Alexander POV Pabalibag kong ibinagsak ang mga dokumento sa ibabaw nang table ko ng maalala ko ang ginawa ni Dad, matapos niyang komprontahin si Honeylette. Nang dahil sa mga sinabi niya kamuntik nang mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang iyon, maging ni Patricia, nasisiguro kong hindi mangyayari ang gusto nila. "Good morning boss!!.." Bungad na bati ni George sa akin pagkabukas nito nang pinto."Anong meron?.” Agaran kong tanong. "Pinapatawag po kayo nang Dad niyo sa office niya." My jaw clenched, alam ko nang mangyayari ito. "Sige, susunod na ko." Napatingin ako kay George nang hindi pa rin ito lumalabas. Tumaas ang isang kilay ko. Napansin niya iyon at nalaman niya ang ibig kong sabihin. "Ipapaalam ko lang din sa inyo boss na nasa opisina rin ng Dad niyo si Miss Patricia." Nag-aalangan nitong sabi. Kumuyom ang kamao ko nang malaman iyon kay George. Mukhang nagsumbong nga siya. Talagang sinusub
Alexander POV Katulad nang sinabi ni Dad, nakipagkita ako kay Patricia. Hindi para makipaglandian. And not to make her apologize. Gusto kong linawin sa kanya ang lahat na hindi mangyayari ang kagustuhan nila. Malayo pa lang ako sa puwesto niya ay nakita na agad niya ako. Kumaway ito, napansin ko ang abot tainga niyang ngiti. Marahil ay iniisip niya na nagtagumpay sila ni Dad sa kanilang gusto. At payag na ako sa anu mang kagustuhan nilang mangyari. Pagkalapit ko ay nakita ko na kaagad ang maraming pagkain na in-order niya. Umupo ako sa katapat niyang upuan. "Mabuti naman at pumunta ka." Bungad na sabi nito."Tito Julio text me, kung nakipagkita ka daw sa akin. I said yes." "By the way, kumain na muna tayo. Nag-order na ako ng pagkain para sa atin." Walang anumang lumalabas na salita sa aking bibig, kahit na pana'y ang daldal niya. Walang buhay lang akong nakatitig sa mukha niya. Iniisip ko na paano niya nagagawang humarap sa akin ngayon. Matapos ang lahat. Nagagawa niya iyon
Honeylette POV Kasalukuyan akong nag-aayos nang mga groceries na pinamili namin ni Alexander, nang biglang tumunog ang doorbell. Sino kaya iyon?. Tanong ko sa sarili. Aaminin kong medyo kinabahan ako. Ka-aalis lang ni Alexander, linggo ngayon wala siyang trabaho pero may importante daw siyang lakad kaya umalis ito. Napaisip ako kung sino iyon baka mamaya ay ang Daddy na naman ni Alexander. Nag-aalangan kong binuksan ang pinto. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang nasa labas nang pinto. "Sino po sila?.” "Ikaw ba si Honeylette?.”Nakaramdam ako nang kaba. Ang tono nang boses niya ay naghatid nang takot sa buo kong katawan. "S-sino ba kayo? A-anong kailangan niyo?” Kinakabahan kong tanong. Ngumisi ito. Mas lalo akong natakot sa ginawa niyang iyon. Nakakatakot ang mukha nya. Base sa nakikita kong itsura niya para siyang lulong sa droga at alak. At hindi katiwa-tiwala ang kanyang mukha. Nakasuot siya nang pantalong maong. Sa itaas ay nakasando i
Honeylette POV "Mama ang sarap po nang breakfast. Sana po laging ganito ang mga pagkain natin!." Aniya nang isang batang babae. "Oo nga po mama." Segunda naman ng isa pang batang babae. Narinig ko ang sinabi nila habang pababa ako ng hagdan. Napalingon sa gawi ko ang isa sa mga bata. "Ate kain ka na po." Pag-aya nito. Dinedma ko iyon. Napatingin ako kay nanay na ngayon ay walang imik na nakatitig sa akin. Nagbaba siya ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin. Pagkagising ko ay bumaba ako para hanapin si Lex. Hindi ko na siya nakausap kagabi. At paggising ko wala din siya sa tabi ko. Nagpalinga-linga ako. "H-hinahanap mo ba si Alexander?." Nag-aalangang tanong ni nanay. Hindi ko siya sinagot nag- kunwari akong tila walang naririnig o nakikitang tao. Nagpatuloy ako sa paglinga. "Maaga siyang umalis ang sabi niya ay papasok na siya sa opisina. Pinagbilin ka niya na asikasuhin pagkagising mo. Hindi ka na niya inabala sa pagtulog. Ang mabuti pa kumain ka na sabayan mo na ang m
Honeylette POV "Anong sinabi mo?. Paanong nakatakas si Alejandro?.” Gulat kong tanong kay Lex matapos nitong sabihin sa akin kung sino ang tumawag. Mula iyon sa headquarters ng Calatagan ipinaalam nila na nakatakas si Alejandro sa hindi namin malaman na dahilan. Mabilis ang patakbo ni Lex. Patungo kami ngayon sa bayan ng Balayan. Inaasahan na ni Lex na doon pupunta si Alejandro para gantihan at saktan si nanay. Halos kinakabahan ako nang maisip iyon. Huwag naman sanang mangyayari ang bagay na iyon. Tinawagan na rin ni Lex si Marc, mas malapit kasi sila sa lugar na iyon kumpara sa amin. Mas madali itong makakarating. "Papunta na kami doon, pati mga pulis." Lex said over the phone. Kasalukuyan kausap ni Lex si Marc. Tumingin ako sa bintana at taimtim na nagdasal. Huwag naman sanang pati ang kambal ay madamay dahil sa kasamaan ni Alejandro. "Papunta na raw ba si Marc?.”Tanong ko nang ibinaba niya ang kanyang telepono."Hindi. Nasa Lipa sila ngayon kaya malabong ma
Honeylette POV "Anak patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa pag-iwan ko sayo. Tandaan mong mahal na mahal kita." Tuluyan ng bumagsak mula sa pagkakahawak sa aking mukha ang duguang kamay ni nanay.' Mahal na mahal kita' iyon ang mga huling kataga na binanggit niya bago pumikit ang kanyang mga mata. Nanginig ang buong katawan ko. Kasabay ng malakas kong hagulhol. "Nay huwag mo akong iwan!!.." Sigaw ko. "Paano ba yan wala ng natitira kundi ikaw?. Wala ng dahilan para mabuhay ka pa." Saad nang babaeng bumaril kay nanay. Itinutok nito ang hawak na baril sa akin. Pilit ko man tingnan ang pagmumukha niya ngunit malabo iyon kung kaya't hindi ko mapresensiyahan kung sino siya. Hinawakan nito ang gatilyo nang baril at walang pakundangang ipinutok sa akin."Bang!!..” "Honeylette Honeylette!." Napabaligwas ako ng bangon. Kasabay ng malakas na dagundong nang aking dibdib. Nagising ako sa pagtawag sa akin ni Lex. Nanginginig ang buo kong katawan at nanlalamig ang aking mga pawis. Panag
Honeylette POV Mula sa kinatatayuan ko ay nililinga ko ang kambal sa labas nang bahay nila. Kasalukuyan akong nakatayo sa gilid nang puno na dating pinagtaguan ko. Ngunit wala akong nakikita sa labas nang bahay, ni ingay ay wala akong naririnig. Marahil ay nasa loob lamang ang mga ito. Nagpasya na akong umalis sa lugar na iyon, para umuwi. Wala akong dahilan para manatili pa dito. Ngunit napahinto ako sa paghakbang nang tumunog ang aking celphone. Kinuha ko iyon sa aking bag. Nakita ko ang isang numero. Sino naman ang tumatawag na ito?. Tanong ko sa aking isipan. Hindi nakarehistro ang numero. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag. Sa bandang huli ay nagawa ko itong sagutin. Pinindot ko iyon at inuupong sa aking tainga. "Ate." Kumalabog bigla ang aking dibdib nang marinig ang munting tinig na iyon. Boses iyon ni Dan. "Ate tulungan mo kami." Natatakot na tono ng boses nito. "Bakit anong nangyari?” Gulat kong tanong. Ngunit hin
Honeylette POV Hindi pa rin napapayag ni Lex si Nanay na sa bahay niya manatili kaya naman nagdesisyon siyang muli na lagyan ng security ang palibot nang bahay. Sa totoo lang ako ang nahihiya sa ginagawa niya, sa klase ba naman nang bahay na ito, pihadong maraming pumupuna dahil puno ito nang mga security. Iba talaga kapag mayaman, kaso hindi nababagay sa itsura nang bahay. Ngunit mas mabuti na rin iyon para maging ligtas sila at isa na rin iyon dahilan para hindi sila tumigil sa bahay ni Lex na ika-iilang ko. Napalagay na rin ang loob ko na magiging ligtas sila. Bahagya akong napaisip, tila may nagbago sa akin iyon ay ang maramdaman ko ang pag-aalala sa kanila. Itinanggi ko iyon sa aking sarili, pilit kong pinapaniwala na wala akong nararamdaman pagpapahalaga sa kanila, ngunit hindi ko mapigilan na hindi mag-alala kanina lalong lalo na sa kambal. Kahit na kapatid ko lang sila sa ina, hindi ko pa rin mapigilan ang aking puso na hindi maawa dahil mga bata pa sila.
Honeylette POV Nagulat ako nang biglang pumasok si Lex sa kwarto namin, dala-dala nito ang ilan niyang mga gamit. Ibinaba niya iyon sa isang tabi. Matapos lumabas ni Lander sa ospital ay pumayag akong dito muna mamalagi si Lex. Nakiusap ito kina nanay na kung maaring makasama niya sandali ang kambal at hindi ko iyon minasama. "Dito muna ipatong iyong mga damit mo." Turo ko sa isang upuan. Hindi ko pa nalilinis iyong isang kwarto kaya pansamantalang dito sa kwarto namin ko muna pinalagay ang mga gamit niya. "Maiwan na muna kita, may gagawin pa kasi ako sa kusina." Patungo na ako sa may pintuan nang bigla niya akong hilahin. Namilog ang mga mata ko, nang sunod niyang gawin ang halikan ako. Nagprotesta ako dahil hindi naka-lock ang pinto at oras-oras ay pumapasok ang mga bata. Marahas ko siyang itinulak ngunit wala akong nagawa dahil sa matigas nitong dibdib. Kalaunan ay umagwat ito. Namumungay ang mga matang tinitigan ako. "I love you." Biglang bumil
Honeylette POV Halos hindi ako makahinga nang maayos matapos kong malaman ang lahat kay Camila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kaya minabuti ko ang umuwi na muna. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at umiyak. Mag-uumaga na noon. Nag-alala sina nanay sa akin ng makita ang itsura ko pagkarating. Alam kong magtataka sila kung bakit ako umuwi ganoong nasa ospital pa si Lander. Ngunit alam kong ipapaliwanag lahat sa kanila ni Carlo ang nangyari dahil, isa rin naman siya sa nakakaalam ng lahat. Namumugto na ang aking mga mata sa kaiiyak. Dala nang puyat ay naka-idlip ako. Maliwanag na ang paligid nang magising ako. Naririnig ko na rin sina nanay at tiya sa sala. Sa wari ko ay nakabalik na sina Carlo para sunduin ako. Sinabi kasi nito kanina sa sasakyan na susunduin niya ulit ako para bumalik sa ospital. Wala akong naging sagot dito. Wala kasi akong gana na makipag-usap kahit kanino. Hindi naman sa galit ako sa kanila. Ayoko lang talaga na magsa
Alexander POV Halos mabaliw ako nang sumapit na ang gabi na hindi pa bumabalik ng bahay si Honeylette. Hindi ko siya macontact nakapatay ang celphone nito. Kaya naman kaagad ko ng ini-report sa mga pulis. Ngunit katulad ng patakaran nila, hindi nila maaring sabihin na nawawala ang isang tao dahil wala pang bente kwatro oras ang nakalipas. Kaya naman nagtungo ako sa nanay niya. Ngunit maging ang nanay nito ay wala rin. Kaagad kong tinawagan si Marc at pumunta sa bahay. Tinawagan nito si Carlo para magpatulong pero hindi niya rin ito ma-contact. Nalaman na lang niya sa kasamahan nitong pulis na nalipat ito sa ibang lugar. Kaya naman kami na lamang ni Marc ang naghanap. Kahit na hindi namin alam kung saan kami magsisimula. Sa bandang huli bigo kaming makita siya. Nabalitaan namin na nakatakas ulit si Alejandro at nasisiguro ko na siya ang salarin sa pagkawala ni Honeylette . Siya ang kumuha dito maging sa ina at tiya nito, ngunit hindi namin matagpuan ang lugar kung s
Honeylette POV Diretsa lamang siyang nakatitig sa akin. Hindi kakikitaan nang ano mang-reaksyon ang kanyang mukha. Maging ako ay hindi makagalaw ng nasa harapan ko na ang lalaking pinagtaguan ko ng mahabang panahon. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Walang buhay ang kanyang mukha. Tila tumigil ang paggalaw ng kamay ng orasan ng malapit kami sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin, ngunit may pumipigil sa akin na gawin iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa sa isip niya. Hindi kakikitaan ng galit ang mukha nito at hindi rin siya nagsasalita, na mas lalong ika-nakakaba ng dibdib ko. Tumingin ito sa gawi ni Lander. Doon ay nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Napansin ko ang pagtayo nina Josh at Carlo sa pagkakaupo. Sa wari ko'y pinakikiramdaman nila ang magiging reaskyon ni Lex. Sabay-sabay kaming napalingon muli sa pinto ng biglang pumasok doon si Camila, na siyang ikinagulat ni Marc. Maging ako ay nabigla rin. Bakit kasama siya ni Lex?. Hindi ba't bu
Honeylette POV Hindi ako mapalagay, habang nakatingin ako kay Marc. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nito dahil masyadong malayo ang distansya namin sa isa't isa. Kausap niya ngayon si Lex sa telepono. Sa bandang huli ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa suhestyon nila. Wala na akong magagawa si Lex lang ang pag-asa para gumaling ang anak ko. Kahit na labag sa kalooban ko ang lumapit sa kanya. Nakita kong isinuksok na niya ang kanyang celphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Tapos na agad silang mag-usap?. Ang bilis naman yata?. Taka kong tanong sa sarili. Seryosong tumingin sa direksyon ko si Marc. Pagkatapos ay naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Kasalukuyan akong nasa labas nang kwarto ni Lander, ang tanging naiwan lang sa loob ay si Josh. Sumunod ako kay Marc sa labas para marinig ang sasabihin nito kay Lex, ngunit lumayo naman siya sa akin. Si Carlo naman ay nakaupo malapit sa tabi ko. "Papunta na siya!.” Deklara ni Marc. Biglang dumagundong an
Honeylette POV Nakatakip ang mga palad ko sa aking mukha. Pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi mag-alala. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi maramdaman ang aking pag-aalala para sa aking anak. Uupo, maya-maya'y tatayo at maglalakad ng pabalik-balik, pagkatapos ay uupo ulit. Para akong baliw sa kilos ko, hindi ako mapalagay hangga't hindi lumalabas ang doctor sa kwarto na pinagpasukan kay Lander. Anong lagay nang anak ko?. Iyon palagi ang tanong ko sa aking isip. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko, tinitigan niya ako. Hindi man siya nagsalita ngunit alam ko na ang ibig niyang sabihin, na kumalma lang ako at magiging ayos rin ang lahat. Pinilit kong gawin iyon at minabuting maghintay sa paglabas ng doctor. Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuang nasa harap ng room ni Lander. Tanging si Josh at Carlo lamang ang kasama kong pumunta ng ospital. Naiwan sa bahay si tiya at nanay para samahan si Hailey. Gustuhin man sumama sa amin ni nanay ngunit, pinigilan ko ito. Ma
Honeylette POV "Kumusta? bakit ngayon lang kayo?.” Tanong ko, pagkalapit ko sa kinaroroonan nina Carlo. Hindi kaagad nakapagsalita si Carlo, para bang may kakaiba sa reaksyon niya. Napatingin ito kay Josh, bago nagsalita. "Uhmmm.. May mahalagang inasikaso kasi ako kahapon. Kaya hindi kami natuloy ni Josh." Saad nito. " Ano naman pinagkaabalahan niyo kahapon?. Parehas kayo ni Josh?.” Kunot noo kong tanong. "Hindi, ako lang, nasa bahay lang si Josh kahapon. U-umuwi akong Batangas." Nag-aalangang sambit ni Carlo. Hindi na ako nagsalita. Siguro ay si Crystal ang ipinunta niya roon. "Siya nga pala may pasalubong ako sayo." Kinuha ni Carlo sa kanyang gilid ang isang kahon at iniabot nya iyon sa akin. "Ano ito?.” Tanong ko habang hawak-hawak ang kahon."Buksan mo." Nakangiting saad ni Carlo. Binuksan ko ang naturang kahon. Nagalak ako nang makita ang laman nito. Kalamay na mais!. Ito ang na-miss kong kainin sa Batangas. "Sal
Honeylette POV Kasalukuyan akong nasa ilalim ng malaking puno na katabi nang bahay namin. Sa ilalim ng punong iyon ay makikita ang isang mahabang upuang kawayan. Samantala naroon din ang isang papag na nagsisilibing higaan namin tuwing tanghali. Halos doon kami namamalagi kapag walang ginagawa, sariwa at malamig kasi ang hangin dito. Minabuti kong magmuni- muni muna dito ngayong gabi. "Anak may gumugulo ba sa isipan mo?.” Bahagya akong nagulat nang biglang may mag-salita sa likuran ko. Nilingon ko si nanay. Nababanaag sa mukha nito ang pag-aalala. Umiling ako. Bilang pagtanggi ko. Tiningnan niya ako nang diretso. Alam kong hindi siya naniniwala base sa mga titig nito. Iba talaga kapag nanay mo, o magulang mo. Kahit hindi mo man sabihin, kahit hindi ka magsalita at pilit kang tumanggi, mararamdaman at mararamdaman pa rin nila ang kung anong nararamdaman mo o kung may problema ka bang iniisip. Katulad ko na isang ina na rin. Nararamdaman ko kapag til
Honeylette POV "Mommy tingnan mo po ang ganda po nang binili sa akin ni Daddy Chellex na doll." Masayang ipinakita iyon sa akin ni Hailey. Tatlong taon pa lang ang kambal ngunit napaka- bibo na ng mga ito. Dalawang taong gulang palang sila noon ay matuwid na silang magsalita at marami nang alam. Kasalukuyan silang nasa sala nang mga oras na iyon at pinakikita ni Marc ang mga dalang pasalubong nito sa kambal. Daddy Chellex ang tawag nila kay Marc. Si Marc ang nagturo noon sa kanila. Ayaw kasi nito na lalaking walang tinatawag na ama ang kambal. Ayokong pumayag noong una dahil hindi naman talaga nila tunay na ama si Marc. Ngunit alam nang kambal na hindi si Marc ang ama nila. Hindi ko alam kung paanong paliwanag ang ginawa nito sa kanila. Ganoon pa man lumaking malapit ang loob nila kay Marc at Carlo. Sa tatlong taon na nakalipas ay hindi nakaramdam ang mga anak ko ng kawalan nang isang ama dahil nand'yan si Marc at Carlo upang iparamdam sa kanila iyon. Lumaking m