Medyo nagulat si Joshua.Kung tama ang pagkakaalam niya, wala pang isang linggo ang pag alaga ng babaeng ito kay Nellie.Bakit ang dami niyang alam tungkol kay Nellie.Nakaupo si Joshua sa sofa habang pinapanood na pumili si Luna ng mga damit, napunta ang mukha ni Luna Gibson sa harap ng kanyang mga mata.Kung nasa tabi niya lang ito, magiging katulad niya si Luna, kumikilos na parang isang masipag na bubuyog, busy sa pag aalaga sa kanyang anak.Sa ibang salita, mahalaga si Nellie para kay Luna, parehong sa pag aalaga niya at sa pagbasa niya sa mga nararamdaman ng bata. Parang bang higit pa ang relasyon ng dalawa bilang isang yaya at isang anak ng kanyang amo.Naalala ni Joshua ang nangyari sa Ferris Wheel kahapon, sa sobrang determinado ni Luna sa pagproteka kay Nellie ay nilagay niya sa panganib ang kanyang sariling buhay.Sa mga sandaling ito, naramdaman niya na kahit na nilapitan siya ni Luna na may masamang intensyon, hindi na ito problema para sa kanya.At least, ginagawa
Nang matapos ang phone call niya kay Anne, agad na pumunta si Luna sa Twitter.Totoo nga. Ang nasa tuktok ng trending tab ay [Live na Umiiyak si Aura Gibson].Pinindot niya ito. Ito ay ang live stream ni Aura Gibson.Sa mga sandaling ito, nakaupo si Aura habang umiiyak. Nagpanggap siya na naagrabyado at pinaliwanag niya, “‘Wag po kayong makinig sa mga tsismis. Mahal namin ni Joshua ang isa’t isa. Naniniwala ako sa kanya. Hindi totoo ang mga nakita niyo. Tumigil na po kayo sa pagkakalat ng tsismis. Nahihirapan si Joshua. Hindi siya isang tao na mangangaliwa.”Nang makita ni Luna ang mga pekeng luha ni Aura, lumamig ang puso niya. Kaya pala isang aktres ang babaeng ‘to. Magaling siyang magpanggap.Hindi siya isang tao na mangangaliwa? Bakit pala nagsama sila ni Aura?“Mommy, ano pong tinitingnan niyo?” nang makapagpalit si Luna sa huling set ng mga damit, nakita niya na masama ang tingin ni Luna sa phone. Naintriga si Nellie at lumapit siya para tumingin.Mabilis na sinara ni Luna
Ngumiti siya ng malambing kay Joshua at pinasa niya ang porcelain bowl.“Magbati po kayo ng itlog.”Tinikom ni Joshua ang kanyang mga labi at tinanggap niya ang mga itlog mula kay Luna.Nang tinanggap niya ang mga itlog, dumampi ang daliri niya sa likod ng kamay ni Luna. Agad na hinila ni Luna pabalik ang kanyang kamay.“Mr. Lynch. Sa tingin ko po ay dapat kong ilagay ang mga sangkap sa counter. Bakit hindi niyo na lang po kunin ang mga ito mula doon?”Ngumiti si Luna. “Kung sabagay, may nobya na po kayo. Hindi po maganda na magdikit ang mga katawan natin.”Kumunot ang mga kilay ni Joshua at tumingin siya kay Luna. Anong nangyayari sa babaeng ito ngayong araw?Nagdikit ang katawan? Halos wala naman ata?Habang nakatingin sa nalilitong tingin ni Joshua, nanatiling nakangiti si Luna. Pagkatapos, nagpatuloy siya sa pagtuturo ng ibang mga hakbang, pero nakadistansya.Makalipas ang isang oras, bumaba si Nellie at nagulat siya. “Wow! Pinag lutuan po ako ni Daddy! Kakain po ako ng ma
“Wala po siyang ginawang masama.”“Gumawa siya ng gulo para sa mga amo niya. ‘Yun ang pinakamalaking pagkakamali niya!”“Hindi po siya gumawa ng gulo,” ito ang simpleng sinabi ni Joshua habang nakakunot ang kanyang noo.Galit na hinampas ni Granny Lynch ang kanyang tungkod. “Gumawa siya ng gulo para kay Aura! Si Aura ang magiging Madam ng Blue Bay Villa, at ang magiging amo niya!”Kalmadong lumingon si Joshua at tumingin siya ng malamig kay Aura, “Sa tingin mo rin ba?” namutla ang mukha ni Aura sa mga salita ni Joshua.Tinikom ni Luna ang kanyang bibig at nagpanggap siya na na agrabyado. Umatras siya at yumuko. “Maraming beses ko nang ipinaliwanag kay lola, mga tsismis lang ‘yun mula sa mga netizen. ‘Wala tayong dapat gawin dahil lang gumawa sila ng tsismis…”“Tsismis?” tumingin ng galit si Granny Lynch kay Aura. “Ano? Maghihintay lang ba ako hanggang makuha ng katulong na ‘yun ang gusto niya, hintayin na may mangyari sa kanila ni Joshua, at doon ko lang siya papalayasin? Paano n
Hindi tumingala si Joshua.Matapos ang ilang saglit, sinabi niya lang na, “Umalis ka na. Gusto kong mapag isa.”“Okay.” nagbuntong hininga si Aura at umalis na siya ng opisina.Sa hagdanan sa labas ng President’s office.Nasa break sina Zach at Yuri. Palihim nilang tinawagan si Neil.“Boss, hulaan niya ang narinig namin ngayon lang? Pumunta si Granny Lynch sa opisina ni President Lynch at gumawa siya ng gulo. May narinig din ako na tungkol sa pagbawi ng engagement…”Sa kabilang linya ng phone, nasabik si Neil. “Ano pa!”“Hindi namin masyadong narinig, pero pagkatapos umalis ni Granny Lynch, pinag uusapan nila Aura at President Lynch na babawiin daw nila ang engagement. Mukhang maghihiwalay na rin sila!”“Magandang balita!” ang sabi ni Neil. Pagkatapos purihin sina Zach at Yuri, binaba na ni Neil ang phone.Sabik siyang naglalakad sa loob ng bahay. Sa huli, nilabas niya ang kanyang phone at nagorder ng maraming pagkain.Makalipas ang isang oras, nagulat si Anne ng makita niya
Hindi nagtagal, muling nagring ang phone ni Luna.Tumingin siya sa screen. Nakalagay ang, [Malcolm Quinn]. Kumunot ang noo niya at sinagot niya ito.“Luna.” narinig ang mababang boses ni Malcolm mula sa kabilang linya ng phone. “Nakita ko ang balita sa Banyan City.”Nagbuntong hininga si Malcolm. “Bakit naging katulong ka ni Joshua Lynch?”Nagkibit balikat si Luna. “Mahabang istorya.”Bago bumalik si Luna sa bansa, marami siyang ginawang paghahanda para mapalapit siya kay Joshua.Gayunpaman, bago pa niya gawin ang mga plano niya, pinadala na ni Neil si Nellie kay Joshua. Wala siyang magagawa kundi maging katulong ni Joshua.Lumihis ang lahat mula sa orihinal niyang plano. Gayunpaman, kaya niya pa rin itong harapin.“Narinig ko na ginagawan na ng paraan ni Joshua na harapin ang mga tsismis sa online.” tila istrikto si Malcolm. “Pero, mukhang mahirap harapin ang mga taon na gumagawa ng mga tsismis. Nahihirapan ang mga tao ni Joshua na harapin ‘to. Kailangan mo ba ng tulong ko?”
Nung pumasok si Lucas na may hawak na kape, magiting na nakikipaglaban pa rin si Joshua sa kanyang computer.Habang nakatingin si Lucas sa coding sa computer screen, nabigla siya.Nilapag niya ang kape sa mesa. “Sir, maraming taon na po kayong hindi kumilos ng kayo mismo.”Tumango si Joshua at tinaas niya ang tasa ng kape. Ininom niya ito ng isang lagukan.Maraming taon na siyang hindi nahirapan ng ganito. Maraming taon na rin siyang hindi nagalit ng ganito!Nilapag ni Joshua ang tasa na walang laman at nagpatuloy siya sa pagtype sa keyboard!Ang first layer, second layer… at pagdating sa fifth layer ng firewall, malakas na ang pagtulo ng pawis ni Nigel. Alam niya na mahusay na hacker ang kalaban niya, ngunit hindi niya inaasahan na magaling na magaling ito!Kampante si Nigel sa kakayahan niya sa paghack, ngunit habang kaharap ang kalaban na ito, nahirapan siyang dumipensa!Beep, beep, beep!May nakakabinging tunog sa computer.Hindi lang binalaan ng system na gustong kunin n
Dahil lang hindi siya matagpuan ni Joshua, gumamit ito ng pagbabanta?Ngumiti ng bahagya si Nigel. Pinasok niya ang hard disk sa kanyang laptop, pagkatapos ay nagsend siya ng anonymous email kay Joshua.Nakatanggap ng email si Joshua. Walang laman ito kundi ang isang video.Sa loob ng video, nakaupo sa harap ng computer si Aura habang may suot na malaking shades. Nakatingin siya sa coding ng computer screen, nakakunot ang noo.Hindi nagtagal, tila may naisip siya at nagsimula siyang magtype ng galit sa kanyang keyboard, nag dedecode siya.“Uh…” gulat na tumingin si Lucas sa computer screen. “Sir, ang hacker po kanina ay si Ms. Gibson?”“Hindi siya.” Itinaas ni Joshua ang tasa ng kape at uminom siya dito. “Konti lang ang kakayahan niya sa computer. Pati, ang mga tinype niya ay hindi ang tamang decoding method. Mahusay na hacker ang katapat ko. Hindi siya ‘yun.”Tumango lamang si Lucas, kahit na hindi niya ito naiintindihan.“Pupunta tayo sa bahay ni Aura.” nilapag ni Joshua ang