Share

Chapter 2

Author: Ms.Jhen
last update Last Updated: 2022-07-29 21:58:16

“Honeylette halika ka na at aalis na tayo baka ma-traffic pa tayo strikto pa naman yun.” Tawag sa akin ni Tiya Maring. Ang huling salitang sinabi niya ay hindi ko na narinig pa dahil mahina na ang pagkakasabi nito. Dali dali akong lumabas nang silid ko.

“Andito na ko Tiya.” Napataas naman ang dalawang kilay niya at napa-iling na lamang sa akin.

Nilingon ko ang aming tahanan bago ako humakbang paalis, masakit man na iiwan ko ang aming mga ala-ala sa tahanan na ito. Ngunit wala akong magagawa. Kinailangan kong ibenta ang bahay at lupa para maipalibing si tatay kahit sa murang halaga. Magsisimula ako ng panibagong buhay kasama si tiya Maring.

Si tiya Maring ang nag-iisang kapatid ni tatay. Sa Cavite siya naninirahan at kami naman ay sa Batangas. Malapit lang kung tutuusin pero madalang parin silang magkita ni Tatay noon. Minsan may pagkasungit si Tiya pero hindi naman nakakatakot. Ang totoo mabait talaga siya at maalalahanin.

Si Tiya na ang nagintindi sa akin mula noong namatay si Tatay. Oo namatay si Tatay. Namatay siya pagkatapos nang gabing magkausap kami nang umuwi siyang lasing. Naiiyak ako kapag naiisip ko iyon. Iyon na pala ang huli naming pag-uusap. Biglang bumalik sa utak ko ang mga pangyayari.

Naalimpungatan ako sa tumatawag sa akin. “Honeylette anak gising na. Honeylette gising kana Honeylette.” Tinig ni Tatay. Bigla akong napabaligwas sa aking higaan. Panaginip. Akala ko’y totoong ginigising ako ni Tatay. Kaagad na akong tumayo sa higaan. Lumabas nang kwarto. Para maghanda nang kakainin namin ni Tatay. Natapos na akong lahat ay hindi pa rin lumalabas si Tatay sa kanyang silid. Tinakpan ko na lang ang aking hinandang agahan. Malamang ay mamaya pa iyon babangon dahil may hang over pa. Ganoon naman palagi iyon.

Kinatok ko ang pinto niya para magpaalam. Pero walang sumasagot. Marahil ay mahimbing ang pagkakatulog nito hindi ko na lamang iistorbohin.. Nagpasya na akong umalis patungong palengke.

Nang makabalik ako sa bahay ay hinanap ko agad siya at nakapanlulumo kong nasaksihan ang makita siyang nakabitin at wala ng buhay. Nagpakamatay siya.

Iyak ako nang iyak habang binabasa ang sulat ni Tatay nag-iwan siya nang sulat, bago siya magpakamatay. Sinabi niya sa sulat na humihingi siya nang tawad sa akin. Sinabi niya rin na mahal na mahal niya ako. At humanap raw ako nang lalaking mamahalin ko na kaya akong ipagtanggol at buhayin. Twenty palang ako at wala pa sa utak ko ang pag-aasawa. Sampung taon na mula noong iniwan kami ni Nanay. At ngayon ni anino niya ay wala pa rin. Tanging si Tiya Maring lamang ang nakaramay ko ng mga panahong iyon. Pasalamat na rin ako at may tumulong na mga kapitbahay namin para sa iba pang gastusin kay tatay.

Nawala sa paglalakbay ang aking isip nang tinapik ako ni Tiya.

“Nandito na tayo”.sambit niya. Hindi ko namalayan ang oras at ang byahe dahil sa paglalakbay ng isip ko.

Napaawang ang aking bibig nang makita ang napaka laking bahay. Siguro ay ito ang pinaka malaking bahay dito sa Tagaytay. Ayon kay tiya ay dito siya nagtatrabaho bilang isang kasambahay. Kaya naman nakiusap siya sa kaniyang amo na kung maari niya akong ipasok bilang isang kasambahay rin. Hindi nahirapan si tiya. Kaagad na pumayag ang amo niya. Sa tingin ko ay napakabait ng amo niya. Kaya sobrang saya ko ng malaman iyon. Kahit na maging kasambahay lang ako ay masaya na ko dahil may permanente na akong trabaho. Hindi katulad dati na kung anu anong pinapasok ko. At isa pa makakatulong ako kay tiya. Sinabi ko na iyon sa kaniya na oras na magkatrabaho ako ay tutulungan ko siya.

Ayaw niya noong una kasi wala naman daw siyang pamilya na dapat tustusan. Ipunin ko na lang daw ang sasahurin ko para sa sarili ko. Pero sa bandang huli ay napapayag ko rin siya dahil sa kakulitan ko. Sinabi ko na aabutan ko siya kahit kaunti tuwing sahod ko. Para na rin yun sa pasasalamat ko sa kaniya. Ako lang ang magiging kasama niya sa buhay wala naman kasi siyang asawa’t anak. Sa makatuwid matandang dalaga siya kaya naman ganoon na lamang ang pagkasungit niya minsan. Natatawa talaga ako kay tiya.

Biglang bumukas ang gate nang nasa tapat na kami nito. Nagtaka ako at napamangha. Teka wala naman nagbukas na tao. Ibig sabihin automatic yung gate?. Bumulaga sa amin ang napakaluwang na harapan nang bahay. Napaka lawak na garden at meron din gazebo.

Nakita ko rin sa parking ang ilang magagandang sasakyan. Hindi man lang nasabi ni Tiya na napakayaman pala nang kaniyang amo.

Nasa hulihan ako ni tiya. Nililibot ko pa kasi nang tingin ang buong labas nang bahay. Napakaganda nito sa labas pa lamang ay malaki na ito paano pa kaya sa loob. Habang nalilibang ako sa nakikita ko ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Sa wari ko’y nakamasid ito sa kilos ko. Kaya naman napatingin ako sa pangalawang palapag nang bahay. Nakita ko ang papasarang kurtina.

Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na iyon pinansin. Saktong tinawag ako ni tiya. “Psssst Letlet halika ka na dito bilisan mong bata ka.” Napakamot na lang ako sa ulo sa pagtawag ni tiya. Tinawag na naman kasi niya ako sa palayaw niya sa akin. Sinabi ko nang Lilet ang gusto ko, yun kasi ang tawag sa akin ni Mama noon. Napaka-ganda pa naman ng pangalan ko kasing ganda ko tapos ganoon lang ang itatawag niya sa akin. Tinatawag niya lang akong Honeylette pag-naiinis na siya.

“Ikaw Honeylette umayos ka nang kilos mo maging mahinhin ka. Alam kong masayahin at makulit ka at isa pa madaldal. Pero wag mo nang dalahin iyon dito masyadong istrikto at seryoso si sir. Kaya kung gusto mong magkatrabaho ay umayos ka.”

Nakangiti akong tumango kay tiya at itinaas ko pa ang isa kong kamay para ipakita na nagpromise ako. Sa sinabi ni tiya ay napansin din pala niya iyon ang pagiging masayahin ko. Masayahin talaga ako mula noong bata pa, may pagka makulit. Nagbago lang naman iyon nang umalis si Nanay. At ngayon ibinabalik ko ang dating ako kahit na madalas ay malungkot ako dahil sa pagkawala ni tatay. Pero kailangan kung maging maayos at maging masaya gaya nang sinabi ni tatay sa sulat.

Pumasok na kami ni tiya sa pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga katulong na nakapalibot sa amin siguro ay may sampu sila. “Mayordoma” sabay sabay na sambit nang mga kasambahay at sabay sabay rin na yumuko.

Nanlalaki ang aking mga mata nang tumingin ako kay tiya. Napalingon siya sa akin at pinanlakihan ako nang mata. Kung kaya’t nagpigil ako na mapangiti. Hindi ko akalain na siya pala ang mayordoma sa bahay na ito. Si tiya talaga dami pang lihim. Baka mamaya may manliligaw din siya dito. Gusto ko nang tumawa sa naiisip ko. Infairness lakas ni tiya sa amo niya. Biruin mo ang tagal niya rin nawala dahil sa pagkamatay ni tatay pero parang okay lang iyon.

“Nasaan ang sir niyo?”

“Nasa kwarto pa po.” Sagot nang isang kasambahay kay tiya.

Nanatili lang kami sa aming kinatatayuan. Kaya nagawa kung pasadahan nang tingin ang buong bahay. Napakalaki nito. Napakaluwang nang sala iisa lang ang kulay nang loob at labas kulay puti napaka linis tingnan. Naudlot lamang ang aking pagmamasid nang magsalita ang mga kasambahay.

“Good morning Sir!.” Napatingin ako sa gawing itaas. Kung saan sila nakatingin, ganoon din si tiya. Parang bumagal ang oras ng makita kong pababa ang isang lalaki na matangkad, na may katamtamang puti ang balat, matangos na ilong, makapal na kilay at mapulang labi, sa makatuwid gwapo. Mukhang noong umulan nang kagwapuhan ay nasalo niya lahat. Nakasuot siya nang formal suit bagay na bagay sa kaniya ang kulay nitong grey pero kahit ano pang kulay noon ay babagay sa kaniya. Siguro ay papasok na siya sa trabaho. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung anong pakiramdam pero nakakailang ang pagtitig niya. Pero wala naman akong nakikita kahit anong reaksyon sa mukha niya.

Hindi man lang siya sumagot sa bati nang mga kasambahay. Nakikita ko kung paano siya titigan nang lahat ng kasambahay na babae. Kitang kita ko sa kanila na malaki ang paghanga nila sa boss nila mali boss namin. Boss ko na rin pala siya. Hindi ko akalain na lalaki pala ang amo ni tiya at hindi ko rin akalain na mukhang binata pa ito. Teka binata nga ito kung may asawa na ito malamang ay kasama niya ang pamilya niya dito sa bahay. Pero malay ko ba na nasa ibang bahay ang asawa’t anak niya. Mayaman sila, kaya pwedeng may iba pa silang bahay.

Muli akong napatingin sa mga kasambahay nakayuko na sila ngayon dahil nasa harapan na nila ang amo nila. Hindi na nila ito matingnan nang diretso. Sa tingin ko’y karamihan sa kanila ay mas may edad sa akin. Dalawa lang ang sa tingin ko ay ka- edad ko. Pero lahat sila ay nakikitain ko nang paghanga sa boss namin. Pero ako parang balewala lang sa akin. Gwapo naman talaga siya. Kung sa isang babae lang din ay masasabi kung pangarap siya nang lahat nang babae. Mayaman gwapo pero para sa akin, okay lang sa akin kahit hindi mayaman at hindi kagwapuhan basta mamahalin ako at hindi iiwan. Iyong kaya kaming pakainin sa araw- araw ay ayos na sa akin. Basta masaya kami.

Gusto ko rin naman nang mayaman kaso hindi na ko naghahangad dahil mahirap lang naman ako. Basta masaya ang magiging pamilya ko ay ayos na sa akin.

“Who is she?”

“Siya po ang pamangkin ko.” Turo ni tiya sa akin.

“Good morning po!” bati ko. Imbes na sumagot ay tinalikuran niya lang ako. Suplado.

Yumuko na ang mga kasambahay at nagpunta sa kaniya kaniyang trabaho naiwan kami ni tiya sa sala.

“Do you have a boyfriend?” nagulat ako sa tanong niya. Iyon kaagad?

“Ahmmm wala po.”

“That’s good. You may start now.” Start na agad hindi ba pwedeng bukas na lang nakakapagod kaya sa byahe. Nakakainis naman siya. Kala ko mabait suplado pala talaga.

Tuluyan na niya kaming tinalikuran ni tiya pagkasabi niya noon. Para lang siyang hangin na dumaan. Nagkibit balikat na lamang ako.

Naalala ko naman si tiya may hindi pa pala siya sinasabi kaya naman kaagad ko siyang nilapitan at sinundot sa tagiliran. Kamuntik pa siyang mapamura sa ginawa ko.

“Ikaw talaga tiya hindi mo sinasabi sa akin na mayordoma ka pala dito.”

“Bakit ko pa sasabihin malalaman mo rin naman.” Napanguso ako sa sagot ni tiya. Maiinis na naman siya

“Kaya ikaw umayos ka.” Napa-aray ako nang kurutin ako ni tiya sa tagiliran ko.

“Maayos naman po ako” nangunguto kong sagot.

“Hay naku bata ka subukan mo lang talaga at makukutusan kita. Wag kang gagawa nang kalokohan kung ayaw mong pati ako ay mapaalis.”

“Hala tiya kailan ba ako gumawa nang kalokohan sa ganda kong ito gagawa ako nang kalokohan” sabay tapik ko sa baba ko nang aking kamay.

Napa- iling na lamang si tiya sa akin.

“Saka tiya hindi na ako bata wag mo na akong tawaging ganun saka iyong palayaw ko lilet yung nickname ko hindi letlet.”

“Ano naman ngayon kung letlet tawag ko sayo. Teka oo nga pala halika na at ipapakilala kita sa mga makakasama mo. Isasama rin kita sa magiging kwarto mo.” Kaagad niya akong hinila.

“Napakaganda palang bata ng pamangkin niyo.” Turan nang isang kasambahay na babae na wari ko ay nasa edad na trenta’y singko anyos. Sa tingin ko ay mababait silang lahat. Nakakatuwa.

Hindi mo aakalain na mayordoma dito si tiya dahil marunong siyang makihalubilo. Hindi tulad sa napapanood ko sa palabas sa television na hindi nakikipagkwentuhan ang mga mayordoma sa mga kasambahay at laging pinapagalitan. Si tiya ay ibang iba, siya pa ang makwento sa mga ito.

“Ano ang pwede namin itawag sayo? Masyado kasing mahabang bigkasin ang pangalan mo ineng.” Tanong pa ng isa sa kanilang babae na wari ko ay nasa edad kwarenta anyos naman.

“Letlet, Letlet ang palayaw niya.” Kaagad sagot ni tiya.

Napangiwi naman ako sa tinuran niya. Sinasabi ko na nga ba na iyon ang sasabihin niya. Tumingin siya sa akin na nakataas ang dalawang kilay at nakangiti nang nakakaloko. Napanguso na lang ako.

Hinatid ako ni tiya sa aking kwartong tutuluyan. Nagtaka ako at hindi ko siya kasama sa silid at tanging ako lang mag-isa doon ni wala rin ibang kasambahay na kasama. Ibig sabihin solo ko ang kwartong ito. Siguro ay may mga sariling kwarto ang bawat katulong dito. Sa laki ba naman nang bahay na ito. Sinabi ni tiya na magpahinga na muna ako at bukas na lamang daw niya ako tuturuan ng mga dapat na gagawin. Laking pasasalamat ko akala ko magsisimula na agad ako gaya ng sinabi ni sir.

Hapon na nang magising ako. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nakita ko doon ang dalawang kasambahay na sina Rose at Julie buti nalang at mabilis akong makatanda ng pangalan sa tingin ko ay kaunti lamang ang agwat ng edad nila sa akin. Nasa counter island sila ng mga oras na iyon at abalang naghahanda ng mga lulutuin. Hindi ko alam kung lalapit ako sa kanila nahihiya kasi ako. Pero kailangan kong lumapit para makatulong sa kanila. Hindi pa man ako nakakalapit ay napansin na agad ako ni Julie.

“Gising ka na pala Letlet.” Napangiwi na naman ako sa pagkakabanggit niya ng pangalan ko. “Nakapagpahinga ka ba ng maayos?”

“Ahh oo.” Tipid kong sagot.

“Halika ka kumain ka.” Pag-aya ni Rose sa akin.

“Sige lang busog pa naman ako.” Ngumiti lang siya sa akin.

“Ilang taon ka na?” tanong sa akin ni Julie

“twenty” nakangiti kong sagot.

“Ako nga pala si Jul----”

“Julie?” hindi na niya naituloy ang pagsabi ng name niya dahil naunahan ko siya. Nakangiti naman siya sa akin ng tinuran ko iyon.

“Ang galing mo palang magtanda ng pangalan. Ako nga pala ay twenty four years old na at si Rose naman ay twenty five.”

Tango na lamang ang isinagot ko sa kaniya. Tinulungan ko silang maghanda ng lulutuin. Marami kaming napagkwentuhang tatlo. Maayos silang kasama. Nakagaanang loob ko agad sila. Gusto ko sana tanungin kung may pamilya na ang boss namin. Pero hindi ko na tinuloy at baka isipin nila na may gusto ako kay sir saka hindi rin naman nila nababanggit sa usapan si sir.

“Ang gwapo ng boss natin ano?” maya maya’y sambit ni Julie. Napatingin ako sa kaniya habang nakahalumbaba siya sa counter island.

“Hay naku ayan ka na naman sa pagpapantasya mo at saka mamaya marinig ka pa ni Aling Maring alam mo ng bawal pag-usapan si Sir.” Sabat ni Rose

“Bakit ikaw din naman ahh crush mo rin si Sir. Sayang nga lang at may pagkasuplado talaga siya. Ikaw Letlet hindi ka ba na startruck kay sir sa unang pagkakita mo sa kaniya?” Nagulat ako sa tanong na iyon ni Julie napatingin naman sa akin si Rose habang hinihintay ang sagot ko. Napakamot ako sa ulo ko.

“A..eh.. gwapo naman si sir… kaso hindi ko kasi nakasanayan na kapag nakakakita ng gwapo ay nagugustuhan ko agad. Kasi kahit ganito na ang edad ko ay hindi pa pumapasok sa isip ko ang mga love love o crush na yan”

“Naku tama lang yan bata ka pa saka hindi tayo pwedeng ma-inlove sa katulad nila dahil iba tayo sa kanila mayayaman sila. Hindi tayo bagay sa kanila na isang kasambahay lang.”

Umapila naman si Julie sa sinabi ni Rose.

“Palibhasa kasi ikaw isinusuko muna yung feelings mo kay sir kaya ganyan ka. Bakit wala naman imposible na magkatuluyan ang isang boss at katulong ahh.” Pagkatapos nitong mangatwiran ay bumalik ito sa kaniyang paghalumbaba at ngumuso.

Napapailing na lang ako sa dalawa. Iniisip ko wala naman talaga imposible sa sinabi ni Julie may point naman siya doon.

Nakita ko kung gaano kabalisa ang mga katulong nang dumating ang boss nila este namin. Halos hindi magkaintindihan pati sina Julie at Rose. Hindi ko na kailangan magtanong kung bakit hindi pwedeng pagusapan si sir. Nahihinuha ko na halos kagaya ng pinapanood ko sa tv. Mga boss na strikto, suplado ganoon siya.

Pagkarating niya at dumiretso agad siya sa kwarto niya. Saktong alas – syete siya dumating. Nalaman kong sa kusina naka-assign ang dalawa ni Julie at Rose. At sinabi ni tiya na sa kusina at sa kwarto ni sir ako naka-assign.

Nasa dining area lamang kami nina Julie at Rose ng pumasok si sir. Nakita ko agad kung paano ang pag-ayos ng tayo ng dalawa. Nakahain na sa dining table ang lahat ng niluto namin. Ang daming niluto namin si sir lang ba ang kakain nang lahat ng yun? Hinila nito ang upuan at naupo. Para siyang hari sa kinatatayuan niya at habang nasa gilid lamang ang kaniyang mga alipin.

Nagulat ako maging sina Rose ng magsalita ito. “Come here” nagkatinginan kaming tatlo sino bang tinatawag niya? Nakatingin din sa akin ang dalawa at halata sa mukha ng dalawa ang tensyon. Hindi naman niya kasi sinasabi sa amin kung sino ang pinapalapit niya ni hindi niya nga kami tinatapunan man lang ng tingin. Kaya nagsalita ako.

“Sino po ba sa amin sir?”

“You” Kaagad niyang sagot. Hindi agad ako nakalapit sa kaniya nag-aalinlangan kasi ako.

“a-a-ako po ba sir?” Matalim niya kong tiningnan. Kaya hindi na ako nagtanong pa o nagdalawang isip na lumapit sa kaniya. Pakiramdam ko napakabigat ng paligid kapag kaharap siya pero inignora ko iyon bakit ba kailangan siyang katakutan. Sa pakiramdam ko ay halos takot sa kaniya ang lahat.

“Ano po ang kailangan niyo sir?” tanong ko ng makalapit ako sa kanya

“Coffee.”

“Bakit magkakape pa kayo sir?” Magkasalubong ang kaniyang mga kilay ng tingnan niya ako. Bakit may mali ba sa sinabi ko? Gabi na kaya para magkape hindi siya makakatulog kung magkakape pa siya.

Sa bandang huli ay nakita ko ang pagngisi niya.

“Why do you need to questiong of what I want?”

“Kasi po gabi na, hindi po kayo makakatulog kapag nagkape pa po kayo ngayong oras na ito.” Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. Napatingin ako sa dalawa ni Julie at Rose nakikita ko sa mukha nila na sinasabi nilang mali ang ginawa ko. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko at napatingin kay sir. Dumagundong ang aking dibdib ng makita ko na nakatitig siya sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha kaya napagtanto ko na nagkamali ako. Akala ko kasi si tatay lang itong sinesermunan ko. Kaya agad akong yumuko para humingi ng pasensya.

“Sorry po sir pasensya na po iyon po kasi ang alam ko, para sa akin po hindi dapat uminom ng kape kapag gabi. Pero gusto niyo po kaya--- igagawa ko na po kayo.” Papatalikod na ako ng magsalita ulit ito.

“No need.” Napatingin akong muli sa mukha niya. “I said—no need you may sit down.”

“Po?” naguluhan ako sa sinabi niya pinapaupo niya ako.?

“If that’s what you’re thinking--- you are mistaken. I’m making you sit down because I haven’t interviewed you yet.” Hindi ko naman iniisip iyong nasa isip niya. Nagtaka lang naman ako kung bakit kailangan kong umupo.

Papaupo pa lamang ako ng magsalita ulit siya.

“Don’t sit there.” Huh? Ano hindi dito eh saan?

“Saan po ba?”

Itinuro niya ang isang upuang malayo sa kanya. Malay ko ba na dapat doon ako umupo. Nagtungo ako sa itinuro niyang upuan. Akala ko ba ay iyon na ang interview niya sa akin kaninang umaga hindi pa pala. Pinalabas niya muna ang dalawa ni Julie at Rose. Nakaka-ilang tuloy ngayon dahil kami na lamang dalawa.

“What’s your name?”

“Honeylette Garcia po”

“How old are you?”

“twenty po sir.”

Nagsimula na siyang kumain. Ang hinhin naman niyang kumain. Pagkakatapos niyang lunukin ay saka siya magtatanong ulit.

“Are you willing to work at me?” Parang may ibig sabihin ang sinabi niya. Pero binalewala ko na lang iyon.

“Opo sir!”

“Now all you have to do is do what I want. You cannot justify things that you think are right as you said earlier.” Napatango na lamang ako habang nakayuko ano ba kasing pumasok sa utak mo Honeylette at sinabi mo iyon sa boss mo kanina.

“That’s all. And bring me coffee to my room.” Yun lang? Tapos na siyang kumain at tumayo na siya sa kaniyang upuan at tumalikod papunta sa pintuan. Pagkatalikod niya kaagad kung ginaya ang pagsasalita niya bumubuka ang aking bibig pero wala naman lumabas na sound samahan pa ng pag irap. Agad akong napahinto sa ginagawa ng bigla siya muling humarap. Kumunot ang noo niya. Na para bang nakita niya ang ginagawa ko. Kaya naman kaagad akong tumalikod at nagpanggap na may ginagawa. Buti na lang at tumalikod na siya doon na lang ulit ako nakahinga ng maluwag.

Nakadalawang katok na ako pero hindi pa rin bumubukas ang pinto ng kwarto ni Sir. Kaya naman nagdesisyon na kong pihitin ang seradura. Okay naman sigurong pumasok na. Kumatok naman na ko. Ngunit sa pagpasok ko hindi ko inaasahan na iba ang mabubungaran ko.

“Ay bastos!” napatili ako at muntik ng matapon ang kapeng hawak hawak ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin ni hindi ko matakpan ang aking mata ng mga kamay ko dahil sa hawak kong kape. Nakita ko kasi siyang n*******d at nakatalapi lang ng tuwalya sa bandang baba. Bakit ba kasi siya n*******d alam naman niyang papasok ako.

Nakatalikod siya ng mga oras na iyon. Dala dala niya sa kaliwang kamay ang siguro’y pamalit niyang damit. Mukhang bagong ligo siya dahil kasalukuyan siyang nagpupunas ng tuwalya sa kaniyang buhok. Hindi man lang siya naalarma sa pagtili ko at pinagpatuloy pa rin niya ang pagpupunas ng buhok niya. Hindi ko alam kung saan ako titingin nang humarap na siya.

“Is that my coffee?” Tanong niya.

“a—y..yes sir” bakit ba ako nauutal?? Kalma ka lang nga honeylette wag mong sabihing grrrrrr ano ba nasa isip ko. Nakita ko nang isinuot niya ang white t shirt na hawak niya. Akala ko ay iyon lang ang gagawin niya at kukunin na niya ang kapeng hawak ko pero--- nagulantang ako ng makita ko na tatanggalin niya ang tuwalyang nakatakip sa kaniyang ibaba.

“Sir! wait lang po lalabas muna po ako.” Napahinto siya sa kaniyang gagawin. Tiningnan niya ako at nakita ko ang pagtaas ng kabilang gilid ng kaniyang labi. Kaagad kong ipinatong sa nightstand ang kapeng hawak ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto ni sir.

Habol ang hiningang naupo ako sa my counter island. Thinking of him. Half naked lang naman siya bakit ganoon na lamang ang dating noon sa akin. Nakakakita naman ako ng mga n*******d sa palabas sa t.v at mga tambay sa lugar namin noon pero hindi ganoon ang impact sa akin. Balewala lang sa akin kung nakikita ko silang n*******d. Pero bakit sa kaniya halos magulo ang buong sistema ko. “Grrrrrr Honeylette umayos ka nga.” Tinapik tapik ko ang aking pisngi para magising.

Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Rose. Kaya naman napatigil sa ere ang aking kamay. May pagtataka sa kaniyang mukha ng makita niya ang ginagawa ko.

“Okay ka lang?”

“Huh? A—Oo okay lang ako” nauutal kong sagot.

“Talaga pero bakit mo sinasampal ang mukha mo? Anong nangyayari sayo?”

“Wala, wala naman ganito talaga ko minsan pag medyo inaantok na.” pagsisinungaling ko kay Rose.

“Ah ganun ba kamusta naman kayo ni sir?”

Bigla ko ulit naalala ang nakita ko kanina, pinilig ko na lamang ang aking ulo para mawala sa paningin ko ang imahe niyang nakabuhad.

“Okay ka lang ba talaga?” Napaigtad pa ako sa pagtatanong ulit ni Rose.

“Oo naman bakit mo natanong?”

“Wala naman para ka kasing nakakakita ng multo. Natutulala ka kasi dyan bakit napagalitan ka ba ni sir kanina?” Oo nga kanina noong ini-interview niya ko. Interview ba yun?

“Hindi naman.”

Tumango na lamang si Rose hindi na siya nagtanong siguro ay nakuntento na sa sagot ko.

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Hindi kasi mawala sa paningin ko ang nakita ko. Kahit nakapikit ako ay nakikita ko parin ang imahe niya. Kaya naisipan kong bumangon para pumunta sa kusina at uminom ng tubig.

Hindi na ako nagsindi ng ilaw bukas naman kasi ang ilaw sa tapat ng counter island. Napatalon na lamang ako sa gulat ng may makitang isang bulto ng katawan. Sa may malapit sa sink. Magnanakaw. Sisigaw pa lamang ako ng may tumakip na kamay sa aking bibig. Kamay ng isang lalaki ibig sabihin may kasama pang iba ang magnanakaw. Naglakas loob ako para makasigaw kung kaya’t kinagat ko ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura.

Mabilis niya akong naitulak sa dingding. Nakatakip pa rin ang isang kamay niya sa aking bibig habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa aking may pupulsuhan ng kamay at bahagyang nakataas. Unti unti nanlaki ang mga mata ko nang maaninag ang lalaking nasa harapan ko. Hindi pa rin niya ako binibitawan at seryoso lamang ang kaniyang mukha habang nakatitig sa akin. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga. Nanigas ang buo kong katawan sa ginawa niya.

“Subukan mong sumigaw, kung hindi hahalikan kita.” He murmured. Halos umakyat ang lahat ng aking dugo sa ulo ng marinig ko ang sinabi niya. Nagsitayuan ang aking balahibo. I was tickled when his breath hit my ear. My whole system is messed up. May kung anong kumikiliti rin sa aking tiyan. Bakit ganito ang pakiramdam ko. We still in that position. When I heard the voice coming from his back.

“How sweet.” He chuckled

Binitiwan ako ni Sir. Tumalikod siya sa akin. Hindi pa rin ako makaibo sa kinatatayuan ko. “Pasensiya ka na miss A—ano nga pangalan mo?”

Doon lamang bumalik ang buong sistema ko nang magsalita muli ang lalaking napagkamalan kong magnanakaw. Pinasadahan ko siya ng tingin. Napaka gwapo din niya. Halos may pagkakahawig sila ni sir.

“Why are you here?.” Napaigtad ako ng biglang magsalita ulit si sir.

“Kukuha lang po ako ng tubig.” Nauutal kong sagot sa kanya. Nakikita ko naman na nagpipigil ng tawa ang lalaking kaharap niya.

“Bakit mo ba siya tinatakot?” Natatawang tanong ng lalaki kay sir. Hindi ito sumagot bagkus ay tinanong siya nito.

“And you, why are you here? I think its because of Camila.”

Nakita ko kung paano mag-iba ang ekpresyon ng mukha ng lalaki mula sa kaninang nakangiti siya ay nabago iyon, naging seryoso ang mukha niya at naging malungkot ang mga mata nito. Kaanu- ano ba siya ni sir at sino ang Camila na tinutukoy niya? bakit parang ang lakas ng epekto nito sa lalaki ng banggitin niya ito.

Tumingin muli sa aking kinatatayuan si sir. Napaayos ako ng tayo. Minabuti kong bumalik na lamang sa aking kwarto.

“Excuse me po. Maiwan ko na po kayo.” Akma na akong tatalikod ng marinig ko ulit si sir.

“Akala ko ba iinom ka.” Masungit nitong pagkakasabi. Kagat ang ibabang labi ko ay nag-angat ako ng tingin kay sir. Nakatitig siya sa akin.

“Hindi na po ako nauuhaw. Sige po maiwan ko na kayong dalawa.” Yumuko pa ako sa kanila para sa pagbibigay galang. Agad akong tumalikod. Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon ng mukha niya at hindi ko na hinintay na magsalita siya ulit . Mabilis na naglakad ako patungo sa aking kwarto. Nang makapasok ako ay doon na lamang ako nakahinga ng maluwag. Napatakip na lamang ako ng aking mga palad sa mukha. Nahihiya ako sa pangyayari kanina bakit ba siya ganoon sa akin parang pinagtitripan niya ako. Siguro ay ginagantihan niya ako sa ginawa ko kanina. Gusto niya akong mapahiya. Nagpapadyak akong nagtungo sa aking higaan.

Pero bakit naman niya ako gagantihan. Para sa akin maliit na bagay lang iyong nagawa ko. Humingi naman na ako nang pasensya sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na mamasamain pala niya ang sinabi ko na hindi dapat uminom ng kape sa gabi.

Napatingin ako sa orasan. Limang minuto bago mag alas-onse ng gabi. Humiga na ako sa aking malambot na higaan nang maramdaman ko ang lambot nito ay unti- unti akong hinila nang antok

Related chapters

  • Maid and Her Boss   Chapter 3 Part 1

    Maliwanag na ang buo kong kwarto ng magising ako. Tiningnan ko ang orasan saktong ala- sais ng umaga. Buti na lamang at hindi ako tinanghali ng gising. Nagtungo agad ako sa banyo para maligo. Ninanamnam ko ang bawat patak ng maligamgam na tubig sa aking katawan. Napakasarap sa pakiramdam kung sana pagkatapos kong maligo ay hindi ako magbibihis ng uniporme ng katulong. Yung tipong wala kang iisipin na magtatrabaho ka. At ang gagawin mo lang ay magpahinga buong maghapon. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng aking uniporme. Inikot ng paningin ko ang buong kabuuan ng kwarto hindi ko pa ito napagmasdan ng maayos mula kahapon. Paano ba naman ang dami na kaagad nangyari umpisa pa lang. Simple lang ang kwarto ko. Kulay pink ang buong paligid nito, pang isahang tao lang ang higaan. Sa gilid ng kama ay may nightstand, samantala sa harap naman ng kama ay nandoon ang malaking cabinet. May sarili itong banyo. Kung iisipin mo ay parang pinaghandaan ang paggawa nito. Pero sabi nina Rose ay

    Last Updated : 2022-08-13
  • Maid and Her Boss   Chapter 3 Part 2

    Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. “Anong klaseng suot yan?” Bakit may mali ba? Hindi ba niya nagustuhan?“Bakit may mali po ba sa suot ko?” Napabuntong hininga siya. “Palitan mo yan.” walang buhay nitong sagot.Papalitan? Pero ano naman ang ipapalit ko halos wala akong mapili sa mga damit ko. “Pasensya na sir, wala na kasi akong maayos na damit. Halos puro kupas na po. Kaya ito na lang bigay ni Julie ang isinuot ko.” Pinasadahan niya ulit ako ng tingin. Nakita ko ang mas lalong pagdilim ng mukha nito. Tumayo ito sa kinauupuan at nilampasan ako. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi. Hindi naman kasi niya sinasabi na aalis kami. Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.“Ano pang ginagawa mo dyan?” Napaigtad ako. Pasulyap niya akong tiningnan. May dalaw na naman siguro siya kaya masungit. Nagmamadali akong sumunod sa likuran niya. Pagdating sa garahe ay nakita ko ang driver niyang si Mang Oscar. Nasa gilid siya ng sasakyan ni sir. Halatang naghihintay. Nasulya

    Last Updated : 2022-08-15
  • Maid and Her Boss   Chapter 4

    Lumipas ang mga araw, at ngayon ay nag-iimpake na ako ng mga gamit ko na dadalahin patungong Batangas. Nakakaexcite at makakapunta ulit ako dito. Nakakamis ang lugar na iyon, sa probinsiya, kung saan ako isinilang. Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon. Saan kaya sa Batangas? Sana isa sa mga beach doon. Naku kahit na may beach hindi rin naman ako mag-eenjoy malamang hindi naman ako makakalabas doon. Isasama niya lang naman ako para may utusan siya. “Honeylette” narinig ko ang pagtawag ni Tiya nakadalawang katok siya sa pinto. Kaya naman nagmamadali akong lumabas. Nabungaran ko ito.“Tapos ka na ba? Ikaw na bata ka umayos ka roon hah? Wag mo nang dadalhin iyang kakulitan mo.” “Opo Tiya.” Nakasimangot kong sagot sa kanya. Inihatid niya ako sa labas. Nakita ko si Mang Oscar na nagpupunas ng sasakyan. “Good morning Honeylette!, good morning Maring.” Natawa ako sa pagbati ni Mang Oscar sa amin lalo na noong si Tiya na ang binati niya biglang lumamyos ang boses nito. Naalala ko

    Last Updated : 2022-08-15
  • Maid and Her Boss   Chapter 5

    Nagising ako sa init na tumatama sa aking mukha. Hindi ko maimulat nang maayos ang aking mata dahil sa silaw nang liwanag na tumatagos sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw. Tiningnan ko ang oras, alas- otso na ng umaga. Naalarma ako. Kailangan ko pa lang maghanda ng almusal. Nakalimutan ko, kaya nga pala ako isinama ni sir dito ay para may magsilbi sa kanya. Ngunit naalala ko ang nangyari kagabi. Nalungkot ako bigla. Umalis siya. Narinig ko ang tunog nang sasakyan niya. Saan kaya siya nagpunta?. Umuwi rin kaya siya?. Sunud-sunod na katanungan sa isipan ko. Aaminin ko nag-aalala ako. Kahit na masakit sa akin ang ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan ng sobra sa pagsigaw niya sa akin. Gusto ko lang naman tulungan siya. Ngunit naisip kong hindi ko dapat iyon damdamin. Parte iyon ng trabaho ko, ang masigawan at isa pa boss ko siya at karapatan niya akong mapagalitan kapag ayaw niya nang mga kilos ko. I sighed, at iwinaksi na iyon sa isipan ko. Nagpasya na akong

    Last Updated : 2022-08-17
  • Maid and Her Boss   Chapter 6

    Honeylette POVMasaya akong naglilinis sa sala. Nakukuha ko pang sumayaw sa saliw nang tugtog, ang saya ko, walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko. Ewan ko ba pero ang ganda nang gising ko. Ikaw ba naman na makalibot sa napakagandang lugar. Halos napanaginipan ko ang ganda nito. Mas lalo akong ginanahan sa tugtog kaya hindi ko mapigilan ang mapaindak nang husto. Ngunit natigilan ako nang sa paglingon ko ay nasa hagdanan na pala si Alexander. Titig na titig ito sa akin. Nakaramdam ako nang hiya at bahagyang napakamot sa ulo ko. “Kanina pa po kayo dyan sir?”nahihiya kong tanong. “five minutes.” Sagot nito na walang kahit anong reaksyon ang mukha.Five minutes? Ibig sabihin matagal tagal na rin. I closed my eyes and bit my lower lip.“You are good in dancing.” Napalingon muli ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Nakita ko ang natatagong ngiti sa labi niya. Tinatawanan ba niya ko?Bahagya akong tumawa. Para mawala ang pagkahiya. Ngunit tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha

    Last Updated : 2022-08-22
  • Maid and Her Boss   Chapter 7

    Alexander POV I can see her in the distance. A probinsyana girl. Nasa labas siya nang bahay ko. Base sa tingin ko, mukhang magkakalat lang siya dito. I think she was so young para pasukin ang trabaho bilang kasambahay but when manang Maring begged me. I immediately agreed with her. She was so pretty. But im not interested. At kahit na kanino pang babae ay hindi ako interesado. Napansin ko ang pagtingala nito naramdaman niya siguro na may nakamasid sa kanya. Nang makababa ako sa aking kwarto ay nakita ko na sila kaagad. Mukhang hinihintay ako. I asked some question to her at isa na doon ay ang pagkakaroon niya ng boyfriend. Ayoko sa lahat ay may pinagkakaabalahan na ganoong bagay ang katulad nila dapat ay lagi lang sila sa trabaho nakatutok. Hindi na ako nagtanong pa. Ayokong mag-aksaya ng oras. Pinabahala ko na siya kay Manang. Tutal ay nakapag usap naman na kami. Doon siya tumuloy sa bago kong pinagawang kwarto. May balak kasi akong gawin sa kwartong iyon pero hindi ko na tinuloy at

    Last Updated : 2022-08-30
  • Maid and Her Boss   Chapter 8

    Honeylette POV Sa isang restaurant kami nagpunta. Nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako dinala dito. Kumain lang naman kami at pagkatapos ay dumiretso na sa isang supermarket para mamili nang mga kailangan sa bahay.Habang namimili ay walang patid ang tinginan sa amin nang mga tao sa naturang pamilihan ewan ko ba, artista ba itong kasama ko? Ako tuloy iyong nahihiya pero siya wala siyang pakealam sa mga tao akala mo ba ay walang nakikita. Dumampot ako nang isang sabon panlaba kaagad kong narinig ang pagpoprotesta niya."Huwag yan ang piliin mo.""Teka bakit naman?”"Walang bango yan.""Pero gentle siya sa kamay kaya mas maigi ito.""Hindi ka naman nagkukusot kaya hindi mo kailangan yan." Baluktot nitong katuwiran."Naku mister kung ano ang gusto ni Misis iyon na ang bilihin mo." Parehas kaming nagulat ni Alexander nang biglang magsalita ang isang Ginang sa tabi namin."She's not my wife." seryoso nitong sagot."Ganoon hindi mo siya asawa? eh ano mo siya?" kuryosong tanong ng Ginan

    Last Updated : 2022-09-03
  • Maid and Her Boss   Chapter 9

    Honeylette POV Naramdaman ko ang init na tumatagos sa bintana kung kaya't nagising ako. Napabaligwas ako nang makitang mataas na ang araw. Ngunit bigla akong napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa aking ibaba. Sandali akong natigilan at prinoseso ang mga pangyayari. Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ang kagabi. Nakainom ba ako ng alak, dahilan nang hindi agad naproseso sa utak ko ang mga pangyayari? Sobrang bigat nang kalooban ko kahapon matapos kong makita si Nanay. Bumalik sa akin lahat ang sakit ang pag-iwan niya sa amin nang aking Ama. Ang pagkamatay ni Tatay. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. At dumagdag pa ang nangyari sa amin ni Alexander. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya nang mga oras na iyon kung bakit niya iyon ginawa. Nagulat ako noong una pero hindi ko napigilan ang sarili ko at nagpaubaya na sa kanya. Nakakahumaling ang bawat halik niya. Tila ako nalalasing. Nanlambot ang aking mga tuhod. Tinanong ko ang aking sarili kung tama ba iyon. Pero hin

    Last Updated : 2022-09-03

Latest chapter

  • Maid and Her Boss   Epilogue

    Honeylette POV Nagulat ako nang biglang pumasok si Lex sa kwarto namin, dala-dala nito ang ilan niyang mga gamit. Ibinaba niya iyon sa isang tabi. Matapos lumabas ni Lander sa ospital ay pumayag akong dito muna mamalagi si Lex. Nakiusap ito kina nanay na kung maaring makasama niya sandali ang kambal at hindi ko iyon minasama. "Dito muna ipatong iyong mga damit mo." Turo ko sa isang upuan. Hindi ko pa nalilinis iyong isang kwarto kaya pansamantalang dito sa kwarto namin ko muna pinalagay ang mga gamit niya. "Maiwan na muna kita, may gagawin pa kasi ako sa kusina." Patungo na ako sa may pintuan nang bigla niya akong hilahin. Namilog ang mga mata ko, nang sunod niyang gawin ang halikan ako. Nagprotesta ako dahil hindi naka-lock ang pinto at oras-oras ay pumapasok ang mga bata. Marahas ko siyang itinulak ngunit wala akong nagawa dahil sa matigas nitong dibdib. Kalaunan ay umagwat ito. Namumungay ang mga matang tinitigan ako. "I love you." Biglang bumil

  • Maid and Her Boss   Chapter 45

    Honeylette POV Halos hindi ako makahinga nang maayos matapos kong malaman ang lahat kay Camila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kaya minabuti ko ang umuwi na muna. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at umiyak. Mag-uumaga na noon. Nag-alala sina nanay sa akin ng makita ang itsura ko pagkarating. Alam kong magtataka sila kung bakit ako umuwi ganoong nasa ospital pa si Lander. Ngunit alam kong ipapaliwanag lahat sa kanila ni Carlo ang nangyari dahil, isa rin naman siya sa nakakaalam ng lahat. Namumugto na ang aking mga mata sa kaiiyak. Dala nang puyat ay naka-idlip ako. Maliwanag na ang paligid nang magising ako. Naririnig ko na rin sina nanay at tiya sa sala. Sa wari ko ay nakabalik na sina Carlo para sunduin ako. Sinabi kasi nito kanina sa sasakyan na susunduin niya ulit ako para bumalik sa ospital. Wala akong naging sagot dito. Wala kasi akong gana na makipag-usap kahit kanino. Hindi naman sa galit ako sa kanila. Ayoko lang talaga na magsa

  • Maid and Her Boss   Chapter 44

    Alexander POV Halos mabaliw ako nang sumapit na ang gabi na hindi pa bumabalik ng bahay si Honeylette. Hindi ko siya macontact nakapatay ang celphone nito. Kaya naman kaagad ko ng ini-report sa mga pulis. Ngunit katulad ng patakaran nila, hindi nila maaring sabihin na nawawala ang isang tao dahil wala pang bente kwatro oras ang nakalipas. Kaya naman nagtungo ako sa nanay niya. Ngunit maging ang nanay nito ay wala rin. Kaagad kong tinawagan si Marc at pumunta sa bahay. Tinawagan nito si Carlo para magpatulong pero hindi niya rin ito ma-contact. Nalaman na lang niya sa kasamahan nitong pulis na nalipat ito sa ibang lugar. Kaya naman kami na lamang ni Marc ang naghanap. Kahit na hindi namin alam kung saan kami magsisimula. Sa bandang huli bigo kaming makita siya. Nabalitaan namin na nakatakas ulit si Alejandro at nasisiguro ko na siya ang salarin sa pagkawala ni Honeylette . Siya ang kumuha dito maging sa ina at tiya nito, ngunit hindi namin matagpuan ang lugar kung s

  • Maid and Her Boss   Chapter 43

    Honeylette POV Diretsa lamang siyang nakatitig sa akin. Hindi kakikitaan nang ano mang-reaksyon ang kanyang mukha. Maging ako ay hindi makagalaw ng nasa harapan ko na ang lalaking pinagtaguan ko ng mahabang panahon. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Walang buhay ang kanyang mukha. Tila tumigil ang paggalaw ng kamay ng orasan ng malapit kami sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin, ngunit may pumipigil sa akin na gawin iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa sa isip niya. Hindi kakikitaan ng galit ang mukha nito at hindi rin siya nagsasalita, na mas lalong ika-nakakaba ng dibdib ko. Tumingin ito sa gawi ni Lander. Doon ay nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Napansin ko ang pagtayo nina Josh at Carlo sa pagkakaupo. Sa wari ko'y pinakikiramdaman nila ang magiging reaskyon ni Lex. Sabay-sabay kaming napalingon muli sa pinto ng biglang pumasok doon si Camila, na siyang ikinagulat ni Marc. Maging ako ay nabigla rin. Bakit kasama siya ni Lex?. Hindi ba't bu

  • Maid and Her Boss   Chapter 42

    Honeylette POV Hindi ako mapalagay, habang nakatingin ako kay Marc. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nito dahil masyadong malayo ang distansya namin sa isa't isa. Kausap niya ngayon si Lex sa telepono. Sa bandang huli ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa suhestyon nila. Wala na akong magagawa si Lex lang ang pag-asa para gumaling ang anak ko. Kahit na labag sa kalooban ko ang lumapit sa kanya. Nakita kong isinuksok na niya ang kanyang celphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Tapos na agad silang mag-usap?. Ang bilis naman yata?. Taka kong tanong sa sarili. Seryosong tumingin sa direksyon ko si Marc. Pagkatapos ay naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Kasalukuyan akong nasa labas nang kwarto ni Lander, ang tanging naiwan lang sa loob ay si Josh. Sumunod ako kay Marc sa labas para marinig ang sasabihin nito kay Lex, ngunit lumayo naman siya sa akin. Si Carlo naman ay nakaupo malapit sa tabi ko. "Papunta na siya!.” Deklara ni Marc. Biglang dumagundong an

  • Maid and Her Boss   Chapter 41

    Honeylette POV Nakatakip ang mga palad ko sa aking mukha. Pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi mag-alala. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi maramdaman ang aking pag-aalala para sa aking anak. Uupo, maya-maya'y tatayo at maglalakad ng pabalik-balik, pagkatapos ay uupo ulit. Para akong baliw sa kilos ko, hindi ako mapalagay hangga't hindi lumalabas ang doctor sa kwarto na pinagpasukan kay Lander. Anong lagay nang anak ko?. Iyon palagi ang tanong ko sa aking isip. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko, tinitigan niya ako. Hindi man siya nagsalita ngunit alam ko na ang ibig niyang sabihin, na kumalma lang ako at magiging ayos rin ang lahat. Pinilit kong gawin iyon at minabuting maghintay sa paglabas ng doctor. Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuang nasa harap ng room ni Lander. Tanging si Josh at Carlo lamang ang kasama kong pumunta ng ospital. Naiwan sa bahay si tiya at nanay para samahan si Hailey. Gustuhin man sumama sa amin ni nanay ngunit, pinigilan ko ito. Ma

  • Maid and Her Boss   Chapter 40

    Honeylette POV "Kumusta? bakit ngayon lang kayo?.” Tanong ko, pagkalapit ko sa kinaroroonan nina Carlo. Hindi kaagad nakapagsalita si Carlo, para bang may kakaiba sa reaksyon niya. Napatingin ito kay Josh, bago nagsalita. "Uhmmm.. May mahalagang inasikaso kasi ako kahapon. Kaya hindi kami natuloy ni Josh." Saad nito. " Ano naman pinagkaabalahan niyo kahapon?. Parehas kayo ni Josh?.” Kunot noo kong tanong. "Hindi, ako lang, nasa bahay lang si Josh kahapon. U-umuwi akong Batangas." Nag-aalangang sambit ni Carlo. Hindi na ako nagsalita. Siguro ay si Crystal ang ipinunta niya roon. "Siya nga pala may pasalubong ako sayo." Kinuha ni Carlo sa kanyang gilid ang isang kahon at iniabot nya iyon sa akin. "Ano ito?.” Tanong ko habang hawak-hawak ang kahon."Buksan mo." Nakangiting saad ni Carlo. Binuksan ko ang naturang kahon. Nagalak ako nang makita ang laman nito. Kalamay na mais!. Ito ang na-miss kong kainin sa Batangas. "Sal

  • Maid and Her Boss   Chapter 39

    Honeylette POV Kasalukuyan akong nasa ilalim ng malaking puno na katabi nang bahay namin. Sa ilalim ng punong iyon ay makikita ang isang mahabang upuang kawayan. Samantala naroon din ang isang papag na nagsisilibing higaan namin tuwing tanghali. Halos doon kami namamalagi kapag walang ginagawa, sariwa at malamig kasi ang hangin dito. Minabuti kong magmuni- muni muna dito ngayong gabi. "Anak may gumugulo ba sa isipan mo?.” Bahagya akong nagulat nang biglang may mag-salita sa likuran ko. Nilingon ko si nanay. Nababanaag sa mukha nito ang pag-aalala. Umiling ako. Bilang pagtanggi ko. Tiningnan niya ako nang diretso. Alam kong hindi siya naniniwala base sa mga titig nito. Iba talaga kapag nanay mo, o magulang mo. Kahit hindi mo man sabihin, kahit hindi ka magsalita at pilit kang tumanggi, mararamdaman at mararamdaman pa rin nila ang kung anong nararamdaman mo o kung may problema ka bang iniisip. Katulad ko na isang ina na rin. Nararamdaman ko kapag til

  • Maid and Her Boss   Chapter 38

    Honeylette POV "Mommy tingnan mo po ang ganda po nang binili sa akin ni Daddy Chellex na doll." Masayang ipinakita iyon sa akin ni Hailey. Tatlong taon pa lang ang kambal ngunit napaka- bibo na ng mga ito. Dalawang taong gulang palang sila noon ay matuwid na silang magsalita at marami nang alam. Kasalukuyan silang nasa sala nang mga oras na iyon at pinakikita ni Marc ang mga dalang pasalubong nito sa kambal. Daddy Chellex ang tawag nila kay Marc. Si Marc ang nagturo noon sa kanila. Ayaw kasi nito na lalaking walang tinatawag na ama ang kambal. Ayokong pumayag noong una dahil hindi naman talaga nila tunay na ama si Marc. Ngunit alam nang kambal na hindi si Marc ang ama nila. Hindi ko alam kung paanong paliwanag ang ginawa nito sa kanila. Ganoon pa man lumaking malapit ang loob nila kay Marc at Carlo. Sa tatlong taon na nakalipas ay hindi nakaramdam ang mga anak ko ng kawalan nang isang ama dahil nand'yan si Marc at Carlo upang iparamdam sa kanila iyon. Lumaking m

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status