Sa sandali na umakyat si Granny Lynch ng hagdan, agad na tumakbo si Nellie papunta sa tabi ni Nigel.Sabay nilang tinaas ang kamay nila para mag apir. Gayunpaman, pagkatapos nito, tumingin si Nellie sa direksyon ng hagdan, tila nag aalala. “Nigel, sa tingin mo ba ay makukumbinsi ni lola si Daddy?”Nagkibit balikat si Nigel. “Mahirap para gawin ‘yun.”Sumimangot ang mukha ni Nellie. “Kung alam mo na imposible, bakit mo ako pinasunod sa plano mo?”Ngumisi si Nigel. “Halatang hindi mo ito masyadong pinag isipan. Nag aalala si Daddy sa pag iisip ni Mommy, kaya’t hindi niya tayo papabalikin sa tabi ni Mommy. Hindi niya rin pwedeng papuntahin si Mommy sa Orchard Manor, kung hindi ay mag aaway sila ni Fiona, pero…”Sumingkit siya at nagpatuloy siya, “Hindi alam ni Granny Lynch ang tungkol dito. Ngayon at kakausapin niya si Daddy, sa tingin mo ba ay sisisihin niya si Daddy kapag tinanggihan ang mungkahi niya?”Tinaas ni Nellie ang kamay niya para hampasin ang noo niya dahil sa napagtanto
Nang makita na patapos na magligpit si Fiona, tumayo si Joshua sa upuan at sinabi niya, “Ginabi na ako sa trabaho kagabi, kaya’t napapagod ako ngayon. Magpapahinga muna ako. Kung may kailangan ka, humingi ka ng tulong sa butler at mga katulong. Kung hindi ka nila matulungan, tawagan mo ako.” Pagkatapos, tumayo siya at naglakad siya palabas ng kwarto. Sa sandali na mawala na ang mga yapak, humigpit ang mga kamao ni Fiona sa galit. Hindi na dapat siya nakinig kay Aura! Sinabi ni Aura na ang mga bata ang kahinaan ni Luna. Kaya naman, basta’t ilayo nila ang mga bata, hindi makakalaban si Luna. Sinabi niya pa na ipapadala ni Joshua si Luna sa mental hospital, ngunit mali siya. Hindi na siya pinadala sa mental hospital, hinayaan pa ni Joshua si Granny Lynch na tumira sa Orchard Manor. Kinamumuhian ni Granny Lynch si Fiona kumpara sa kahit ano, ngunit ngayon, sinasabi ni Joshua na makipagkasundo siya kay Granny Lynch. Higit pa dito, noong lumipat ang mga bata at si Granny Lynch
Sa sandali na ibaba niya ang phone, nawala na ang antok ni Luna.Sa halip, tumayo siya, pumasok sa kwarto ni Nigel, at hinanap ang computer nito.Isang mahusay na hacker si Nigel at kaya niyang pumasok sa dark web, ang isang lugar na mahirap puntahan ng isang ordinaryong tao.Gustong humanap ni Luna ng impormasyon tungkol sa mga koneksyon ni Dr. Robert.Dahil hindi niya na kayang gamitin ang pera para bilhin ang doctor, wala siyang magagawa kundi gumamit ng mga koneksyon.Inimbrestigahan niay ang lahat ng may kaugnayan kay Dr. Robert habang nagdadasal na sana ay may makita siyang kakilala niya na konektado kay Dr. Robert.Walang mga resulta ang paghahanap niya.Gayunpaman, hindi mapigilan ni Luna na mapansin na pinakasalan ni Dr. Robert ang isang babae na sampung taon na mas bata sa kanya.Ang pangalan ng asawa niya ay Janice Yale.Gayunpaman, pagclick ni Luna sa impormasyon ni Janice Yale, nakita niya ang isang pamilyar na pangalan—Violet Lewis.Sa mga nakalipas na ilang tao
“Kilala mo ba ang doctor na hindi nakaligtas sa kanya?”Nanatiling tahimik si Christian bago siya sumagot, “Hindi ko alam. Alam ko lang ay pagkatapos mamatay ng tata ni Violet na si Shaun, nag interview ang press sa doctor na gumawa ng surgery sa kanila. Syempre, hindi nilabas ng doctor ang pangalan niya, pero sinabi niya sa press na nabasag ang puso nila dahil hindi nila naligtas sina Violet o si Shaun.”Pagkatapos, bumaba ng kama si Christian at tinanong niya, “Bakit mo biglang tinatanong ang mga ito? Sa tingin mo talaga ay may kakaiba sa pagkamatay ni Violet?”Nanatiling tahimik ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay nagbuntong hininga siya at sinabi niya kay Christian ang natuklasan niya. “Hindi ko sigurado kung alam mo ito, pero ang nanay ni Violet, si Janice, ay kasal na ngayon kay Dr. Robert.”Agad na bumaba si Christian ng kama. “Si Dr. Robert Jenson, ang parehong Dr. Robert Jenson na gumawa ng pekeng medical certification para kay Fiona?”Tumango si Luna. “Oo. Tulad ng s
Hindi inaasahan ni Luna ang tanong na ito mula kay Christian.Mahigpit ang hawak niya sa phone at tahimik siya ng matagal. Hindi niya mapigilan na umubo.“Christian, anong klaseng biro ito? Pinsan ka nila Nigel at Nellie. Kahit na hindi gaano kalaki ang agwat ng edad natin, ang relasyon sa pamilya…”Sa kabilang linya ng phone, tumawa si Christian. “Kung wala kang plano na sumama kay Joshua, ano ang problema ng relasyon sa pamilya?”“Maliban sa sabihin na hindi gaano malaki ang agwat ng edad natin at ito ay dahil sa relasyon sa pamilya…”“Mas mabuti na sabihin na lang ng ganito: kahit na problema ang relasyon sa pamilya, hindi naman gaano malaki ang agwat ng edad natin.”Pagkatapos, umubo si Christian at nagpatuloy siya ng seryoso, “Luna, hindi mo muna ba pwedeng pag iisipan?”Tumigil ng ilang sandali si Luna. Humigpit ang lalamunan niya. “Christian, ‘wag mo na akong paisipin, dahil—”“Seryoso naman ako, pero naririnig mo pa rin na nagbibiro ako?” Bago pa matapos magsalita si Lu
Sa huli, nagdesisyon si Luna na tumingin.Dumaan na siya sa ganitong tag init.Ang samantalahin ang pagtatapos ng tag init at ang magpaalam sa hindi masasayang pangyayari ay magandang desisyon din.Ang pinakamahalaga sa lahat ay gutom na talaga siya. Mag isa lang siya sa bahay, at tinatamad pa siya na magluto ng pagkain.Kaya naman, pagkatapos tanungin si Anne kung saan ginanap ang event, naghanda lang si Luna at tumawag siya ng taxi.Sa labas ng Blue Bay Villa, sa isang sulok…Nilabas ni Zach ang phone niya. “Mr. Lynch, tumawag po ng taxi si Ms. Luna at umalis po siya. Sundan po ba namin siya?”May malamig na boses ng lalaki sa kabilang linya, “Sundan mo siya.” Pagkatapos, binaba niya ang phone nang may kumatok sa pinto ng study room niya.“Joshua.”Ang taong pumasok sa kwarto ay si Fiona na mukhang agrabyado.Suot niya pa rin ang karaniwan niyang puting dress, mukha siyang mahina.“Joshua, pinupuntirya ako ni Granny Lynch. Ayaw kong kumain ng hapunan sa bahay ngayong gabi.
Kumain ng maraming masarap na pagkain sina Luna, Anne, at John sa fireworks celebration event.Alam nila na hindi kaya ni Luna ang alak, kaya’t umalis si John at nagdala siya ng iba’t ibang lasa ng inumin para kay Luna at Anne.“Dati ko pa alam na may fireworks celebration bawat taon, pero lagi akong busy, at hindi pa ako nakapunta dito. Hindi ko inaasahan na sobrang ganda pala dito!”Naging malungkot si Anne habang nakatingin kay Luna, “Kamusta naman? Parang naglaho ba ang kalungkutan na dinala ni Joshua pagkatapos mong pumunta dito?”Nagkibit balikat si Luna. “Sa totoo lang, hindi masyado.”Mas iniisip niya lalo ang nakaraan ngayon at nandito siya. Nakapunta na siya sa fireworks celebration event ng Banyan City dati.Sa taon na kinasal sila ni Joshua, bata pa siya at puno siya ng pangarap at pagasa.Nang marinig niya na binanggit ng mga katulong sa bahay na may fireworks celebration event tuwing tag init, laging hahanap ng pagkakataon si Luna para samahan siya ni Joshua.Noon
Tumunog ang boses ni Anne at dumating ito sa tainga nila Joshua at Fiona.Kumunot ang noo ni Fiona. Gusto niyang sumagot at kausapin si Anne, ngunit pinigilan siya ni Joshua.Pumunta siya dito ngayong gabi para makita si Luna at para tanggalin ang pagkainip ni Fiona.Ayaw niyang gumawa ng gulo.Kaya naman, nagpanggap si Joshua na hindi niya ito narinig at hinila niya si Fiona. Naglakad lang siya ng ilang hakbang at nagring ang phone niya sa hindi magandang oras.Ngayon naman, mula ito sa kumpanya niya. Tungkol ito sa trabaho.Nang makita na busy si Joshua, kinagat ni Fiona ang labi niya at pumunta siya sa isang sulok ng fireworks celebration.Sa totoo lang, may iba siyang layunin sa pagpunta niya dito, bukod sa panonood niya ng fireworks kasama si Joshua.Ito rin ay para makakuha siya ng pagkakataon na makausap ang mga tauhan ni Aura sa gitna ng maraming tao. May kailangan siyang kunin.Pagkatapos mag reklamo ni Fiona kay Aura tungkol kay Granny Lynch, sinabi ni Aura na kaya n
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya