“Kung ganun, kailangan mo mangako na makinig sa bawat salita na sasabihin ko.” Hindi sinubukan ni Stefan na pigilan si Gwen sa pagpunta dito. Sa halip, pinili niya na ipahayag kay Gwen ang mga detalye ng misyon nila para Tyson. Nagpadala ng mga tauhan si Tyson sa Sharnwick City. Ito ay dahil hindi pa rin siya nagtitiwala kay Stefan at Kurt ng sandaang porsyento, lalo na at si Kurt ay tapat kay Luke dati. Gayunpaman, sa sobrang husay nila Stefan at Kurt sa paglalaban ay wala silang laban, at ito ang rason kung bakit walang ibang magagawa si Tyson kundi ang magpadala ng mga tauhan sa Sharnwick City sa mahalagang misyon na ito. Gusto niya agad ipadala sila sa madaling panahon dahil nabalitaan niya na bibisita si Joshua sa Sharnwick City. Nag aalala si Tyson na susubukan ni Joshua na iligtas si Andy sa pagkakakulong nito, kaya nagdesisyon siya na ipagkatiwala kela Stefan at Kurt ang mahalagang trabaho na pagprotekta kay Andy. “Pupunta si Joshua sa Sharnwick City?” Lumaki ang mga
“Ah, Ben!” “P*ta ka!” Ang mga ungol ng babae ay tumuog kasabay ng mga ungol ni Ben. Walang ibang mas gugustuhin si Gwen kundi ang lumabas ng kwarto at sakalin ang dalawang ito! Kalahating oras na lang ang natitira bago dumating sina Luna at Joshua, at ang dalawang ito ay gumagawa pa ng ganito! Bakit hindi niya napansin na ganito katagal ito dati, kahit na noong magkasama sila ni Ben dati? Gumamit ba ng pill si Ben bago ang lahat ng ito? “Maganda ang epekto ng pill!” Ang sabi ng babae na para bang napansin niya ang eksaktong iniisip ni Gwen. “Ang galing mo, Ben!” “Sinabi ko na sayo, kaya ko ito, kailangan ko lang ng pill para ilabas ang potensyal ko!” Ang masayang sinabi ni Ben. Gumulong ang mga mata ni Gwen dahil dito. Biglang nagvibrate ang phone niya at nakatanggap siya ng isang message mula kay Luna. [Gwennie, malapit na kami. Handa ka na ba?] Inisip ni Gwen kung paano siya sasagot dito. Huminto siya, pagkatapos ay sumagot siya, [Um, may sitwasyon ako.] [Ano an
Naramdaman ni Gwen na huminto ang puso niya. Ang buong katawan niya ay sumisigaw sa takot. Paano… Paano nangyari ito? Paano natuklasan ni Tyson ang pinagtataguan niya? Ano ang binabalak niya? Darating ba sa oras sina Luna at Joshua kapag tinawagan niya ang mga ito? “Ang mga kaibigan ni Gwen ay dumating sa Sea City, at nalaman agad ito ng boss namin, kaya gumawa siya ng traffic para matagalan sila!” Ang sabi ng lalaki sa labas na para bang nabasa niya ang iniisip ni Gwen. Lumubog ang puso ni Gwen. Kaya pala biglang napunta sa traffic sina Luna. Kagagawan ito ni Tyson! Kinagat ni Gwen ang labi niya at nilagay niya ang buong bigat niya sa pinto, pumikit siya habang hinihintay ang kapalaran niya. Hindi malaki ang bahay na ito, at sa maingat na paghahanap nila, hindi magtatagal at mahahanap na rin siya. Dahil wala sina Stefan at Kurt, imposible na makalabas siya dito ng buhay. “Wala si Gwen Larson dito!” Tumunog ang boses ni Ben. “Nagkakamali siguro kayo! Si Gwen a
Pumikit si Gwen. Salamat sa Diyos. Salamat sa Diyos at walang kahit sino sa mga tauhan ni Luke ang nakakaalala ng itsura ni Gwen. Nakahinga ng maluwag si Gwen sa gitna ng pagsigaw ni Ben at sa pag iyak ng babae. Nagtataka siya kung bakit nagdesisyon si Ben na magdala ng babae dito, pero ngayon, sa huli ay naligtas ni Ben ang buhay niya.Kung hindi sila dumating dito, ang mga tauhan ni Tyson ay hahanapin ang buong lugar para hanapin siya, at siguradong mahuhuli siya.Umandar ang kotse, at ang sigaw ng babae ay lumayo ng lumayo/ Sa huli, nang mawala na ang kotse, huminga ulit ng malalim si Gwen at nagtext siya kay Luna. [Pwede ka nang pumunta ngayon.] Bago ang lahat ng ito, binalaan siya ni Stefan na ‘wag lumabas ng kwarto bago dumating sina Luna at Joshua. Sinunod niya ang utos na ito, nagdesisyon siya na maghintay sa kanila sa maliit na kwartong ito. Mabilis na nagreply si Luna. [Nawala na rin ang traffic. Pupunta na kami dyan!] Naisip ni Gwen na para bang nabawasan
Sa kasamaang palad, sakto ang susi sa kandado, at umikot ang doorknob. Naramdaman ni Ben ang paghila sa pinto sa sandali na itulak niya ang pinto. Tumawa siya. “Tama ako—nagtatago ka lang dito, Gwen!” Nilagay ni Gwen ang buong bigat niya sa pinto, sinubukan niyang pigilan si Ben sa pagpasok, ngunit nabigo siya. Malaki ang pagkakaiba sa lakas ng isang lalaki sa lakas ng isang babae, lalo na at maliit si Gwen, at si Ben naman ay matangkad at maskulado. Wala siyang laban kay Ben! Kahit na hindi nagawa ni Ben na buksan ang pinto noong una, unti-unti niya pa rin itong nabuksan. “Gwen!” Sa huli, nakita niya ang mukha ni Gwen mula sa sulok ng pinto. May kalupitan sa mga mata niya habang ngumiti siya. “Nahanap na rin kita! Dati ka pa ba nakatago dito? Nakikinig ka ba sa amin noong huling beses na nakasama ko ang babaeng ‘yun?” “Exciting ba na makinig sa pakikipagtalik ng ex-husband mo sa ibang babae? Ito ba ang tipo ng excitement na hinahanap mo?” Puno ng pagnanasa at kasamaan
Ibinaba ni Gwen ang walis at sumandal siya sa pader sa likod niya, hawak niya pa rin ng mahigpit ang walis. Pagkatapos ng ilang sandali ng paghihingalo, tumingin siya sa lalaking nasa harap niya. Si Ben ay nakahiga sa sahig ng nakakatakot na posisyon, dumudugo ang kanyang ulo. Hindi alam ni Gwen kung patay na si Ben o walang malay lang ito. Nabigla si Gwen sa kanyang nakita, at napaatras siya. Sa sobrang pokus niya sa pagdepensa sa sarili niya ay hindi siya tumigil para tumingin sa nangyayari. Ngayon at hindi kumikilos si Ben, nararamdaman niya na humigpit ang kanyang dibdib, at ang walis ay bumagsak sa sahig. Hindi kaya’t hinampas niya si Ben hanggang sa mamatay ito? Habang iniisip ito, lumuhod si Gwen at lumapit siya para pakiramdaman ang paghinga ni Ben. Kahit na gusto niyang tumakas mula kay Ben, hindi niya intensyon na patayin ito!1 Gayunpaman, sa oras na ilapit niya ang kanyang mga daliri, bumangon mula sa sahig si Ben, hinawakan niya ang braso ni Gwen, at tinulak
“Gwen!” Tumunog ang nag aalalang boses ni Luna sa buong bahay. “Ayos ka lang ba?” Kakarating lang nila ni Joshua nang marinig nila ang sigaw ni Gwen, at agad siyang sumugod sa bahay ng hindi man lang naghihintay para sumunod ang iba. Naramdaman ni Gwen na nagrelax ang buong katawan niya nang marinig niya ang boses ni Luna. Habang lumalabo ang paningin niya, nakita niya na tumatakbo papunta sa kanya sina Joshua at Luna. “Luna!” Sa huli, pumikit siya at nawalan siya ng malay. Nang gumising na siya, nakatali na si Ben at nakaluhod sa harap niya. “Gwennie.” Nagbigay ng isang baso ng tubig si Luna nang mapansin niya na gumigising na si Gwen, “Ayos ka lang ba?” Ang malamig na tubig ay nagpaginhawa ng magaspang na lalamunan ni Gwen. Pumikit siya at huminga siya ng maluwag, pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. “Dumating ka sa oras.” “Huli pa rin tayo,” Nagbuntong hininga si Luna at binigay niya ang baso kay Joshua, na siyang nilagay ang baso sa mesa sa tabi niya, “Kung dumating
“Ano ngayon?” Ngumisi si Ben kay Luna at sumagot siya ng malamig, “Ano ang makukuha mo kung mabait ka? Tingnan mo kung ano ang pinagdaanan ni Luke dahil sa p*ta na ito?” “Kung hindi ako nakipaghiwalay sa kanya, pinilit niya na rin sana ako na ibigay ako puso ko sa kanya! Hindi ako magiging tanga na tulad ni Luke. Siya ang leader ng mga gang sa dalawang bayan! Paano siya naging isang tanga para isakripisyo ang buhay niya para sa isang babae? Kalokohan!” Pagkatapos, tumingin siya sa maputlang mukha ni Gwen at sinabi niya, “Luna, sinabi mo na kaya mo siyang protektahan ng habang buhay, pero sigurado ka ba na kaya mo ‘yun? Kahit si Luke ay hindi ‘yun kayang gawin!” “Babalik din kayo ni Joshua sa buhay niyo, at siguradong hindi kayo magpapalipas ng habang buhay sa pagprotekta sa kanya! Ang tanging solusyon ay ang bumalik sa buhay si Luke at buhayin ang dating gang para mapabagsak si Tyson, pero alam nating lahat na imposible ito! Basta’t nandito sina Tyson at Winson, hindi sila titigi
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya