“Ang taong kumidnap sa tatay mo ay si Tyson,” Sumingit si Stefan kay Gwen bago pa siya matapos magsalita. “May plano kami ni Kurt. Makikipagkita kami sa kanya ngayong hapon, at pagkatapos namin makuha ang tiwala niya, malalaman namin kung saan niya tinatatago ang tatay mo.”Habang sinasabi niya ito, lumingon siya para tumitig kay Gwen. “‘Wag kang mag alala. Habang nandito ako, magiging ligtas ang tatay mo. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matupad ang hiling mo, kahit na ang pagtulong ito sa pagprotekta sa mga taong mahal mo…”Huminto ng ilang sandali si Stefan, pagkatapos ay idinagdag niya, “Masusunod ang kagustuhan mo.”Pagkatapos nito, tumalikod siya para umalis.“Salamat.” Kinagat ni Gwen ang labi niya habang tumitig siya habang paalis si Stefan. “Kapag natapos na ito, ibibigay ko sayo ang lahat ng pera na meron ako bilang gantimpala sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Hi… Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong ialok sayo bukod pa dito.”Ngumiti ng mapait si Stefan na
Tuwang tuwa si Luna nang marinig niya ito.Perpekto ito! Dapat maalala ni Gwen si Luke dahil siya si Luke!Dahil dito, mabilis na nagsend ng voice message si Luna, “Gwen, dahil ganito na ang nararamdaman mo, bakit hindi mo subukan na tanggalin ang mask niya para makita mo kung ano talaga ang itsura niya? Ito ang sasabihin ko sayo, dapat ka maging matapang, at sino ang makakapagsabi kung matuwa at mabigla ka sa kanya?”Mas lalong naaliw si Gwen dahil dito. Paano naman siya mabibigla? Ang tanging paraan para mangyari ito ay kung si Stefan ay si Luke pala na nagpapanggap lang na ibang tao.Bukod pa dito…Sinabi ni Stefan na pinili niyang itago ang mukha niya dahil sa sira ang mukha niya, at ito ang rason kung bakit nagdadalawang isip si Gwen na makuha ang mukha ni Stefan. Palihim siyang nag aalala na ang bawat damdamin na nararamdaman niya ay maglaho kapag nakita niya ang sira-sirang mukha ni Stefan.Ayaw niyang mawala si Stefan bilang isang kaibigan.Hindi. Hindi niya ito hahayaan
Kinuskos ni Luna ang mga mata niya sa galit. “Hindi.”“Noong umalis ng bayan si John, sinabi niya kay Joshua na ‘wag siyang sundan o hanapin dahil ayaw niya nang may kinalaman siya sa kahit sino sa atin, kaya… sinunod ito ni Joshua. Hindi siya nagpadala ng mga tauhan para bantayan o hanapin si John. Ngayon… wala kaming ideya kung nasaan pumunta sina John o si little Sammie.”Ito ang rason kung bakit nakipag away siya kay Joshua.Naiintindihan niya na ang kagustuhan ni John na malayo sa kanila at alam niya na kinamumuhian silang lahat ni John, pero…Hindi niya mapigilan na isipin na may ginawa dapat si Joshua para mas maprotektahan sina John at Sammie. Kahit na kailangan niyang tuparin ang kahilingan ni John, pwede siyang palihim na magpadala ng mga tauhan para bantayan sila para malaman nila ang kinaroroonan ni John.Gayunpaman, walang intensyon si Luna para makialam sa mga buhay nila…Nagbuntong hininga siya. “Namimiss ko lang talaga sila.”Ang gusto niya lang gawin ay ang bant
“Bakit ako ulit ang pinag uusapan natin?” Tahimik ng ilang sandali si Gwen bago kumunot ang noo niya at pinilit niyang sinabi ng may tono na may aliw. “Hindi ba’t ikaw ang pinag uusapan natin? ‘Wag mong baguhin ang pinag uusapan natin!”Alam ni Luna na nagpapanggap lang si Gwen na wala itong pakialam. “Anim na buwan na ang lumipas ,Gwen, pero hindi ka pa rin bumibitaw kay Luke, kaya bakit inaasahan mo na ganito rin ang gagawin ko para kay Anne?”Napapanaginipan niya pa rin si Anne, parehong habang nasa kulungan at kahit nakalaya na siya.Ang mga imahe ng gulat at awa ni Anne noong unang beses nakita ni Anne ang sirang mukha ni Luna.Ang mga imahe ni Anne ng pagsama nito sa kanya sa buong gabi noong hindi siya makatulog dahil sa sakit ng surgery.Nandoon si Anne sa mga pinaka madilim na punto ng buhay niya, kaya paano niya makakalimutan ng basta basta na siya ang dahilan ng pagkamatay ni Anne?Nagbuntong hininga si Gwen nang marinig niya ang lungkot ni Luna at nagdesisyon siya na
Nabigla si Lucas habang pinapanood niyang papalayo si Luna.Pagkatapos maglaho ni Luna sa elevator, nawala na siya sa pagkatulala. Tumingin siya sa food container na hawak niya, pagkatapos ay nakita niya na nakikipag usap si Joshua sa babae sa opisina, at agad niyang naintindihan kung ano ang nangyari.Tinapik niya ang noo niya sa pagsisisi at mabilis siyang naglakad papasok ng kwarto.“Mr. Bean, bakit ka nagdala ng isang extra na pagkain ngayon at patapos na kaming kumain ni Joshua?” Ang tanong ng babae, nakakunot ang noo habang nakatingin sa container na hawak ni Lucas.Gumulong ang mga mata ni Lucas sa babae—kung saan hindi nito nakikita—at nilagay niya ang container sa harap ni Joshua. “Sir, nakasalubong ko po si Ma’am sa labas ng pinto kanina. Nagdalawa po siya ng tanghalian para sa inyo.”Pagkatapos, tumingin siya sa babae at sinabi niya ng may bahid ng paghamak, “Sa tingin ko po ay dumating si Ma’a mat nakita niya kayo na kumakain ng tanghalian kasama si Ms. Moore at mali a
Sa oras na makarating si Joshua sa building lobby, ang diver mula sa Lynch Mansion ay dumating na.Binuksan ni Luna ang pinto at papasok na sana siya nang may taong humawak sa braso niya.Tumalikod siya ng nakasimangot at nakaharap niya ang gwapong mukha ni Joshua.Gumulong ang mga mata ni Luna sa oras na makita niya kung sino ito. “Ano ang ginagawa mo dito?”Mukhang masaya na kumakain si Joshua kasama ang isang nakakaakit at batang babae, kaya bakit nandito siya bigla?“Sinabi sa akin ni Lucas na dumating at umalis ka ng walang sinasabi, kaya pinuntahan kita para malaman ko kung ano ang nangyayari.” Sumenyas si Joshua na pumasok si Luna sa kotse. “Bakit ka umalis na hindi man lang bumabati?”Umirap si Luna, pagkatapos ay pumasok siya sa kotse at tumalikod siya para tumingin ng masama kay Joshua. “Nakita ko na masaya kang kausap ang nakakakit na babaeng ‘yun at naisip ko na wala ako sa posisyon para sumingit, Mr. Lynch.”Pagkatapos, tumingin siya kay Joshua mula sa sulok ng kany
“Pinsan ko siya.”Ang tatlong mga salitang ito ay tumunog sa tainga ni Luna at tila naglaho ang lahat ng galit niya. Kumunot ang noo niya, tinulak niya palayo si Joshua, at sinabi niya na tila hindi makapaniwala. “May pinsan ka na babae?”Ngumiti si Joshua, pagkatapos ay niyakap niya si Luna. “May kapatid na lalaki ka na hindi mo alam, kaya bakit hindi ako pwede magkaroon ng babaeng pinsan? Bukod pa dito, hindi ba’t sinabi ko na ito sayo sa Saigen City?”“Ang nanay at Aunty Eanne ko ay kambal ng pamilya Moore. Dalawa silang nagrebelde sa pamilya nila at pinili nila na magpakasal sa labas ng tahanan nila. Pinili ni Aunt Eanne na makasama ang tatay ni Thomas, at ang nanay ko naman ay nakasama si Adrian.”Hindi mapigilan ni Luna na magbuntong hininga nang marinig niya ito. “Sina Rianna at Eanne ay parehong disenteng babae. Malungkot lang na…”Sa kasamaang palad, hindi sila marunong pumili ng lalaki. Ang tatay ni Thomas, si Howard, at si Adrian ay manloloko at tuso.Alam ni Joshua an
Agad na naintriga si Luna sa chansa na makita ulit sina John at Sammie, kahit na tumanggi si Gwen sa ideya nito kanina lang. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya kay Joshua. “Pwede ko bang gawin ‘yun? Sigurado ka ba na walang makakaalam kapag nahanap ko sila? Ako—” “Walang makakaalam.” Alam ni Joshua kung ano ang pinag aalala ni Luna. Ngumiti siya habang niyakap niya si Luna at sumagot siya, “‘Wag kang mag alala. Nandito si Tara para tulungan tayo.” Napahinto si Luna sa gulat. “Si Tara? Ano ang kinalaman niya dito?” Ngumiti ulit si Joshua. “Maraming negosyo ang pamilya Moore sa Sharnwick City, at nandoon sina John at Sammie ngayon.” “Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit pinadala ng tito ko si Tara para bisitahin tayo; para gamitin bilang cover-up kapag bumisita tayo sa Sharnwick City. Sa ganun, kapag may kahit sino na maghiganti sa akin at inatake nila ang mga tao sa paligid natin, walang kahit sino ang gagalaw sa pamilya Moore.” “Dapat kang sumama sa akin sa Sharnw