Habang nakatingin sa maputlang mukha ni Luna na hindi nagsasalita at nakatayo lang sa lugar, dumilim lalo ang tingin ni Joshua.Tama pala siya.Ang taong nakayakap sa payat na lalaki sa likod ng malaking bato ay si Luna. Habang iniisip ito, naging mas malamig ang tingin ni Joshua.Heto siya, nag aalala na baka malungkot at mag isa si Luna dahil wala siyang ibang kausap maliban kay Christian na biglang umalis ng Banyan City.Anong nangyari?Wala pang isang buong araw, may nakita na ulit siyang bagong tao!Kung hindi lang siya nakatayo sa dulo ng beach at nasa phone call, hindi niya mapapansin kung gaano kalandi si Luna.Hindi ganito si Luna dati. Habang iniisip ito, mas nakumbinsi si Joshua na tama sina Nigel at Fiona—na may sakit sa pag iisip si Luna.Kung wala siyang sakit sa pag iisip, paano niya gagawin ang mga kakaibang bagay tulad nito?Nabigla ang puso ni Luna dahil sa malamig na tingin ni Joshua. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya kay Joshua.“A—Ano pa ang nak
“Alam kong sensitibo ako, kung gusto mo talaga ng may masisisi, hindi ako ang may kasalanan…”“Kalokohan ang sinasabi mo!”Biglang nagalit si Anne sa mga sinabi ni Fiona. “Nagsisinungaling ka!” Kailan niya pa sinabi na walang lugar si Fiona sa puso ni Joshua? Binalaan niya lang si Fiona na mag ingat kung ayaw nito na humanap sila ng ebidensya na nagpapanggap si Fiona na may sakit.Pagkatapos, agad na kumuha si Fiona ng kutsilyo.Sa mga oras na ‘yun, akala nila Anne at John na nagalit si Fiona dahil dito, kaya’t gusto sila nitong patayin. Ito ang rason kung bakit pinigilan siya ni John.Biglang bumaliktad ng buo si Fiona. Iniba niya ang mga salita niya, binago niya ang mga sinabi nila!Tumingin ng masama si Anne kay Fiona. Puno ng galit ang mga mata niya.“Hindi ko man binanggit si Joshua! Kung nasa puso ka ni Joshua o kung may laban ka kay Luna, wala na akong pakialam doon!”Kumunot ang noo ni Joshua nang marinig ang mga masasamang sinabi ni Anne.“Ano pala ang sinabi mo kanin
Pagkatapos makita na paalis ang kotse ni Joshuas, lumingon si Luna at tumingin siya kay John.“Ayos ka lang ba?”Tumango si John, maputla ang mukha niya. “Ayos lang ako.”Pagkatapos, lumingon si John at tumingin siya sa paalis na kotse ni Joshua. Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Luna, may mga sinabi si Anne na hindi niya pinag isipan… Makakaapekto ba ito sa plano ko?”Umiling si Luna. “Ano naman ang maaapektuhan niya?”Nahulaan siguro ni Fiona na iimbestigahan ni Luna ang pagpeke niya ng sakit, hindi ba?Dahil nagpanggap siya na sinumpong ang sakit niya sa harap nila, panunukso ito. Wala siyang takot.Habang mas nagiging ganito si Fiona, mas naintriga si Luna.Anong meron si Fiona kay Robert Jenson na masisigurado niya na hindi babawiin ni Robert Jenson ang diagnosis para ibunyag siya?“John…” Nanggaling sa likod ang boses ni Anne. Tila nabasag ang puso niya.Tumalikod si Luna at nakita niya na yakap ni Anne ang sugat na braso ni John. Tumulo ang mga luha sa mukha ni
“Bakit biglang nagdedesign ulit si Nellie?”Noong sinuri na may autism si Nellie, niyayakap niya ang sketch board at design araw araw. Hindi niya kinakausap ang kahit sino.Kaya noong tumagal, pinagbawalan si Nellie sa pag design, sinabi na magfocus siya sa ibang bagay. Ito rin ang rason kung bakit gumaling si Nllie, hindi rin siya hinayaan ni Luna na magpatuloy sa pag dedesign.Maunawain din si Nellie, at hindi siya nagpatuloy sa pag sketch. Gayunpaman, bakit bigla siyang nagsketch ng mga design ulit pagkatapos lang nila magsama ni Joshua ng dalawang araw?Dahil ba masyadong boring dito?“Hindi po dahil wala lang ako magawa,” Tumunog ang tapat na boses ni Nellie. “Nangako kpo ako kay lola na magdedesign po ako ng set ng jewelry na para lang po sa kanya.”Tila masaya si Nellie. “Magkasama pong nakatira sina lola at Fiona sa mga nakaraang araw. Iniisip niya na po na mabait na tao po kayo, Mommy. Pinuri niya pa po ang magandang pagkatao niyo, na kaya niyo po kaming turuan ng mabuti
“Sige, imbitahin natin dito si Luna ngayong gabi.” Hindi man lang ito pinag isipan ni Granny Lynch bago siya pumayag sa mungkahi ni Fiona.Sa isang palad, kumirot ang puso niya para kela Nigel at Nellie. Kasama nila palagi si Luna bago sila biglang dinala dito para alagaan si Fiona, ang babaeng may sakit.Sa kabilang palad, gusto rin ni Granny Lynch na makita mismo ni FIona, na kapag pumunta si Luna, kung ano ang kailangan para maging isang babaeng karapat dapat sa pagtulong kay Joshua sa pag alaga ng mga anak niya.“Pero…” Sa mga sandaling ito, si Nigel, na tahimik kanina pa, ay lumingon para tumingin kay Fiona.“Aunty Fiona, kahit na miss na namin si Mommy, sa tingin ko ay ayaw niyang pumunta dito para makita na magkasama kayo ni Daddy.”Sa tabi, tinikom din ni Nellie ang mga labi niya at tumango siya.“Kung sa tingin niyo talaga na masama na magkahiwalay kami ni Mommy, bakit hindi kayo maging mapagbigay? Kausapin niyo si Daddy. Kumbinsihin niyo siya na tumira ulit kami kasama
Ilang hakbang pa lang ang nilakad ni Nigel nang may naisip siya at tumalikod siya.“Kung hindi niyo kami hahayaan na bumalik kay Mommy, masaya pa rin kami na makita siya ng saglit.”Pagkatapos ay umalis sina Nigel, Nellie, at Granny Lynch ng magkahawak ang mga kamay.Nakatayo sa lugar si Fiona habang pinapanood niya na umalis ang tatlo, dumiin ang ngipin niya habang sinasabi ang mga ito.Noon, gusto niya lang sumunod sa plano ni Aura para sabihin na may sakit sa pag iisip si Luna at para ilayo kay Luna ang mga anak nito.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na sasamahan ni Granny Lynch ang dalawang bata!Mabilis magalit si Granny Lynch at medyo passive-aggressive siya. Sayang at lola siya ni Joshua, na nirerespeto ni Joshua ng sobra.Sa huli, nag kampihan sina Granny Lynch, Nigel, at Nellie. Si Fiona na ang inaapi sa bahay!Habang iniisip ito, napuno ng kamuhian sa mga mata ni Fiona. Sumingkit ang mga mata niya at humigpit ang kamao niya.Mabuti na lang at handa siya! Ipapadala ni
“Anong kalokohan ang sinasabi mo?”Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya ng masama kay Fiona. Alam niya rin na wala na masyadong natitirang oras si Fiona, pero ito rin ang rason kung bakit hindi dapat niya sabihin ang ganitong mga bagay.Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong hininga si Joshua.“Dahil gusto mo na pumunta si Luna, hindi kita pipigilan.”Kinagat ni Fiona ang labi niya dahil sa mga sinabi ni Joshua.“Pero, Joshua, kailangan ko ng tulong mo…”Hindi mapigilan ni Joshua na kumunot ang noo niya dahil sa mga sinabi ni Fiona.“Gusto mong tumulong ako?”“Oo.” Lumapit si Fiona sa tabi ni Joshua. Kumapit at hinila niya ang braso ni Joshua, mahina niya itong hinihila.“Alam mo ang tungkol sa away namin. Kung ako mismo ang tatawag at maghahanap sa kanya, siguradong iisipin niya na may binabalak ako at tatanggi siya.“Pati, gusto kong humingi ng tawad sa kanya pagkatapos nating magkita. Gusto ko siyang sorpresahin. Mas magmumukhang tapat din. Kaya…”Nagbuntong hining
Mukhang tama si Aura. Ang lahat ng paghihirap niya ay nasayang.Kahit anong pagsisikap niya, wala siyang laban kay Luna sa puso ni Joshua. Si Luna lang ang nasa puso at mga mata ni Joshua.Ang lahat ng ginawa ni Joshua ay para kay Luna.Bakit?Bakit mapupunta sa puso ng isang mabuting lalaki na tulad ni Joshua ang isang p*ta na tulad ni Luna?Ayaw tanggapin ni Fiona ang katotohanan. Hindi niya ito matatanggap.Palihim na humigpit ang mga kamao niya.Noong gabing ‘yun, gusto niyang makita ni Joshua kung paano patayin ng pinakamamahal niyang babae ang lola niya, na siyang nirerespeto ni Joshua ng sobra!Sa ganun, gusto niyang makita kung kanino papanig si Joshua kapag nagkaharap ang dalawang pinakamahalagang babae sa buhay niya!…10 ng umaga. Maliwanag ang sinag ng araw.Nasa good mood si Luna. Nilabas niya ang easel at paint supplies mula sa villa papunta sa isang gazebo sa hardin nila. Magsisimula pa lang siya na magpaint ng tanawin ng hardin nang maging ang phone niya.It