Malamig na tumawa si Luna. “Kaya mong gawin yun?” Tahimik siyang inirapan ni Samson. “Eksperto ako sa pag-asikaso sa mga doble-karang babae na katulad niya! Kailangan mo ba kami para palayasin siya?” “Hindi.” Inangat niya ang kanyang kamay at binuksan ang dokumentong nasa lamesa, habang malumanay na sinasabi, “Baka bago niyo siya mapalayas sa kumpanya, napalayas na kayo ni Joshua sa kompanya.” At doon, nilabas niya ang kanyang proposal at tinapon ito sa harapan ni Samson. “Ito ang magiging trabaho niyo sa loob ng tatlong buwan.” Sumimangot si Samson, kinuha ang proposal, at tinignan ito. “Mag-aasikaso nanaman kami ng isang malaking proyekto? Ang huli naming malaking proyekto ay kakatapos lang sa loob ng dalawang buwan, tama? Bakit kami kukuha uli ng isa pang nakakapagod at nakakaubos-oras na proyekto?” “Dahil kailangan ko ang pera.” Minasahe niya ang kanyang masakit na sintido. “Ang anak ko ay sasailalim sa isang malaking operasyon sa loob ng dalawang linggo, kailangan ko ng
nang nagsalita siya, umagos ang luha sa kanyang mga mata. “Hindi ko sinasadya…at nasaktan din ako!” Tinignan ni Zayne ang dibdib ni Fiona saka ang likuran ni Arianna na basa din, saka malamig na sinabi, “Ang paso mo ba ay mas malala kaysa kay Arianna?” Nagmamakaawang kinagat ni Fiona ang kanyang labi. “Pero…” Inangat ni Shannon ang kanyang ulo, tignan ang sitwasyon sa kanyang harapan saka ang kape na hawak ni Fiona, at saka nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang dibdib. Dali-dali siyang tumayo at lumapit doon, tumayo sa harapan ni Fiona, at pinagtanggol ito. “Hindi ito sinasadya ni Ms. Blake, bakit niyo siya pinagtutulungan?” Kahit na hindi rin gusto ni Shannon si Fiona, ang insidenteng ito ay nangyari dahil sa dala nito ang kanyang kape. Syempre, kailangan siyang protektahan ni Shannon. “Ms. McCartney.” Nagmamakaawang umiyak si Fiona. “Kasalanan ko to, tama lang sila na pagalitan ako… Huwag kayong mag-away ng dahil lang sa akin…Ayos lang ako.” Habang nagsasalita siya, yum
Habang nakikinig siya sa usapan nila Fiona at Joshua sa phone, naunawaan ni Luna kung bakit si Arianna ang napaso. Halata naman na, mukhang sinuway siya ni Zayne at palihim na pinag-usapan ang kanyang plano sa pagpapalayas kay Fiona kasama sila Arianna at Samson. Subalit, narinig ni Fiona ang kanilang usapan. Parehong lalake sila Samson at Zayne, kaya mahihirapan siyang kalabanin ang mga ito, kahit na gawin niya iyon, hindi magiging halata ang epekto nito. Pero naiiba si Arianna. Si Arianna ang nag-iisang babae sa kanilang tatlo at parehong may crush sa kanya sina Zayne at Samson. Ang pagtarget kay Arianna ay makakasakit sa kanilang tatlo. Patamaan kung saan mas masakit. Higit na matalino si Fiona kaysa sa inaakala niya.Sa loob ng tatlong minuto pagkatapos tapusin ni Fiona ang tawag, bumukas ang pintuan ng design department. Nag-aalalang pumasok si Joshua, naglakad patungo kay Fiona at maingat na sinuri ito mula ulo hanggang paa. Matapos matiyak na ang dibdib lamang nito an
Nang maisip niya ito, tinaas ng lalaki ang kanyang ulo at malamig na tumingin kay Luna. "Tinatanong kita. Pinag-uusapan ba ng mga assistant mo kung paano papapalayasin si Fiona? Sadya ba nila siyang pinupuntirya at tinatakot?" Malamig na tumawa si Luna. Sinasadyang pinapakita ni Fiona ang pinakamahinang parte ng kanyang sarili, tinatanggap niya ang lahat ng sisi sa bagay na hindi niya kasalanan. Ang pakay niya ay ang kaawaan siya ng mga tao sa paligid at ipagtanggol siya ng mga ito. Ngayon, kahit na walang sinabing masama si Fiona tungkol kina Samson, Zayne, o Arianna, nagtagumpay na siyang sabihin kay Joshua ang tungkol sa 'masamang ginagawa' nila. Hindi lang iyon, bumuo pa siya ng isang malumanay, mabait at makatarungang imahe para sa sarili niya. "Sabihin mo sa'kin!" Kumunot ang noo ni Joshua nang makita niya si Luna na tinititigan nang masama si Fiona nang hindi nagsasalita. Nag-aalala siya na baka magkamali ng pagkakaintindi si Luna kay Fiona kaya nagmadali siyang tumagilid at
Malamig at mababa ang boses ni Joshua, ang bawat isang salita niya ay malakas na umalingawngaw sa opisina. Sa isang iglap ay nanahimik ang buong opisina. Lahat sila ay gulat na tumitig kay Joshua. Ang totoo, alam ng lahat na silang tatlo ay mga pinagkakatiwalaang tao ni Luna sa kumpanya. At alam ng lahat ang kakaiba at pasulput-sulpot na relasyon sa pagitan ng kanilang director at president. Pero ngayon na mayroon na siyang bagong minamahal, si Fiona, napakasama na niya sa kanyang dating pag-ibig, si Luna? Sapat na ang mga salita ni Fiona kanina para mapaatras sina Joshua at Luna at hayaan na lang ang insidente. Pero kahit na ganoon, nagkusa pa rin si Joshua at nagsuhestiyon na tanggalin silang tatlo?“Joshua…”Tinignan ni Fiona si Joshua, umaliwalas ang kanyang mga mata sa pagkaantig ng kanyang damdamin. "Ayos lang ako, mga kanang kamay silang tatlo ni Mrs. Luna, hindi niya sila gustong makita na matanggal. Wag ninyong sirain ang samahan ninyo nang dahil lang sa'kin." Sa supor
Bumuntong-hininga si Luna, pagkatapos ay dumiretso siya at nag-inat. "Kung hindi nila kilala ang isa't-isa at ngayon ang una nilang pagkikita, paanong nalaman ni Arianna na madaling matakot si Ms. Blake? Paano niya nalaman kung anong tunog ang magpapatakot kay Ms. Blake para aksidente niyang matapon ang kape niya?" Pagkatapos, tumingin siya sa babae na ipinagtanggol si Fiona ngayon lang. "Kung may gumawa ng malaking ingay habang naglalakad ka, mawawalan ka ba ng balanse at matatapon mo ang buong tasa ng kape mo?" Binuka ng babae ang kanyang bibig na para bang may sasabihin, ngunit sa huli ay wala siyang nasabi. Nanahimik ang buong opisina. Dahil sa katahimikan sa opisina ay para bang naging napakalakas ng boses ni Luna. "O baka pwede nating tignan nag security footage para makita kung hindi talaga pinansin ni Arianna ang ginagawa ni Ms. Blake para takutin siya. Kung hindi, paano niya malalaman na matatakot si Ms. Blake?" Tumalikod si Luna para tignan si Joshua. "Mr. Lynch, ti
"Opo, Ms. Luna." Tumalikod si Shannon at naglakad palayo nang marinig niya ang mga utos ni Luna. Si Fiona, na nakatayo sa tabi ni Joshua, ay napangiwi at sumimangot. Napuno ng luha ang kanyang mga mata habang nagsalita siya, "Ms. Luna… anong ibig mong sabihin? Iniisip mo ba na pinagbibintangan ko si Arianna?" Nagsimulang manginig ang boses ni Fiona. "Sige, kung iyan ang gusto mong isipin, bahala ka! Kasalanan ko tong lahat!" Humikbi siya at pinunasan ang kanyang mga luha. "Kasalanan ko tong lahat. Unang araw ko pa lang sa trabaho at nakagawa na ako ng malaking gulo sa'yo na kailangan mo pang tignan ang security camera sa harapan ng lahat…" "Hindi ako dapat na nagpumilit na magtrabaho sa Lynch Group dahil nababagot ako, at hindi ako dapat nagpunta sa design department at nagulo ka nang dahil sa'kin. Pasensya ka na at napasama ko ang loob mo. Hindi dapat ako natakot at natapon ang kape kay Arianna…" Tumulo ang luha sa mukha ni Fiona na parang mga perlas habang nagpatuloy siya, "K
Pagkatapos lumingon siya at tinignan nang masama si Luna. “Hindi ko sisisantehin ang mga assistant mo, pero sa susunod bantayan mo naman sila! Kapag nakita ko silang pinapahirapan si Fiona o nagsasabi na gusto nila siyang itumba… di ko ito palalampasin!”“Ako..” Sasagot na sana si Luna, ngunit bago pa siya matapos sa pagsasalita, nakalayo na si Joshua habang dala si Fiona sa braso niya.Ayaw man lang nitong marinig kung may sasabihin siya.Masyado siyang nag-aalala kay Fiona na handa siyang dalhin ito kaagad sa ospital sa sandaling napansin niyang masama ang pakiramdam nito. Ngunit hindi man lang niya pinansin si Luna. nawalan siya ng dalawang anak kailan lang at kailangang magtrabaho para mabayaran ang medical bill ng dalawang natitirang anak niya. Wala man lang itong pake kung anong nararamdaman niya matapos itrato nang ganito. Pinanood siya ni Luna na umalis at hindi mapigilang magmukhang tanga. Paano niya nagawang maniwala kay Jude na nahulog na sa kanya si Joshua? Paano niy
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya