Share

Chapter 4

Author: Ms.Jhen
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Lumipas ang mga araw, at ngayon ay nag-iimpake na ako ng mga gamit ko na dadalahin patungong Batangas. Nakakaexcite at makakapunta ulit ako dito. Nakakamis ang lugar na iyon, sa probinsiya, kung saan ako isinilang. Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon. Saan kaya sa Batangas? Sana isa sa mga beach doon.

Naku kahit na may beach hindi rin naman ako mag-eenjoy malamang hindi naman ako makakalabas doon. Isasama niya lang naman ako para may utusan siya.

“Honeylette” narinig ko ang pagtawag ni Tiya nakadalawang katok siya sa pinto. Kaya naman nagmamadali akong lumabas.

Nabungaran ko ito.

“Tapos ka na ba? Ikaw na bata ka umayos ka roon hah? Wag mo nang dadalhin iyang kakulitan mo.”

“Opo Tiya.” Nakasimangot kong sagot sa kanya.

Inihatid niya ako sa labas. Nakita ko si Mang Oscar na nagpupunas ng sasakyan.

“Good morning Honeylette!, good morning Maring.” Natawa ako sa pagbati ni Mang Oscar sa amin lalo na noong si Tiya na ang binati niya biglang lumamyos ang boses nito. Naalala ko nga pala noong pumunta kami sa mall hindi ko pa iyon naitanong kay Tiya kung may pagtingin ba sa kanya si Mang Oscar. Nakita ko ang pagsimangot ni Tiya nang batiin ito ni Mang Oscar. Umiral naman ang kapilyuhan sa utak ko.

“Magandang umaga rin po Mang—” naputol ang sasabihin ko nang marinig kong magsalita si Tiya.

“Anong maganda sa umaga?” pagsusungit nito kay Mang Oscar. Napansin ko na tila nahiya si Mang Oscar, kaya naman sumingit ako.

“Syempre tiya kayo ang maganda sa umaga ni Mang Oscar.” Sinabayan ko ito ng hagikhik. Para naman mga teenager ang dalawa na parehas kong nakita na namula ang pisngi. Kaya naman tawang tawa ako sa kanila.

Dahil sa pagkainis ni tiya, kaya kinurot niya ako sa tagiliran ko, pero pana’y parin ang tawa ko. Napawi lang iyon nang masulyapan ko si Sir. Naka-white T-shirt lang siya at naka-short, pagkatapos ay nakasapatos na puti rin. Ang simple lang nang suot niya pero lutang na lutang ang kagwapuhan niya. Naiwang nakabukas ang aking bibig habang pinagmamasdan papalapit si Sir.

“Ikaw Honeylette mukhang maganda rin ang umaga mo. Baka matunaw si Sir sa pagtitig mo.” Natatawang sabi ni Mang Oscar. Nakahulma lang ako nang sinabi niya iyon. Halos umakyat lahat ang dugo ko sa aking mukha dahil sa pamumula nito. Napansin ko na lang na nasa harapan ko na siya. Kanina pa ba siya dyan? Bakit hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya. Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa sa kinatatayuan ko dahil sa pagkapahiya. Napansin pa iyon ni Mang Oscar. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako natutulala kapag nakikita ko siya.

Kinuha ko kay Tiya ang bag ko at dali daling tumalikod. Narinig ko ang pagtawag ni Sir kay Mang Oscar, pagkatapos ay lumapit sa akin si Mang Oscar at kinuha ang gamit ko at inilagay sa likod ng sasakyan. Napansin kong wala masyadong dalang gamit si Sir. Narinig kong nagsalita si Tiya.

“Kayo na po Sir ang bahala kay Honeylette.”

“Oo. Ako ang bahala sa kanya.” Nanindig ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Bakit ba parang may laman lagi ang mga sinasabi niya. Tila parating may ibig sabihin, o ako lang itong masyado kung mag-isip. Napansin ko na naman ang pagtitig niya sa akin. Bagay na ikinaiilang ko.

Sumakay na ito ng sasakyan.

Bahagya akong natigilan, saan kaya ako sasakay sa una ba o sa huli? Tanong ko sa sarili saktong lapit naman sa akin ni Mang Oscar.

“Ma’am sa tabi raw po kayo ni Sir.” Nangingiting sabi nito. Nag-alangan pa akong sumakay. Lumingon muna ako kay tiya at kumaway bago tuluyan pumasok sa sasakyan. Tumango naman siya sa akin at ngumiti.

**

Nagsimula na kaming bumiyahe. Sa sobrang katahimikan sa loob ng sasakyan ay hinila ako ng antok. Pilit ko pang nilalabanan pero kusang bumabagsak ang talukap ng aking mga mata.

Nagulantang na lang ako ng sa paggising ko, ay nasa isang kwarto na ako. Paano ako napunta dito? Ang natatandaan ko ay nasa byahe kami kanina at hinatak ako ng antok. Sandali. Ibig sabihin nasa Batangas na kami? At sino naman kaya ang nagbuhat sa akin patungo dito sa kwarto? Hindi kaya, pinilig ko ang aking ulo ng maisip ang bagay na iyon. Imposibleng si Alexander ang bumuhat sa akin malamang ay si Mang Oscar nakaramdam tuloy ako ng hiya. Bakit ba naman kasi hindi ako nagising. Hindi ko man lang namalayan ang pagdating namin. Gaano ba ako kapagod at nakatulog ako ng mahimbing?

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Kulay puting pintura lamang ang makikita rito. Napakalinis tingnan dahil wala pa masyadong gamit bukod sa malambot na kama at nightstand, mayroon rin walk in closet at sariling bathroom. Sa gilid ng kama ay naroon ang glass sliding door na bahagyang nakabukas kaya napapawid ng hangin ang puting kurtinang nakasabit dito. Naglakad ako papunta roon. Sa labas nito ay mayroong maliit na terrace kung saan makikita mo ang kulay asul na dagat. Sa wari ko’y nasa taas ng burol, nakatayo ang bahay na ito, dahil sa nakikita ko. Malamig ang hampas ng simoy nang hangin. Tila ako dinuduyan.

Nang makalanghap ng sariwang hangin ay nagpasya akong lumabas ng kwarto. Nakita ko sa tapat ang dalawang pinto. Marahil ay kwarto rin iyon. Bumaba ako ng hagdan. Pagkababa ko ay nakita ko sa aking kanan ang maliit ngunit simpleng disenyo ng living room. Sa kaliwa naman ay naroon ang dining table. Meron din counter island. Maliit lang at simple ang bahay. Halos bagay ang bahay na ito sa mag-asawang bagong kasal na bubuo pa lang ng pamilya.

Napanguso ako at bahagyang namula ang mukha nang maisip iyon. Bakit ba iyon ang sumilid sa utak ko. Iniisip ko ba na bagong kasal kami at lumipat dito para bumuo ng pamilya?. Tinapik tapik ko ang aking pisngi para mawala iyon sa isipan ko.

Bahagya akong natigilan ng pumasok sa pinto si Sir. Saan siya galing? Nakita kong may bitbit siyang supot.

Nakatitig lang ito sa akin, bago pa ito nagsalita.

“Gising ka na pala.” Sambit nito. Aba himala hindi yata masungit ang tono ng pananalita niya.

“Let’s eat.”

Ang bait naman niya ngayon. Pagkain pala ang binili niya. Nag-alinlangan pa akong umupo baka kasi nagkamali ako ng dinig. Imposibleng magkasabay kaming kakain.

“Huwag ka nang tumayo dyan, maupo ka na.” utos nito. Gusto ko siyang dampian ng kamay sa noo. Titingnan ko baka may lagnat ito.

Habang kumakain ay bigla kong naalala kung paano ako nakarating ng kwarto. Kaya naman tinanong ko siya. Tila akong hinog na kamatis dahil sa pamumula ng aking mukha. Nalaman ko kasing siya ang bumuhat sa akin. Para dalahin sa kwarto. Balewala lang sa kanya ng sinabi niya iyon. Ngunit para sa akin sobrang nakakahiya. Nagtulo laway kaya ako kanina? Napapikit tuloy ako ng maisip iyon. Mabilis kong tinapos ang pagkain. Dahil sa pagkapahiya.

**

Mag-gagabi na, mula kanina pagkatapos namin kumain ay umakyat na siya sa taas. Napansin kong pumasok siya doon sa isang pinto sa tapat ng pintong nilabasan ko kanina. Wala akong magawa noon. Nakakaboring, kaya umakyat na rin ako sa kwarto. Nakakahiya naman kasing magkikilos dito. Nang makapasok ako ng kwarto ay tinungo ko ang closet nakita ko roon ang gamit ko. Nagpasya akong maligo. Pagkatapos ay nagpalit ng pantulog.

Malalim na sa gabi ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Marahil ay dahil sa haba ng tulog ko kanina o alinman ang namamahay ako. Kaya naman nagdesisyon akong bumaba. Titingin ako kung ano ang pwedeng makain. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang sa paglabas ko ng pinto ay narinig ko ang pagkabasag nang isang bagay. Doon iyon nanggaling sa kwartong pinasukan ni sir kanina.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung kakatok ba ako para tanungin siya o ipagwawalang bahala ko na lang. Ngunit napaawang ang labi ko nang makita siyang lumabas ng pinto. Nagtama ang paningin namin. Hindi ako nakapagsalita. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Kahit na natatabunan iyon ng mga nakalaylay na buhok sa unahan ng kanyang mukha. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay. Nakita ko ang pagdugo nito. Namilog ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng kaba at awa. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya, para gamutin ang kanyang sugat sa kamay.

“Sir ano pong nangyari?” Kaagad kong tanong nang matawid ko ang distansya namin. Hinawakan ko ang kanyang kamay, ngunit nagulat ako ng bigla niya itong iwinaksi. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa niya. Nakaramdam tuloy ako ng takot.

“Leave me alone.” Utos nito. Ngunit hindi ako natinag. Kailangan magamot ang sugat niya at baka ma-infection pa ito. Kaya naman sinabi kong gagamutin ko ang sugat niya. Ngunit lalo lang itong nagalit, na ipinangatog ng kalamnan ko.

“Hindi ka ba nakakaintindi? I said leave me alone!.” Nanlilisik ang mga mata nito. Nangilid ang aking mga luha tila ako nasaktan sa sinabi niya, ang makitang galit siya ay tila ang laking epekto sa akin. Oo, nagagalit o naiinis siya sa akin kapag may mali akong ginagawa o hindi niya nagugustuhan. Pero hindi ganito ang dating noon sa akin. Bakit tila iba ngayon. Hindi naman siya ganito kung magalit. Anong problema niya?. Malapit nang lumaglag ang aking mga luha kaya tumakbo na lang ako pabalik ng kwarto. Iniwan ko siyang nakatayo roon. Umiyak ako. Hindi ko alam sa sarili ko bakit sobra akong nasaktan sa pagsigaw niya sa akin. Gusto ko lang naman siyang tulungan. Muling bumalong ang aking mga luha nagtagal ako sa aking pag-iyak hanggang sa makatulugan ko na ito.

Kaugnay na kabanata

  • Maid and Her Boss   Chapter 5

    Nagising ako sa init na tumatama sa aking mukha. Hindi ko maimulat nang maayos ang aking mata dahil sa silaw nang liwanag na tumatagos sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw. Tiningnan ko ang oras, alas- otso na ng umaga. Naalarma ako. Kailangan ko pa lang maghanda ng almusal. Nakalimutan ko, kaya nga pala ako isinama ni sir dito ay para may magsilbi sa kanya. Ngunit naalala ko ang nangyari kagabi. Nalungkot ako bigla. Umalis siya. Narinig ko ang tunog nang sasakyan niya. Saan kaya siya nagpunta?. Umuwi rin kaya siya?. Sunud-sunod na katanungan sa isipan ko. Aaminin ko nag-aalala ako. Kahit na masakit sa akin ang ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan ng sobra sa pagsigaw niya sa akin. Gusto ko lang naman tulungan siya. Ngunit naisip kong hindi ko dapat iyon damdamin. Parte iyon ng trabaho ko, ang masigawan at isa pa boss ko siya at karapatan niya akong mapagalitan kapag ayaw niya nang mga kilos ko. I sighed, at iwinaksi na iyon sa isipan ko. Nagpasya na akong

  • Maid and Her Boss   Chapter 6

    Honeylette POVMasaya akong naglilinis sa sala. Nakukuha ko pang sumayaw sa saliw nang tugtog, ang saya ko, walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko. Ewan ko ba pero ang ganda nang gising ko. Ikaw ba naman na makalibot sa napakagandang lugar. Halos napanaginipan ko ang ganda nito. Mas lalo akong ginanahan sa tugtog kaya hindi ko mapigilan ang mapaindak nang husto. Ngunit natigilan ako nang sa paglingon ko ay nasa hagdanan na pala si Alexander. Titig na titig ito sa akin. Nakaramdam ako nang hiya at bahagyang napakamot sa ulo ko. “Kanina pa po kayo dyan sir?”nahihiya kong tanong. “five minutes.” Sagot nito na walang kahit anong reaksyon ang mukha.Five minutes? Ibig sabihin matagal tagal na rin. I closed my eyes and bit my lower lip.“You are good in dancing.” Napalingon muli ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Nakita ko ang natatagong ngiti sa labi niya. Tinatawanan ba niya ko?Bahagya akong tumawa. Para mawala ang pagkahiya. Ngunit tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha

  • Maid and Her Boss   Chapter 7

    Alexander POV I can see her in the distance. A probinsyana girl. Nasa labas siya nang bahay ko. Base sa tingin ko, mukhang magkakalat lang siya dito. I think she was so young para pasukin ang trabaho bilang kasambahay but when manang Maring begged me. I immediately agreed with her. She was so pretty. But im not interested. At kahit na kanino pang babae ay hindi ako interesado. Napansin ko ang pagtingala nito naramdaman niya siguro na may nakamasid sa kanya. Nang makababa ako sa aking kwarto ay nakita ko na sila kaagad. Mukhang hinihintay ako. I asked some question to her at isa na doon ay ang pagkakaroon niya ng boyfriend. Ayoko sa lahat ay may pinagkakaabalahan na ganoong bagay ang katulad nila dapat ay lagi lang sila sa trabaho nakatutok. Hindi na ako nagtanong pa. Ayokong mag-aksaya ng oras. Pinabahala ko na siya kay Manang. Tutal ay nakapag usap naman na kami. Doon siya tumuloy sa bago kong pinagawang kwarto. May balak kasi akong gawin sa kwartong iyon pero hindi ko na tinuloy at

  • Maid and Her Boss   Chapter 8

    Honeylette POV Sa isang restaurant kami nagpunta. Nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako dinala dito. Kumain lang naman kami at pagkatapos ay dumiretso na sa isang supermarket para mamili nang mga kailangan sa bahay.Habang namimili ay walang patid ang tinginan sa amin nang mga tao sa naturang pamilihan ewan ko ba, artista ba itong kasama ko? Ako tuloy iyong nahihiya pero siya wala siyang pakealam sa mga tao akala mo ba ay walang nakikita. Dumampot ako nang isang sabon panlaba kaagad kong narinig ang pagpoprotesta niya."Huwag yan ang piliin mo.""Teka bakit naman?”"Walang bango yan.""Pero gentle siya sa kamay kaya mas maigi ito.""Hindi ka naman nagkukusot kaya hindi mo kailangan yan." Baluktot nitong katuwiran."Naku mister kung ano ang gusto ni Misis iyon na ang bilihin mo." Parehas kaming nagulat ni Alexander nang biglang magsalita ang isang Ginang sa tabi namin."She's not my wife." seryoso nitong sagot."Ganoon hindi mo siya asawa? eh ano mo siya?" kuryosong tanong ng Ginan

  • Maid and Her Boss   Chapter 9

    Honeylette POV Naramdaman ko ang init na tumatagos sa bintana kung kaya't nagising ako. Napabaligwas ako nang makitang mataas na ang araw. Ngunit bigla akong napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa aking ibaba. Sandali akong natigilan at prinoseso ang mga pangyayari. Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ang kagabi. Nakainom ba ako ng alak, dahilan nang hindi agad naproseso sa utak ko ang mga pangyayari? Sobrang bigat nang kalooban ko kahapon matapos kong makita si Nanay. Bumalik sa akin lahat ang sakit ang pag-iwan niya sa amin nang aking Ama. Ang pagkamatay ni Tatay. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. At dumagdag pa ang nangyari sa amin ni Alexander. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya nang mga oras na iyon kung bakit niya iyon ginawa. Nagulat ako noong una pero hindi ko napigilan ang sarili ko at nagpaubaya na sa kanya. Nakakahumaling ang bawat halik niya. Tila ako nalalasing. Nanlambot ang aking mga tuhod. Tinanong ko ang aking sarili kung tama ba iyon. Pero hin

  • Maid and Her Boss   Chapter 10

    Alexander POVFirst time kong magkagusto sa babae. I smirked' nang maisip ko kung paano ako nagtapat kanina kay Honeylette. Baduy na kung baduy basta nasabi ko na sa kanyang gusto ko siya. Noong una ay nag-alangan pa ako, alam ko kasing galit siya dahil sa ginawa ko, ngunit hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. At hindi rin ako makatiis na ganoon ang trato niya sa akin, kaya naman pinuntahan ko siya.Napapailing na lang ako sa aking sarili hindi ko akalaing sa kanya pa ako magkakagusto. Sa isang babaeng, saksakan nang kulit at pagkapasaway. Ang dami kong kakilalang babae na nakakasalamuha ko sa business may mgs sinabi sa buhay, maganda at sexy. Pero sa kanya lang ako nahumaling nang ganito. Siya ang pinaka maganda sa lahat nang babaeng kilala ko. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko. Ngunit gagawin ko ang lahat para mapaibig ko siya. Biglang tumunog ang aking celphone. Binuksan ko iyon at tiningnan kung sino ang nag-message.From: Dad; We have a meeting tomorrow with Mr. Domingo

  • Maid and Her Boss   Chapter 11

    Honeylette POV Pagkamulat nang aking mga mata ay naramdaman ko agad ang paang nakadantay sa aking mga hita, at ang braso na nakapulupot nang mahigpit sa aking baywang. Lihim akong napangiti. Animo'y may aagaw sa akin sa tindi nang yakap niya. Dahan dahan kong ini-aangat ang braso niya, ngunit naramdaman niya marahil kaya mas matindi pa niya akong niyakap at inilubog ang mukha sa aking batok. Nakikiliti tuloy ako sa hininga niya. Humarap ako sa kanya para makita ko ang kanyang mukha. Nakita kong nakapikit pa rin siya. Ang gwapo niya talaga kahit tulog siya. Wala pa rin siyang damit pang itaas, pero ramdam kong nakasuot siya nang boxer short at ramdam ko rin ang galit niyang alaga. Tumatama ito sa aking hita. Samantalang ako ay nakasuot lang nang t-shirt niya at naka- underwear, nagawa pa rin niya akong bihisan kagabi, yun nga lang ay hindi iyong bihis na bihis naglaan siya para ngayong umaga. Alam na alam ko na. "Gumising ka na.” malamyos kong sabi.Ngunit imbes na mumulat ay inilu

  • Maid and Her Boss   Chapter 12

    Alexander POV "You can go" Pagkalabas ni George sa pinto nang aking opisina ay napahugot ako nang malalim na hininga. Malinaw na ang lahat. Delio Garcia and Emily Garcia. Ama't Ina ni Honeylette Garcia. Ngayon alam ko na lahat ng pinagmulan niya. Si Emily ang babaeng muntik ko nang mabangga ay ina nang aking asawa. I smirked. Nang maisip ko ang salitang asawa.Hindi ko inaasahan na marami akong malalaman, lalong lalo na sa buhay ngayon nang kanyang Ina. Wala siyang alam sa kung anong nangyayari ngayon kay Emily Habang iniisip ko ang lahat ng sinabi ni George ay biglang may kumatok sa pintuan. "Come in." Tugon ko.Iniluwa noon si Patricia Domingo. Anak ni Mr. Bernardo Domingo. Ang babaeng gusto ni Dad na pakasalan ko. "Good Morning!" nakangiting bati nito."Good Morning." walang buhay kong sagot. Nagkunwari akong busy sa aking laptop. Para hindi ko siya matingnan. Wala rin akong pakealam kung mapansin niya ang tono ng aking pagnanalita."Can I disturb you?”

Pinakabagong kabanata

  • Maid and Her Boss   Epilogue

    Honeylette POV Nagulat ako nang biglang pumasok si Lex sa kwarto namin, dala-dala nito ang ilan niyang mga gamit. Ibinaba niya iyon sa isang tabi. Matapos lumabas ni Lander sa ospital ay pumayag akong dito muna mamalagi si Lex. Nakiusap ito kina nanay na kung maaring makasama niya sandali ang kambal at hindi ko iyon minasama. "Dito muna ipatong iyong mga damit mo." Turo ko sa isang upuan. Hindi ko pa nalilinis iyong isang kwarto kaya pansamantalang dito sa kwarto namin ko muna pinalagay ang mga gamit niya. "Maiwan na muna kita, may gagawin pa kasi ako sa kusina." Patungo na ako sa may pintuan nang bigla niya akong hilahin. Namilog ang mga mata ko, nang sunod niyang gawin ang halikan ako. Nagprotesta ako dahil hindi naka-lock ang pinto at oras-oras ay pumapasok ang mga bata. Marahas ko siyang itinulak ngunit wala akong nagawa dahil sa matigas nitong dibdib. Kalaunan ay umagwat ito. Namumungay ang mga matang tinitigan ako. "I love you." Biglang bumil

  • Maid and Her Boss   Chapter 45

    Honeylette POV Halos hindi ako makahinga nang maayos matapos kong malaman ang lahat kay Camila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kaya minabuti ko ang umuwi na muna. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at umiyak. Mag-uumaga na noon. Nag-alala sina nanay sa akin ng makita ang itsura ko pagkarating. Alam kong magtataka sila kung bakit ako umuwi ganoong nasa ospital pa si Lander. Ngunit alam kong ipapaliwanag lahat sa kanila ni Carlo ang nangyari dahil, isa rin naman siya sa nakakaalam ng lahat. Namumugto na ang aking mga mata sa kaiiyak. Dala nang puyat ay naka-idlip ako. Maliwanag na ang paligid nang magising ako. Naririnig ko na rin sina nanay at tiya sa sala. Sa wari ko ay nakabalik na sina Carlo para sunduin ako. Sinabi kasi nito kanina sa sasakyan na susunduin niya ulit ako para bumalik sa ospital. Wala akong naging sagot dito. Wala kasi akong gana na makipag-usap kahit kanino. Hindi naman sa galit ako sa kanila. Ayoko lang talaga na magsa

  • Maid and Her Boss   Chapter 44

    Alexander POV Halos mabaliw ako nang sumapit na ang gabi na hindi pa bumabalik ng bahay si Honeylette. Hindi ko siya macontact nakapatay ang celphone nito. Kaya naman kaagad ko ng ini-report sa mga pulis. Ngunit katulad ng patakaran nila, hindi nila maaring sabihin na nawawala ang isang tao dahil wala pang bente kwatro oras ang nakalipas. Kaya naman nagtungo ako sa nanay niya. Ngunit maging ang nanay nito ay wala rin. Kaagad kong tinawagan si Marc at pumunta sa bahay. Tinawagan nito si Carlo para magpatulong pero hindi niya rin ito ma-contact. Nalaman na lang niya sa kasamahan nitong pulis na nalipat ito sa ibang lugar. Kaya naman kami na lamang ni Marc ang naghanap. Kahit na hindi namin alam kung saan kami magsisimula. Sa bandang huli bigo kaming makita siya. Nabalitaan namin na nakatakas ulit si Alejandro at nasisiguro ko na siya ang salarin sa pagkawala ni Honeylette . Siya ang kumuha dito maging sa ina at tiya nito, ngunit hindi namin matagpuan ang lugar kung s

  • Maid and Her Boss   Chapter 43

    Honeylette POV Diretsa lamang siyang nakatitig sa akin. Hindi kakikitaan nang ano mang-reaksyon ang kanyang mukha. Maging ako ay hindi makagalaw ng nasa harapan ko na ang lalaking pinagtaguan ko ng mahabang panahon. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Walang buhay ang kanyang mukha. Tila tumigil ang paggalaw ng kamay ng orasan ng malapit kami sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin, ngunit may pumipigil sa akin na gawin iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa sa isip niya. Hindi kakikitaan ng galit ang mukha nito at hindi rin siya nagsasalita, na mas lalong ika-nakakaba ng dibdib ko. Tumingin ito sa gawi ni Lander. Doon ay nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Napansin ko ang pagtayo nina Josh at Carlo sa pagkakaupo. Sa wari ko'y pinakikiramdaman nila ang magiging reaskyon ni Lex. Sabay-sabay kaming napalingon muli sa pinto ng biglang pumasok doon si Camila, na siyang ikinagulat ni Marc. Maging ako ay nabigla rin. Bakit kasama siya ni Lex?. Hindi ba't bu

  • Maid and Her Boss   Chapter 42

    Honeylette POV Hindi ako mapalagay, habang nakatingin ako kay Marc. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nito dahil masyadong malayo ang distansya namin sa isa't isa. Kausap niya ngayon si Lex sa telepono. Sa bandang huli ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa suhestyon nila. Wala na akong magagawa si Lex lang ang pag-asa para gumaling ang anak ko. Kahit na labag sa kalooban ko ang lumapit sa kanya. Nakita kong isinuksok na niya ang kanyang celphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Tapos na agad silang mag-usap?. Ang bilis naman yata?. Taka kong tanong sa sarili. Seryosong tumingin sa direksyon ko si Marc. Pagkatapos ay naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Kasalukuyan akong nasa labas nang kwarto ni Lander, ang tanging naiwan lang sa loob ay si Josh. Sumunod ako kay Marc sa labas para marinig ang sasabihin nito kay Lex, ngunit lumayo naman siya sa akin. Si Carlo naman ay nakaupo malapit sa tabi ko. "Papunta na siya!.” Deklara ni Marc. Biglang dumagundong an

  • Maid and Her Boss   Chapter 41

    Honeylette POV Nakatakip ang mga palad ko sa aking mukha. Pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi mag-alala. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi maramdaman ang aking pag-aalala para sa aking anak. Uupo, maya-maya'y tatayo at maglalakad ng pabalik-balik, pagkatapos ay uupo ulit. Para akong baliw sa kilos ko, hindi ako mapalagay hangga't hindi lumalabas ang doctor sa kwarto na pinagpasukan kay Lander. Anong lagay nang anak ko?. Iyon palagi ang tanong ko sa aking isip. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko, tinitigan niya ako. Hindi man siya nagsalita ngunit alam ko na ang ibig niyang sabihin, na kumalma lang ako at magiging ayos rin ang lahat. Pinilit kong gawin iyon at minabuting maghintay sa paglabas ng doctor. Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuang nasa harap ng room ni Lander. Tanging si Josh at Carlo lamang ang kasama kong pumunta ng ospital. Naiwan sa bahay si tiya at nanay para samahan si Hailey. Gustuhin man sumama sa amin ni nanay ngunit, pinigilan ko ito. Ma

  • Maid and Her Boss   Chapter 40

    Honeylette POV "Kumusta? bakit ngayon lang kayo?.” Tanong ko, pagkalapit ko sa kinaroroonan nina Carlo. Hindi kaagad nakapagsalita si Carlo, para bang may kakaiba sa reaksyon niya. Napatingin ito kay Josh, bago nagsalita. "Uhmmm.. May mahalagang inasikaso kasi ako kahapon. Kaya hindi kami natuloy ni Josh." Saad nito. " Ano naman pinagkaabalahan niyo kahapon?. Parehas kayo ni Josh?.” Kunot noo kong tanong. "Hindi, ako lang, nasa bahay lang si Josh kahapon. U-umuwi akong Batangas." Nag-aalangang sambit ni Carlo. Hindi na ako nagsalita. Siguro ay si Crystal ang ipinunta niya roon. "Siya nga pala may pasalubong ako sayo." Kinuha ni Carlo sa kanyang gilid ang isang kahon at iniabot nya iyon sa akin. "Ano ito?.” Tanong ko habang hawak-hawak ang kahon."Buksan mo." Nakangiting saad ni Carlo. Binuksan ko ang naturang kahon. Nagalak ako nang makita ang laman nito. Kalamay na mais!. Ito ang na-miss kong kainin sa Batangas. "Sal

  • Maid and Her Boss   Chapter 39

    Honeylette POV Kasalukuyan akong nasa ilalim ng malaking puno na katabi nang bahay namin. Sa ilalim ng punong iyon ay makikita ang isang mahabang upuang kawayan. Samantala naroon din ang isang papag na nagsisilibing higaan namin tuwing tanghali. Halos doon kami namamalagi kapag walang ginagawa, sariwa at malamig kasi ang hangin dito. Minabuti kong magmuni- muni muna dito ngayong gabi. "Anak may gumugulo ba sa isipan mo?.” Bahagya akong nagulat nang biglang may mag-salita sa likuran ko. Nilingon ko si nanay. Nababanaag sa mukha nito ang pag-aalala. Umiling ako. Bilang pagtanggi ko. Tiningnan niya ako nang diretso. Alam kong hindi siya naniniwala base sa mga titig nito. Iba talaga kapag nanay mo, o magulang mo. Kahit hindi mo man sabihin, kahit hindi ka magsalita at pilit kang tumanggi, mararamdaman at mararamdaman pa rin nila ang kung anong nararamdaman mo o kung may problema ka bang iniisip. Katulad ko na isang ina na rin. Nararamdaman ko kapag til

  • Maid and Her Boss   Chapter 38

    Honeylette POV "Mommy tingnan mo po ang ganda po nang binili sa akin ni Daddy Chellex na doll." Masayang ipinakita iyon sa akin ni Hailey. Tatlong taon pa lang ang kambal ngunit napaka- bibo na ng mga ito. Dalawang taong gulang palang sila noon ay matuwid na silang magsalita at marami nang alam. Kasalukuyan silang nasa sala nang mga oras na iyon at pinakikita ni Marc ang mga dalang pasalubong nito sa kambal. Daddy Chellex ang tawag nila kay Marc. Si Marc ang nagturo noon sa kanila. Ayaw kasi nito na lalaking walang tinatawag na ama ang kambal. Ayokong pumayag noong una dahil hindi naman talaga nila tunay na ama si Marc. Ngunit alam nang kambal na hindi si Marc ang ama nila. Hindi ko alam kung paanong paliwanag ang ginawa nito sa kanila. Ganoon pa man lumaking malapit ang loob nila kay Marc at Carlo. Sa tatlong taon na nakalipas ay hindi nakaramdam ang mga anak ko ng kawalan nang isang ama dahil nand'yan si Marc at Carlo upang iparamdam sa kanila iyon. Lumaking m

DMCA.com Protection Status