Balita tungkol kay Hailey Walter? Sinara ni Joshua ang laptop niya, inangat ang kanyang ulo, at tinignan si Jude. "Anong balita?" "Eksakto ang hula mo." Nilagay ni Jude ang mga larawan at dokumento sa mesa ni Joshua pagkatapos ay umupo sa upuan. "Hindi si Hailey Walter ang babaeng namatay. Tinignan ko ang pagkatao ng namatay na Hailey sa loob ng dalawang linggo bago ko nahanap ang katawan niya."Kumunot ang noo ni Joshua at kinuha ang dokumento. Isa itong DNA report na pinagkumpara ang DNA ng patay na babae sa DNA ni Hailey. Pinakita ng resulta na walang kahit na anong koneksyon ang patay na babae kay Hailey. "Walang laman ang libingan na hinanda ni Dennis Walter para kay Hailey. Marami akong pinagdaanan bago ko nahanap sa wakas ang katawan na to na nakalibing sa bakuran ni Liam Clark. Kumpirmado na ito ang puppet na nagpanggap na si Hailey noon. As t kumpirmado na rin na ang babaeng namatay noon ay hindi ang totoong Hailey Walter." Tumango si Joshua. Ito mismo ang resultang
Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin. Sa isang iglap, nanlaki ang mga mata niya! Ito ang bagay na palihim niyang nilagay sa aparador ni Luna! Noon, may ilang beses na di nila nakokontrol ni Luna ang kanilang sarili, ngunit pakiramdam niya pa rin na magiging masama para sa kanila ni Luna kung hindi sila mag-iingat. Ito ang dahilan kung bakit naghanda siya ng isang buong kahon nito at inilagay ito sa aparador sa tabi ng kama ni Luna. Ngunit siguro nagkataon lang, pero pagkatapos niyang ilagay ang kahon sa aparador, hindi na sila natulog ulit nang magkasama. Natural, nanatiling hindi nagagalaw ang kahon. Pero ngayon… Sa mga larawan, di lamang nagalaw ang kahon, ilan sa mga laman nito ay naalis din! “Ang natirang mga kampon ng Walter family, wala naman silang ginawa noong pumunta sila sa apartment ni Luna, ito lang ang kinuha nila.” Kasabay nito, humikab si Jude. “Talagang ganito ang ugali ni Hailey, gagawin ng mga tauhan niya ang lahat para sa kanya. Oo nga pala, andaming bes
Sa opisina ng design department, si Shannon McCartney at ang ilang ibang mga babaeng empleyado ay abala sa pag-uusap. “Si Theo Allen, ang napakagaling na artista ay mas gwapo sa personal kaysa pag nasa tv siya! Talagang may aura siya ng isang artista, napakaswerte ni Director Luna!” “At nitong nakaraan pinagbintangan ng asawa ng President na may gusto si Director Luna kay President Lynch… lumalabas na matagal nang magkasintahan si Director Luna at Mr. Theo Allen!” “Tumpak, designer si Director Luna, kaya syempre mahuhulog siya sa isang artistang tulad ni Theo. Kahit na mayaman ang President, gwapo, at kaakit-akit, siguradong hindi siya type ni Director Luna…” …Sa sandaling pumasok ng pinto si Joshua, narinig niya ang mahinang bulungan ng mga babae. Galit siyang suminghal habang mukhang seryoso, “Totoo ba ‘yan?”Nang marinig ang boses niya, tumahimik nang sobra ang buong opisina, sobrang tahimik na halos marinig na nila ang tunog ng nalalaglag na karayom. Tumingala nang mat
Suminghal si Luna at sinabi, “Pagkakaalala ko binigyan mo ako ng kalayaang kumuha ng dalawang assistant para magtrabaho para sa akin, Mr. Lynch. Isa doon si Arianna. At ang isa naman, napagpasyahan kong gusto kong kunin si Theo.” Kaagad na sumimangot si Joshua nang marinig niya ito. “Hindi. Hindi ako papayag.” Alam na ni Luna na tatanggihan ni Joshua ang suhestyon niya. Tumawa siya at itinaas ang kanyang tingin para tumitig nang diretso dito. “Nangako ka sa akin na ako ang bahala sa pagpili at walang pwedeng kumontra sa desisyon ko.” Naningkit ang mata ni Joshua sa kanya. Tama siya. Noong inatas niya ang proyektong ito kay Luna noon, binigyan niya ito ng malaking awtoridad. Ang isa dito ay ang kalayaang pumili at kumuha ng dalawang assistant para tumulong sa kanya. Naningkit ang mata ni Joshua nang seryoso. “Luna, binigyan kita ng karapatang gawin ito, pero hindi ibig-sabihin nito pwede mong dalhin ang relasyon mo sa trabaho.” Tumawa si luna. “Anong sinasabi mo Mr. Lynch? P
Binalak ni Theo na iparinig ito kay Joshua, ngunit higit sa lahat, para ito kay Luna. Si Luna na nakatayo sa likod niya kanina pa ay namutla nang marinig niya ito. “Theo, anong sinasabi mo?” Nagkaroon sila ng kasunduan ni Theo na magpapanggap lang sila na magkasintahan sa publiko. Ngunit ang totoo ay mananatili lang silang magkaibigan. Kailangan lang nilang malagpasan ang panahong ito. Tapos sa sandaling mapagod sa kanila ang media at lumipat sa iba, magpapanggap silang naghiwalay sila para matapos ang relasyong ito. Anong ginagawa ni Theo at sinasabi niya ang lahat ng ito kay Joshua? Hindi ba alam ni Theo na kapag nalaman ng lahat na nagtatrabaho siya bilang isang assistant sa Lynch Group, mapapahamak ang career niya? “Kalmadong-kalmado ako ngayon.” Ngumisi si Theo at itinuon ang kanyang titig kay Joshua. “Kailan gaganapin ang welcome party ko, Mr. Lynch? Gaano karaming reporter ang balak mong imbitahan?” Ibinagsak niya ang kanyang phone sa mesa at patuloy na sinabi, “Pw
Marahang inilapag ni Joshua ang isang kamay niya sa ilalim ng baba ni Luna, at ang kabila naman ay sa likod ng ulo nito, habang hinahalikan ito nang maigi. Nanlaki ang mata ni Luna. Nagpumiglas siya ngunit wala siyang napala. Tinitigan nang masama ni Luna ang lalaking ito. Ang kapal ng mukha nitong halikan siya? Sa harapan pa nga ni Theo!Kahit na nagpapanggap lang sila ni Theo, magkasintahan pa rin sila sa publiko! Ang kapal ng mukha ni Joshua na gawin sa kanya ito? Wala itong respeto sa dignidad niya! “Joshua Lynch!” Sumigaw si Theo habang nagngingitngitan ang mga ngipin. Tinikom niya ang kanyang kamao at hinawakan sa kwelyo si Joshua. Bago pa makakibo si Joshua, inatras ni Theo ang kanyang kamao at sinuntok sa mukha si Joshua. Ngunit mas mabilis si Joshua at kaagad niyang nahawakan ang kamay ni Theo. Sinabi niya nang walang-bahala habang may panghahamon sa kanyang titig, “Tingnan mo ito. Paano mo man lang siya mapoprotektahan?” Lalong nagalit si Theo nang marinig ang mapa
Sumimangot si Luna at tatanungin na sana niya si Joshua nang biglang tumirik ang kotse. Nakaramdam siya ng isa pang bugso ng sakit sa kanyang katawan at bumaluktot siya na parang isang bola. Pakiramdam ni Luna parang mawawalan siya ng malay anumang oras dahil sa matinding sakit. Ngunit bago pa siya mawalan ng malay, narinig niyang bumuntong-hininga si joshua at sinabi, “Ayaw kong makita kayong dalawa na magkasama.” …Nang magising si Luna, natuklasan niyang nasa ospital na siya. Nakaupo si Joshua sa tabi niya habang mukhang nanlulumo. Kinuskos ni Luna ang kanyang kilay at dahan-dahang bumangon sa kama. Nakita ito ni Joshua at kaagad siyang tinulungan nito. “Masakit pa ba?” Umiling si Luna. “Talaga bang mahal na mahal mo si Theo?” Sumimangot si Joshua sa sandaling makita niya ang maputla at matamlay nitong mukha. “Handa kang saluhin ang suntok para sa kanya, kahit ibig-sabihin nito masasaktan ka ulit? Kung hindi ko ito nakita at hindi ako nakahinto kaagad, mapaparalisa an
Bumuntong-hininga si Joshua at inilapag niya ang phone. “Bakit ko gagawin ‘yan?” “Syempre kasi…” Itinabi ni Luna ang kanyang phone at sinabi niya nang nahihiya, “Gusto mo kaming pilitin ni Theo na umamin na magkasintahan kami para hindi ka na maiugnay sa akin. “Kung hindi, kapag nalaman ni Mrs. Lynch… hindi na niya maiisip na ikaw ang matapat na asawang naghintay sa loob ng anim na taon para sa kanya.” Tinitigan ni Joshua si Luna at naningkit ang mga mata niya habang may mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. “Tingin mo ba may pake ako sa lahat ng ito?” “Hindi ba?” Itinaas niya ang kanyang tingin at sinalubong nang direkta ang titig ni Joshua. “Kung ganun, bakit hindi mo sabihin kay Alice kung ilang beses kang natulog kasama ko, Mr. Lynch?” Nanigas si Joshua nang marinig niya ito. Patuloy siyang tumitig kay Luna pero hindi siya sumagot. “Wala kang lakas ng loob na gawin ‘yun diba?” Ngumisi si Luna, “Nag-aalala ka na baka isipin ni Alice na nangangaliwa ka. Natatakot ka na ba