Mabilis na nakipag-ugnayan si Luna kay Anne. Kahit na si Anne ay isang plastic surgeon, marami pa rin siyang koneksyon sa loob ng medikal na komunidad ng Banyan City. Ibinigay sa kanya ni Anne ang kontak ng isang doktor na dati niyang kilala mula sa medikal na paaralan, at nakipag-ugnayan si Luna sa doktor. Matapos malaman na naghahanap siya ng isang bata na nagngangalang Jake Landry, nagpadala ang doktor kay Luna ng ilang impormasyon tungkol sa ward number ng bata. Nagkataon, ang ward ay nagkataon na matatagpuan sa palapag na kanilang kinaroroonan! Ikinatuwa ito nina Luna at Christian. Palihim silang lumabas ng janitor's closet at tinungo ang ward ni Jake. Gayunpaman, laking gulat nila nang sa wakas ay matagpuan na nila ang higaan na pagmamay-ari ni Jake, nakaharap nila ang isang estranghero. “Ikaw ba si Jake Landry?” Hindi makapaniwala si Christian sa kanyang mga mata. Napaawang ang labi ng bata sa galit. "Syempre! Sino ka, at ano ang sinusubukan mong gawin?" Kumunot an
Handa ba si Joshua na ibalik sa kanya ang mga bata kapag matagumpay siyang nagamot? Hindi pa nga siya nakakakita ng report ng doktor at naniwala na si Luna na mentally unstable dahil sa sinabi ni Fiona at fake-Nigel. Ang masama pa, kinuha niya ang kanyang mga anak mula sa kanya! Paano siya nakatitiyak na ibabalik nito ang mga bata sa kanya, at hindi gagamitin ang kanyang mental na kalagayan bilang dahilan upang manatili sila sa kanyang tabi? Ang mga sakit sa saykayatriko ay isa sa mga pinaka-mapanghamong sakit upang masuri. Si Luna ay na-provoke ni Fiona sa ward, na nagbunsod sa kanya upang salakayin si Fiona sa pagsakal dito. Gayunpaman, naisip nina Fiona at Joshua na siya ay nawala sa kanyang isip at nakumbinsi ang kanilang sarili na siya ay may sakit sa pag-iisip. Mahigpit na hinawakan ni Luna ang phone niya. Nang magpapatuloy siya sa pakikinig, gayunpaman, ibinaba ang tawag. Ipinikit ni Luna ang kanyang mga mata habang pinapakinggan ang beeping dial tone, pagkatapos ay
Alam ni Luna na tama siya. Ang lalaking nasa gitna ng screen, ang nakasuot ng uniporme ng janitor at humila ng malaking basurahan sa likod niya, ay kapareho ng Theo na tila namatay sa pagsabog ilang buwan na ang nakakaraan! Pakiramdam ni Luna ay parang tinamaan ng kidlat ang buong katawan niya. Naninigas ang bawat selula sa katawan niya. Hindi siya makagalaw, hindi makapagsalita, at hindi alam kung ano ang iisipin. Kung ang hitsura ng isang bata na kamukhang-kamukha nina Neil at Nigel ay nagkataon lang... Paano niya maipapaliwanag ito? Isang maliit na batang lalaki na kamukha ni Neil, pati na rin ang isang lalaki na kamukha ni Theo, ay lumabas sa parehong ospital sa parehong oras... Kahit anong pilit niyang pigilin, hindi pa rin maiwasan ni Luna na maniwala na may mga milagrong maaaring mangyari. Si Theo at Neil ba… ay buhay? Biglang naalala ni Luna ang email na natanggap niya. Mabilis niyang ni-record ang surveillance tape na kasama si Theo, nagpaalam kay Christian
Hindi karapat-dapat na marinig ni Joshua ang kamangha-manghang balitang ito. "Totoo ba ito? Iyan ay nakakabilib !” Sa sandaling matanggap ni Anne ang tawag ni Luna, pumunta siya sa Blue Bay Villa kasama si John. Pagkapasok na pagkapasok niya sa pinto ay agad siyang lumapit kay Luna at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya. “Luna, ito ay kamangha-manghang balita! Ang pagkaalam na buhay pa si Neil ay ang pinakamagandang balita na natanggap ko! Tama pala ang telepatikong koneksyon nina Nigel at Nellie!” Tuwang-tuwa si Anne na nagsimula siyang madapa sa kanyang mga salita. “Sinabi ko na sa iyo noon na huwag mong balewalain ang mga salita nina Nigel at Nellie dahil lang sa mga bata sila. Anuman ang nangyari kay Neil, nawalan man siya ng alaala, na-brainwash ni Aura, o pinagbantaan na akusahan ka na nasisiraan ka na ng bait... Hangga't nabubuhay siya, sigurado akong babalikan ka niya!" Hindi napigilan ni Luna ang pagdaloy ng init sa kanyang puso nang makita niya kung gaano kasaya
Pagkatapos umalis nila Anne at John, matagal na nanatili si Luna sa sala.Magbabago na nga ang buhay niya dahil kinuha sa kanya sina Nigel at Nellie, ngayon at nangyari ang mga nangyari kanina… Pakiramdam ni Luna na sasabog na ang ulo niya.Nanatili siyang nakaupo sa sofa, pagkatapos ay tumayo siya at naglakad siya sa kwarto. Paminsan minsan, pupunta siya sa kusina para kumuha ng baso ng tubig, at pagkabalik niya, tulala pa rin siyang nakatingin sa baso.Iminungkahi ni John na kausapin ni Luna si Fiona at kumbinsihin ito na sabihin niya na ang totoo tungkol kela Aura, Theo, at Neil.Gayunpaman, alam ni Luna na kahit anong gawin niya, hindi ito sasabihin ni Fiona.Walang ibang gusto si Fiona kundi ang mamatay si Luna. Kaya naman, kung mas desperado si Luna, mas masaya si Fiona.Sinasadya ni Fiona na galitin si Fiona kanina dahil alam niya na walang mas importante para kay Luna kaysa sa mga anak nito. Kaya naman, paano maaawa si Fiona kay Luna at sabihin ang totoo tungkol kela Neil
“Sinabi mo na gusto mong maghanap ng ebidensya, pero paano mo gagawin ‘yun? Hihingi ka ba ng tulong sa isang ordinaryong doctor para patunayan na pinepeke ni Fiona ang sakit niya? Hindi ito paniniwalaan ni Joshua!”Ngumisi si Luna. “Kung kaya ni Fiona na ipagawa kay Dr. Robert ang isang pekeng certificate, edi papagawa ako sa kanya ng tunay.”Tumigil si Christian nang marinig niya ito. “Anong ibig mong sabihin?”“Ang ibig kong sabihin ay kukunin ko ang medical report ni Fiona, itatago ko ang pangalan, at hahayaan natin ang sikat na doctor na ito na suriin ulit siya.”Tumahimik si Christian nang marinig niya ito. Pagkatapos ng ilang sandali, sumagot siya, “Sa tingin ko ay hindi gagana ang plano mo, pero… mas mabuti na ito kaysa sa hindi tayo kumilos.”Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Susunduin kita ngayon, at mag jojoyride tayo.”“Sige. Hihintayin kita.”Pagbaba ng phone, huminga ng malalim si Luna at bumaba siya para magbihis. Sa labas ng Blue Bay Villa, may isang itim
Dinala ni Christian si Luna para umikot ng ilang beses sa Ring Road.Nakasalubong nila ang parehong grupo ng mga tao na nakaharap ni Christian sa karera dati, ngunit ngayon, hindi sila lumapit kay Christian at medyo lumayo lang sila mula sa kotse niya.Hindi mapigilan ni Christian na tumawa. “Mga duwag. Niyaya nila akong magkarera dati, pero ngayon, hindi man lang nila kayang lumapit sakin.”Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya sa rearview mirror.Tama si Christian. Ang mga kotse na nakaharap nila sa karera ay may ilang dosenang metro mula kay Christian, nakakatawa, nakikipag karera sa isa’t isa sa katamtaman na bilis.Ngunit, sa ikinagulat ni Luna, nakita niya ang isang pamilyar na itim na Masevati. Kamukha ito ng kotse ni Joshua.Gayunpaman, baka dahil masyadong madilim ang ilaw at dahil masyadong maraming kotse, hindi mabasa ni Luna ang plate number.Sumingkit ng ilang sandali si Luna, sinubukan niyang basahin ang plate number ng kotse, ngunit nabigo siya.Sa huli, ngumi
Pagkatapos, humikab si Christian at nagpatuloy siya, “Pero masasabi ko, Uncle Joshua, kapag naulit ulit ito, hindi niyo po kami dapat sundan sa buong Banyan City tulad nitong gabi.“Kahit na po may mga layunin ako sa pagiging malapit ko kay Luna, hindi po ako nandito para ipahamak siya, kaya’t pwede po kayong mapanatag ngayon at alam niyo na ito. Higit pa po dito…”Ngumisi si Christian. “Masyadong malupit po kayo kay Luna kahapon, sinabi niyo po na may sakit siya sa pag iisip at gusto niyo pa po siya ipadala sa mental hospital… pero mapagmalasakit po kayo ngayon, sinusundan niyo po siya kahit saan. Hindi po ba kayo natatakot na isipin ni Luna na salungat ang mga kinikilos niyo?”Sumingkit ang mga mata ni Joshua nang marinig niya ito.Mabait at puno ng respeto dati si Christian sa kanya, ngunit halatang panlalait ang huling sinabi ni Christian sa kanya.Sa sobrang higpit ng hawak ni Joshua sa phone niya ay namuti ang mga kamao niya. “Mukhang hindi ka na interesado sa investment ko,
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya