Nagdilim ang ekspresyon ng babae nang marinig iyon. Sinamaan niya ng tingin si Luna at umirap, “Limampung libong dolyar ang kabayaran sa paninira ng aking damit. Bakit kailangan kong ibigay ito sa inyo?" Tapos, nilabas niya yung phone niya. “Kayo ay apat at ako ay nag-iisa, kaya hindi ko kayo makumbinsi kung hindi man, ngunit tatawagan ko si Ms. Blake ngayon at ipapaayos niya ito minsan at para sa lahat! May mayaman at makapangyarihang boyfriend si Ms. Blake, alam mo ba. Sa hinaharap, kapag nagpakasal sila, siya ang magiging pinakarespetadong babae sa Banyan City. Dahil ako ang kanyang pinakapinagkakatiwalaan at tapat na lingkod, tiyak na aanihin nyo ang mga kahihinatnan ng pagkakasala sa akin!"Kasabay noon, nag-dial ang babae ng number at tumabi para tumawag. "Ms. Blake…”"Ms. Blake?” Pagkaalis na pagkaalis ng babae, nagpalitan ng tingin sina Samson, Zayne, at Shannon at ilang sandali pa ay bumaling na sila kay Luna. “Ito ba…ang Ms. Blake na iniisip natin?”Ngumisi si Luna. "Siya
Agad namang nanigas ang kamay ni Luna na nakahawak sa phone nang marinig niya ito.Hindi niya inasahan na tatawagan siya ni Joshua dahil dito, at gusto niyang tumulong pa siya sa pag-aayos sa bagay na ito.Isang malamig na ngisi ang pinakawalan ni Luna. "Talagang mahalaga sa iyo si Ms. Blake, Mr. Lynch. Gusto mo pa akong tumulong sa paglilinis ng mga kalat ng kanyang katulong."Hindi hininaan ni Luna ang boses sa sinabi nito, kaya natural na narinig ng tatlo niyang kasama at agad silang tumahimik.Nanlalaki ang mga mata nilang tinitigan si Luna at ikiniling ang kanilang mga ulo para makinig sa usapan nito.Tila hindi ito pinansin ni Luna at sa halip ay nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Joshua, “Sa tingin ko sa iyo, Mr. Lynch, walang mas mahalaga pa sa iyong kasintahan. Nagbanta kang sisibakin ang mga katulong ko kapag sinaktan nila si Ms. Blake, pero ngayon, nagkataon lang na nakipagtalo ang katulong ni Ms. Blake sa cafeteria, pero gusto mo ako, na Design Director ng Lynch Group, n
Sa totoo lang, alam na alam ni Fiona kung sino ang nakaaway ni Mrs. Collins.Nakikipag-video-call si Mrs. Collins sa kanya sa sandaling iyon, at agad na nakita ni Fiona sina Luna, Shannon, at ang dalawang assistant na nakaupo sa isang mesa sa di kalayuan sa sandaling magkonekta ang tawag.Bukod dito, nagreklamo si Mrs. Collins kay Fiona tungkol sa kanyang away habang sabay turo sa kanila, kaya paanong hindi niya alam? Dahil dito, iminungkahi niyang humingi ng tulong kay Luna.Mukhang hindi nagulat si Joshua sa sagot niya. Pumikit siya at huminga ng malalim."Joshua?" Inangat ni Fiona ang kanyang ulo at itinuon ang kanyang malambot at magiliw na tingin sa mukha ni Joshua. “Anong mali?”"Ang mga taong nakikipagtalo kay Mrs. Collins ay sila Luna."Si Fiona na nakasandal sa headboard ay agad na nanlaki ang mga mata sa gulat at napatakip ng kamay sa bibig. "Paanong nangyari to? Si Mrs. Collins ay palaging tapat at simple ang pag-iisip, at bihira siyang makipag-away sa sinuman. Alam ko
Hindi napigilan ni Joshua ang pagkunot ng noo nang marinig ang tono ni Luna. “Hintayin mo ako,” malamig niyang utos, saka agad ibinaba ang telepono."Joshua." Tinapunan siya ni Fiona ng nag-aalalang tingin mula sa kinauupuan niya sa kama ng ospital at sinabing, “Kung hindi mo makamit ang isang kompromiso kay Ms. Luna, isisi mo na lang ang lahat sa amin ni Mrs. Collins. Huwag mo na siyang guguluhin, okay?"Nang makitang maunawain si Fiona, napabuntong-hininga si Joshua at tumango. Pagkatapos, tumalikod na siya at lumabas ng kwarto.Nakasandal si Fiona sa headboard at pinanood si Joshua na umalis na nakangisi. Ang kanyang maitim na mga mata ay may nakaukit na kayabangan at tagumpay.Na-overestimate pala niya si Luna. Akala niya ay matalino at calculative si Luna, ngunit isa lang siyang padalus-dalos at mapusok na babae.‘Paano niya ako kakalabanin?’ naisip ni Fiona sa sarili. 'Maaga o huli, magiging akin na si Joshua Lynch!'…Sa labas ng ward.Nakaupo si Luna sa isang bench sa
"Si Mrs. Collins ay halos animnapung taong gulang na ngayon, at siya ang nakatatanda kay Samson. Hindi mo ba iniisip na napakawalang galang sa kanya na hilingin sa kanya na hubarin ang kanyang damit sa publiko?"Napangiti si Luna nang marinig iyon. “Hayaan mong tanungin kita nito, Mr. Lynch. Hindi sinasadyang natapon ni Mrs. Collins ang pagkain sa kanyang damit, kaya hindi ba dapat bayaran na lang namin siya para sa sa dry-cleaning? Tumanggi siyang hayaan kaming bayaran iyon at sa halip ay iginiit na bayaran namin siya ng buong halaga para sa buong damit. Nang tumanggi kami, tinawag niya kaming pobre at sinabing hindi kami maikukumpara kay Ms. Blake... Sa tingin mo ba nararapat para sa kanya na sabihin ang mga ito?"Huminto si Joshua, saka agad lumingon para sulyapan si Mrs. Collins. "Totoo ba ito?"Nagdilim ang ekspresyon ni Mrs. Collins. Akala niya noong una ay kung sino lang sila Luna, na matatakot sa sandaling makaharap sila ni Joshua at magbabayad ng kabayaran. Gayunpaman, laki
Habang iniisip ito ni Marianne, mas nagiging kumpiyansa siya sa kanyang hula.Ito ay isang bagay na madaling malutas sa pamamagitan ng pera. Gayunpaman, hindi lamang tumanggi si Luna na bayaran ito, ngunit iginiit pa niya na hayaan na lang si Mr. Lynch na ayusin ang hindi pagkakaunawaan na ito.Ang tanging kapani-paniwalang paliwanag ay gusto niyang insultuhin si Ms. Blake at gumawa ng hindi pagkakasundo pagitan nila ni Mr. Lynch!Sa sandaling dumating siya sa konklusyon na ito, binaril ni Marianne si Luna ng nakamamatay na tingin, pagkatapos ay tumingin kay Joshua. "Mr. Lynch, dapat mong tanggalin ang babaeng ito! Wala siyang silbi sa iyo, at kung patuloy mong hahayaan siyang manatili sa kumpanya mo, hahanap siya ng iba pang paraan para mawala si Ms. Blake!""Ano ito? Kanina lang, gusto nyong ipatanggal ang mga assistant ko, tapos ngayon gusto mo na rin akong tanggalin?" Napangiti si Luna sa labi, tapos nagtaas ng kilay at sumulyap kay Joshua. "Ano sa tingin mo, Mr. Lynch?"Bahag
Ito ang kanyang tunay na damdamin, tama ba? Siya ay handa lamang na aminin ang mga ito sa ilalim ng matinding galit.Lumalabas na ang lahat ng pagmamahal na ipinakita niya sa mga anak ay peke.Siya ay kasing lamig at walang puso gaya ng anim na taon na ang nakararaan; Masyadong walang muwang si Luna para makita iyon. Bigla niyang napagtanto kung gaano siya katanga para maniwala kay Jude at isipin na may malasakit pa rin si Joshua sa kanya at sa mga anak nila.Pumikit siya at nagpakawala ng mapait na ngiti. “Naiintindihan ko na, Mr. Lynch. Hindi na kita guguluhin at si Ms. Blake. Sa halip, magiging mahiyain akong maliit na aso."Talagang nahihirapan si Luna sa pananalapi, ngunit higit pa rito, hindi siya makaalis sa Banyan City. Sinabi sa kanya ng doktor na ang donor na magbibigay ng bone marrow ni Nigel ay dumating na sa Banyan City at tumangging pumunta sa ibang lugar. Kaya naman, walang choice si Luna kundi ang manatili.Hindi siya pwedeng umalis sa Banyan City, at sa parehong o
Hindi napigilan ni Luna na mapaismid nang marinig ang sinabi ni Fiona.Inangat niya ang kanyang ulo upang titigan si Fiona, na ang mukha ay nakaukit sa kawalan at kainosentehan. "Napakamaunawain mo naman, Ms. Blake."Binigyan siya ni Fiona ng isang matamis na ngiti. “Huwag mo akong purihin. Lahat ng nangyari sa pagitan niyo ni Joshua ay nakaraan na ngayon. Hindi naman siguro ako magseselos sa nangyari bago ko siya nakilala, di ba?“Sigurado akong ganoon din ito para sa iyo. Hindi ka magseselos sa kanya at sa akin, considering na anim na taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay kayo ni Joshua, di ba?"Naramdaman ni Luna ang isang bakas ng paglait sa kanyang puso nang marinig niya ito. "Tama ka.""Anong ibig mong sabihin, tama siya?" Mabilis na hinawakan ni Marianne ang braso ni Fiona at pinandilatan si Luna. “Ang babaeng ito ay halatang nagseselos sa inyo ni Mr. Lynch. Sinubukan pa niyang siraan ang pangalan mo. Sinabi niya na ang damit na ito na binili mo para sa akin ay nagkaka
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya