Nang sa wakas ay dumating si Joshua sa ospital, ang doktor ay nasa kalagitnaan ng paglilinis at pagbenda ng sugat ni Fiona. Hindi napigilan ng doktor na magreklamo sa katulong na nakatingin sa gilid, “Bakit hindi mo sinabi sa akin na pumunta ako ng mas maaga, alam mo naman kung gaano kalubha ang sugat niya? Wala kang silbi!" Nakagat ng katulong ang kanyang labi at sumagot sa medyo nahihiyang tono, “Mukha po siyang maayos, at sinabi pa po niyang ayos lang siya. Napaso lang po siya ng isang tasa ng kape, kaya hindi ko po siya masyadong pinansin. hindi ko po alam na…” Hindi niya alam kung gaano kalubha ang paso ng pasyenteng ito! Sa pagkakataong ito, humakbang si Joshua sa kwarto. Ang una niyang nakita sa pagpasok niya ay ang tali ng mga paltos sa tiyan ni Fiona, na kasing higpit ng pagkakasapin ng isang tanikala ng mga perlas. Nang makita niya ito, kumunot ang noo ni Joshua. "Anong nangyari?" Napakagat labi si Fiona at sumagot sa mahinang boses, “Wala. Kasalanan ko. Hindi s
"Siya ba ang namaso kay Ms. Blake ng kanyang kape?" “Oo. Narinig ko na ang mga paso ni Ms. Blake ay napakatindi na ang kanyang tiyan ay ganap na natatakpan ng mga paltos. Nakakakilabot! Sa kabila noon, hindi siya sinisisi ni Ms. Blake sa anuman." “Hindi lang siya pinatawad ni Ms. Blake, kundi hiniling pa niya kay President Lynch na huwag pagsabihan si Luna para dito. Tila, ayaw niyang magdulot ng anumang alitan o di-pagkakaunawaan sa pagitan nila dahil sa paparating na patimpalak sa disenyo ng alahas." “Sa palagay mo ba ay isusuka siya ni Pangulong Lynch pagkatapos ng kompetisyon?” “Sino ang nakakaalam? Kahit na siya ay isang mahuhusay na taga-disenyo, hindi siya isang mabuting tao…”…Nang gabing iyon, habang kumakain si Luna at ang iba pa sa cafeteria ng kumpanya, narinig nila ang mga anas at bulungan ng mga empleyado sa kanilang paligid. Agad na kumunot ang noo ni Samson nang marinig ito. Malakas niyang ibinagsak ang tinidor sa mesa at umungol, "Ang lakas ng loob nilang
Agad na nadismaya si Luna dahil sa mga sinabi ni Joshua.Hindi niya inaasahan na tatanungin agad siya ni Joshua kung sinasadya niya ito, ngayon at halatang aksidente ito.Ngumiti si Luna at tumingin siya sa malamig na titig ni Joshua.“Mr. Lynch, kung sa tingin mo na sinasadya ko ito, edi sinasadya ko ito.”Hindi na kailangan ni Luna ipaliwanag ang sarili niya. Kahit anong paliwanag niya sa sarili niya, hindi makikinig sa kanya si Joshua.Habang nakatingin sa reaksyon ni Luna, nagbuntong hininga si Joshua. Kumunot ng malalim ang noo niya.“Luna, naiintindihan ko ang malaking pressure sayo ng paghahanda para sa kompetisyon, pero hindi ito rason para apihin mo si Fiona.”Pagkatapos, nag buntong hininga si Joshua. “Humingi ka ng tawad kay Fiona, pati na ang nangyari kanina.”Naalala pa rin ni Joshua kung gaano kalala ang paso ni Fiona kanina.Ngunit ngayon, kahit walang paso, namantsahan pa rin ni Luna ang damit ni Fiona.Dalawang pangyayari sa isang araw. Mahirap kumbinsihin an
Kinagat ni Fiona nag labi niya.“Ms. Luna, ‘wag mo silang pansinin. Kalokohan ang sinasabi nila. Hindi… ako napaso.”Pagkatapos, tumalikod siya at tumakas.Habang nakikita na paalis si Fiona, kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Luna.“Mas nagiging malupit ka na talaga.”Pagkatapos, agad na umalis si Joshua.Nakatayo sa pwesto si Luna, at humigpit ang mga kamao niya sa gilid.Siya ba ang malupit?Dahil lang hindi siya humingi ng tawad sa mahal na Ms. Blake ni Joshua, malupit na siya.Dahil lang tinanong niya ang mahal na Ms. Blake ni Joshua kung nagpapanggap ito na may sakit, malupit na siya.Kung ganito lang pala, hayaan nalang na maging malupit siya.Hanggang ngayon, hindi niya na kailangan maging maamo at mabait sa harap ni Joshua.“Director Luna.”Humabol sina Samson, Arianna, at Zayne kay Luna.“Ayos lang po ba kayo?”Umiling si Luna at nagbuntong hininga siya.“Bumalik na tayo at magtrabaho.”Tatlong araw na lang bago ang kompetisyon. Pagkalipas ng isan
Nakakatakot ang paso ni Fiona.Pati, para mas malala ang mga paso na ipapakita niya ngayong araw, sadyang tinanggal ni Fiona ang bandage na nakabalot dito nung umaga, nakalantad lahat ang paltos sa lahat ng tao.Tumahimik ang buong meeting room.Gulat na tumingin ang lahat sa paso ni Fiona. Sa sobrang gulat nila ay walang nakaisip na tulungan siya.Nabigla din si Luna sa eksenang nasa harap niya.Makalipas ang ilang sandali, si Luna ang unang nag react. Lumapit siya at tinulungan niyang tumayo si Fiona.“Saan ito nanggaling?”Kahit na ayaw ni Luna kay Fiona, nang makita ang mga paso nito, hindi niya mapigilan na maging maamo ang tono niya.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ang sunod na sinabi ni Fiona ay magpupunta kay Luna sa isang pangit na sitwasyon.Kinagat ni Fiona ang mga labi niya at tinakpan niya ang paso sa tiyan niya.“Ayos lang ako, Ms. Luna. Kahit na ikaw ang gumawa nito, hindi kita masisisi. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pinilit kitang bigyan ng kape, kaya’t
“Pero…”Hindi naman sa hindi niya pinapasali si Fiona. Binigyan niya si Fiona ng trabaho para pagandahin ang mga maliit na detalye, ngunit walang kakayahan si Fiona. Hindi niya ito magawa ng matino.Kaya lang ni Luna na utusan na lang si Fiona.“Hindi mo na kailangan magpaliwanag.” Nagbuntong hininga si President Calvin. “Tatawagan ko si Mr. Lynch ng Lynch Group para sa sitwasyon na ito. Iimbestigahan namin ang problema ng team niyo. Kung totoo nga talaga ang sinabi nila, na hindi sumama si Ms. Blake para gawin ang mga pangunahing gawain, ikakansela natin ang pagsama niyo sa kompetisyon.”Pagkatapos, tumalikod na siya at umalis.Tumingin ng mayabang ang iba kay Luna habang nagliligpit na sila para umalis.Nanatili si Luna sa pwesto. Naramdaman niya na parang sumabog ang utak niya.Sa mga nakalipas na araw, nalilito siya kung bakit si Fiona—na handa para sirain ang kompetisyon—ay masunurin nitong nakaraan, maliban sa pagpunta nito sa opisina niya kahapon.Akala ni Luna ay dahil
Hindi alam ni Luna kung paano siya hinatid nila Zayne at Samson pauwi.Nang makarating siya sa Blue Bay Villa, umupo siya sa sofa at miserable siyang tumingin sa mga komento at mga video.Walang sinabi sina Zayne at Samson sa buong biyahe habang hinatid siya pauwi.Gayunpaman, alam ni Luna na pareho rin silang miserable. Kung sabagay, ito ang unang kompetisyon nila pagkatapos magkaroon ng trabaho.Sa mga nakalipas na araw, pareho sila kay Luna—busy sa trabaho at walang tulog.Kung tinggal sila sa kompetisyon dahil kay Luna…Pumikit si Luna. Sa sobrang lungkot niya ay hindi niya alam ang gagawin niya.Metikulosong pinagplanuhan ni Fiona ang mga pakana niya.Nagsimula ito sa video noong nakalipas na kalahating buwan.May rason pa si Luna para paghinalaan na intensyon ni Fiona na ipaalam kay Charmaine na intensyon niya na gumawa ng gulo sa kompetisyon para balaan ni Charmaine si Arianna bago siya umalis, para maging mas maingat si Luna kay Fiona.Dahil sa pagiingat niya kay Fion
“Nasa cafe ako malapit sa bahay mo. Pwede ba tayong magkita?”Tumigil ng ilang saglit si Luna bago siya ngumiti. “Sige.”Matalas ang memorya ni Joshua. Naalala niya na minsang sinabi ni Luna na ‘wag na siyang magpakita sa bahay nila.“Pupuntahan niyo po siya?” Ang tanong ni Nigel ng mababang boses.Tumango si Luna.“Dapat kong hanapan ng solusyon ito. Hinanap niya siguro ako dahil din dito.”Nagbuntong hininga si Nigel at sinabi niya, “Mag ingat po kayo sa kalsada.”Sa mga sandaling ito, ang lahat ng negatibong komento sa online ay tungkol kay Luna. Medyo nag aalala si Nigel.“Mommy!”Pagsuot ni Luna ng jacket at nang paalis na siya, narinig niya ang boses ni Nellie mula sa taas.Kumunot ang noo niya. “Anong nangyayari?”Bumaba ng hagdan si Nellie gamit ang munting mga paa niya. Tumakbo siya papunta kay Luna at binigay niya ang mga gamit na hinanda niya para kay Luna.“Kunin niyo po ito! Magagamit niyo po ito!”Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya sa mga bagay na binig