“Magaling ba siya…sa pag-hack?” “Magaling.” Tinikom ni Nigel ang bibig niya. “Baka kailangan ko pa ng ilang taong pagsasanay para maabot ko ang lebel niya.” Lumubog sa kawalan ang puso ni Luna sa sinabi ni Nigel. Nakipag-usap siya saglit kay Nigel bago ibaba ang linya at bumalik sa sala. Nagluto ng almusal si Anne. Tinawag niya si Luna para kumain, kahit na nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya dito. “Umamin na si Mo Sam na ninakaw niya ang mga disenyo mo, at isa itong mabuting balita. Bakit parang masama pa rin ang timpla mo?” Pinilit ni Luna na ngumiti. Yumuko siya at nagsimulang kumain nang maigi. …Makalipas ang limang oras, sa Lynch Group Tower. Ito ang parehong conference room na may parehong tao. Ang lahat ay tinawag para sa isang pagpupulong. Habang nakaupo sa main seat, hindi maitago ni Joshua ang pagod sa kanyang mukha. Kahit na ganon, matikas pa rin siya at mukhang mapagmataas. Habang may maliit na ngiti, tinapik niya ang lamesa gamit ng isang ka
Biglang tumahimik ang lahat nang marinig ang mga sinabi ni Shannon. Napatingin sila kay Alice.Matapos ang mahabang sandali, nag bulungan ang lahat ng tahimik.“Matagal nang hindi maganda ang relasyon nila Mrs. Lynch at Luna.”“Pero hindi gagawa ng ganito si Mrs. Lynch na makakasira sa reputasyon ng Group, hindi ba?”“Sino ang makakapagsabi? Baka alam ni Mrs. Lynch na pinapabayaan siya ni Mr. Lynch na gawin ang kahit ano, baka wala siyang pakialam…”Tuloy tuloy lang ang bulungan.Bilang ang taong pinag uusapan, kalmado lang si Alice.Kalmado siyang tumingin kay Shannon. Ang mga mata niya ay napuno ng gulat. “Sigurado ka ba na ang computer fifty-two ang ginamit ko?”Kumunot ang noo ni Shannon at tumango siya.“Sigurado ako. Ako ang naghanda ng computer para sayo noon.”Kumunot ang noo ni Alice. “Sigurado ka ba? Paano naman…”Tumingin ng nalilito si Alice kay Shannon, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua. Pabago bago ang ekspresyon niya, mula sa pagkagulat at naging galit.
Tila nagdilim ang paningin ni Luna.Sigurado nga.Ang ibig sabihin ng pagiging malapit nila Alice at Courtney ay may binabalak silang masama.Para naman sa recording, hindi niya inaasahan na isisisi ito ni Alice sa iba.Kung sabagay, buong hapon niyang hinihintay si Joseph sa police station kahapon.Hindi niya inaasahan na pupuntiryahin ni Alice si Arianna.Si Arianna ay ang assistant na hinanap ni Nigel para sa kanya mula sa internet dahil sa busy niyang schedule nung nakaraan.Sinabi ni Nigel na matalino si Arianna. Sinuri niya ng mabuti ang lahat ng kandidato bago niya ito pinili.Pinagkakatiwalaan niya ang anak niya, kaya’t tinanggap niya agad si Arianna. Kaya naman, lumagpas si Arianna sa screening ng Human Resources.Alam ng lahat na si Arianna ay nasa panig ni Luna.Gayunpaman, sa mga sandaling ito…Binigay ni Alice ang sisi kay Arianna sa pag upload ng video. Sinabi niya pa na hanapin kung sino ang may pakana nito.“Masisisante ba ako? Tumingin si Arianne kay Luna n
Biglang tumahimik ang conference room.Tumingin ang lahat kay Luna. Tila gusto nilang basahin ang mga iniisip niya.“Luna.”Habang nakaupo sa main seat, tumingin sa kanya ng malamig si Joshua. “Anong nangyari?”Nung sinundo ni Joshua si Luna mula sa police station kahapon at nang makita nito ang video sa internet, parang hindi niya pinepeke ang ekspresyon niya.Gayunpaman, ngayon, ang taong nag upload ng video ay ang pinakamalapit na assistant ni Luna.Kung hindi siya isang magaling gumawa ng pakana at magaling magpanggap sa harap niya, baka ang assistant niya ay sinuhulan ng iba.Tumalikod si Joshua at tumingin siya sa babaeng nasa tabi ni Luna. Ang mukha nito ay nawalan na ng kulay. Pinagpapawisan ito at nanginginig.Kung hindi nakahawak ng mahigpit ang babaeng ito sa mesa, naniniwala si Joshua na matutumba na ang babaeng ito sa sahig.Kumunot ang noo ni Joshua.Paano nagawa ng assistant ni Luna, na isang tapat at mabait na babae, na suhulan ng iba para pag taksilan si Luna
Kay Luna lang malapit si Arianna sa loob ng opisina.Sa ganun, madali nang malaman ang taong nasa likod ng lahat ng ito.Ngumiti si Luna.Kahit na walang tao na tumuro sa kanya, pinapahiwatig ito ng mga salita nila.Kaya naman, agad siyang tumayo at hinarap ito.Kaya , huminga ng malalim si Luna at naglakad siya patungo kay Joshua. “Dahil iniisip ng lahat na inutusan ko si Arianna para gumawa nito, sige.”Pagkatapos, lumingon si Luna kay Shannon. “Kunin mo ang computer number fifty-two, ang computer na gamit ni Mrs. Lynch.”Napahinto si Shannon bago siya tumawag ng lalaking empleyado at lumabas sila.Ngumiti si Alice at tumingin siya kay Luna. “Ms. Luna, anong…”“Mrs. Lynch, sigurado ako na hindi mo ito alam.” Ngumiti si Luna. “Si Mr. Lynch, na nasa tabi mo, ay isang mahusay na hacker. Iniisip ko na kung si Arianna nga ang nag upload ng video, nag log-in siguro siya sa social media account niya gamit ang computer mo, kung hindi, hindi niya mauupload ang video.”“Bukod pa dito
Kumunot ang noo ni Joshua.Tumingala siya at tumingin siya ng malamig kay Luna. “Anong ibig mong sabihin?”“Hindi pa ba ako klaro?” Ngumisi si Luna, “Gusto ko lang ng katarungan.”Ngumisi si Joshua, “Luna, akala ko alam mo ang ibig sabihin ng hindi sumosobra.”“Hindi sumosobra?” Tumawa ng malakas si Luna. Tumingin siya kay Joshua.“Mr. Lynch, pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit hindi ako dapat sumobra? May taong nag record ng meeting at pinost ito online, inakusahan ako ng pangongopya. Nung halos matapos na ang karera ko, sinabihan mo ba siya na ‘wag sumobra?”“Nung inutusan ni Mrs. Lynch ang pinagkakatiwalaan kong assistant para gamitin ang computer niya, gumawa ng ebidensya para akusahan ako ng pagpapanggap, sinabihan mo ba siya na ‘wag sumobra?”“Bakit ko kailangan malaman kung kailan tumigil? Bakit kapag may nagpahamak sa akin, wala man lang akong karapatan para malaman kung sino ang gumawa nito?”Pagkatapos, huminga ng malalim si Luna. “Kung isa kang bias na tao na
Si Luna ang biktima. May karapatan siya na malaman ang tungkol sa problemang ito.Kinagat ni Alice ang mga labi niya. Lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Joshua…”Hindi man lang siya tiningnan ni Joshua. “Humingi ka na lang ng tawad. Sumosobra ka na ngayon.”Dumiin ang mga ngipin ni Alice. Kahit na ayaw niya itong gawin, tumayo pa rin siya.Lumapit si Alice kay Luna at yumuko siya. Sinabi niya ng may masamang loob, “Luna, pasensya na. Hindi ko na dapat inupload ang video sa online at sinimulan ang problemang ito. Hindi ko rin dapat sinetup si Arianna para dito…”Habang nakatingin kay Alice na nasa harap niya, ang babaeng may mukha na dating meron siya, ginitgit ni Luna ang ngipin niya.Pak!May malutong na tunog na maririnig sa buong conference room.Napalingon si Alice dahil sa sampal. Ang mukha niya ay umaapoy sa sakit.Lumingon siya at hindi makapaniwala habang nakatitig ng gulat kay Luna. “Walang hiya ka sinampal mo ako?”“Ang sampal na ito ay para sa tatay mo, si Jo
“Kung hindi ikaw, sino pala?”Ayaw makinig ni Luna na gumawa pa ng mga dahilan si Alice.Tumahol siya ng malamig, “Kung hindi ikaw, lumitaw lang ba mula sa ere ang video?”Medyo sumingkit ang mga mata ni Alice. Lumingon siya at tumingin kay Courtney, na nakabilog na na parang isang bola, hindi man lang humihinga.Nang magkatinginan sila, ngumiti si Alice.Sa sumunod na sandali, tumuro ang mahabang daliri ni Alice kay Courtney. “Siya ang nagbigay sa akin ng video.”“Hindi ako!” Nang marinig ang mga sinabi ni Alice, agad na tumayo sa galit si Courtney. “Hindi ako ang gumawa nun! Hindi ako ang kumuha ng video, hindi…”Bahagyang kumunot ang noo ni Joshua. Lumingon siya para tumingin kay Luna. “Naaalala mo pa ba ang mga pwesto ng pag upo sa meeting kahapon?”Tumango si Luna. Baka nga hindi siya magaling sa ibang bagay, pero maganda ang memorya niya. Naaalala niya pa rin ng klaro ang mga nangyari noong anim na taon na ang lumipas.Ngayon pa kaya sa meeting na kahapon lang naganap.