"Si Steven? Saan pa ba siya pupunta?" Humalakhak si Mrs. Hughes. "Lumabas siya para hanapin si Kate, siyempre. Nagiging malapit na ang kapatid mo at si Kate."Palihim niyang sinulyapan si Denise at idinagdag, "Nga pala, kumusta na kayo ni Thomas?”"Kaninang umaga, sinabi sa akin ng Tita Tina mo na sinusubukan niyang ayusin kayo ni Thomas; anong nangyari sa lahat?"Nanlamig ang puso ni Denise nang marinig ito.Matapos makinig sa mga audio recording na ipinadala sa kanya ni Nigel, sa wakas ay nalaman na ni Denise ang katotohanan.Ang dahilan kung bakit kusang-loob na tinatrato siya ni Tina bilang isang kasangkapan laban kay Thomas ay dahil kay Mrs. Hughes, ang kanyang 'ina.'Minsan nang nangako si Mrs. Hughes kay Tina na pakikinggan ng kanyang anak ang bawat utos niya. Hindi lang iyon, kundi si Mrs. Hughes ang nagbigay ng ideya kay Tina na gamitin si Denise para akitin si Thomas."Galing siya sa isang mahirap na pamilya, at kung hindi ko siya napansin noong bata siya dahil sa kany
Sa hotel.Katatapos lang ng tanghalian ni Gwen at yayayain na sana niya si Luna na sumama sa kanya para bisitahin si Yannie nang makatanggap siya ng tawag mula kay Denise."Ms. Larson, pinadalhan kita ng email. Pakitingnan mo ito."Nagsalubong ang kilay ni Gwen dito. "Mabilis yan ah."Sumang-ayon lang si Denise na makipagtulungan sa kanya upang humanap ng ebidensya ng mga maling gawain ng pamilya Hughes at Miller kagabi lang. Sa sobrang bilis, nagpadala siya sa kanya ng email wala pang 24 na oras pagkatapos ng kanilang kasunduan. Paano ito naging posible?"Syempre." Napangiti si Denise. "Mahigit dalawampung taon na akong nanirahan sa bahay na ito, kaya alam ko ang bawat sulok kung saan naka-imbak ang kumpidensyal na impormasyon."Pagkatapos, bumuntong hininga siya at dinagdag, "Sa kasamaang palad, ito lang ang mahahanap ko para sa araw na ito, at hindi ako sigurado kung may iba pa. Ipagpapatuloy ko ang paghahanap ng ilang araw pa. Huwag kalimutan ang ating pangako."Tumango si G
Lumaki ang mga mata ni Gwen sa gulat. “Nawawala si Riley? Paano nangyari ‘yun?” Nagbuntong hininga si Luna at hinila niya si Gwen palabas ng pinto, pagkatapos ay pinaliwanag niya ng pabulong, “Dahil sa nangyari kay Riley noong nakaraan, espesyal na gumawa ng background check at interview si Thomas sa mga doctor na nag aalaga kay Riley, pero…” “Walang may alam sa atin kung gaano kalaki ang impluwensya ng pamilya Miller sa medical community. Kahit sa istriktong mga kondisyon, nagawa pa rin ng pamilya Miller na maisahan si Thomas. Ang chief surgeon na nag aalaga kay Riley… siya pala ay palihim na miyembro ng mga malalapit na tao sa pamilya Miller.” Nagbuntong hininga si Luna at nagpatuloy siya, “Kagabi, dinala ng doctor si Riley palabas ng hospital at naglaho sila. Naistress si Joshua dahil dito, pero wala siyang ideya kung nasaan sila, kaya nag utos siya ng isang taong malapit sa kanya para tuklasin ito… pero walang kasiguraduhan kung mahahanap niya si Riley o hindi.” Kumunot ang
Napalingon si Yannie. Nakatayo si Luna sa harap niya habang may suot na coat sa ibabaw ng damit na pambahay. Halata na nagmadali si Luna sa punto na hindi siya nakapag bihis at nagsuot na lang siya ng jacket sa ibabaw ng pambahay. Hindi lang ‘yun, magulo rin ang buhok ni Luna, at may suot pa siya na slipper ng hotel. Ito ang pinakamasamang itsura ni Luna na nakita ni Yannie, ngunit sa sandaling ito, napuno ng ginhawa ang kanyang puso. “Luna.” Tumingin siya ng luhaan sa mga mata ni Luna. “Yannie, wala kang sumpa.” Huminga ng malalim si Luna at naglakad siya patungo kay Yannie. Kahit na ang lahat ng ito ay may kinalaman sayo, hindi ito ang pangunahing sanhi nito.” Tumingin siya sa mukha ni Yannie at nagpatuloy siya, “Maniwala ka sa akin na kahit wala ka, pagdadaanan ni Thomas ang ganitong mga paghihirap. Ang mga tao na lumoko sa kanya ay hindi ka parte ng plano nila.” Ngumiti si Mrs. Flores at tumayo siya, binigay si Yannie kay Luna bago siya pumunta sa kusina para gumawa n
#Kinagat ni Yannie ang labi niya nang marinig niya ito. Lumingon siya para tumitig kay Gwen, ang mga mata niya ay nagkaroon na ng determinasyon. Nang maalala niya ang pinagdaanan ni Gwen… hindi niya mapigilan na isipin na ang pinagdaanan niya ngayon ay wala lang kumpara sa nakaraan ni Gwen. Habang iniisip ito, suminghot si Yannie at lumingon siya para tumingin sa mga mata nila Luna at Gwen. “Ano… ang dapat kong gawin ngayon? May balita ba mula kay Mr. Lynch? May paraan ba siya para patunayan ang pagiging inosente ni Thomas?” Nang makita ni Luna na nag aalala si Yannie, hindi niya magawa na sabihin kay Yannie ang balita, ngunit ngayon, hindi niya na maitatago ang katotohanan. Kaya naman, huminga siya ng malalim at sinabi niya, “Sa ngayon, wala pa. Nakahanap ng imbestigador si Joshua para gumawa ng autopsy sa Senior Howard para malaman ang rason ng pagkamatay. Kapag napatunayan niya na hindi namatay si Senior Howard dahil sa pagbaril, agad na makakalaya si Thomas.” Hinawakan ni
“Kaya kong—harapin ng mag-isa si Thomas.” Pagkatapos magdalawang isip ng ilang sandali, nagdesisyon si Yannie na tanggihan ang alok ni Luna. “‘Wag kang mag alala; ako na ang bahala dito. Dapat niyong… gawin ang kailangan niyong gawin.” “Sigurado ako na maraming trabaho si Mr. Lynch. Hindi lang sa kailangan niyang bantayan ang Howard Group habang wala si Thomas, kailangan niya pang imbestigahan ang pagkamatay ni Senior Howard at hanapin din si Riley. Sigurado ako na kailangan niya ng tulong mo.” Huminto si Luna nang marinig niya ito. “Sige,” Sumingit si Gwen bago pa makasagot si Luna. “Nagtitiwala ako na kaya mong asikasuhin ang problema ni Thomas ng mag isa. Tutulungan na namin ni Luna si Joshua ngayon.” Kumaway siya kay Yannie at sinabi niya, “Maghihintay kami sa magandang balita mo.” Pagkatapos, naglakad na siya paalis habang hinihila si Luna. Kahit na sumakay na sila sa kotse, lumingon pa rin si Luna para tumingin ng nag aalala sa direksyon ni Yannie. “Aalis lang ba tayo
Tila hindi natutuwa ang babaeng ito. Agad na hinawakan ni Luna ang braso ni Gwen. “Wala po, mali siguro ang narinig niyo.” Pagkatapos, mabilis niyang hinila si Gwen palayo sa eksena. Gayunpaman, hinawakan ng babae ang manggas niya bago pa siya makapaglakad ulit. “Sigurado ako na tama ang narinig ko!” Pagkatapos, sumigaw ng malakas ang babae, “Makinig kayong lahat sa akin! May tao dito na nasa panig ni Thomas Howard!” Ang lahat ng mga nagpoprotesta at sumisigaw ng mga demanda ay agad na tumahimik nang marinig nila ito. Lumingon at lahat para tumitig kila Luna at Gwen na tila hindi makapaniwala. May ilang mga matangkad at maskuladong mga lalaki na humarang sa daan nila Luna at Gwen. “Uy, hindi ba’t ito ang asawa ni Joshua Lynch?” May babaeng biglang nagsalita. “Ayon sa mga nabasa ko sa internet, mga siyam na taon nang kasama ni Joshua ang babaeng ito. Hindi ko inaasahan na makita siya dito!” Nagbulungan ang mga tao sa paligid. “Ito pala ang asawa ni Joshua Lynch… Ano
“Walang hiya kayo!” Nang marinig ito ni Luna, agad niyang nilabas ang phone niya, at nagdial siya sa emergency number, pagkatapos ay tumingin siya sa mga tao sa paligid niya. “Labag ito sa batas! Ako ay—” Bago pa siya matapos sa pagsasalita, lumapit ang leader at inagaw nito ang phone mula sa kamay niya. Dinala niya ang phone ni Luna sa tainga niya at sinabi niya sa kabilang linya, “Wala, maling dial.” Pagkatapos, itatapon niya na sana ang phone ni Luna, nang mapansin niya na mukhang mahal ang phone ni Luna, itinabi niya ito sa bulsa niya. Sa huli, tumingin siya ng matagumpay kay Luna at sinabi niya, “Paano ka na tatawag ng pulis ngayon?” “‘Wag kang mag alala.” Agad na tumalikod si Gwen at prinotektahan niya si Luna sa likod niya. Lumingon siya para tumitig sa mga tao sa paligid niya. “Ako ang nagsabi ng mga bagay na ‘yun tungkol kay Thomas, kaya ako dapat ang puntirya niyo, pero kahit na galit kayo, hindi magbabago ang isip ko!” “Suspect lang si Thomas, at wala pang nakakaha