Nataranta si Luna. “Wala!” agad niya itong itinanggi, natatakot siya na matuklasan ni Joshua ang ugnayan nila ni Neil.Walang sinabi si Joshua tungkol dito at tumingin lang siya kay Luna, kaya’t mas naging balisa si Luna sa bawat lumipas na sandali.Matapos ang ilang sandali, tumingala si Luna. “Wala akong ugnayan sa kanya—totoo. Kasi…” huminga ng malalim si Luna at tumingin siya kay Lucas na nakatayo sa tabi ni Joshua.“Dahil po ito kay Mr. Bean. Sinabi niya po na gusto niyang alamin kung sino ang nagpainom sa inyo ng gamot. Sinabi niya na kapag hindi po ako ‘yun, ay wala nang iba kundi ang batang lalaki sa labas.”Nung binanggit ni Luna si Neil, nagpanggap siya na hindi niya ito kilala. “Mukhang nakikipaglaro lang po sa inyo ang bata, pero hindi niya po ito kakayanin kapag nagalit kayo. Kung sabagay, isang bata lang po siya.”“Kaya ikaw na ang umamin na pinainom mo ako ng gamot?”“Mhm.”“Ah.” tumaas ang kilay ni Joshua at ngumiti siya. “Sino ang mag aakala na si Ms. Luna ay is
Ngumiti si Joshua. “Totoo naman.”Pagkatapos, tumingin si Joshua kay Luna. “Pero, wala akong pakialam kung anong gawin mo kay Aura. Gusto kong makita kung sino ang mananalo sa inyo.”Lumubog ang puso ni Luna. Kaya pala hindi binanggit ni Joshua si Aura, hinihintay niya na banggitin ito ni Luna.Gusto niyang makita kung sino ang mananalo sa pagitan nila ni Aura? Nagduda si Luna.Sinusubukan lang siguro ni Joshua na matuto si Aura, dahil nararamdaman niya siguro na masyado niyang pinamihasa si Aura, hindi kaya?Kung sabagay, kayang patayin ni Joshua si Luna Gibson—na ipinagbubuntis ang triplets—noon dahil kay Aura, ano pa ngayon?”Sa kasamaang palad, noon, sinubukan ni Joshua na aliwin si Aura, at pinahirapan siya nito. Sa sandaling iyon, upang masiyahan si Aura, kailangan pa rin siyang pahirapan.Hindi napigilan ni Luna na makaramdam ng pait habang iniisip ito, ngunit hindi nawala ang ngiti niya. “Natural lang po na hindi ko matatalo si Ms. Gibson.”Maging anim na taon na ang n
Dinala ni Luna si Nellie at Neil pabalik sa Blue Bay Villa, at nagtext siya kay Anne na si Neil ay kasama niya at papunta doon.“Tsk, tsk! Ang ganda ng bahay ng masamang lalaking ‘yun.” ito ang unang beses ni Neil sa villa. Habang sinusuri niya ang maluhong villa, hindi niya napigilan na mangutya, “Apat tayong tumira sa isang dosenang metro kwadrado na lugar sa ibang bansa, pero siya nakatira sa isang malaking bahay na ganito ng mag isa!”Kumunot ang noo ni Luna. “Neil, mag ingat ka sa mga sinasabi mo!” Mabuti na lang at wala sa trabaho ang mga katulong ng ganitong oras, kung hindi, magkakaroon sila ng malaking problema kapag may nakarinig kay Neil!“Tumingin po ako sa paligid, at tayong tatlo lang po ang nasa bahay na ‘to.”Ngumiti ng mapaglaro si Neil at tinaas niya ang kanyang hinliliit, at hinila ang mga daliri ni Luna. “Mommy, alam ko po ang pinag aalala niyo. Magiging mabait po ako!”“Tsk.” gumulong ang mga mata ni Nellie kay Neil. Humalukipkip siya at umupo siya ng galit sa
Hindi nagbigay ng hint si Neil, ito ang dahilan kung bakit pinahula niya si Nigel!“Una, kakabalik mo lang dyan sa bansa. Wala kang ibang lugar na mapupuntahan. Pati gusto mo akong pahulain, kaya’t ang lugar siguro na ‘yan ay mahuhulaan ko pero hindi ko paniniwalaan. Bukod pa doon, mukhang exciting ang lugar na ‘yan para sayo, kaya’t gusto mo ‘tong sabihin sa akin.”Parang bata pa rin ang boses ni Nigel, ngunit ang tono niya ay mature at kalmado. “Kapag pinagsama ang lahat ng ito, ang lugar kung saan ka matatagpuan ay ang bahay ng masamang lalaki na si Joshua Lynch.”Naging malungkot si Neil. “Hindi masayang makipaglaro sayo.”“Kaya’t ‘wag ka nang makipaglaro ng mga boring na laro na tulad nito.” Ngumiti ng bahagya si Nigel. “Sabihin mo sa akin, bakit ka nandyan?”Tinikom ni Neil ang kanyang mga labi at isinalaysay ang mga nangyari ngayong gabi kay Nigel.“Kulang ka sa pagiingat,” ang sabi ni Nigel. “Mabuti na lang at naharap ito ng mabuti ni Mommy. Kung hindi, baka natuklasan na
Halos isang oras si Neil sa loob ng study room ni Joshua bago siya lumabas.Maingat siyang bumalik sa guest bedroom. Nang makapasok na siya sa ilalim ng kumot, nagtext siya, [Nigel, ituloy mo na ang surveillance at recording.][Mhm.]Nagtext si Nigel habang kinokontrol niya ang system, [Bakit ang tagal mo?]Kahit na malaki man ang size ng folder ni Joshua, hindi dapat ito ganun katagal.Tahimik ng ilang saglit si Neil bago niya kinuha ang kanyang phone para sumagot, [May nakita akong mga bagay sa computer niya, at kinopya ko sila. Isesend ko ito sayo kasama ng mga dokumento. May kinalaman ‘to kay Mommy].[Okay.]Hindi niya mapansin ang pagbabago sa emosyon ng kapatid niya, agad na sumagot si Nigel, [Tinuloy ko na ang system. Gabi na dyan sa inyo. Magpahinga ka. Isend mo na lang ang mga dokumento bukas.][Okay!]Pagkatapos sumagot, nilagay ni Neil ang phone sa ilalim ng kanyang unan at niyakap niya ang kanyang dibdib bago siya tumingin sa kisame sa kadiliman.Laging tinuro sa
Matapos ang ilang saglit, kinaway ni Joshua ang kamay niya. “Lumabas ka na.”Tumango si Lucas, tumalikod at umalis. Sinara niya ang pinto habang palabas.Lumiit ang mga mata ni Joshua, tumingin siya sa dalawang dokumento ng imbestigasyon sa harap niya habang kinatok ang dalawang malaki niyang mga kamay sa lamesa.Matapos ang ilang saglit, ngumiti siya ng mapait.Habang kinukumpara ang dalawang dokumento, isang pangalan lang ang lumabas: si Aura Gibson. Halata naman ito.Gusto ni Aura na mamatay si Nellie. At gusto niyang alisin ang mga tao na nagtrato sa kanya ng maganda.Pumikit si Joshua.Si Aura. Siya ang pinakamamahal na kapatid ni Luna Gibson. Kahit bago mawala si Luna Gibson, sinabi niya sa huling habilin na alagaan ni Joshua ang batang kapatid niya.Ang isa pa ay ang anak nila ni Luna Gibson.“Luna, binigyan mo ako ng mahirap na problema na haharapin.”…Sa Lynch MansionNaghintay si Aura ng kalahating oras habang may hawak siyang nakabalot na kahon sa kanyang mga ka
“Kalokohan!”Nagalit si Granny Lynch nang makita niya ang mga luha ni Aura. Hinampas niya ng galit ang tasa as mesa.“Noong gusto ni Joshua na iengage sayo, walang pumayag sa pamilya, pero pinilit niya pa rin at sinabi niya na sinusunod niya lang ang huling habilin ni Luna.”“Ngayon at lumipas na ang limang taon at tinanggap ka na ng pamilya, pero balak niyang bawiin ang kasal? Isang laro lang ba ito para sa kanya?”Tumingin si Granny Lynch sa alahas na nasa mesa bago siya tumingin ng mabait kay Aura. “Aura, ‘wag kang mag alala. Parte ka na ng pamilya, at tutulungan kita. Inakit siguro si Joshua ng katulong na ‘yun, at nalilito lang siguro siya sa ngayon, kaya’t gusto niyang kanselahin ang engagement niyo. ‘Wag kang mag alala, hindi ko papayagan si Joshua na bawiin ang kasal.”Kinagat ni Aura ang kanyang labi at napuno ng pagdadalamhati ang ekspresyon niya. “Granny, mabuti na lang po at nandyan kayo. Mabuti po ang pagtrato niyo sa akin…”Pagkatapos, pinunasan ni Aura ang mga luha
“Hindi na kailangan.”Ngumiti si Luna. “Maliit na bagay lang naman ito.” pagkatapos, tumalikod na siya at kaaya aya siyang naglakad patungo sa dalawang bodyguard. “Tara na.”Nabigla ang mga bodyguard sa malamig at kaaya aya niyang pag uugali. Kahit ang driver ay nagulat din.Katulong lang ba ang babaeng ito? Bakit ang kalmado at kaaya aya ng pagharap niya sa ganitong mga bagay?“Tara na.”Habang nakatulala pa rin ang mga bodyguard, lumagpas na si Luna sa kanila at pumunta na siya sa Sedan sa tabi. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok na siya sa kotse.Bumalik na sa sarili ang dalawang bodyguard at mabilis silang pumasok sa kotse at nag drive na paalis.Nakita ng driver na nawala na ang sedan, at dahan dahan niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan si Lucas. “Mr. Bean…”...Hinihintay ni Granny Lynch si Luna sa isang private room ng isang restaurant.Binuksan ng bodyguard ang pinto at pumasok ng kalmado si Luna. Umupo siya sa harap ni Granny Lynch. “Hello po.”“Ika
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya