HINDI mapakali si Monica habang inuusig siya ni Federico tungkol sa kaniyang ex. Kararating lang nila sa opisina nito at inasikaso niya ang lulutuing pagkain.“Si Roel Montana pala ang ex-boyfriend mo. He’s one of our electronic technicians. I’m not sure how long he’s been working here. He’s skilled,” ani Federico.“Matalino naman si Roel, at oo, skilled siya. Magaling siya sa electronics,” sabi niya.Pumasok na sila sa mini kitchen ng opisina. Meron ding dining set doon. Parang bahay na rin ito. May bedroom din si Federico dahil minsan ay doon umano ito inaabot ng gabi at nakakatulog.“Ilang taon mong naging boyfriend si Roel, Monica?” usisa ni Federico.“Tatlong taon. Nagkakilala kami noong college.”“And how did he betray you?”“Ano kasi naging katrabaho ni Roel ang pinsan ko noon sa isang electronic company rin. Hindi ko alam na nagkamabutihan na pala sila. At noong pumunta ako sa apartment ni Roel, naabutan ko roon ang pinsan ko. Nakahubad pa ang pinsan ko,” kuwento niya na may k
INABOT ng gabi sila Monica sa opisina ni Federico. Nag-overtime kasi ang binata sa paperwork nito. Doon na rin sila naghapunan. May pagkain naman silang dala para sa mga pusa. Alas-otso ng gabi ay lumabas siya ng opisina dahil bibili ng paracetamol ni Kenji. May sinat kasi ito. Lumulan siya ng elevator. Huminto pa ito sa third floor dahil may sasakyan. Laking gulat niya nang makita si Roel na kasama ng matabang lalaki na sumakay. Umisod siya sa gilid upang huwag mapadikit kay Roel. Malamang ay pauwi na ito. Busy ito sa kausap kaya hindi siya pinansin pero nasipat siya nito ng tingin. Nang huminto ang elevator ay nauna na siyang lumabas. Ngunit nakailang hakbang pa lamang siya nang magsalita si Roel. “Sandali lang, Monica,” pigil nito. Napahinto naman siya at hinarap ang lalaki. Mariing kumunot ang noo nito at sinuyod siya ng tingin. Wala namang mali sa suot niya. Itim na hapit na denim pants ang suot niya at pulang blouse na medyo maluwag. Hindi nga naman siya nababagay sa isang
NAPATULOG ni Monica si Kenji matapos makainom ng gamot. Ginugupo na rin siya ng antok at humiga na sa tabi ng kaniyang anak. Mukhang wala pang balak umuwi si Federico. Alas-onse na ng gabi. Kung kailan nakapikit na siya ay saka naman pumasok si Federico. Nagising ang diwa niya dahil sa tapang ng pabango nito. Napaupo siya bigla. “We’re going home,” sabi nito. “Paano ang mga gamit natin? May stocks pa na lulutuin sa ref,” aniya. “Pack those stuff. I’ll call the bodyguards to carry the baggage. Sa bahay na kayo mag-stay next time at doon na rin ako maglalagi once matapos ang tambak kong papeles, kaya dalhin mo lahat ng pagkain.” “Ah, so hindi na kami babalik dito ni Kenji?” “Depende. Isasama ko pa rin kayo para makapasyal pero hindi palagi.” “Sige pala.” Kumilos na siya at tumayo. Nagtungo siya sa kusina at inipon sa kahon ang laman ng ref. Nang dumating ang dalawang bodyguards ay pinahakot na niya sa mga ito ang mga gamit. Si Federico na ang nagbuhat kay Kenji kaya tanging bag
GINAWA ni Monica ang utos ni Boggy na maglagay ng audio recorder sa mismong area kung saan nag-uusap ang mga kaibigan ni Federico. Nasa lobby pa ang mga ito dahil kakain pa ng tanghalian. Pasimple niyang idinikit sa ilalim ng mesita ang magnetic audio device na maliit. Kabado siya dahil nakatinign sa kaniya si Dimitri, tila kinikilatis ang kaniyang kilos. Nag-uusap ang mga lalaki pero ibang salita ang gamit, maaring latin at may halosng Inglis. “Thanks, Monica,” sabi ni Craig nang abutan niya ito ng isang baso ng juice. “Welcome po!” nakangiting tugon niya. Inabutan din niya ng juice ang ibang lalaki, huli na si Federico. Kandong na ni Federico si Kenji na nilalaro ang munting robot. Pagkuwan ay bumalik na siya sa kusina. Isinalang na niya sa oven ang marinated tuna belly na maraming herbs at spices. Nilagyan din ito ng black beans. Habang nasa oven ang tuna, nagluto naman siya ng isa pang putahe, ang beef with mushroom at broccoli. Sinunod lamang niya ang recipe ni Federico. Ma
ALAS-TRES na ng hapon natapos ang meeting ni Federico sa mga kaibigan nito. Nakapag-serve pa si Monica ng meryenda sa mga ito. Nakatulog na si Kenji kaya inilipat niya ito sa kuwarto. Nang makaalis ang mga bisita ay saka lang nagmeryenda si Monica. Nakaupo rin siya nang maayos sa sofa sa may sala. “Take a rest, Monica,” sabi ni Federico. Kapapasok lang nito mula sa paghatid ng mga kaibigan sa labas. “Oo, kakain muna ako. Nakaligpit na ako sa kusina,” aniya. Nagbukas siya ng telebisyon. “Matutulog ako. Katukin mo ako sa kuwarto mamaya kung hindi pa ako makalabas ng hapon. Mga alas-singko, okay na ‘yon.” “Sige.” Sinundan lang niya ng tingin ang binata na umakyat ng hagdanan. Napansin na naman niya ang kakaibang aura ni Federico, tila ba may malalim itong inisip. Mayamaya ay kumislot siya nang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa mesita. May pumasok na mensahe rito mula kay Boggy. Dagli niya itong binasa nang taimtim. Boggy: “Remove all the devices you put anywhere at Federico’
BIYERNES ng umaga ay sumama na naman si Monica kay Federico sa opisina. Marami umano itong trabaho at hindi kayang mawalay nang matagal kay Kenji. Pero hinigpitan siya nito at pinagbawalang makipag-usap sa empleyado maliban kay Leo at bodyguards. “Tulungan na lang kita sa paperwork mo,” nakangiting sabi niya sa binata. Kararating lang nila sa opisina ay napabuntonghininga si Federico nang makita ang tambak na papeles sa lamesa. “Good idea, Monica. Pero mamalengke ka muna para sa lunch natin. Ililista ko ang bibilhin mo,” ani Federico. Umupo na ito sa harap ng lamesa. “Sige. Pero sino ang kasama kong mamalengke?” “Ang bodyguards at driver. They will assist you. You can use my credit card to pay for the goods. Wala kasi akong cash.” Nagsulat na sa kapirasong papel si Federico. Isinulat din nito ang password ng card. “May dala naman akong snacks ni Kenji at gatas. Kahit konti lang ang bilhin nating lulutin,” sabi niya. “Your choice, but add more meat and fish. Gusto ko ng fresh fr
NAKAPAGLUTO na ng tanghalian si Monica nang dumating ang ibang bisita ni Federico. Sumilip siya sa workplace ng binata. Namataan niya si Stefano na kandong sa mga hita si Kenji habang nakaupo sa couch. Katabi nito si Dimitri na seryoso sa binabasang papeles. Si Duke naman ay nakaupo sa silyang kaharap ni Federico, dumadaldal. Mayamaya ay tumayo na si Federico at pumasok ng kusina. Kamuntik pa siya nitong mahuli na nakasilip sa pintuan. “Are you done cooking, Monica?” tanong ng binata. “Oo, nakahanda na lahat. Ihahain ko na ba sa lamesa ang pagkain?” “Yes, please. Magtimpla ka rin ng pure orange juice. Ayaw ni Stefano ng ready made na juice. Gusto niya mula mismo sa katas ng prutas at walang ibang halo kahit asukal.” “Gano’n ba? Kaya pala ang dami mong pinabiling orange. Sige, magpipiga na ako ng juice.” “Use the squeezer, Monica. Tawagin mo na lang ako kapag ready na lahat.” “Yes, sir!” Malapad siyang ngumiti. Lalapit na sana siya sa lamesa nang bigla siyang hawakan ni Federic
MABUTI na lang walang suot na audio recorder si Monica dahil inalis niya nang magpalit siya ng damit. Hindi maririnig ng panig ni Boggy ang conversation nila ni Duke. Hindi niya akalaing ganoon katalas ang pandamdam ni Duke. “Just a hint, Monica. Are you hiding something?” usig muli sa kaniya ni Duke. “May nakuha rin akong audio recorder sa ilalim ng center table sa bahay ni Federico. Hindi ganooon ang ginagamit niyang device, so I doubt it’s from an outsider. And no one can enter Federico’s house aside from us and Leo.” Nagimbal siya. Si Duke pala ang kumuha ng device na nawala! Wala na siyang kawala at inatake na siya ng nebiyos. Mahahalata ni Duke kung magsisisnungaling siya. “Ah…. ginagawa ko lang ang trabaho ko,” balisang turan niya. “Trabaho na ano? I know you’re not just a maid. Noong unang kita ko sa ‘yo sa bahay ni Federico, may napansin na ako sa tuwing nakikipag-usap ka sa amin. And I saw something suspicious in your eyes. I guessed you wore contact lenses that are also
MAGKAHALO ang luha at galak ni Monica habang suot ang magarang trahe de buda. Sa araw na iyon ang pinakahihintay niyang kasal nila ni Federico. Hindi man sa simbahan ang seremonya, pari pa rin ang magkakasal sa kanila sa may beach from wedding venue. Pakiramdam niya’y nasa isang paraiso siya. Dumating din ang ibang kaibigan ni Federico, nahuli si Craig na nanggaling pa ng US. Tapos na ang seremonya pero bumawi naman ang mga ito sa regalo. Himalang dumating din si Dimitri kasama ang asawa nitong si Kira. “Cheers to the newlywed!” sabi ni Duke, na nauna nang nagtaas ng baso ng wine. Itinaas din ng iba ang baso ng mga ito. Nagtipon silang lahat sa gitna ng malawak na function hall. Si Federico ang ikalawang miyembro ng CEG na ikinasal. Ang mga naiwan ay karamihan playboy kaya malabo pang makapag-asawa. Hindi pa ata sawa sa buhay binata ang mga ito. Si Stefano lang ang medyo ilap sa babae. “Who’s next to Federico?” pagkuwan ay tanong ni Mattia. “I’m sure it was Stefano,” tudyo ni Duke
MAG-UUMAGA na hindi pa rin natutulog si Monica. Nakaidlip lang siya sa may couch sa salas at naghihintay pa rin kay Federico. Abang din siya nang abang sa tawag ni Leo upang bigyan siya ng update. Nahihilo na siya kaya pumasok siya sa kuwarto at humiga sa tabi ni Kenji. Nakatulog din siya at nang magising ay hindi na si Kenji ang kan’yang katabi. “Federico!” bulalas niya at napabalikwas ng upo nang mamataan ang kan’yang asawa na nakahiga sa kan’yang tabi. Dahil sa lakas ng boses niya ay nagising si Federico. Wari pinipiga ang puso niya nang makita ang mga pasa nito sa mukha. Hindi na niya ito hinintay na makabangon at kaagad niyang niyakap. “Salamat at ligtas ka,” humihikbing wika niya. “Hey, stop crying,” paos nitong usal. Humiga siyang muli sa tabi nito pero yapos pa rin niya ito habang nakatagilid silang magkaharap. Banayad niyang hinaplos ng palad ang pisngi nito. “Binugbog ka ba nila?” tanong niya. “Not really. Napalaban lang kami sa maraming tauhan ni Morgan.” “Sino ang t
ALAS-NUWEBE na ng gabi pero wala pa rin si Federico. Pinauna na ni Monica kumain ang nanay niya at mga bata, pero siya ay naghihintay pa rin sa kan’yang asawa. Tawag siya nang tawag kay Federico ngunit walang sumasagot.Ginupo na siya ng kaba. Alas-sais pasado pa lang noong nakausap niya si Federico at pauwi na. Dapat ay naroon na ito sa bahay alas-otso pa lang. Naisip niya na baka bumalik ng opisina si Federico at may nakalimutan. Mabuti may contact number siya ni Leo.Tinawagan na niya ang assistant ng kan’yang asawa. Sumagot din ito.“Hello, Ma’am Monica!” bungad ni Leo mula sa kabilang linya.“Kuya Leo, bumalik ba si Federico sa opisina?” tanong niya, balisang-balisa na.“Hindi naman po. Alas-otso na ako umalis ng opisina. Mas maagang umalis si Sir. Bakit po?”“Eh, wala pa siya rito sa bahay. Baka ka’ko bumalik sa opisina. Nakausap ko siya kanina at sabi niya pauwi na siya. Nakapatay na ang phone niya, eh, hindi matawagan.” Palakad-lakad siya sa may lobby.“Baka po nagpunta sa hea
INABUTAN ng traffic si Federico kaya alas-singko na siyang nakarating sa headquarters. Napawi ang pagkabagot niya nang maabutang gising na si Fernand. Inasikaso na ito ng medical staff nila. Male-late si Dr. Guilliani pero nagbigay naman ng instruction kung ano ang gagawin nila sa pasyente. “Don’t force yourself to talk, Fernand. You need more rest,” sabi niya sa kapatid. Nagpumilit pa ring magsalita si Fernand. “M-Morgan….” sambit nito. “I know. He’s still alive. We are doing our best to catch him. Don’t worry.” Hindi na nagsalita si Fernand at malamlam pa ang mga mata. Hindi niya ito hinayaang kumilos. “Sir, nariyan na po si Dr. Guilliani!” batid ng agent na kapapasok ng silid. “Guide him in,” aniya. Tumalima naman ang agent. Mayamaya ay pumasok na si Chase. Dagli nitong nilapitan si Fernand at inasikaso. “Does he still need oxygen?” tanong niya. “I will check his lung status first,” ani Chese. Sinuri pa nito ang record na na-update ng medical staff nila. “Stable na ang pu
HINDI na hinintay ni Federico ang driver at siya na ang nagmaneho ng kotse patungong ospital. Hindi niya gusto ang balita ng isang agent niya na nagbabantay sa kan’yang kapatid. Nilapatan umano ng doktor ng CPR si Fernand dahil sa biglang pagbagsak ng heart rate nito. Nagising na umano ang kapatid niya ngunit biglang nagdeliryo. Pagdating sa ospital ay dumiretso siya sa ward ni Fernand. He felt relief when the doctor stopped doing CPR on his brother. He had a positive reaction, meaning his brother was safe. Lumapit siya sa doktor na nagtanggal ng mask. “What happened to my brother, Doc?” eksaheradong tanong niya sa doktor. “The patient experience cardiovascular problem due to lack of blood oxygen and some clots. Medyo mahina pa ang respond ng katawan niya dahil sa dami ng dugong nawala, and it’s still in the process before his body can recover.” “Hindi pa ba sapat ang dugong ibinigay ko?” “Okay na, kailangan lang ng pasyente ng mahaba-habang pahinga dahil sa naghe-heal pa ang sug
DAHIL sa pagkawala ng step-father ni Monica ay hindi na sila nakauwi ng bahay ni Federico. Bumili na lamang sila ng pagkain sa restaurant para sa tanghalian. Sinamahan niya ang nanay niya hanggang sa maasikaso ang labi ng asawa nito. Ibinigay pa rin niya ang perang tulong dito at dinagdagan ni Federico upang mabigyan ng maayos na libing ang step-father niya. Bago lumubog ang araw ay naiuwi na rin ang labi ng step-father niya. Saka lang sila nakauwi ng bahay ni Federico. Nangako siya sa kan’yang ina na dadalo sa libing ng asawa nito. Kinabukasan ay bumalik na sa trabaho si Federico. Sumama si Monica sa kan’yang asawa upang tulungan ito sa tambak na paperwork. Doon na silang mag-ina sa opisina kasama ng mga pusa. Mas marami nga namang magagawa si Federico kung naroon sila dahil nakakapag-focus ito at hindi sila naiisip na malayo. Habang nakaupo sa tapat ng lamesang katapat ni Federico ay panay at chat niya sa kan’yang ina. Inaalala niya ito baka biglang ma-depress. Nakailang buntongh
KINABUKASAN ng umaga ay muling inatake ng pagkahilo si Monica at nagsuka. Inalalayan pa siya ni Federico papasok ng banyo at panay ang hagod sa kan’yang likod. “Kaya mo bang bumiyahe?” tanong nito. “Oo, mamaya kakalma rin ang sikmura ko. Magpapahinga lang ako saglit. Asikasuhin mo muna si Kenji,” aniya. Naghilamos na siya. Iginiya rin siya ni Federico pabalik sa kama. “I will prepare our breakfast,” anito nito nang mapaupo siya sa kama. “Sige. Gusto ko lang ng mainit na sabaw at kahit nilagang itlog lang,” aniya. “Okay. Dadalhin ko na si Kenji para hindi ka maabala.” Lumabas din ang mag-ama. Humiga siyang muli sa kama at kinuha ang kan’yang cellphone. Sinagot niya ang sandamakmak na chat ng kan’yang tiya. Nag-aalala na ito sa kan’ya. Hindi pa niya nasabi rito na nakauwi na sila ni Kenji. Nagbabalak na itong susugod doon sa bahay nila. Nalaman nito na na-kidnap sila dahil tumawag si kay Federico. Nawala rin ang hilo niya at sakit ng ulo. Nakaidlip siya ulit at ginising lang siy
NAKALABAS na sila ng tunnel at diretso na sa ilog pero dumating ang rescue helicopter nila kaya dito nila isinakay si Fernand. They found the nearest hospital and urgently admitted Fernand and some other wounded agents. Pinapasok na nila sa operating room si Fernand kahit wala pang doktor na mag-oopera lalo’t gabi na. Hindi mapakali si Federico habang naghihintay na may doktor na mag-asikaso sa kapatid niya. Wala pang available na surgeon on call. Hindi naman basta magagalaw ng ibang doktor ang pasyente lalo’t maselan ang tinamaan ng bala, nasa pagitan ng puso at baga. They need experts. He tried to call Dr. Guilliani. And gladly, Chase was willing to go to help them. Pinasundo niya ito ng helicopter mula Maynila. Naghanap lang ito ng meeting place. “Please save my brother!” samo niya sa nurse na lalaki. “We need extra blood, sir!” wika ng nurse. “I’m the patient’s twin. Can I donate my blood?” “We need screening first, sir. But we can rush it.” “Please do it!” Tumuloy naman s
TINUTUKAN ni Federico ng baril ang lalaking kamukha niya ngunit nagtaas ito ng mga kamay. He just moaning. Mariing kumunot ang noo niya. Ito marahil ang lalaking sinabi ni Monica na naputulan ng dila at tumulong sa asawa niya. “Who are you?” tanong niya. Hindi nagsalita ang lalaki. Mabuti inabala siya ni Stefano na nasa kabilang linya. “I saw another impostor, and he’s not talking,” sabi niya. “He was just pretending. Kasama ko ang isa na hindi makapagsalita,” ani Stefano. Nang mapansing bumunot ng baril mula sa tagiliran nito ang lalaking kaharap ay kaagad niyang kinalabit ang garilyo ng kan’yang baril. Sa kanang balikat lang niya binaril ang lalaki. Sinugod niya ito at tinadyakan sa ulo. Nang bumulagta ito sa sahig ay saka niya inalis ang maskara nito. Hindi nga ito ang lalaking tinutukoy ni Monica. “You’re right, Stefano. Naisahan ako ng kalaban pero don’t worry. Napatumba ko na siya,” aniya. “Nice. Just proceed. We’re waiting here. Sundan mo lang ang pasilyo at sa dulo kami