Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang marinig niya ito. “Bumalik na si Aura sa Banyan City?”Noong nasa ibang bansa pa si Aura, nagpadala ng mga tao si Joshua para bantayan si Aura. Pagkatapos, kinuha siya ng tunay niyang pamilya at namatay pa ang ilang sa mga tauhan ni Joshua dahil dito.Gayunpaman, nangyari agad ito pagkatapos nang pagsabog na pumatay kay Neil. Sa mga panahong ‘yun, nakunan si Luna, habang lumala ang sakit ni Nigel. Kaya naman, naging masyadong busy si Joshua para mapansin kung ano ang ginagawa ni Aura.Pagkatapos nito, naging busy siya sa paghahanap ng tugma na bone marrow donor para kay Nigel, kaya’t natagpuan niya si Fiona at inalagaan niya pareho si Fiona at Nigel. Kung hindi dahil kay Christian, tuluyan nang makakalimutan ni Joshua si Aura.Hindi sinabi sa kanya ni Luna ang nangyari sa araw ng aksidente, ngunit dahil binanggit ito ni Christian…Agad na naalala ni Joshua na sa gabi bago ang aksidente ni Luna, nalasing si Aura at sinubukan nitong sumiping sa
Pinanood ni Granny Lynch na umakyat si Joshua ng hagdan at hindi niya mapigilan na manuya. “Tsk. Anong klaseng girlfriend ito? Isang alipin na si Joshua, hindi isang boyfriend!”Hindi niya maintindihan ang apo niya. Noon, hindi niya nagustuhan si Aura. Sumunod, si Alice ay isang baliw pala na nagpakamatay.Noong una, hindi gusto ni Granny Lynch si Luna, ngunit nang makita niya kung paano nito tratuhin ang mga bata, nagustuhan niya na rin ito. Nang magustuhan niya na si Luna, tumigil sa pakikisama si Joshua kay Luna at nagdesisyon siyang magdala ng babaeng may sakit sa bahay.Isang malaking kalokohan ito!“‘Wag na po kayong magalit, lola. Dapat niyo rin pong alagaan ang kalusugan niyo.” Nang makita na galit na galit si Granny Lynch, agad na bumaba si Nellie ng upuan. Lumapit siya kay Granny Lynch at inabot niya ang kamay niya para himasin ang likod nito.Gayunpaman, sa sobrang liit niya ay hindi niya maabot si Granny Lynch.Kahit na bigo siya, natuwa pa rin si Granny Lynch sa mga
Sa sandali na umakyat si Granny Lynch ng hagdan, agad na tumakbo si Nellie papunta sa tabi ni Nigel.Sabay nilang tinaas ang kamay nila para mag apir. Gayunpaman, pagkatapos nito, tumingin si Nellie sa direksyon ng hagdan, tila nag aalala. “Nigel, sa tingin mo ba ay makukumbinsi ni lola si Daddy?”Nagkibit balikat si Nigel. “Mahirap para gawin ‘yun.”Sumimangot ang mukha ni Nellie. “Kung alam mo na imposible, bakit mo ako pinasunod sa plano mo?”Ngumisi si Nigel. “Halatang hindi mo ito masyadong pinag isipan. Nag aalala si Daddy sa pag iisip ni Mommy, kaya’t hindi niya tayo papabalikin sa tabi ni Mommy. Hindi niya rin pwedeng papuntahin si Mommy sa Orchard Manor, kung hindi ay mag aaway sila ni Fiona, pero…”Sumingkit siya at nagpatuloy siya, “Hindi alam ni Granny Lynch ang tungkol dito. Ngayon at kakausapin niya si Daddy, sa tingin mo ba ay sisisihin niya si Daddy kapag tinanggihan ang mungkahi niya?”Tinaas ni Nellie ang kamay niya para hampasin ang noo niya dahil sa napagtanto
Nang makita na patapos na magligpit si Fiona, tumayo si Joshua sa upuan at sinabi niya, “Ginabi na ako sa trabaho kagabi, kaya’t napapagod ako ngayon. Magpapahinga muna ako. Kung may kailangan ka, humingi ka ng tulong sa butler at mga katulong. Kung hindi ka nila matulungan, tawagan mo ako.” Pagkatapos, tumayo siya at naglakad siya palabas ng kwarto. Sa sandali na mawala na ang mga yapak, humigpit ang mga kamao ni Fiona sa galit. Hindi na dapat siya nakinig kay Aura! Sinabi ni Aura na ang mga bata ang kahinaan ni Luna. Kaya naman, basta’t ilayo nila ang mga bata, hindi makakalaban si Luna. Sinabi niya pa na ipapadala ni Joshua si Luna sa mental hospital, ngunit mali siya. Hindi na siya pinadala sa mental hospital, hinayaan pa ni Joshua si Granny Lynch na tumira sa Orchard Manor. Kinamumuhian ni Granny Lynch si Fiona kumpara sa kahit ano, ngunit ngayon, sinasabi ni Joshua na makipagkasundo siya kay Granny Lynch. Higit pa dito, noong lumipat ang mga bata at si Granny Lynch
Sa sandali na ibaba niya ang phone, nawala na ang antok ni Luna.Sa halip, tumayo siya, pumasok sa kwarto ni Nigel, at hinanap ang computer nito.Isang mahusay na hacker si Nigel at kaya niyang pumasok sa dark web, ang isang lugar na mahirap puntahan ng isang ordinaryong tao.Gustong humanap ni Luna ng impormasyon tungkol sa mga koneksyon ni Dr. Robert.Dahil hindi niya na kayang gamitin ang pera para bilhin ang doctor, wala siyang magagawa kundi gumamit ng mga koneksyon.Inimbrestigahan niay ang lahat ng may kaugnayan kay Dr. Robert habang nagdadasal na sana ay may makita siyang kakilala niya na konektado kay Dr. Robert.Walang mga resulta ang paghahanap niya.Gayunpaman, hindi mapigilan ni Luna na mapansin na pinakasalan ni Dr. Robert ang isang babae na sampung taon na mas bata sa kanya.Ang pangalan ng asawa niya ay Janice Yale.Gayunpaman, pagclick ni Luna sa impormasyon ni Janice Yale, nakita niya ang isang pamilyar na pangalan—Violet Lewis.Sa mga nakalipas na ilang tao
“Kilala mo ba ang doctor na hindi nakaligtas sa kanya?”Nanatiling tahimik si Christian bago siya sumagot, “Hindi ko alam. Alam ko lang ay pagkatapos mamatay ng tata ni Violet na si Shaun, nag interview ang press sa doctor na gumawa ng surgery sa kanila. Syempre, hindi nilabas ng doctor ang pangalan niya, pero sinabi niya sa press na nabasag ang puso nila dahil hindi nila naligtas sina Violet o si Shaun.”Pagkatapos, bumaba ng kama si Christian at tinanong niya, “Bakit mo biglang tinatanong ang mga ito? Sa tingin mo talaga ay may kakaiba sa pagkamatay ni Violet?”Nanatiling tahimik ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay nagbuntong hininga siya at sinabi niya kay Christian ang natuklasan niya. “Hindi ko sigurado kung alam mo ito, pero ang nanay ni Violet, si Janice, ay kasal na ngayon kay Dr. Robert.”Agad na bumaba si Christian ng kama. “Si Dr. Robert Jenson, ang parehong Dr. Robert Jenson na gumawa ng pekeng medical certification para kay Fiona?”Tumango si Luna. “Oo. Tulad ng s
Hindi inaasahan ni Luna ang tanong na ito mula kay Christian.Mahigpit ang hawak niya sa phone at tahimik siya ng matagal. Hindi niya mapigilan na umubo.“Christian, anong klaseng biro ito? Pinsan ka nila Nigel at Nellie. Kahit na hindi gaano kalaki ang agwat ng edad natin, ang relasyon sa pamilya…”Sa kabilang linya ng phone, tumawa si Christian. “Kung wala kang plano na sumama kay Joshua, ano ang problema ng relasyon sa pamilya?”“Maliban sa sabihin na hindi gaano malaki ang agwat ng edad natin at ito ay dahil sa relasyon sa pamilya…”“Mas mabuti na sabihin na lang ng ganito: kahit na problema ang relasyon sa pamilya, hindi naman gaano malaki ang agwat ng edad natin.”Pagkatapos, umubo si Christian at nagpatuloy siya ng seryoso, “Luna, hindi mo muna ba pwedeng pag iisipan?”Tumigil ng ilang sandali si Luna. Humigpit ang lalamunan niya. “Christian, ‘wag mo na akong paisipin, dahil—”“Seryoso naman ako, pero naririnig mo pa rin na nagbibiro ako?” Bago pa matapos magsalita si Lu
Sa huli, nagdesisyon si Luna na tumingin.Dumaan na siya sa ganitong tag init.Ang samantalahin ang pagtatapos ng tag init at ang magpaalam sa hindi masasayang pangyayari ay magandang desisyon din.Ang pinakamahalaga sa lahat ay gutom na talaga siya. Mag isa lang siya sa bahay, at tinatamad pa siya na magluto ng pagkain.Kaya naman, pagkatapos tanungin si Anne kung saan ginanap ang event, naghanda lang si Luna at tumawag siya ng taxi.Sa labas ng Blue Bay Villa, sa isang sulok…Nilabas ni Zach ang phone niya. “Mr. Lynch, tumawag po ng taxi si Ms. Luna at umalis po siya. Sundan po ba namin siya?”May malamig na boses ng lalaki sa kabilang linya, “Sundan mo siya.” Pagkatapos, binaba niya ang phone nang may kumatok sa pinto ng study room niya.“Joshua.”Ang taong pumasok sa kwarto ay si Fiona na mukhang agrabyado.Suot niya pa rin ang karaniwan niyang puting dress, mukha siyang mahina.“Joshua, pinupuntirya ako ni Granny Lynch. Ayaw kong kumain ng hapunan sa bahay ngayong gabi.