“Bakit?”Nang makita ni Joshua ang gulat na ekspresyon ng batang lalaki, ngumiti siya. “Gulat ka ba na makita ako?”Lumunok si Neil at tumango siya. “Nakakagulat nga po…”Paano niya nahanap ang lugar na ‘to?“Mukhang hindi ko na dapat ipakilala ang sarili ko.” kumuha ng malinis na baso ang lalaki at nagbuhos siya ng beer. “Niligtas mo ang anak ko, pero bakit mo ako iniiwasan?”“Hindi, hindi ko po kayo iniiwasan.” guilty na lumingon palayo si Neil para umiwas sa tingin ni Joshua.Kahit na paulit ulit niyang tinawag na masamang lalaki si Joshua, hindi pa rin siya komprotable nang biglang dumating ito sa tabi niya.Tumawa si Joshua. “Hindi mo talaga ako iniiwasan?”Umubo ng mahina si Neil. “Gumagawa ako ng mabuti ng hindi nag iiwan ng pangalan.”“Hindi lang sa hindi ka nag iwan ng pangalan, hindi ka rin nag iwan ng bakas?”Hinanap ng mga tao niya ang buong amusement park at tiningnan ang lahat ng taong lumabas at pumasok sa park, ngunit hindi siya mahanap dito.Sumipsip si Neil
Gumulong ang mga mata ni Neil at hinulaan niya na tinanong ito ni Joshua dahil kay Nellie.Gusto bang bumawi ng masamang lalaking ito kay Nellie?Sumimangot ang batang lalaki at inisip niya ang sinabi sa kanya ni Nellie.“Neil, kapag bumalik ka kay Daddy, anong gusto mong gawin ni Daddy para sayo? Sana maging katulad ni Daddy si Mommy at ipagluto niya ako ng masarap na pagkain. Tulad ng pag suklay sa akin ni Mommy, pagpili ng mga damit ko, at kwentuhan ng mga istorya bago matulog tulad ni Mommy!”…Nagdalawang isip si Neil at inalis niya ang pag pag suklay sa kanyang sagot, “Gusto ko po na ipagluto ako ng tatay ko, pilian ako ng damit, at kwentuhan ako ng mga istorya bago matulog.”Tumaas ang mga kilay ni Joshua. “Kailangan mo pa ba ng tao na magkwento sayo ng istorya bago matulog?”Mature na ang batang ito para kwentuhan ng istorya bago matulog.“Syempre gusto ko pa rin po makinig sa mga istorya bago matulog!” sumama ang loob ni Neil. “Bata pa rin po ako! Hindi niyo po pwedeng
Pak!May matangkad na lalaki ng dumating sa pinto.Sa sandali na binuksan ni Joshua ang pinto, nakita niya ang babaeng nakaupo sa hagdan.Nakaupo siya sa upuan habang may photo album sa kanyang kandungan, tumitingin sa laman ng photo album.Nakasuot siya ng yellow nightdress, at nakalugay ang mahaba at kulot na buhok niya, nagmukha siyang seksi at payat dahil dito.Sa ilalim ng mahinang ilaw, mukhang seksi at nakakaakit ang mga binti niya, ngunit sa kanyang maliit at makinis na mga paa, may suot siya na cartoon plush slipper na pareho kay Nellie.Huminto ang mga mata ng lalaki.Ang babaeng ito, ay gising pa ng madaling araw, at naka-pose ng ganito sa loob ng study room ng lalaki, sinusubukan ba niyang mang akit?Muntik na siyang mamatay ngayong araw, at ngayon at dumating na ang dabi, may ganitong mga intensyon pa rin siya!Habang iniisip ito, naging malamig ang ekspresyon niya. Lumapit siya at sinabi, “Anong ginagawa mo?”Hindi matatag ang posisyon ni Luna sa hagdan, at naka
Kumurap si Nellie, pagkatapos ay napagtanto niya na mali ang sinabi niya.Hindi siya humarap sa kanyang tatay, lumingon siya sa gilid, “Si Mommy po, ngayon, siya ay…”Bago pa siya matapos sa pagsasalita, nakita niya si Luna na nakatayo sa entrance ng study room.Naiwan ang salita ng batang babae sa kanyang lalamunan.Lumigon si Joshua at tumingin siya babaeng nakatayo sa entrance, maririnig sa boses niya na hindi siya natutuwa, “May gusto ka bang sabihin?”“Opo.”Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Luna. “Sinabi po ng mga katulong sa baba na handa na po ang agahan at tinanong nila kung kakain na po si Nellie.”“Pwede ka nang maunang kumain kung gutom ka na.”Tumingin sa kanya si Joshua ng naiirita, “Kapag natapos na si Nellie, kami na ang bahalang bumaba.”“Okay po.”Ngumiti si Luna at tumango, pagkatapos ay lumingon siya ng hindi nagdadalawang isip.Pag alis ni Luna, sinara ni Joshua ang pinto sa study room, lumingon siya at nagpatuloy sa pag tanong kay Nellie. “Ano n
Habang nakatingin sa eksena, bahagyang sumimangot si Joshua.Pagkatapos ng agahan, bumaba si Nellie sa kanyang upuan, “Babalik na po ako sa kwarto!”Pagkatapos, umakyat ng hagdan ang batang babae.Habang nakaupo, nakatingin si Luna sa pony tail ng batang babae habang umakyat ito sa hagdan, napailing siya.Bata pa lang si Nellie, pabago bago ang mga emosyon niya na parang isang bagyo.Base sa ekspesyon niya, tila nakalimutan niya na ang mga nangyari kahapon.Pagkatapos ang ilang saglit, tumayo siya at umakyat.“Sandali lang.”Sa sandali na tumayo siya; tinawag siya ni Joshua.Tumingin si Luna sa kanya, “Mr. Lynch, may sasabihin po ba kayo?”“Oo.”Klinaro ni Joshua ang kanyang lalamunan, “Gusto kong magluto para kay Nellie.”Naalala pa rin ni Joshua ang sinabi ng batang lalaki sa kanya kagabi.“Kapag biglang dumating ang tunay kong tatay, gusto ko na ipagluto niya ako ng masarap na pagkain, pilian ako ng mga damit at kwentuhan ng istorya bago matulog.”Kahit na magkaiba ang
“Miss Zimmer.”Kumindat si Luna kay Anne, sadya niyang binati ito na para bang magkakilala lamang sila, “Nasa labas ka rin para mamalengke?”Sumimangot si Anne, magsasalita pa lang siya nang biglang tumingin si Joshua kay Neil, “Muli tayong nagkita.”Sa harap ni Luna, hindi kayang magsalita ni Neil, at napangiti na lang siya ng nahihiya, “...Opo, nagkita po ulit tayo.”Nabigla si Anne at wala siyang masabi.Anong nangyayari?Malapit si Luna sa isang tao na tulad ni Joshua Lynch?At kilala rin ni Neil si Joshua?Ngumiti siya ng awkward, “Mukhang kilala ng lahat ang isa’t isa…”“Hello.”Napansin lang ni Joshua ang babae na tumutulak kay Neil sa shopping cart, “Nanay ka ba ng batang ito?”Anne, “???”Ang nanay ng batang ‘yan ay nasa tabi niya.“Hindi ko po siya nanay, ninang ko po siya.”Nagsalita si Neil at siningitan siya, “Busy sa pagtrabaho ang nanay ko at wala siyang oras para alagaan ako, kaya’t kasama ko sa bahay ang ninang ko.”Naipit sa lalamunan ni Anne ang mga sa
Medyo nagulat si Joshua.Kung tama ang pagkakaalam niya, wala pang isang linggo ang pag alaga ng babaeng ito kay Nellie.Bakit ang dami niyang alam tungkol kay Nellie.Nakaupo si Joshua sa sofa habang pinapanood na pumili si Luna ng mga damit, napunta ang mukha ni Luna Gibson sa harap ng kanyang mga mata.Kung nasa tabi niya lang ito, magiging katulad niya si Luna, kumikilos na parang isang masipag na bubuyog, busy sa pag aalaga sa kanyang anak.Sa ibang salita, mahalaga si Nellie para kay Luna, parehong sa pag aalaga niya at sa pagbasa niya sa mga nararamdaman ng bata. Parang bang higit pa ang relasyon ng dalawa bilang isang yaya at isang anak ng kanyang amo.Naalala ni Joshua ang nangyari sa Ferris Wheel kahapon, sa sobrang determinado ni Luna sa pagproteka kay Nellie ay nilagay niya sa panganib ang kanyang sariling buhay.Sa mga sandaling ito, naramdaman niya na kahit na nilapitan siya ni Luna na may masamang intensyon, hindi na ito problema para sa kanya.At least, ginagawa
Nang matapos ang phone call niya kay Anne, agad na pumunta si Luna sa Twitter.Totoo nga. Ang nasa tuktok ng trending tab ay [Live na Umiiyak si Aura Gibson].Pinindot niya ito. Ito ay ang live stream ni Aura Gibson.Sa mga sandaling ito, nakaupo si Aura habang umiiyak. Nagpanggap siya na naagrabyado at pinaliwanag niya, “‘Wag po kayong makinig sa mga tsismis. Mahal namin ni Joshua ang isa’t isa. Naniniwala ako sa kanya. Hindi totoo ang mga nakita niyo. Tumigil na po kayo sa pagkakalat ng tsismis. Nahihirapan si Joshua. Hindi siya isang tao na mangangaliwa.”Nang makita ni Luna ang mga pekeng luha ni Aura, lumamig ang puso niya. Kaya pala isang aktres ang babaeng ‘to. Magaling siyang magpanggap.Hindi siya isang tao na mangangaliwa? Bakit pala nagsama sila ni Aura?“Mommy, ano pong tinitingnan niyo?” nang makapagpalit si Luna sa huling set ng mga damit, nakita niya na masama ang tingin ni Luna sa phone. Naintriga si Nellie at lumapit siya para tumingin.Mabilis na sinara ni Luna