Sinabi ni Pangulong Calvin, “Ito...Ito ay dahil dalawang araw bago ang kumpetisyon, pumutok ang internet tungkol sa pananakot ni Luna sa baguhan. Hindi niya pinahintulutan ang baguhan na makibahagi sa pangunahing gawain ng disenyo ng team. “At saka, since half a month ago, binu-bully niya ang baguhan. Siya ay may kahila-hilakbot na karakter, kaya kailangan namin siyang palitan…” Natawa si Joey, “Bad character? Sinasabi mo bang may masamang ugali ang aking master?" Umakyat siya sa stage. “Lahat kayo rito ay mga pinuno ng industriya ng disenyo ng alahas. Maari ko bang itanong, mayroon ba sa inyo nakarinig ng anumang balita ng aking master na nang-aapi sa mga baguhan? “Noong nagsimula akong sumunod sa aking master, katatapos ko lang sa unibersidad. Wala akong alam. Siya ang nagturo sa akin ng paunti-unti kung paano gawing praktika ang mga teorya mula sa mga aklat-aralin. "Sigurado akong alam ninyong lahat ang tungkol sa reputasyon ng aking master sa industriya ng disenyo ng al
Napatingin ang lahat sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Ang taong pumasok ay walang iba kundi si Bonnie, na nagsabi noon kay Luna na gusto niyang libutin ang mundo at umalis na siya sa Banyan City sa loob ng kalahating buwan. Sa sandaling iyon, tila sumugod si Bonnie sa sandaling lumapag ang eroplano. Nakasuot pa rin siya ng shades at trench coat. Naglakad siya papunta sa venue, umakyat sa stage, at tumayo sa tabi ni Luna. Sinalubong niya ng malamig na tingin ang lalaking katabi ni Fiona. Pagkatapos, tumingin siya sa lahat ng naroon. “Sigurado akong gustong malaman ng lahat kung ano ang nangyayari sa mga video ni Luna na binu-bully si Fiona, di ba? Nagkataon lang, kaya kong ipaliwanag.” Hindi napigilan ni Luna na kumunot ang kanyang mga kilay sa sinabi ni Bonnie. Sinabi niya sa isang pinipigilang tono, "Hindi ba naglalakbay ka?" Inilibot ni Bonnie ang kanyang mga mata kay Luna. "Pinagbabalakan kang maigi, paano ako makakapaglakbay nang payapa?" Pagkatapos, hum
Kumunot ang noo ni Luna at pinandilatan si Samson. Saka lang niya kinagat ang labi at pinigilan ang galit. Gayunpaman, pinandilatan pa rin niya ng mata si Fiona na puno ng pagkamuhi. Napansin ni Fiona ang galit sa mga mata ni Samson, ngunit nagpanggap siya na parang hindi niya ito nakita. Inosenteng ipinikit niya ang kanyang mga mata. "Ms. Luna, Ms. Craig, lahat ay hindi nakikinig sa akin, ano ang dapat kong gawin?” "Okay lang kung hindi ka nila pakinggan." Tumawa si Bonnie, "Ang kailangan lang nilang gawin ay magtiwala sa ebidensya." Pagkatapos, diretsong tiningnan niya si Zayne at binigyan ito ng flash drive. Naintindihan naman agad ni Zayne at ikinonekta ang flash drive sa computer at binuksan ang mga files. “Lahat kayo.” Ngumiti si Bonnie at mayabang na sinabi, “Ang katotohanan sa mga video na iyon. Bibigyan ko kayo ng sagot." Ang karamihan na sumisigaw tungkol sa pagboycott kay Luna ay hindi nakinig sa kanya. "Alam ng lahat na kayo ni Luna ay isang team!" “
Natahimik ang buong karamihan sa sinabi ni Luna. Hindi lang yung iba pati si Fiona natulala din. Gusto lang niyang i-provoke si Luna. Hindi niya akalain na papayag si Luna!“Master…”Si Joey naman, sa gilid, ay napakunot ng noo. "Paano mo…" Kahit hindi binanggit ang pagretiro mula sa industriya ng disenyo ng alahas, ang paghingi lang ng tawad kay Fiona sa publiko ay sapat na sa kahihiyan para sa isang taong tulad ni Luna. Paano siya pumayag na lang basta? Nagsalubong din ang mga kilay nina Samson at Zayne. "Director Luna, ikaw ay..." Ngumiti si Luna at masuyong tumingin kay Bonnie. "May tiwala ako sa kaibigan ko." Kung kayang talikuran ni Bonnie ang kanyang paglalakbay para bumalik sa Banyan City, lubos siyang pinagkatiwalaan ni Luna. Gayundin, si Bonnie ay isang propesyonal na reporter dati. Nagtiwala si Luna sa kanyang paghatol. Kung walang sapat na ebidensya si Bonnie, hindi siya pupunta rito. Napakaraming ginawa ni Bonnie para kay Luna. Kung hindi man lang siy
Hindi lang pareho silang hindi nag-wish o nagbigay ng bulaklak kay Luna, sa sandaling magsalita si Charmaine ay napuno rin ito ng pangungutya at panunukso. Nang maglaon, hindi na nakuha ni Luna ang panunuya ni Charmaine kay Shannon, kaya naglakad siya papunta sa kung saan naka-set up ang camera. Tapos, yun yung part kung saan si Luna ay naglelecture kina Fiona at Charmaine. Yung kumakalat na viral sa internet. Sa pagtatapos ng video, si Charmaine ang nakaupo sa harap ng camera. "Lahat, ito ang buong sitwasyon na nangyari noong araw na iyon. Nasa akin ang source file. Noong ibinigay ko ito kay Fiona dati, pina-delete niya sakin ang video, pero tinutulan ko ito at nag-back up ng kopya. “Yung mga nakita mo sa internet ay na-edit na. Ang totoo ay naghanda kami ni Fiona na kunan ng footage ang pag-bully sa amin ni Luna noong araw na iyon. Nang maglaon, naisip ni Fiona na mas magiging kapaki-pakinabang ang pambu-bully ni Luna sa iba. Kaya, naging ganito." Huminga ng malalim si Ch
"Nagbuhos ka man ng mainit na tubig sa iyong sarili o hindi, malinaw na alam mo." Ngumisi si Bonnie at nagpatuloy sa pagbukas ng isang dokumento mula sa flash drive. "Ito ay mga paso mula sa isang taong napaso ng sariwang pinakuluang tubig sa loob ng sampung minuto. Ito ay isang taong napaso sa kape. Ang huli ay ang mga paso ni Ms. Blake. Kanino siya nabibilang?” Matagal na natahimik ang audience nang marinig nila ang sinabi ni Bonnie. Sa huli, may mahinang nagsabi, “ Ang mga paso ni Ms. Blake ay katulad ng bagong pinakuluang tubig…” Tumango si Bonnie. Ganun din ang sinabi niya sa doktor nang dalhin ni Luna si Joshua sa ospital noong araw na iyon. "Dahil kinailangan nilang isaalang-alang ang pag-inom ng kape ng mga kostumer, ang mga kape ay karaniwang hindi tiniitimpla sa temperaturang kumukulo..." Ang mga ekspresyon ni Fiona ay naging pangit kaagad. Kinagat niya ang labi at galit na pinandilatan si Bonnie. "Hindi mo pwedeng husgahan ng ganito! Yung kape na nakapaso s
Natahimik ng ilang segundo ang mga manonood bago nag-udyok sa mas malaking kaguluhan. Lahat ng naninindigan sa tabi ni Fiona na nananawagan para sa boycott kay Luna sa wakas ay napagtanto na sila ay nalinlang sa sandaling iyon. Ang usapin ng pambu-bully ni Luna kay Fiona kalahating buwan na ang nakalipas ay wala pala. Si Fiona na pinaso ni Luna ay sariling plano ni Fiona. Naghanda pa siya ng dalawang plano, ang pagnakaw ng mga sketch ni Luna at ang pag frame kay Luna para sa pagpaso sa kanya. Sa huli, napaso nga si Fiona. Gayunpaman, nangyari ang kanyang mga paso dahil binuhusan niya ang kanyang sarili ng kumukulong tubig sa VIP consultation room sa ospital! Ang intensyon niya ay i-frame up lang si Luna! Sa sandaling naipaliwanag ang dalawang bagay na iyon, ang iba, tulad ng kung paano siya binu-bully ni Luna at pinagbawalan siyang makibahagi sa core design work, o kung paano siya itinulak ni Luna, ay hindi na ganoon kahalaga. Dahil hindi na nila kailangan pang hulaan p
Kumunot ang noo ni Luna dahil sa mga sinabi ni Jude.Tumingin siya kay Jude at ngumiti siya ng kakaiba.“May nakakamatay na sakit si Fiona?”Anong pagpapanggap na naman ang ginagawa ni Fiona?Dati pa sinabi ni Fiona na pinaso siya ni Luna ng mainit na tubig. At ngayon, hindi pa ito sapat, gumawa pa siya ng dahilan tulad ng nakakamatay na sakit?“Hindi ako nagsisinungaling sayo!”Nagbuntong hininga si Jude at sinabi niya, “Luna, sa mga sandaling ito, walang rason para magsinungaling ako sa iyo. May nakakamatay na sakit si Fiona, pati malubha talaga ito. Sinabi ng mga doktor na kulang sa isang taon na lang ang buhay niya.”Pagkatapos, nagbuntong hininga si Jude.“Luna, wala akong dahilan para magsinungaling sayo. Sinabi sa akin ni Joshua na itago sayo ang tungkol dito, pero sa tingin ko ay kailangan mong malaman…”Tumingin si Jude kay Luna at sinabi niya ng seryoso, “Baka sa tingin mo ay pinapamihasa ni Joshua si Fiona, pero may rason siya para dito. Simula pa nang magkasama sin
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya