Tumunog ang boses ni Anne at dumating ito sa tainga nila Joshua at Fiona.Kumunot ang noo ni Fiona. Gusto niyang sumagot at kausapin si Anne, ngunit pinigilan siya ni Joshua.Pumunta siya dito ngayong gabi para makita si Luna at para tanggalin ang pagkainip ni Fiona.Ayaw niyang gumawa ng gulo.Kaya naman, nagpanggap si Joshua na hindi niya ito narinig at hinila niya si Fiona. Naglakad lang siya ng ilang hakbang at nagring ang phone niya sa hindi magandang oras.Ngayon naman, mula ito sa kumpanya niya. Tungkol ito sa trabaho.Nang makita na busy si Joshua, kinagat ni Fiona ang labi niya at pumunta siya sa isang sulok ng fireworks celebration.Sa totoo lang, may iba siyang layunin sa pagpunta niya dito, bukod sa panonood niya ng fireworks kasama si Joshua.Ito rin ay para makakuha siya ng pagkakataon na makausap ang mga tauhan ni Aura sa gitna ng maraming tao. May kailangan siyang kunin.Pagkatapos mag reklamo ni Fiona kay Aura tungkol kay Granny Lynch, sinabi ni Aura na kaya n
Madilim talaga sa likod ng malaking bato, may mahinang ilaw lang mula sa fireworks at sa buwan.Sa likod ng madilim na malaking bate ay nakatayo ang isang payat na lalaki. Sa sobrang payat niya ay iba na ang itsura niya.Kasing payat niya ang isang walis, ngunit ang mga mata niya ay elegante at maamo.“Luna.” Ngumiti ang lalaki. “Hindi ko inaasahan na magkikita tayo sa ganitong sitwasyon.”Mabilis na lumapit si Luna at niyakap niya ang lalaki. Sa sobrang payat nito ay halos hindi komportable na yakapin siya.Tumulo ang mga luha ni Luna habang yakap ng mahigpit ang lalaki. “Theo, akala ko talaga ay wala ka na! Akala ko ay hindi na ulit kita makikita sa buhay na ito! Alam ko na nga siguro ang nag email! Ikaw nga!”Niyakap ni Theo si Luna. Ang mga mata niya ay luhaan din. Ito ang unang beses na niyakap ni Luna si Theo, ngunit ito ay dahil sa ganitong sitasyon.Nabasa ang balikat ni Theo dahil sa mga luha ni Luna.Nagbuntong hininga si Theo at tinaas niya ang kamay niya para himasi
Huminga ng malalim si Luna. “Si Fiona Blake. Nasa ilalim ba siya ng utos ni Aura?”“Oo, at hindi.” Kumunot ang noo ni Theo. “Espesyal si Fiona. Pinili muna siya ni Joshua, at doon lang siya ginamit ni Aura.”Pagkatapos, tumingin siya ng malalim kay Luna. “Abg mungkahi ko sayo ay dapat iwanan ni Fiona si Joshua. Bumalik si Aura sa Banyan City. Ang lahat ng ginawa ngayon niya ay habang gamit si Fiona. Basta’t mawala sa plano niya si Fiona, mapipilitan si Aura na gamitin ang dalawang alas niya, ‘yun ay kaming dalawa ni Neil.”Pagkatapos, tumalikod si Theo at umalis siya.Naglakad pa lang siya ng ilang hakbang bago siya may naisip. Lumapit siya sa tainga ni Luna at may binigay siyang instruction bago siya tumalikod at umalis.Matagal na nakatayo si Luna sa pwesto, matagal na nakatingin kay Theo na paalis.Bumalik lang siya sa sarili niya nang marinig niya ang isang sigaw na mula sa madla sa likod niya.Anne!Agad na bumalik sa sarili si Luna at nagmadali siya papunta sa madla, nahi
Habang nakatingin sa maputlang mukha ni Luna na hindi nagsasalita at nakatayo lang sa lugar, dumilim lalo ang tingin ni Joshua.Tama pala siya.Ang taong nakayakap sa payat na lalaki sa likod ng malaking bato ay si Luna. Habang iniisip ito, naging mas malamig ang tingin ni Joshua.Heto siya, nag aalala na baka malungkot at mag isa si Luna dahil wala siyang ibang kausap maliban kay Christian na biglang umalis ng Banyan City.Anong nangyari?Wala pang isang buong araw, may nakita na ulit siyang bagong tao!Kung hindi lang siya nakatayo sa dulo ng beach at nasa phone call, hindi niya mapapansin kung gaano kalandi si Luna.Hindi ganito si Luna dati. Habang iniisip ito, mas nakumbinsi si Joshua na tama sina Nigel at Fiona—na may sakit sa pag iisip si Luna.Kung wala siyang sakit sa pag iisip, paano niya gagawin ang mga kakaibang bagay tulad nito?Nabigla ang puso ni Luna dahil sa malamig na tingin ni Joshua. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya kay Joshua.“A—Ano pa ang nak
“Alam kong sensitibo ako, kung gusto mo talaga ng may masisisi, hindi ako ang may kasalanan…”“Kalokohan ang sinasabi mo!”Biglang nagalit si Anne sa mga sinabi ni Fiona. “Nagsisinungaling ka!” Kailan niya pa sinabi na walang lugar si Fiona sa puso ni Joshua? Binalaan niya lang si Fiona na mag ingat kung ayaw nito na humanap sila ng ebidensya na nagpapanggap si Fiona na may sakit.Pagkatapos, agad na kumuha si Fiona ng kutsilyo.Sa mga oras na ‘yun, akala nila Anne at John na nagalit si Fiona dahil dito, kaya’t gusto sila nitong patayin. Ito ang rason kung bakit pinigilan siya ni John.Biglang bumaliktad ng buo si Fiona. Iniba niya ang mga salita niya, binago niya ang mga sinabi nila!Tumingin ng masama si Anne kay Fiona. Puno ng galit ang mga mata niya.“Hindi ko man binanggit si Joshua! Kung nasa puso ka ni Joshua o kung may laban ka kay Luna, wala na akong pakialam doon!”Kumunot ang noo ni Joshua nang marinig ang mga masasamang sinabi ni Anne.“Ano pala ang sinabi mo kanin
Pagkatapos makita na paalis ang kotse ni Joshuas, lumingon si Luna at tumingin siya kay John.“Ayos ka lang ba?”Tumango si John, maputla ang mukha niya. “Ayos lang ako.”Pagkatapos, lumingon si John at tumingin siya sa paalis na kotse ni Joshua. Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Luna, may mga sinabi si Anne na hindi niya pinag isipan… Makakaapekto ba ito sa plano ko?”Umiling si Luna. “Ano naman ang maaapektuhan niya?”Nahulaan siguro ni Fiona na iimbestigahan ni Luna ang pagpeke niya ng sakit, hindi ba?Dahil nagpanggap siya na sinumpong ang sakit niya sa harap nila, panunukso ito. Wala siyang takot.Habang mas nagiging ganito si Fiona, mas naintriga si Luna.Anong meron si Fiona kay Robert Jenson na masisigurado niya na hindi babawiin ni Robert Jenson ang diagnosis para ibunyag siya?“John…” Nanggaling sa likod ang boses ni Anne. Tila nabasag ang puso niya.Tumalikod si Luna at nakita niya na yakap ni Anne ang sugat na braso ni John. Tumulo ang mga luha sa mukha ni
“Bakit biglang nagdedesign ulit si Nellie?”Noong sinuri na may autism si Nellie, niyayakap niya ang sketch board at design araw araw. Hindi niya kinakausap ang kahit sino.Kaya noong tumagal, pinagbawalan si Nellie sa pag design, sinabi na magfocus siya sa ibang bagay. Ito rin ang rason kung bakit gumaling si Nllie, hindi rin siya hinayaan ni Luna na magpatuloy sa pag dedesign.Maunawain din si Nellie, at hindi siya nagpatuloy sa pag sketch. Gayunpaman, bakit bigla siyang nagsketch ng mga design ulit pagkatapos lang nila magsama ni Joshua ng dalawang araw?Dahil ba masyadong boring dito?“Hindi po dahil wala lang ako magawa,” Tumunog ang tapat na boses ni Nellie. “Nangako kpo ako kay lola na magdedesign po ako ng set ng jewelry na para lang po sa kanya.”Tila masaya si Nellie. “Magkasama pong nakatira sina lola at Fiona sa mga nakaraang araw. Iniisip niya na po na mabait na tao po kayo, Mommy. Pinuri niya pa po ang magandang pagkatao niyo, na kaya niyo po kaming turuan ng mabuti
“Sige, imbitahin natin dito si Luna ngayong gabi.” Hindi man lang ito pinag isipan ni Granny Lynch bago siya pumayag sa mungkahi ni Fiona.Sa isang palad, kumirot ang puso niya para kela Nigel at Nellie. Kasama nila palagi si Luna bago sila biglang dinala dito para alagaan si Fiona, ang babaeng may sakit.Sa kabilang palad, gusto rin ni Granny Lynch na makita mismo ni FIona, na kapag pumunta si Luna, kung ano ang kailangan para maging isang babaeng karapat dapat sa pagtulong kay Joshua sa pag alaga ng mga anak niya.“Pero…” Sa mga sandaling ito, si Nigel, na tahimik kanina pa, ay lumingon para tumingin kay Fiona.“Aunty Fiona, kahit na miss na namin si Mommy, sa tingin ko ay ayaw niyang pumunta dito para makita na magkasama kayo ni Daddy.”Sa tabi, tinikom din ni Nellie ang mga labi niya at tumango siya.“Kung sa tingin niyo talaga na masama na magkahiwalay kami ni Mommy, bakit hindi kayo maging mapagbigay? Kausapin niyo si Daddy. Kumbinsihin niyo siya na tumira ulit kami kasama