Chapter 65:Ilang taon ang ginugol niya upang mawalan siya ng pakialam kay Celine. Mahirap kalimutan ang nakasanayan. Lalo na at palagi niyang kasama ang babae sa kahit na anong kaganapan sa buhay niya. Sa ilang taon na naging magkasintahan sila ay malaki ang pasasalamat niya sa babae. Ito ang nagsilbing sumbungan niya tungkol sa mga dinadala niya sa buhay. Handa rin kasing gabayan ng babae ang bawat hakbang niya patungo sa nais niyang matungtungan. Sa mga panahon na nangungulila siya sa mga magulang niya ay si Celine at ang Daddy nito ang naging kaagapay niya upang malaman ang totoo sa pagkamatay ng mga magulang niya.Naiintindihan niya na rin kung ano ang dahilan kung bakit siya kinakalinga ng dalawa. Upang hindi siya magtanim ng pagdududa sa kanila. At upang ilihis ang kaniyang pag-iimbistiga. Subalit dahil malakas ang kutob niya na may kinalaman ang ama ng ex-fiancée niya ay gumawa siya ng pag-iimbistiga na lingid sa kaalaman ng lahat. Doon niya napatunayan na ang ama ni Celine an
Chapter 66:Pumasok siya sa silid saan sila magpupulong. Nagulat si Lila nang wala siyang makitang ibang tao roon bukod sa kaniya. Lumingon siya sa paligid. Nakaayos pa rin ang mga silya at tiyak na hindi pa ito nagalaw ng kahit na sino. Wala ring kahit na anong gamit na nakasanayan niyang nakikita kapag nagpupulong.Bumukas ang pintuan at pumasok si Celine. Nasa nakasayang kasuotan ang babae. Subalit sa pagkakataon na ito ay faded jeans na ang pang ibabang suot nito. Isang itim na bag ang dala ng babae at hindi na siya magugulat kung sa loob nito ay may baril na dala ang babae. Hindi naman ito umaalis na walang dalang armas kung saan nakabase ang tapang na mayroon ang babae.“Nagulat ka yata na tayong dalawa lang ang nandito, Lila? Surprise, Bitch!”“N-Nasaan ang iba, Celine?!”“Malay ko sa kanila. Wala naman talagang magagamap na pagpupulong! Paglalamay siguro, mayroon,” masamang biro ng babae.“Umayos ka!”Lumapit sa kaniya ang babae. Humalukipkip ito habang ang mga mata ay mapangh
Chapter 67:Marahan ang pagbukas niya sa kaniyang mga mata. Unang bumungad sa kaniyang paningin ang Ginang na huli niyang kasama sa isang silid matapos siyang muling pagtangkaang patayin ni Celine. Halos marinig ang pagpatak ng likido sa maliit na hose mula sa maliit na lagayan sa ibabaw niya. Pumikit siya saglit upang tuluyang mapukaw ang kaniyang isipan sa reyalidad. Ang huling naalala niya bago pa man dumilim ang kaniyang paningin ay sinalo siya ni Mrs. Han.“Goodness gracious, Darling! Salamat naman sa Panginoon at ikaw ay gising na,” sabi ng Ginang na bakas ang tuwa sa mga mata nang makita siya nitong gising na.“Mrs. Han, salamat po dahil dinala niyo ako rito,” wika niya. “M-May sinabi ba ang doktor? May sakit po raw ba ako?” tanong niya na may pag-aalala sa kondisyon niya.Natakot si Lila nang kaniyang maalala na may TB ang Nanay niya at namatay sa cancer ang kaniyang Tatay. Nabahala siya na baka naipamana ng mga magulang sa kaniya ang mga nakakatakot na karamdaman na iyon. Buo
Chapter 68:Ano ang mukhang ihaharap niya sa kaniyang Nanay? Hindi nagkulang kailanman ang kaniyang mga magulang na pangaralan siya tungkol sa pag-aalaga ng sarili at mapanatili ang pyuridad niya. Alam niya na para sa kaniya ang lahat ng iyon. Subalit dahil sa isang gabing mapagsamantala ay nawala ang kaniyang birhenidad na nagsilbing watawat niya at sagisag ng kaniyang pagkababae.Paano niya pa papahuyan si Etang na maging mabuting dalaga at huwag sumabay sa uso? Paano kung malaman ng pinsan niya ang kondisyon niya ngayon? Huhugsahan ba siya nito? Paano kung ibabalik ng pinsan niya sa kaniya ang mga salitang sinabi niya rito tungkol sa pagiging mabuting dalaga?Nanatiling bumagsak ang kaniyang mga braso, walang lakas ang mga ito, at puno ng pangamba ang kaniyang puso. Marahan siyang tinulak ng kaniyang Amo. Tumitig sa kaniyang mga mata nang malalim ang Amo niya. Sinuri ng lalaki ang kaniyang noo at leeg, para bang magulang na tinitingnan kung may lagnat ang anak niya.“Miss Maid, ano
Chapter 69:Inayos niya ang suot na maiksing bestida bago siya umupo. Lumingon siya sa entrada ng restawran. Huminga siya nang malalim matapos siyang sumulyap sa maliit na relo na suot niya. Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Saktong pagmulat niya ay nakita niya si Celine na lumakad patungo sa mesa na nireserba niya para sa kanilang dalawa.Kung hindi sila kilala ng mga tao sa loob ay iisipin ng mga ito na magkaibgan sila. Malapad na ngiti ang ginawad niya kay Celine na hinila ang upuan at binagsak ang sarili roon.“Hindi ko inakala na darating ka, Celine. Ang huli kasing sinabi mo sa akin ay hindi ka nakikipagkita sa mga taong tulad ko, tama?”“Hindi ako nandito para makipag-usap sa iyo na para bang kaibigan kita o hindi naman kaya ay matagal na panahon na tayong naging magkasosyo, Lila.” Nahimigan niya sa boses ng babae ang inis nito sa kaniya. “Huwag ka ring umasta na para bang wala kang atraso sa akin,” sabi nito. “Dahil marami kang utang sa akin na hindi mo pa binagbabayaran.”“
Chapter 70:Hinagis niya ang tingin niya sa nakabukas na telebisyon. Biglang tumigil ang isang patalastas at bumungad sa screen ng telebisyon ang mukha ng isang pamilyar na tao.“Nahuli na umano ng kapulisan ang ang tanyag na businessman at personalidad na si Arnold Mejes. Ito ay matapos na muling inimbestigahan ng isang ahente ang kaso ng pagkamatay ng mga magulang ng tanyag na bachelor sa bansa na si Ryllander Callares. Naging usapin noon ang biglaang pagsabog ng sasakyan ng mag-asawang Callares. Ngayon na nasa kamay na ng pulisya ang may sala sa naturang krimen at ito ay haharap umano sa maraming kaso…”Pumikit si Ryllander ar agad na bumuntong-hininga. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap niya ay nagtagumpay din siya. Tumayo siya at minabuting maligo upang tumungo sa kulungan.Simpleng itim na t-shirt at faded na jeans ang suot ng lalaki patungo sa bilangguan. Nakita niya roon ang taong kumitil ng buhay ng mga magulang niya. Nakangiti siyang tumitig dito.Hinaplos ng galit niyang mg
Chapter 70:Hinagis niya ang tingin niya sa nakabukas na telebisyon. Biglang tumigil ang isang patalastas at bumungad sa screen ng telebisyon ang mukha ng isang pamilyar na tao.“Nahuli na umano ng kapulisan ang ang tanyag na businessman at personalidad na si Arnold Mejes. Ito ay matapos na muling inimbestigahan ng isang ahente ang kaso ng pagkamatay ng mga magulang ng tanyag na bachelor sa bansa na si Ryllander Callares. Naging usapin noon ang biglaang pagsabog ng sasakyan ng mag-asawang Callares. Ngayon na nasa kamay na ng pulisya ang may sala sa naturang krimen at ito ay haharap umano sa maraming kaso…”Pumikit si Ryllander ar agad na bumuntong-hininga. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap niya ay nagtagumpay din siya. Tumayo siya at minabuting maligo upang tumungo sa kulungan.Simpleng itim na t-shirt at faded na jeans ang suot ng lalaki patungo sa bilangguan. Nakita niya roon ang taong kumitil ng buhay ng mga magulang niya. Nakangiti siyang tumitig dito.Hinaplos ng galit niyang mg
Chapter 71:Bago magsimula ang party ay kaniyang inayos ang mga gamit niya. Pinasok niya ang mga bagay na totoong sa kaniya at iniwan sa closet ang mga binili ni Ryllander Napagod siya kakaligpit ng mga kalat sa silid. Ayaw niyang umalis na nakakalat ang loob nito at may iiwang bakas na magtuturo kung nasaan siya. Buo na ang pasya niya sa gagawin niyang ito. Sa katunayan ay kaniyang pinaghandaan ang lahat. Tatanggapin niya ang mga salitang isusumbat ng Nanay niya. Kailangan niyang magtaingang-kawali kahit na sa ngayon lamang. Kung tatawagin siyang malandi ay tatanggapin niya. Kung huhusgahan siya ay buong puso niyang aadmitihin iyon. Sapagkat hindi niya na kailangan pang ipagtanggol ang sarili niya o ipasa sa iba ang nangyaring ito sa kaniya. Alam niya sa sarili niya kung ano ang totoong kaganapan at hindi resulta ng kalandian kung kaya siya ay nabuntis. Sinamantala niya ang pagkakataon na makipag-usap sa kaibigan niyang si Mrs. Han matapos na matagumpay na mailipat sa Ginang ang po
Chapter 102:Hinang-hina siya. Sinubukan niyang ahunin ang kaniyang ulo subalit pakiramdam niya ay ang bigat na nito. Ang kaniyang katawan ay puno ng sugat na naging dahilan ng walang-tigil na pagmamanhid ng kaniyang laman. Muli siyang sinipa ni Celine. Kaya ay tumingala siya sa babae at muling nag-makaawa.“H-Huwag mo nang patagalin pa ang lahat, Celine. P-Patayin mo na lamang ako. Hindi ko na kaya pa…”Yumuko si Celine upang maabot ang kaniyang buhok. Inahon siya ng babae at pinilit siyang makatayo. Inangat nito ang kaniyang ulo at ilang beses na inalog-alog pa.“Tingnan mo siya ngayon, Lila! Tingnan mo ang lalaking sinabi mong walang pakialam sa iyo! He is weak and has no power to save you! But still, he is here, trying to save you.” wika nito. “Nakita mo na? Pumunta siya rito! You lied to me! Ang sinabi mo sa akin ay hindi ka niya pupuntahan, hindi ka na niya hahanapin pa, at wala na siyang pakialam sa iyo! Pero isang tawag ko lang sa kaniya at sabing hawak kita ay sumuko na siya
Chapter 101:Nakapuwesto na ang mga tauhan na kasama niya. Si Totoy ang tumayo bilang command nila. Sana ay mapagtagumpayan nilang iligtas si Lila.Noong nakulong na ang Daddy ni Celine ay akala niya roon na nagtatapos ang ganitong mga eksena. Hindi pa pala. Mas mahirap ngayon dahil hawak ng kaaway niya si Lila. Isang maling hakbang lang na gagawin niya ay mapapahamak nang tuluyan ang babae. Lubos pa siyang nangangamba dahil dala-dala ng babae sa sinapupunan nito ang kanilang anak.Sumagi sa isip niya ang sinabi ni James sa kaniya tungkol sa pagmamahal na mayroon siya para kay Lila at sa anak niya. Sa kaniyang sitwasyon ngayon ay tiyak na iyon ang siyang magiging matibay na kasangkapan na magliligtas sa kaniyang mag-ina.Pagpatak ng alas otso ay nakarating na siya sa lugar na sinabi ni Celine. Madilim ang paligid ng lumang warehouse. Kabado niyang tinahak ang daan papasok. Walang kahit na isang baril na dala si Ryllander dahil isa iyon sa mga bilin ni Celine. Ang tanging mayroon siya
Chapter 100: Nanlisik ang mga mata niyang tumitig sa screen ng kaniyang cellphone. Tumayo siya at agad na sinuot ang kaniyang bullet proof bago ang kaniyang itim na leather jacket. Si Totoy naman ay maiging hinanda ang pistol nito. “Paano mo nadala ang baril na iyan? Hindi ba mahigpit ang security?” “Mahigpit naman. Pero posible ang lahat ng bagay kung malawak ang iyong koneksiyon at may tiwala ang mga tao sa iyo.” “Oo nga naman,” sabi naman ni Nahum. “Nahum, nagdududa ako sa location na sinend ni Celine sa akin. I think that woman is scheming.” “I know, Sir Ryllander. That’s why I am searching more information about the location she gave. Noong tumawag siya sa iyo ay iba ang lokasyon niya. Ang sabi sa info ay ilang kilometro ang layo niya mula sa location na sinend niya sa iyo. She always came prepared, Sir.” “Bakit hindi mo na lang kasi balikan ang ex mong baliw na iyon, Ryllander? Sa tingin ko ay iyon lang naman ang pinuputok ng butsi niya. Gusto ka lang nun makuha ulit,” suh
Chapter 99:Dinala sila ni Nahum sa sala. Inofferan sila ng imbestigador ng maiinom.“Pasensiya na kayo sa bahay ko. Medyo makalat,” wika nito.Tumingin siya sa maliit na piraso ng tela na malapit sa kaniyang sapatos. Lihim niya itong sinipa dahil nagtataka siya kung ano ang bagay na ito.“Shit,” mura niya nang malaman kung ano iyon. Umiling na lamang siya at agad na tinitigan si Nahum bago binalik sa karampot na tela na nasa sahig ang kaniyang sulyap. “Clean your mess,” bulong niya. Kumpyansa naman siya na kayang basahin ni Nahum ang kaniyang mga labi.“Uminom muna kayo ng juice,” sabi ni Nahum. Nang naipatong na nito sa lamesa ang tray kung saan nakaupo ang pitsel at dalawang baso ay pinulot na nito ang tela na kaniyang tinitigan.Lihim na pinasok ni Nahum sa bulsa nito ang t-back at agad itong umalis. Sinundan niya sa kusina ang lalaki. Binuksan nito ang trash bin at tinapon ang tela na hinugot mula sa bulsa nito.“Nakakadiri ka, Nahum. Alam mo naman na parating kami, hindi ba? Ni
Chapter 98:Iisa lamang ang kanilang hangarin at iyon ay ang mailigtas si Lila. Hindi mawala-wala ang pagdududa niya na may relasyon sina Lila at Totoy, at hindi mabura ang katotohanan na alam niyang kaya siyang tapatan nito. Ang selos na mayroon siya sa lalaki ay mahirap ding walain. Subalit kailangan niyang ilagay sa tabi muna ang kahit na anong bagay na makakadulot ng sigalot sa pagitan nila. Sumatutal ay iisa lamang ang nais nilang mangyari at iyon ay ang maisalba si Lila.Nagpaalam sa kaniya si Totoy kanina na maghahanap ng hotel na matutuluyan. Pero inalok niya ito na sa mansion na lamang niya tumuloy ang lalaki. Mabuti na lamang at hindi na nagmatigas pa si Totoy. Kahit na taga-probinsiya ang lalaki ay alam niyang alam nito ang pasikot-sikot dito sa Maynila. Nakatapos ng degree na saklaw ng agham at pagsasaka si Totoy. Batid niya ang ilang detalye sa lalaki dahil saglit siyang naghanap ng impormasyon tungkol sa mga Rosell kanina online.Kaya pala mukhang mamahalin ang lalaki ay
Chapter 97:Kanina pa siya kinakabahan. Hindi niya matumbok kung ano ang dahilan nito. Unang niyang naisip si Adah. Ilang linggo na rin kasi na hindi niya kinumusta ang pinsan niya. Kung hindi siya nagkamali ay ang huling pagkikita nila ay ang gabi ng welcome home party ng Abuela nito. Kinuha niya ang telepono at agad na tinawagan ang linya ng kaniyang pinsan.“Ry? How are you? Mabuti naman at tumawag ka. Hindi ako madalas na nangumusta dahil kailangan ko pang magplano kung ngayong summer season ko ba ilalabas ang mga bagong disenyo ko. Alam mo naman na mas naging mahigpit at mahirap ang karera ng mga brand owners ngayon, lalo na sa mga tulad ko na hindi naman masyadong kilala.”Siya ay nahawak sa mesa. Nawala ang pag-aalala niya sa pinsan niya. Subalit ganoon pa rin ang kaba na namayani sa puso niya. Hindi niya mawari ang rason ng puso niya kung bakit para itong nahuhulog sa kawalan.“I am glad to hear that, Adah.”“Ikaw?”“I am worried and I think something’s happening. Kanina pa ak
Chapter 96:Isang metro na lamang ang layo ni Celine sa upuan kung saan siya nakagapos. “May nalalaman ka pang pakulo at nagbigay ka ng pekeng impormasyon. You said you are in Baguio, right? E, kung bagyuhin ko ang pagmumukha mo ngayon?!”“Celine, lumayo ako sa iyo at kay Ryllander dahil ayaw ko ng gulo! Mahirap bang hayaan na lang ako?! Kung gusto mong kunin si Ryllander, edi kunin mo siya! W-Wala na akong pakialam sa kaniya!” Sarkastikang tumawa si Celine. Pinagmasdan siya nito saglit hanggang sa hindi na nito makontrol ang sarili at siya ay sinampal nito.“Hindi na lang ito tungkol kay Ryllander, Lila! It’s about you and me. Ikaw ang dahilan kaya nawala sa akin ang lahat ng mayroon ako. That's why you are sitting in front of me right now!”“Wala naman talagang bagay ang sa iyo, hindi ba? Kung ang pagiging head ng association ang pinuputok ng butsi mo ngayon ay gusto ko lang ipaalala sa iyo na para kay Mrs. Han ang posisyon na iyon!”“Para sa kaniya?! Walang para sa kaniya kung hi
Chapter 95:Nakaupo siya sa dulo ng kama. Walang lakas siyang suminghap. Hindi na ba titigil ang pagiging talunan niya sa mundong ito? Umiling siya nang maalala ang tinuro ng Tatay niyang namayapa na. Hindi tama na magkuwestiyon ukol sa mga hindi mabubuting bagay na dumarating at nangyayari sa buhay. Masama na gawin ang bagay na iyon dahil ang Diyos sa langit ang makakatanggap ng pagdududa. Perpekto ang Diyos at ang lahat ng ginagawa niya sa buhay ng isang tao ay may sadya. “Baby, kumapit ka lang at huwag bibitaw sa tiyan ni Mommy mo, a. Hindi kita pababayaan at kahit na nasa ganitong sitwasyon tayo ay hindi ko hahayaan na mapahamak ka.”Umaga na’t hindi niya batid kung ano ang mangyayari. Pero kaniyang isinasa-Diyos ang lahat. Wala nang iba pang makakatulong sa kaniya kun’di ang Diyos lamang. Hindi siya makahingi ng tulong sa pamilya niya at kay Totoy. Kaya ay ang dalangin niya ay panatilihin lang siyang buhay upang hindi mamatay ang pag-asa na mayroon ang puso niya na matatapos di
Chapter 94:“Juice mo,” wika ni Totoy at nilagay sa tapat niya ang baso na may lamang juice. Tinitigan niya ang laman ng baso. Mukha naman itong malinis. Pero hindi pa rin maiwasan ni Ryllander ang mangamba na baka may nilagay ang lalaki sa inumin niya. Halata naman na mainit ang dugo nito sa kaniya. Pagkatapos nilang mag-usap ng ina ni Lila kanina ay aalis na sana siya. Pero pinigilan siya ng Ginang at sinabihan na huwag munang umalis. “Sinabi ni Tita na bukas ka na lang ng umaga aalis. May bakanteng kuwarto naman sa taas, dalawa tayo roon.”“What?”“Ano? Aalis ka? Edi, mas mababastos si Tita kapag umalis ka. Pero ikaw ang bahala. Parang wala lang naman sa iyo na nawawala si Lila nang dahil sa iyo.”“That's not what I mean. Kaya kong matulog sa bahay ni Auntie. Pero ang makasama ka sa kuwarto ay parang nagdadalawang-isip pa ako.” Umirap siya patingin sa juice. “Pati nga itong inumin na dala mo ay nakakabahalang tikman. Baka bigla na lang bubula ang bibig ko,” aniya. “A, pinagbibi