Dinala ni Luna si Nellie at Neil pabalik sa Blue Bay Villa, at nagtext siya kay Anne na si Neil ay kasama niya at papunta doon.“Tsk, tsk! Ang ganda ng bahay ng masamang lalaking ‘yun.” ito ang unang beses ni Neil sa villa. Habang sinusuri niya ang maluhong villa, hindi niya napigilan na mangutya, “Apat tayong tumira sa isang dosenang metro kwadrado na lugar sa ibang bansa, pero siya nakatira sa isang malaking bahay na ganito ng mag isa!”Kumunot ang noo ni Luna. “Neil, mag ingat ka sa mga sinasabi mo!” Mabuti na lang at wala sa trabaho ang mga katulong ng ganitong oras, kung hindi, magkakaroon sila ng malaking problema kapag may nakarinig kay Neil!“Tumingin po ako sa paligid, at tayong tatlo lang po ang nasa bahay na ‘to.”Ngumiti ng mapaglaro si Neil at tinaas niya ang kanyang hinliliit, at hinila ang mga daliri ni Luna. “Mommy, alam ko po ang pinag aalala niyo. Magiging mabait po ako!”“Tsk.” gumulong ang mga mata ni Nellie kay Neil. Humalukipkip siya at umupo siya ng galit sa
Hindi nagbigay ng hint si Neil, ito ang dahilan kung bakit pinahula niya si Nigel!“Una, kakabalik mo lang dyan sa bansa. Wala kang ibang lugar na mapupuntahan. Pati gusto mo akong pahulain, kaya’t ang lugar siguro na ‘yan ay mahuhulaan ko pero hindi ko paniniwalaan. Bukod pa doon, mukhang exciting ang lugar na ‘yan para sayo, kaya’t gusto mo ‘tong sabihin sa akin.”Parang bata pa rin ang boses ni Nigel, ngunit ang tono niya ay mature at kalmado. “Kapag pinagsama ang lahat ng ito, ang lugar kung saan ka matatagpuan ay ang bahay ng masamang lalaki na si Joshua Lynch.”Naging malungkot si Neil. “Hindi masayang makipaglaro sayo.”“Kaya’t ‘wag ka nang makipaglaro ng mga boring na laro na tulad nito.” Ngumiti ng bahagya si Nigel. “Sabihin mo sa akin, bakit ka nandyan?”Tinikom ni Neil ang kanyang mga labi at isinalaysay ang mga nangyari ngayong gabi kay Nigel.“Kulang ka sa pagiingat,” ang sabi ni Nigel. “Mabuti na lang at naharap ito ng mabuti ni Mommy. Kung hindi, baka natuklasan na
Halos isang oras si Neil sa loob ng study room ni Joshua bago siya lumabas.Maingat siyang bumalik sa guest bedroom. Nang makapasok na siya sa ilalim ng kumot, nagtext siya, [Nigel, ituloy mo na ang surveillance at recording.][Mhm.]Nagtext si Nigel habang kinokontrol niya ang system, [Bakit ang tagal mo?]Kahit na malaki man ang size ng folder ni Joshua, hindi dapat ito ganun katagal.Tahimik ng ilang saglit si Neil bago niya kinuha ang kanyang phone para sumagot, [May nakita akong mga bagay sa computer niya, at kinopya ko sila. Isesend ko ito sayo kasama ng mga dokumento. May kinalaman ‘to kay Mommy].[Okay.]Hindi niya mapansin ang pagbabago sa emosyon ng kapatid niya, agad na sumagot si Nigel, [Tinuloy ko na ang system. Gabi na dyan sa inyo. Magpahinga ka. Isend mo na lang ang mga dokumento bukas.][Okay!]Pagkatapos sumagot, nilagay ni Neil ang phone sa ilalim ng kanyang unan at niyakap niya ang kanyang dibdib bago siya tumingin sa kisame sa kadiliman.Laging tinuro sa
Matapos ang ilang saglit, kinaway ni Joshua ang kamay niya. “Lumabas ka na.”Tumango si Lucas, tumalikod at umalis. Sinara niya ang pinto habang palabas.Lumiit ang mga mata ni Joshua, tumingin siya sa dalawang dokumento ng imbestigasyon sa harap niya habang kinatok ang dalawang malaki niyang mga kamay sa lamesa.Matapos ang ilang saglit, ngumiti siya ng mapait.Habang kinukumpara ang dalawang dokumento, isang pangalan lang ang lumabas: si Aura Gibson. Halata naman ito.Gusto ni Aura na mamatay si Nellie. At gusto niyang alisin ang mga tao na nagtrato sa kanya ng maganda.Pumikit si Joshua.Si Aura. Siya ang pinakamamahal na kapatid ni Luna Gibson. Kahit bago mawala si Luna Gibson, sinabi niya sa huling habilin na alagaan ni Joshua ang batang kapatid niya.Ang isa pa ay ang anak nila ni Luna Gibson.“Luna, binigyan mo ako ng mahirap na problema na haharapin.”…Sa Lynch MansionNaghintay si Aura ng kalahating oras habang may hawak siyang nakabalot na kahon sa kanyang mga ka
“Kalokohan!”Nagalit si Granny Lynch nang makita niya ang mga luha ni Aura. Hinampas niya ng galit ang tasa as mesa.“Noong gusto ni Joshua na iengage sayo, walang pumayag sa pamilya, pero pinilit niya pa rin at sinabi niya na sinusunod niya lang ang huling habilin ni Luna.”“Ngayon at lumipas na ang limang taon at tinanggap ka na ng pamilya, pero balak niyang bawiin ang kasal? Isang laro lang ba ito para sa kanya?”Tumingin si Granny Lynch sa alahas na nasa mesa bago siya tumingin ng mabait kay Aura. “Aura, ‘wag kang mag alala. Parte ka na ng pamilya, at tutulungan kita. Inakit siguro si Joshua ng katulong na ‘yun, at nalilito lang siguro siya sa ngayon, kaya’t gusto niyang kanselahin ang engagement niyo. ‘Wag kang mag alala, hindi ko papayagan si Joshua na bawiin ang kasal.”Kinagat ni Aura ang kanyang labi at napuno ng pagdadalamhati ang ekspresyon niya. “Granny, mabuti na lang po at nandyan kayo. Mabuti po ang pagtrato niyo sa akin…”Pagkatapos, pinunasan ni Aura ang mga luha
“Hindi na kailangan.”Ngumiti si Luna. “Maliit na bagay lang naman ito.” pagkatapos, tumalikod na siya at kaaya aya siyang naglakad patungo sa dalawang bodyguard. “Tara na.”Nabigla ang mga bodyguard sa malamig at kaaya aya niyang pag uugali. Kahit ang driver ay nagulat din.Katulong lang ba ang babaeng ito? Bakit ang kalmado at kaaya aya ng pagharap niya sa ganitong mga bagay?“Tara na.”Habang nakatulala pa rin ang mga bodyguard, lumagpas na si Luna sa kanila at pumunta na siya sa Sedan sa tabi. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok na siya sa kotse.Bumalik na sa sarili ang dalawang bodyguard at mabilis silang pumasok sa kotse at nag drive na paalis.Nakita ng driver na nawala na ang sedan, at dahan dahan niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan si Lucas. “Mr. Bean…”...Hinihintay ni Granny Lynch si Luna sa isang private room ng isang restaurant.Binuksan ng bodyguard ang pinto at pumasok ng kalmado si Luna. Umupo siya sa harap ni Granny Lynch. “Hello po.”“Ika
Kinuha ni Luna ang cheke at tumingin siya dito ng malamig. “Malaking halaga po ang isang milyon.”“Siyempre,” umubo ng malamig si Granny Lynch. “Tanggapin mo na ‘yan. ‘Wag mo sabihin hindi kita binalaan!”“May punto po kayo.” mabilis na nilagay ni Luna ang cheke sa kanyang bag.“Pero, ang pekeng necklace sa leeg niyo ay wala pa po sa halagang isang milyon, hindi po ba?”Nang mabanggit ang pekeng necklace, nabigla si Granny Lynch ng ilang saglit. Pagkatapos, nangutya siya. “P*ta ka. Isang tuso ka. Dahil lang narinig mo na galing ito sa manugang ko, sinasabi mo na agad na peke ito?”Gumulong ang mga mata ni Granny Lynch at tumingin siya ng mayabang kay Luna. Ikaw na walang kwentang katulong. Ano ang alam mo sa mga imitasyon? Isang mabuting tao ang manugang ko. Hindi niya ako bibilihan ng imitasyon! Ikaw ang hindi marunong magpahalaga sa mga ito!”Tumingin ng malupit si Granny Lynch kay Luna. “Dahil tinanggap mo na ang pera, tinatanggap ko na ito na isang pangako mula sayo. Gumawa k
“Opo.”Tumingin si Luna ng seryoso kay Joshua. “Kung sabagay, sa loob po ng pamilya Lynch, may halaga po ako na isang milyong dolyar. Hindi naman po sobra ang paghingi ko nito, hindi po ba?”“Hindi naman.” nilapag ni Joshua ng cheke at sumandal siya. Umupo siya ng mas komportable at tumingin siya kay Luna. “Dinala mo sa akin ang cheke na ito para hilingin na taasan ko ang sahod mo?”Sa kanilang dalawa, si Joshua ang nakaupo habang si Luna ang nakatayo, ngunit sa sobrang lakas ng aura ni Joshua ay parang si Luna ang nasa baba.Tumango si Luna. “Opo.” walang emosyon sa mukha ni Luna. “Maliit lang po ang mga kagustuhan ko, at gusto ko lang po na taasan ni Mr. Lynch ang sahod ko. Sobra po ang isang milyon para sa isang katulong na tulad ko. Magiging guilty po ako kapag tinanggap ko ito.”Tumayo si Joshua at lumapit siya kay Luna. “Ganun ba?”“Opo.”Inabot at tinaas niya ang baba ni Luna gamit ang dalawa niyang daliri, pinilit niya na tumingin ito sa malalim niyang mga mata.“Tinang