Suminghal si Luna at sinabi, “Pagkakaalala ko binigyan mo ako ng kalayaang kumuha ng dalawang assistant para magtrabaho para sa akin, Mr. Lynch. Isa doon si Arianna. At ang isa naman, napagpasyahan kong gusto kong kunin si Theo.” Kaagad na sumimangot si Joshua nang marinig niya ito. “Hindi. Hindi ako papayag.” Alam na ni Luna na tatanggihan ni Joshua ang suhestyon niya. Tumawa siya at itinaas ang kanyang tingin para tumitig nang diretso dito. “Nangako ka sa akin na ako ang bahala sa pagpili at walang pwedeng kumontra sa desisyon ko.” Naningkit ang mata ni Joshua sa kanya. Tama siya. Noong inatas niya ang proyektong ito kay Luna noon, binigyan niya ito ng malaking awtoridad. Ang isa dito ay ang kalayaang pumili at kumuha ng dalawang assistant para tumulong sa kanya. Naningkit ang mata ni Joshua nang seryoso. “Luna, binigyan kita ng karapatang gawin ito, pero hindi ibig-sabihin nito pwede mong dalhin ang relasyon mo sa trabaho.” Tumawa si luna. “Anong sinasabi mo Mr. Lynch? P
Binalak ni Theo na iparinig ito kay Joshua, ngunit higit sa lahat, para ito kay Luna. Si Luna na nakatayo sa likod niya kanina pa ay namutla nang marinig niya ito. “Theo, anong sinasabi mo?” Nagkaroon sila ng kasunduan ni Theo na magpapanggap lang sila na magkasintahan sa publiko. Ngunit ang totoo ay mananatili lang silang magkaibigan. Kailangan lang nilang malagpasan ang panahong ito. Tapos sa sandaling mapagod sa kanila ang media at lumipat sa iba, magpapanggap silang naghiwalay sila para matapos ang relasyong ito. Anong ginagawa ni Theo at sinasabi niya ang lahat ng ito kay Joshua? Hindi ba alam ni Theo na kapag nalaman ng lahat na nagtatrabaho siya bilang isang assistant sa Lynch Group, mapapahamak ang career niya? “Kalmadong-kalmado ako ngayon.” Ngumisi si Theo at itinuon ang kanyang titig kay Joshua. “Kailan gaganapin ang welcome party ko, Mr. Lynch? Gaano karaming reporter ang balak mong imbitahan?” Ibinagsak niya ang kanyang phone sa mesa at patuloy na sinabi, “Pw
Marahang inilapag ni Joshua ang isang kamay niya sa ilalim ng baba ni Luna, at ang kabila naman ay sa likod ng ulo nito, habang hinahalikan ito nang maigi. Nanlaki ang mata ni Luna. Nagpumiglas siya ngunit wala siyang napala. Tinitigan nang masama ni Luna ang lalaking ito. Ang kapal ng mukha nitong halikan siya? Sa harapan pa nga ni Theo!Kahit na nagpapanggap lang sila ni Theo, magkasintahan pa rin sila sa publiko! Ang kapal ng mukha ni Joshua na gawin sa kanya ito? Wala itong respeto sa dignidad niya! “Joshua Lynch!” Sumigaw si Theo habang nagngingitngitan ang mga ngipin. Tinikom niya ang kanyang kamao at hinawakan sa kwelyo si Joshua. Bago pa makakibo si Joshua, inatras ni Theo ang kanyang kamao at sinuntok sa mukha si Joshua. Ngunit mas mabilis si Joshua at kaagad niyang nahawakan ang kamay ni Theo. Sinabi niya nang walang-bahala habang may panghahamon sa kanyang titig, “Tingnan mo ito. Paano mo man lang siya mapoprotektahan?” Lalong nagalit si Theo nang marinig ang mapa
Sumimangot si Luna at tatanungin na sana niya si Joshua nang biglang tumirik ang kotse. Nakaramdam siya ng isa pang bugso ng sakit sa kanyang katawan at bumaluktot siya na parang isang bola. Pakiramdam ni Luna parang mawawalan siya ng malay anumang oras dahil sa matinding sakit. Ngunit bago pa siya mawalan ng malay, narinig niyang bumuntong-hininga si joshua at sinabi, “Ayaw kong makita kayong dalawa na magkasama.” …Nang magising si Luna, natuklasan niyang nasa ospital na siya. Nakaupo si Joshua sa tabi niya habang mukhang nanlulumo. Kinuskos ni Luna ang kanyang kilay at dahan-dahang bumangon sa kama. Nakita ito ni Joshua at kaagad siyang tinulungan nito. “Masakit pa ba?” Umiling si Luna. “Talaga bang mahal na mahal mo si Theo?” Sumimangot si Joshua sa sandaling makita niya ang maputla at matamlay nitong mukha. “Handa kang saluhin ang suntok para sa kanya, kahit ibig-sabihin nito masasaktan ka ulit? Kung hindi ko ito nakita at hindi ako nakahinto kaagad, mapaparalisa an
Bumuntong-hininga si Joshua at inilapag niya ang phone. “Bakit ko gagawin ‘yan?” “Syempre kasi…” Itinabi ni Luna ang kanyang phone at sinabi niya nang nahihiya, “Gusto mo kaming pilitin ni Theo na umamin na magkasintahan kami para hindi ka na maiugnay sa akin. “Kung hindi, kapag nalaman ni Mrs. Lynch… hindi na niya maiisip na ikaw ang matapat na asawang naghintay sa loob ng anim na taon para sa kanya.” Tinitigan ni Joshua si Luna at naningkit ang mga mata niya habang may mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. “Tingin mo ba may pake ako sa lahat ng ito?” “Hindi ba?” Itinaas niya ang kanyang tingin at sinalubong nang direkta ang titig ni Joshua. “Kung ganun, bakit hindi mo sabihin kay Alice kung ilang beses kang natulog kasama ko, Mr. Lynch?” Nanigas si Joshua nang marinig niya ito. Patuloy siyang tumitig kay Luna pero hindi siya sumagot. “Wala kang lakas ng loob na gawin ‘yun diba?” Ngumisi si Luna, “Nag-aalala ka na baka isipin ni Alice na nangangaliwa ka. Natatakot ka na ba
“Anong problema?” Tumayo si Theo nang mapansin niya ang kakaibang ekspresyon ni Luna. “Masakit ba ang sugat mo? Masama ba ang loob mo dahil ayaw mong makita ang mga magulang ko?”May nag aalalang ekspresyon sa mukha ni Theo. “Kung ayaw mong makilala ang mga magulang ko, pwede ko sila agad tawagan…”Umiling si Luna. “Hindi ‘yun ang problema.” Tumingin siya kay Theo at sinabi niya, “Pwede ba tayo magdinner sa ibang lugar na lang? Kasi… ayaw ko sa Bamboo Palace.”Nagaalala si Luna na baka makasalubong niya si Joshua sa dinner. Kapag nagkasalubong silang dalawa sa gabing ‘yun, natatakot si Luna na gagawa ng eksena si Joshua at ipapahiya niya si Theo sa harap ng magulang nito.“Ah, ganun ba?” Halos agad na lumiwanag ang mukha ni Theo at tumayo siya. “Madali lang ‘yun! Darating na ang mga magulang ko sa Banyan City sa loob ng isang oras. Susunduin ko sila at sasabihin ko na sa ibang lugar na lang ang venue.”Tumingin ng sabik si Theo kay Luna at sinabi niya, “Dapat… dapat ka nang magbih
Nakatayo si Joshua sa hotel entrance suot ang itim na suit at tila may kausap siya sa phone. Nakatayo sa tabi niya si Alice, mukha siyang nakakaakit at makinang sa loob ng navy blue dress.Tumingin si Luna palayo at agad siyang nakaramdam ng kirot sa loob ng puso niya.“Luna?” Tumunog ang boses ni Theo na tila nagtatanong. Agad na bumalik sa sarili si Luna at napagtanto niya na ang pinto ng elevator sa harap niya ay bumukas na.Huminga siya ng malalim at pumasok siya sa elevator na para bang may tinatakasan siya.“Parang kakaibang mga tao ang Mr. at Mrs. Allen na kameeting mo.” Tinikom ni Alice ang mga labi niya ng galit. “Nagpadala na sila ng tao nila para makipagkita sa atin, pero nagbago bigla sila ng isip at nagdesisyon na sila na mismo ang pumunta.”“Pumayag silang makipagkita sa Bamboo Palace, at pinaghandaan ko pang lagyan ng dekorasyon ang buong lugar para salubungin sila, pero nagbago sila ng venue sa huling minuto. Hindi ba’t parang masyado silang mapagmataas? Hindi lang
Nagkatinginan sina Luna at Theo sa sandali na marinig nila ang boses mula sa kabilang panig ng pinto. Pamilyar sila sa boses na ito.“Ito nga!” Sabik na tumayo si Nathan sa upuan niya, lumapit, at binuksan ang pinto.May batang magkasintahan na nakatayo sa labas ng pinto. Ang lalaki ay matangkad at malalaman na sopistikado siya, habang ang babae ay nakakaakit naman.“Kayo siguro si Mr. Lynch!” Agad na inabot ni Nathan ang kamay niya para makipag kamay kay Joshua. “Pumasok kayo!”Ngumiti ng maliit si Joshua at tumingin siya kay Luna, na nakaupo sa loob ng private room. May suot itong pormal at elegante na palda, at may makeup pa siya. Mukhang nakakabighani si Luna kumpara sa itsura niya sa trabaho.Halata na pinaghandaan talaga ni Luna na magmukhang maganda sa harap ng pamilya ni Theo.Sumingkit ang mga mata ni Joshua at hinila niya si Alice papasok ng kwarto.Pumasok si Alice ng may ngiti sa kanyang mukha, ngunit sa sandali na makita niya sina Theo at Luna sa isang sulok, nabigl