaga siyang ipasama pero karapatan niyang makasama ang mga tunay niyang magulang." Hindi nakaligtas sa kanya ang bahid ng kalungkutan sa boses nito. Hindi niya naman masisisi ito, ilang taon ba nito nakasama si Harold? Isinandal niya ang ulo sa balikat nito saka niya pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Wala naman problema kahit isang kamay lang ang gamitin
PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO ay nakalabas na ng hospital si Pearl. Kasalukuyan ito tumuloy sa bahay ni Marlon upang makapag-usap nang masinsinan ang dalawa habang si Harold ay nanatili sa poder ni Hycent. Sa isang linggo rin na 'yun ay mas napadalas ang pagpunta ni Hycent sa bahay nina Reese upang makabonding ang anak niya na si Hira. Hindi pa sila pinayagan na lumabas dahil hindi pa maayos ang sitwasyon lalo na ang tungkol sa kanila ni Pearl. Wala man lumabas na eskandalo pero kasal siya sa mata nang maraming tao. Hindi naman nagbago ang turing niya kay Harold para sa kanya ay anak niya ito. Kung siya ang masusunod mas nanaisin niya manatili sa poder ang bata pero may mga tunay itong magulang na naghihintay. "Are you okay?" Napabalik sa sarili si Hycent sa tanong ni Reese na nasa tabi niya. Sandali niya itong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa daan. Patungo sila ngayon sa bahay ni Marlon upang ihatid si Harold na ilang araw nang hinahanap si Pearl. "I'm okay," tipid niyang s
NABIGLA SI Reese nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. "Mahal."Napangiti na lang siya nang marinig ang boses nito. At kahit hindi ito magsalita ay alam naman niya kung sino lang ang yayakap sa kanya ng ganun. Ipinatong niya ang mga kamay sa mga braso nito na nakayakap sa kanya. Narito sila sa may rooftop. "Tulog na ba si Hira?" tanong niya. Hindi na kasi humiwalay ang anak nila rito. Kaya hanggang sa pagtulog ay ito ang gusto na makasama. Magtatampo na sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Dalawang taon mahigit ang nasayang sa mga ito. "Oo. Sleeping beauty na ang ating prinsesa." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya."I'm sorry," sambit niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Sorry kung hindi ko agad ipinaalam sayo. Natatakot lang kasi ako na baka i-deny mo si Hira. Ni hindi ko alam kung paano siya ipapakilala. Dahil maging sarili ko ay hindi ko rin alam kung paano ipapakilala," panimula niya saka siya huminga nang malalim. Naramdaman niya ang pagpatong ng baba
HINDI NA napakali si Reese habang tinatahak nila ang daan pauwi. Sobra ang kabang nararamdaman niya. "This is it," bulong niya sa sarili. Kung maghihintay pa siya ng tamang pagkakataon ay baka matagalan pa 'yun. At baka sa iba pa malaman ni Hycent. Ayaw na niyang itago ang katotohanan rito. Kaya naman kahit natatakot siya ay pinilit niyang pinalakas ang loob upang aminin rito ang pinakaiingatan niyang sikreto."We're here." Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Hycent sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya. "Are you okay, mahal." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na mabilis niya naman binawi dahil alam niya na nanlalamig 'yun. "Mahal," masuyo nitong pagtawag sa kanya.Huminga siya nang malalim saka nilingon ang labas ng bintana. Nasa harapan na sila ng kanilang mansion. Pumikit siya upang pakalmahin muli ang puso niyang nagsisimula na naman lamunin ng kaba. At hindi nakaligtas sa kanya ang matiim na titig ni Hycent na ipina
HANGGANG sa makasakay sina Hycent at Reese sa kanyang kotse ay walang nagsalita sa kanila.Hindi malaman ni Hycent kung ano ba ang dapat sabihin o maramdaman. Ang lakas nang tibok ng puso niya. Divorce na sila ni Pearl. Kailan pa? Paano nangyari? Gustong-gusto niya lingunin si Reese ngunit inaagaw nang paghuhurementado ng puso niya ang atensyon niya. Galit? No! Hindi siya galit sa nalaman kung totoo man 'yun baka nga magwala siya sa tuwa. Pero paano nga nangyari? Napahawak siya sa manibela at napatulala roon. Humugot siya nang malalim na hininga. Ilang beses niyang ginawa upang pakalmahi ang puso niya. Narinig niya ang pagtikhim ni Reese na ikinabalik niya sa sarili."Ma-mahal," may pag-aalala sa boses nito na tila napuno ng takot. Kaya naman mabilis niyang nilingon ito.Kitang-kita niya ang pagbakas ng pagkabahala sa mukha nito. Ang takot sa mga mata nito. Bakit ito natatakot? Iniisip ba nito na galit siya? 'Oh, mahal, you are so wrong, I can't get mad to you.'"Ma-mahal, I can expl
DALAWANG ARAW NA ANG lumipas mula nang mangyari ang malaking rebelasyon sa buhay nina Reese at Hycent. Matapos mawalan ng malay si Marlon ay dinala na muna ito sa clinic na nasa loob din ng headquarters. Habang sila ay nagdesiyon na munang magsiuwi lalo na at naghihintay ang kanilang mga ina. Gusto niya makausap si Hycent ngunit hindi siya hinayaan ng kuya niya at sinabi na hayaan muna ito dahil kailangan pa nito i-proseso ang mga nalaman. At dahil nakaramdam na rin siya ng pagod ay pumayag siya. Nagpaalam lang sila sa isa't isa saka nagkanya-kanya ng uwi.After two days, here she is. Standing outside of their mansion to wait for Hycent. Dalawang araw din na hindi sila nagkita at nagkausap dahil nagkulong lang daw ito sa silid nito. Kahit tawag niya ay hindi nito sinasagot. Nauunawaan naman niya ito kaya naman hinayaan niya na lang muna. Masakit naman kasi malaman na ang itinuring mong anak ay hindi sayo. Kung siya nga na dalawang buwan lang ay sobrang sakit. What more to Hycent who k
LIMA NA LAMANG sila nasa loob ng silid na 'yun. Lumabas na ang mommy ni Hycent at Reese.Katabi ni Hycent si Reese habang magkatabi naman si Rohan at Arsen at nasa kanilang harapan si Marlon.Alam ni Hycent na marami pa siyang kailangan malaman. Mga bagay na may kinalaman siya. Mga bagay na sana hindi wawasak sa kanya.Narinig nila ang pagtikhim ni Marlon kaya napabaling silang lahat rito. Huminga ito nang malalim bago nag-angat ng tingin at dumako sa gawi nila. Makikita sa mga mata nito ang halo-halong emosyon. Pero nangingibabaw ang pagkabigo, pagsisisi at pagsuko. Sa isang iglap ay tila itong naging isang maamong tupa. "I met Pearl in an orphanage. I admit I was got attracted by her beauty. And when I saw her light green eyes, an idea came into my mind. Sinimulan kong makipaglapit sa kanya, kinuha ang loob. At hindi ako nabigo, she trusted me or we should say she loved me. I used her feelings towards me to make her do what I want." Umigting ang panga nito at mabilis na binawi an