"MABELLE!" sigaw ni Navi na tumawag sa atensyon ng lahat. Buong lakas itong sumuong sa tubig kasabay ni Earnest, sa pag-asang maililigtas niya ang dating misis na ngayon ay nasa bingit ng kamatayan.Ngunit sadya bang mapaglaro ang tadhana at hinayaan nitong maunahan siya ni Earnest. Gayunpaman, hindi siya umasa rito. Ginamit pa rin niya ang buong lakas at sumisid sa abot ng kanyang makakaya.Nang masulyapan ni Navi ang matagumpay na pagsaklolo ni Earnest kay Mabelle ay saka lang siya nagdesisyong umahon at hinintay na makabalik ang dalawa. Sumalubong sa kanya ang iilang katao at empleyado ng resort na nakasaksi sa pangyayari, kabilang na sina Paris, Hyacinth at Jhazz."Anong nangyari, Sir?" nag-aalalang tanong ni Jhazz kay Navi."Naabutan namin na nalulunod si Mabelle kaya agad kaming sumaklolo. Earnest was able to make it," paliwanag ni Navi.Nakahinga ng maluwang si Jhazz. "Naku, mabuti naman kung gano'n," anito ngunit nailing lang siya sa sinabi ng kasambahay.Navi disagreed to the
DUMATING ang ikatlong araw nina Mabelle at Navi sa El Nido, Palawan. Maaga silang umalis ng resort para sa nakatakda nilang island-hopping. Hinati ang kanilang grupo sa dalawa. Sakay ang magkahiwalay na bangka, nilibot nila ang ilang magagandang isla ng El Nido.Malamig at sariwang hangin ng tuloy-tuloy na humahampas sa mukha ni Mabelle sa kabila ng mainit na panahon. 'Di gaya kahapon ay mas payapa ng daloy ng mga alon kung kaya't ligtas nang maglayag sa mala-asul na karagatan. Busog na busog ang kanyang mga mata sa naglalakihang mga bato at kweba na matatagpuan malapit sa kanilang nadaraanan."Wow!" natutuwang reaksyon ni Paris habang nakaupo sa tabi ni Mabelle. "Ang ganda-ganda po talaga dito, Mommy! Para pong kagaya ito ng mga napapanood ko sa TV!"Sumang-ayon si Belle. "Kaya nga, e.""Ang sarap po siguro tumira dito, Mommy, 'no?"Hinapit niya ng yakap ang anak sa likod. "Hayaan mo. Balang araw, ibibili kita ng isla at payapa tayong maninirahan sa lugar na tulad nito.""Yey!" ani Pa
GABI na nakarating ng Maynila ang grupo ni Navi mula Palawan. Sinundo sila ng driver sakay ang service car mula sa runway ng paliparan papunta sa kanilang huling destinasyon. Hindi naging hadlang ang mabigat na trapiko para makauwi sa lalong madaling panahon.Pagpasok pa lang ng sasakyan sa subdivision ay dama na agad ni Mabelle ang mabigat na pakiramdam na tila nagpapahiwatig na may naghihintay sa kanila sa mansyon. Ano man o sino 'yon ay hindi niya alam.Bumusina si Earnest sa gate. Mayamaya'y bumukas din ito. Dire-diretso ang kotse papasok sa loob. Mula sa bintana, namataan nila ang isang BMW na nakaparada sa garahe."Shit." Napamura si Navi. "S-Stop the car."Sumunod naman si Earnest at inihinto ang sasakyan malapit sa harap ng mansyon. Naunang bumaba sina Navi at Earnest at sinalubong sila ng caretaker na si Mang Jun na halatang balisang-balisa.Dala ng kuryosidad ay nagdesisyon na ring bumaba ang iba pang mga nasa loob ng sasakyan. Sinundan nina Mabelle ang kanilang amo na papaso
MATULIN na dumaan ang isang buwan. Hindi naging biro ang pagtatrabaho ni Mabelle sa mansyon gayong kasama niya sa iisang bubong ang babae ni Navi. Araw-araw, gigising siya para lang masaksihan kung paano akitin ni Siren ang kanyang amo. Kung iisipin ay napakasakit n'on dahil kay Navi umiikot ang mundo niya ngunit pilit itong hinihila palayo sa kanya.Mahirap man ang sitwasyon, sinisikap na lang ni Mabelle na mag-focus sa kanyang trabaho, alang-alang sa kanyang unica hija na mag-isa niyang tinataguyod sa kabila ng maraming pagsubok na kinakaharap.Tanghaling tapat at katatapos lang patulugin ni Mabelle si Paris nang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid. Tahimik siyang umalis sa higaan upang pagbuksan ng pinto ang taong nasa labas.Pagbukas niya ay bumungad sa harap niya ang dalawang kasambahay na sina Jhazz at Hyacinth. Bihis na bihis ang mga ito at halatang may pupuntahan."O, mga sis. Saan ang punta niyo?" pabulong na sabi ni Mabelle sa dalawang kasambahay."Sa Health Office, Ate M
