Kaagad na nanigas ang kamay ni Luna na nakahawak sa kanyang phone. “Si Mr. :Lynch, siya ay…” “Marunong din siyang mag-hack.” Sa kabilang linya, kinamot ni Lucas ang ulo niya nang naguguluhan. “Sa totoo lang, sa busy schdule niya, hindi magkakaroon ng oras si Mr. Lynch na magkaroon ng libangan, pero isa siyang magaling na hacker. Sabi niya pinag-aralan niya ito matagal na noong nababagot siya.” Tapos idinagdag ni Lucas nang madamdamin, “Talagang si Mr. Lynch ang pinakamatalinong lalaking nakilala ko. Ang hacking ay isang napakahirap na gawain, pero natututunan niya ito kapag nababagot siya! Napakagaling!” Nanginig nang bahagya ang kamay ni Luna. Kung tama ang pagkakaalala niya, noong pinakasalan niya si Joshua, naaalala niyang sinabi niya noon kay Joshua na tingin niya ang mga lalaking marunong mag-hack ay nakakabilib. Tinanong niya pa ito noon kung marunong ba itong mang-hack. Ngunit tumingin sa kanya nang seryoso si Joshua. “Ang mga hacker ay mas matalinong programme
“Magaling ba siya…sa pag-hack?” “Magaling.” Tinikom ni Nigel ang bibig niya. “Baka kailangan ko pa ng ilang taong pagsasanay para maabot ko ang lebel niya.” Lumubog sa kawalan ang puso ni Luna sa sinabi ni Nigel. Nakipag-usap siya saglit kay Nigel bago ibaba ang linya at bumalik sa sala. Nagluto ng almusal si Anne. Tinawag niya si Luna para kumain, kahit na nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya dito. “Umamin na si Mo Sam na ninakaw niya ang mga disenyo mo, at isa itong mabuting balita. Bakit parang masama pa rin ang timpla mo?” Pinilit ni Luna na ngumiti. Yumuko siya at nagsimulang kumain nang maigi. …Makalipas ang limang oras, sa Lynch Group Tower. Ito ang parehong conference room na may parehong tao. Ang lahat ay tinawag para sa isang pagpupulong. Habang nakaupo sa main seat, hindi maitago ni Joshua ang pagod sa kanyang mukha. Kahit na ganon, matikas pa rin siya at mukhang mapagmataas. Habang may maliit na ngiti, tinapik niya ang lamesa gamit ng isang ka
Biglang tumahimik ang lahat nang marinig ang mga sinabi ni Shannon. Napatingin sila kay Alice.Matapos ang mahabang sandali, nag bulungan ang lahat ng tahimik.“Matagal nang hindi maganda ang relasyon nila Mrs. Lynch at Luna.”“Pero hindi gagawa ng ganito si Mrs. Lynch na makakasira sa reputasyon ng Group, hindi ba?”“Sino ang makakapagsabi? Baka alam ni Mrs. Lynch na pinapabayaan siya ni Mr. Lynch na gawin ang kahit ano, baka wala siyang pakialam…”Tuloy tuloy lang ang bulungan.Bilang ang taong pinag uusapan, kalmado lang si Alice.Kalmado siyang tumingin kay Shannon. Ang mga mata niya ay napuno ng gulat. “Sigurado ka ba na ang computer fifty-two ang ginamit ko?”Kumunot ang noo ni Shannon at tumango siya.“Sigurado ako. Ako ang naghanda ng computer para sayo noon.”Kumunot ang noo ni Alice. “Sigurado ka ba? Paano naman…”Tumingin ng nalilito si Alice kay Shannon, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua. Pabago bago ang ekspresyon niya, mula sa pagkagulat at naging galit.
Tila nagdilim ang paningin ni Luna.Sigurado nga.Ang ibig sabihin ng pagiging malapit nila Alice at Courtney ay may binabalak silang masama.Para naman sa recording, hindi niya inaasahan na isisisi ito ni Alice sa iba.Kung sabagay, buong hapon niyang hinihintay si Joseph sa police station kahapon.Hindi niya inaasahan na pupuntiryahin ni Alice si Arianna.Si Arianna ay ang assistant na hinanap ni Nigel para sa kanya mula sa internet dahil sa busy niyang schedule nung nakaraan.Sinabi ni Nigel na matalino si Arianna. Sinuri niya ng mabuti ang lahat ng kandidato bago niya ito pinili.Pinagkakatiwalaan niya ang anak niya, kaya’t tinanggap niya agad si Arianna. Kaya naman, lumagpas si Arianna sa screening ng Human Resources.Alam ng lahat na si Arianna ay nasa panig ni Luna.Gayunpaman, sa mga sandaling ito…Binigay ni Alice ang sisi kay Arianna sa pag upload ng video. Sinabi niya pa na hanapin kung sino ang may pakana nito.“Masisisante ba ako? Tumingin si Arianne kay Luna n
Biglang tumahimik ang conference room.Tumingin ang lahat kay Luna. Tila gusto nilang basahin ang mga iniisip niya.“Luna.”Habang nakaupo sa main seat, tumingin sa kanya ng malamig si Joshua. “Anong nangyari?”Nung sinundo ni Joshua si Luna mula sa police station kahapon at nang makita nito ang video sa internet, parang hindi niya pinepeke ang ekspresyon niya.Gayunpaman, ngayon, ang taong nag upload ng video ay ang pinakamalapit na assistant ni Luna.Kung hindi siya isang magaling gumawa ng pakana at magaling magpanggap sa harap niya, baka ang assistant niya ay sinuhulan ng iba.Tumalikod si Joshua at tumingin siya sa babaeng nasa tabi ni Luna. Ang mukha nito ay nawalan na ng kulay. Pinagpapawisan ito at nanginginig.Kung hindi nakahawak ng mahigpit ang babaeng ito sa mesa, naniniwala si Joshua na matutumba na ang babaeng ito sa sahig.Kumunot ang noo ni Joshua.Paano nagawa ng assistant ni Luna, na isang tapat at mabait na babae, na suhulan ng iba para pag taksilan si Luna
Kay Luna lang malapit si Arianna sa loob ng opisina.Sa ganun, madali nang malaman ang taong nasa likod ng lahat ng ito.Ngumiti si Luna.Kahit na walang tao na tumuro sa kanya, pinapahiwatig ito ng mga salita nila.Kaya naman, agad siyang tumayo at hinarap ito.Kaya , huminga ng malalim si Luna at naglakad siya patungo kay Joshua. “Dahil iniisip ng lahat na inutusan ko si Arianna para gumawa nito, sige.”Pagkatapos, lumingon si Luna kay Shannon. “Kunin mo ang computer number fifty-two, ang computer na gamit ni Mrs. Lynch.”Napahinto si Shannon bago siya tumawag ng lalaking empleyado at lumabas sila.Ngumiti si Alice at tumingin siya kay Luna. “Ms. Luna, anong…”“Mrs. Lynch, sigurado ako na hindi mo ito alam.” Ngumiti si Luna. “Si Mr. Lynch, na nasa tabi mo, ay isang mahusay na hacker. Iniisip ko na kung si Arianna nga ang nag upload ng video, nag log-in siguro siya sa social media account niya gamit ang computer mo, kung hindi, hindi niya mauupload ang video.”“Bukod pa dito
Kumunot ang noo ni Joshua.Tumingala siya at tumingin siya ng malamig kay Luna. “Anong ibig mong sabihin?”“Hindi pa ba ako klaro?” Ngumisi si Luna, “Gusto ko lang ng katarungan.”Ngumisi si Joshua, “Luna, akala ko alam mo ang ibig sabihin ng hindi sumosobra.”“Hindi sumosobra?” Tumawa ng malakas si Luna. Tumingin siya kay Joshua.“Mr. Lynch, pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit hindi ako dapat sumobra? May taong nag record ng meeting at pinost ito online, inakusahan ako ng pangongopya. Nung halos matapos na ang karera ko, sinabihan mo ba siya na ‘wag sumobra?”“Nung inutusan ni Mrs. Lynch ang pinagkakatiwalaan kong assistant para gamitin ang computer niya, gumawa ng ebidensya para akusahan ako ng pagpapanggap, sinabihan mo ba siya na ‘wag sumobra?”“Bakit ko kailangan malaman kung kailan tumigil? Bakit kapag may nagpahamak sa akin, wala man lang akong karapatan para malaman kung sino ang gumawa nito?”Pagkatapos, huminga ng malalim si Luna. “Kung isa kang bias na tao na
Si Luna ang biktima. May karapatan siya na malaman ang tungkol sa problemang ito.Kinagat ni Alice ang mga labi niya. Lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Joshua…”Hindi man lang siya tiningnan ni Joshua. “Humingi ka na lang ng tawad. Sumosobra ka na ngayon.”Dumiin ang mga ngipin ni Alice. Kahit na ayaw niya itong gawin, tumayo pa rin siya.Lumapit si Alice kay Luna at yumuko siya. Sinabi niya ng may masamang loob, “Luna, pasensya na. Hindi ko na dapat inupload ang video sa online at sinimulan ang problemang ito. Hindi ko rin dapat sinetup si Arianna para dito…”Habang nakatingin kay Alice na nasa harap niya, ang babaeng may mukha na dating meron siya, ginitgit ni Luna ang ngipin niya.Pak!May malutong na tunog na maririnig sa buong conference room.Napalingon si Alice dahil sa sampal. Ang mukha niya ay umaapoy sa sakit.Lumingon siya at hindi makapaniwala habang nakatitig ng gulat kay Luna. “Walang hiya ka sinampal mo ako?”“Ang sampal na ito ay para sa tatay mo, si Jo
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya