Honeylette POV Wala ni isa sa amin ang nagsasalita habang nasa byahe. Sa gilid nang aking mga mata ay naaaninag ko pa rin ang galit nitong awra. Diretso lamang itong nakatingin sa kalsada at hindi man lang ako tinatapunan nang tingin. Bumagal na ang takbo nang sasakyan. Pilit kong nilalabanan ang pagpikit nang aking mga mata. Kulang ang tulog ko kagabi, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Hinilig ko ang aking ulo sa may bintana, habang pinapanood ang daan pauwi.*** Bahagyang napakunot ang aking noo, dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakita ko sa labas nang bintana ang bahay. Napalingon ako sa gawi ni Alexander na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin. Kanina pa ba kami dito?. Kanina pa ba niya ako tinititigan nang ganito?. Nakatulog pa rin pala ako. Kahit na anong pigil ko. Nagpakurap-kurap ako at nagpalingon lingon sa paligid kahit wala naman akong nakikita kundi ang loob nang kotse. Pilit kong inaalis ang pagkailang na nararamdaman ko sa kanya. Kaagad kong binuksa
Honeylette POV Iginiya niya ako papasok nang sasakyan. Sumakay ito at pinatakbo iyon. Walang sino man sa amin ang nagsasalita. Seryoso lamang ang kanyang mukha. Napansin ko ang pagtigil niya sa isang convenient store. Bumaba ito at pumasok sa naturang tindahan. Maya-maya pa'y lumabas itong may bitbit. Muli itong sumakay, iniabot nito sa akin ang isang supot. Tinitigan ko iyon. Marahil ay pagkain iyon base sa naaamoy ko. Alanganin ko itong tinanggap. Matapos ko itong tanggapin ay pinatakbo na niya ang sasakyan. Hindi pa rin siya nagsasalita. Tinitingnan ko sa labas nang bintana ang dinaraanan namin. Hindi ito ang daan pauwi sa bahay. Wala na masyadong kabahayan at para bang nasa mataas na lugar kami. Napasulyap ako sa magandang tanawin na ang aking natatanaw mula sa bintana nang sasakyan. Ang ganda. Natatanaw ko ang napakalawak na dagat na nakapalibot sa buong kalupaan. Napalingon ako kay Alexander nang huminto ang sasakyan. Bumaba ito at umikot s
Honeylette POV Nakaramdam ako nang takot nang pagmulat nang mata ko ay wala sa tabi ko si Alexander. Kaagad ko siyang hinanap nang paningin ko, ngunit hindi ko ito nakita, sapagkat madilim na sa labas. Hindi ko namalayan na nakatulog ako matapos ang nangyari sa amin. Binuksan ko ang pintuan nang kotse, naaninag ko ang bulto nito sa di kalayuan. Lumapit ako sa kanya. Naramdaman niya ang presensya ko sa kanyang likuran kaya humarap ito. Hinawakan niya ang kamay ko. Itinuro niya sa akin ang napakagandang tanawin sa gitna nang gabi. Namangha ako sa aking nakita, kung maganda itong pagmasdan kapag maliwanag at may araw, mas maganda itong pagmasdan kapag sumapit na ang gabi. Makikita mo ang malawak na dagat na may nagkikislapan na mga ilaw. Maaaninag mo rin ang kabilang bundok at ang mga karatig lugar na nagniningning ang maliliit na liwanag nang ilaw. Ang gabing tahimik, ang malawak na kalangitan na puno nang mga bituin ay kay sarap damahin. Hindi ko namalayan
Alexander POV Pabalibag kong ibinagsak ang mga dokumento sa ibabaw nang table ko ng maalala ko ang ginawa ni Dad, matapos niyang komprontahin si Honeylette. Nang dahil sa mga sinabi niya kamuntik nang mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang iyon, maging ni Patricia, nasisiguro kong hindi mangyayari ang gusto nila. "Good morning boss!!.." Bungad na bati ni George sa akin pagkabukas nito nang pinto."Anong meron?.” Agaran kong tanong. "Pinapatawag po kayo nang Dad niyo sa office niya." My jaw clenched, alam ko nang mangyayari ito. "Sige, susunod na ko." Napatingin ako kay George nang hindi pa rin ito lumalabas. Tumaas ang isang kilay ko. Napansin niya iyon at nalaman niya ang ibig kong sabihin. "Ipapaalam ko lang din sa inyo boss na nasa opisina rin ng Dad niyo si Miss Patricia." Nag-aalangan nitong sabi. Kumuyom ang kamao ko nang malaman iyon kay George. Mukhang nagsumbong nga siya. Talagang sinusub
Alexander POV Katulad nang sinabi ni Dad, nakipagkita ako kay Patricia. Hindi para makipaglandian. And not to make her apologize. Gusto kong linawin sa kanya ang lahat na hindi mangyayari ang kagustuhan nila. Malayo pa lang ako sa puwesto niya ay nakita na agad niya ako. Kumaway ito, napansin ko ang abot tainga niyang ngiti. Marahil ay iniisip niya na nagtagumpay sila ni Dad sa kanilang gusto. At payag na ako sa anu mang kagustuhan nilang mangyari. Pagkalapit ko ay nakita ko na kaagad ang maraming pagkain na in-order niya. Umupo ako sa katapat niyang upuan. "Mabuti naman at pumunta ka." Bungad na sabi nito."Tito Julio text me, kung nakipagkita ka daw sa akin. I said yes." "By the way, kumain na muna tayo. Nag-order na ako ng pagkain para sa atin." Walang anumang lumalabas na salita sa aking bibig, kahit na pana'y ang daldal niya. Walang buhay lang akong nakatitig sa mukha niya. Iniisip ko na paano niya nagagawang humarap sa akin ngayon. Matapos ang lahat. Nagagawa niya iyon
Honeylette POV Kasalukuyan akong nag-aayos nang mga groceries na pinamili namin ni Alexander, nang biglang tumunog ang doorbell. Sino kaya iyon?. Tanong ko sa sarili. Aaminin kong medyo kinabahan ako. Ka-aalis lang ni Alexander, linggo ngayon wala siyang trabaho pero may importante daw siyang lakad kaya umalis ito. Napaisip ako kung sino iyon baka mamaya ay ang Daddy na naman ni Alexander. Nag-aalangan kong binuksan ang pinto. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang nasa labas nang pinto. "Sino po sila?.” "Ikaw ba si Honeylette?.”Nakaramdam ako nang kaba. Ang tono nang boses niya ay naghatid nang takot sa buo kong katawan. "S-sino ba kayo? A-anong kailangan niyo?” Kinakabahan kong tanong. Ngumisi ito. Mas lalo akong natakot sa ginawa niyang iyon. Nakakatakot ang mukha nya. Base sa nakikita kong itsura niya para siyang lulong sa droga at alak. At hindi katiwa-tiwala ang kanyang mukha. Nakasuot siya nang pantalong maong. Sa itaas ay nakasando i
Honeylette POV "Mama ang sarap po nang breakfast. Sana po laging ganito ang mga pagkain natin!." Aniya nang isang batang babae. "Oo nga po mama." Segunda naman ng isa pang batang babae. Narinig ko ang sinabi nila habang pababa ako ng hagdan. Napalingon sa gawi ko ang isa sa mga bata. "Ate kain ka na po." Pag-aya nito. Dinedma ko iyon. Napatingin ako kay nanay na ngayon ay walang imik na nakatitig sa akin. Nagbaba siya ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin. Pagkagising ko ay bumaba ako para hanapin si Lex. Hindi ko na siya nakausap kagabi. At paggising ko wala din siya sa tabi ko. Nagpalinga-linga ako. "H-hinahanap mo ba si Alexander?." Nag-aalangang tanong ni nanay. Hindi ko siya sinagot nag- kunwari akong tila walang naririnig o nakikitang tao. Nagpatuloy ako sa paglinga. "Maaga siyang umalis ang sabi niya ay papasok na siya sa opisina. Pinagbilin ka niya na asikasuhin pagkagising mo. Hindi ka na niya inabala sa pagtulog. Ang mabuti pa kumain ka na sabayan mo na ang m
Honeylette POV "Anong sinabi mo?. Paanong nakatakas si Alejandro?.” Gulat kong tanong kay Lex matapos nitong sabihin sa akin kung sino ang tumawag. Mula iyon sa headquarters ng Calatagan ipinaalam nila na nakatakas si Alejandro sa hindi namin malaman na dahilan. Mabilis ang patakbo ni Lex. Patungo kami ngayon sa bayan ng Balayan. Inaasahan na ni Lex na doon pupunta si Alejandro para gantihan at saktan si nanay. Halos kinakabahan ako nang maisip iyon. Huwag naman sanang mangyayari ang bagay na iyon. Tinawagan na rin ni Lex si Marc, mas malapit kasi sila sa lugar na iyon kumpara sa amin. Mas madali itong makakarating. "Papunta na kami doon, pati mga pulis." Lex said over the phone. Kasalukuyan kausap ni Lex si Marc. Tumingin ako sa bintana at taimtim na nagdasal. Huwag naman sanang pati ang kambal ay madamay dahil sa kasamaan ni Alejandro. "Papunta na raw ba si Marc?.”Tanong ko nang ibinaba niya ang kanyang telepono."Hindi. Nasa Lipa sila ngayon kaya malabong ma