KAPWA napapitlag sina Navi at Mabelle sa tunog na nasagap ng kanilang mga tainga. Kalabog iyon ng pinto mula sa isa sa mga kwarto rito sa ibaba. Isa lang ang natitiyak ni Belle. They are not the only people awake at this moment."Sino 'yon?" pabulong na tanong ni Mabelle."I don't know," naiiling na sagot ni Navi.Mayamaya, bukod sa kalabog ng pinto ay nakarinig din sila ng pag-iyak. Napakunot-noo si Belle. Kilala niya ang iyak na iyon. Nakapagtataka lang kung bakit gising pa ito hanggang ngayon?"Paris?" tawag ni Mabelle sa batang papalapit sa kanila."M-Mommy ko..." usal ng bata habang kusot-kusot ang mga mata.Basta itong yumakap sa ina at humagulhol na tila takot na takot. Gumuhit ang awa sa puso ni Mabelle dahil bihira niya makitang umiyak nang ganito ang kanyang anak, at kapag gano'n ay siguradong may nangyaring hindi maganda."Ba't ka umiiyak, anak? Anong problema?" alalang wika ni Mabelle habang hinahagod ang likod ng bata."K-Kasi po Mommy, nakita ko po kayo ni Mister Navi sa
ISANG mainit na hapon. Kaharap ang mesa na pinagpapatungan ng crayola at papel ay tahimik na nililibang ni Paris ang sarili sa pagguhit. Mag-isa lang sa salas ang bata nang mga oras na iyon.Kasalukuyang nagpapahinga sa kanya-kanyang mga silid sina Mabelle at Hyacinth. Nagpaalam naman si Jhazz na aalis dahil may kikitain daw ito sa labas ng airport ngunit hindi naman nito nabanggit kung sino.Si Jhazz ang madalas niyang katulong sa pagguhit kapag busy ang mommy niya sa pagtatrabaho kaya hindi niya maiwasang manibago at malungkot. Wala naman din siyang magagawa kaya minabuti na lang niya na damputin ang crayola at kulayan ang iginuhit niyang bahay sa malinis na bond paper.Mayamaya, nakarinig siya ng footsteps mula sa hadgan. Hinayaan niya lamang iyon at itinuloy ang pagd-drawing hanggang sa maramdaman niyang huminto ito sa kanyang harapan.Tumingala ang bata. Bumulaga sa kanya ang mukha ng babaeng ni minsan ay hindi siya nagawang kausapin sa loob ng isang buwan."Hello po," she said in
THE WORLD appeared in slow motion around her as Mabelle watched these three people enter the house, approaching them with a serious look on their faces."NAVI..." pabulong na binigkas ni Mabelle ang pangalan ng lalaking nasa unahan nina Jhazz at Earnest.Huminto ang tatlo sa harap mismo ng mag-ina at ni Siren. Dito'y dahan-dahang ibinaba ni Siren ang kanyang kamay—ang parehong kamay na muntik nang sumampal sa mukha ni Mabelle ngayon lang."W-Wait. I don't understand. I thought you'd be gone for a couple of days. What brings you home so soon?" naguguluhang tanong ni Siren kay Navi.Walang mapaglagyan ang kaba ni Mabelle nang mga oras na kaharap nila ang lalaki. Tunay na kakila-kilabot ang pinapakita nitong expression na maihahalintulad sa isang leon. Nababasa ni Belle sa mata ni Navi ang pinaghalong galit at pagkadismaya, at mukhang alam niya na kung saan nagmumula ang negatibong enerhiya na dumadaloy sa dugo ng lalaki."Nakatanggap ako ng tawag kay Jhazz at ikinuwento niya ang kahayupa
SA MALAPAD na mesa ng dining room, inimbita ni Mabelle ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na sina Jhazz, Earnest at si Hyacinth na katatapos lang magpahinga. Isa-isa niyang hinainan ng kape ang tatlo bago siya naupo sa bakanteng dining chair katabi si Earnest.Sa totoo lang ay kinakabahan si Mabelle. Hanggang ngayon kasi ay nananatiling nakaukit sa mukha nina Earnest at Jhazz ang pagkalito tungkol sa nasaksihan nilang eksena kanina. Si Hyacinth naman, tila walang kaalam-alam sa nangyayari.Nakatawag ng pansin ni Mabelle ang paghigop ni Jhazz sa iniinom nitong kape. Ibinaba ng kasambahay ang tasa saka siya tinawag nito."Mars, umamin ka nga sa 'min. Kailan pa naging kayo ni Sir? Kung 'di pa nagtatalak si Sir Navi kanina sa harap ni Siren, hindi pa namin malalamang may namamagitan na pala sa inyo," nagtatampong wika ni Jhazz kay Mabelle.Nagulat si Hyacinth sa narinig nito kay Jhazz. "Seryoso, 'te? May something special between them?" Tumango si Jhazz bilang pagtugon, habang si Mabelle