Chapter 14 ILANG oras ang nakalipas ng muling tawagin ako ni Joshua, upang utusang magtimpla ng kape niya. Sa inis ko ay dinamihan ko ang asukal para lalo siyang magalit sa akin.“Ito na po ang kape mo sir.” Inabot ko ang kape sa kaniya, sobrang lapad pa ng pagngiti ko na kaagad namang napuna ni Joshua.“Ano na namang ginawa mo?” seryosong tanong nito.“Ha? Anong ibig mong sabihin sir?” pagmamaang-maangan ko pa.Saglit itong nag-isip, pinagmasdan ang kape niya na dapat ay iinumin na bago muli akong tinitigan. Pakurap-kurap lang naman ang mata ko, pero kinakabahan na ako sa mga titig niya.“Iyang mga ngiti mo ang ayaw na ayaw kong makikita. Alam mo ba kung bakit?” anito sabay baba ng tasa sa lamesa. Bigla akong nainis dahil naudlot ang pag-inom nito sa kape.“Ha? Ba-bakit?”“Dahil hindi katiwatiwala ang itsura mo, lalo na pag ganiyan an
Tarantadong BabaeChapter 15 MULI na naman akong nag-isip ng idadahilan para makalusot. Ayoko munang sabihin na niloloko siya ng girlfriend niya. Kahit na nakokonsensiya akong ilihim ang lahat.“Ha? I mean naloloko sa mga binibili mong gamit. Kayo kasi hindi kayo magtipid, porke may pera kayo lahat na lang ng gusto ninyo ay bibilhin n'yo!” irita kong sabi.“Ano? Sinong may sabi sa 'yo na magastos ako? Tsaka bakit ba pinoproblema mo ang iba kung anong gusto nila sa buhay, e lahat naman iyon ay pinaghihirapan nila. Hindi katulad mo na kinukuha mo ng walang paalam ang mga pinaghirapan nila.”Napanganga ako sa sinabi ni Joshua.“Hoy! Hindi ako kumukuha ng pinaghirapan ng iba no!”“E ano palang tawag mo sa ginagawa mo?” tanong nito sa akin na hindi ko nasagot.Kahit kailan talaga pahamak ’tong bunganga ko. Tuloy ako ang ginigisa ngayon.&ldq
Tarantadong BabaeChapter 16 “MAY problema ba?” tanong ni Wilbert sa akin.“Wala naman, nalimutan ko lang ’yong kuwintas ko sa bahay ng boss ko.”Napakunot-noo si Wilbert sa sinabi ko.“Sa bahay ng boss mo? Bakit sa bahay ng boss mo?” seryosong tanong nito.“Doon kasi ako galing kanina, natapunan ng pagkain ang damit ko kaya ganito ang suot ko–”“So you mean sa boss mong t-shirt iyang suot mo ngayon?” putol nito sa sasabihin ko.“Oo. Bakit ganiyan ka magtanong?”“Ah... wala naman, masyado lang akong napaisip dahil sa boss mo. Anyways, puwede ba kitang dalawin sa work mo? Yayayain lang sana kitang kumain minsan.”“Sige,” mabilis kong tugon na kinagulat niya.“Really? Yes! Thanks, Kim.” Tuwang-tuwang sabi nito na may pagsuntok pa sa hangin.“Uuwi na ako
Tarantadong BabaeChapter 17 HINDI ko maintindihan kung bakit isinama pa ako ni Joshua dito sa bahay ni Sir Leo. Medyo naguguluhan din ako dahil hindi ito mapakali at hindi maipinta ang mukha nito. Mayamaya pa’y dumating na si Sir Leo na nagmula pa sa kung saan. Para itong natataranta na pumasok sa pintuan at kaagad na nilapitan kami na nakaupo sa mahabang sopa.“Nong,” maikling tawag ni Joshua.“Good morning po sir,” bati ko rin kay Sir Leo.Nakakunot-noo naman si Sir Leo na hinarap si Joshua.“Joshua, totoo ba ang sinabi mo sa akin? Nahanap mo na siya... nasaan siya?” Nagpalinga-linga ito sa buong sala ngunit wala itong natagpuan. Maging ako ay napalingon din dahil hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito na nahanap ni Joshua.“Opo. Nahanap ko na po siya nasa harapan n’yo po siya,” anito na napatitig sa akin si Sir Leo.Naguluhan naman ako dahi
Tarantadong BabaeChapter 18 NAPAIYAK ako ng malaman namin ang resulta ng DNA test na ginawa sa akin. Kumpirmado na ako nga ang nawawalang pamangkin ni Uncle Leo. Ikinuwento nito sa akin ang mga nangyari kung paano ako nawala. Isang aksidente ang naganap noon habang binabaybay namin ang sasakyan patungo sa isang resort na dadaluhan sana naming mag-anak. Nang maramdaman ni Dad na walang preno ang minamanehong sasakyan. Naaksidente ang sinasakyan naming mag-anak. Ang hindi malamang nangyari ay kung paano ako nawala matapos naming sumalpok sa isang punong malaki. Napuruhan ang ama't ina ko kaya hindi na rin ito umabot pa sa hospital. Pinahanap ako ng uncle ko ngunit palaging negative ang result. Hindi rin nalaman kung sino ang totoong salarin sa pagkamatay ng mga magulang ko dahil hinihinalang sinadya ang pagtanggal ng preno sa sasakyan. Marami raw kasing galit sa ama ko noong nabubuhay pa dahil malupit daw ito sa mga tauhan. Matapos kong malaman ang nangyari ay
Tarantadong BabaeChapter 19 HABANG abala si Joshua sa kaniyang laptop, ako naman ay abala sa pagsulyap-sulyap sa kaniya. Nakaupo kasi siya sa harapan ng table ko at pinababasa niya sa akin ang files na dapat ko raw matutunan. Pero dahil nga english ang nakasulat ay hindi ko rin halos maintindihan kaya naman itong mapusok kong mata'y iba ang tinitingnan. Hindi ko kasi maiwasan na hindi mapalingon kay Joshua dahil nakaka-attract talaga ito—lalo na kapag seryoso ang mukha nito. Ayoko mang aminin e kinikilig talaga ako kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya. Mayamaya pa'y hindi na ito nakatiis, tumikhim na ito kasabay ng pagtingin sa akin.“Are you sure na naiintindihan mo ’yang binabasa mo? O baka naman nag-aaksaya ka lang ng oras sa kakatingin mo riyan sa papel pero blanko naman ang nakikita mo?” anito kaya medyo napahiya ako sa sinabi nito.“Of course! Ano bang palagay mo sa akin–bobo? Hindi ko nga a
Tarantadong BabaeChapter 20 “TOTOO ba ’to? Ikaw ang nagnakaw ng kuwintas ni Alisha?” tanong ni Joshua sa akin matapos niya akong dalhin sa fire exit at doon kausapin.“No! Hi-hindi ako ang—”“Huwag kang sinungaling! Alam ko na ikaw iyon! Puwede ba, Babe. Huwag ka ng mag-aksaya ng panahon para tanungin 'yang babaeng iyan. I know na kaya siya nasa kumpanya ay para pagnakawan rin kayo roon. Sanay sila sa ganiyan at huwag mo nang hintaying mabiktikma ka rin ng babaeng iyan!” galit na galit na wika ni Alisha sa akin.Hindi ako makapagsalita ngayon, tila umurong ang dila ko at hindi ko mapagtakpan ang mga kasalanan ko. Kinakabahan kasi ako sa kung anong sasabihin ni Joshua. Alam ko na naniniwala na ito sa girlfriend niya pero ang pinagtataka ko e bakit parang nag-iisip pa siya na dalhin ako sa kulungan ngayon.“Babe, hindi tayo puwedeng magpakulong na lang ng walang ibedensya,” an
Tarantadong BabaeChapter 19 HABANG abala si Joshua sa kaniyang laptop, ako naman ay abala sa pagsulyap-sulyap sa kaniya. Nakaupo kasi siya sa harapan ng table ko at pinababasa niya sa akin ang files na dapat ko raw matutunan. Pero dahil nga english ang nakasulat ay hindi ko rin halos maintindihan kaya naman itong mapusok kong mata'y iba ang tinitingnan. Hindi ko kasi maiwasan na hindi mapalingon kay Joshua dahil nakaka-attract talaga ito—lalo na kapag seryoso ang mukha nito. Ayoko mang aminin e kinikilig talaga ako kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya. Mayamaya pa'y hindi na ito nakatiis, tumikhim na ito kasabay ng pagtingin sa akin.“Are you sure na naiintindihan mo ’yang binabasa mo? O baka naman nag-aaksaya ka lang ng oras sa kakatingin mo riyan sa papel pero blanko naman ang nakikita mo?” anito kaya medyo napahiya ako sa sinabi nito.“Of course! Ano bang palagay mo sa akin–bobo? Hindi ko nga a