Klang! Sa sobrang higpit ng hawak ni Joshua sa baso niya ay nabasag ito. Lumingon siya at tumingin siya ng malamig kay Mr. Miller. “Sa tingin mo ba talaga ay perpekto si Steven ngayon?” Akala ni Joshua noong una ay si ‘Steven’ ay si Luke lang, na ang mga alaala ay binura. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ng pamilya Miller at pamilya Hughes! Ginamit nila ang puso ni Steven para iligtas si Gwen, pagkatapos ay binura nila ang mga alaala ni Luke at nilagay nila ang buong pag iisip ni Steven sa katawan ni Luke, at ibang tao na siya! Gayunpaman, si Luke ay isang miyembro din ng pamilya Hughes; ang anak na inabandona nila noong bata pa! Ang tanging rason kaya nahanap nila si Luke pagkatapos ng maraming taon ay dahil lang napunta sa isang coma si Steven. Ngayon at tinanggal nila ang kabuuan ng pag iisip ni Luke, ang natira na lamang ay isang katawan na walang pag iisip, isang katawan para sa mahal nilang si Steven. Minahal nila ng sobra si Steven at binago nila si Luke para magi
Hinayaan dapat ng pamilya Hughes at pamilya Miller si Luke na bumalik sa pamilya niya pagkatapos idonate ang mga laman ni Steven kay Gwen. Bilang kaibigan ni Luke, alam ni Joshua na maliban sa pagiging mahusay sa pakikipaglaban, si Luke din ay isang matalinong lalaki na madaling matuto sa pagpapatakbo ng isang negosyo. Kahit na hindi pinili ng pamilya Miller at pamilya Hughes ang ganitong solusyon, tinulungan sana nila si Luke na humanap ng ibang solusyon para gamutin si Gwen para hindi nila kailangan isakripisyo si Steven! Gayunpaman, hindi nila ito ginawa. Sa simula pa lang, plano na nila na kunin ang buhay ni Luke at gamitin nila ang katawan niya para sa utak ni Steven. Ito ang rason kung bakit nila pinadala si Kate sa Merchant City para bantayan si Luke. Ito ang rason kung bakit ang damdamin ni Kate para kay Luke ay malabo at pabago bago. Minsan, mukhang mahal na mahal niya si Luke, pero minsan, hindi mapigilan na isipin ni Joshua na malamig si Kate at wala siyang pakia
Nawala ang kulay sa mukha ni Kate. Sa sandali na makita niya si Joshua sa bahay niya, alam niya na nandito si Joshua dahil kay Luke at Steven. Nang makita niya na maputla ang itsura ng tatay niya, pati na rin ang sinabi ni Joshua, nalaman niya na nalaman na ni Joshua ang tungkol sa lahat. Pinilit niyang ngumiti at sinabi niya. “Hindi ko inaasahan na mabilis pala kumilos si Mr. Lynch.” Nitong umaga lang nakilala ni Joshua si Steven, at dahil dito, akala ni Kate ay may isa o dalawang araw pa siya para makaiwas sa problema. Sa ikinagulat niya, nalaman na ni Joshua ang lahat sa loob lang ng 12 oras at nagpakita pa ito sa bahay niya para harapin siya. Lagi siyang nakakarinig ng mga tsismis tungkol sa pagiging matalino ni Joshua, ngunit hindi niya nasaksihan ang talino at mabilis na pag iisip nito. Ito ang unang beses. Hindi mapigilan ni Joshua na ngumisi nang marinig niya ito. “Nalaman ko na dapat ito. Pero…” Tumingin siya ng malamig kay Steven at ngumisi siya. “Hindi pa hul
Buong hapon niyang hawak ang metal plate sa mga kamay niya, nakatitig siya dito. Naging busy ang The Spring Resort ng gabi, at sa huli, nasira ang katahimikan ng pagiging mag isa ni Gwen, kaya wala siyang magawa kundi umalis. Habang naglalakad siya sa kalsada at dumaan ang hangin sa kanya, hindi niya mapigilan na maalala si Luke. Hindi lang ‘yun, hindi niya rin mapigilan na maalala ang lahat ng mga tao na tumulong sa kanya maghanap ng pendant. Si Luna, Yannie, at Thomas… PInahalagahan siya ng mga ito… Pumikit si Gwen, may mahinang ngiti sa kanyang mukha habang naglalakad siya sa niyebe. Alam niya na nagbibigay siya ng problema sa lahat ng tao sa paligid niya simula noong pumanaw si Luke, Siya ang rason kung bakit namatay si Luke, kaya naman, siya lang ang nararapat sa mga masasamang bagay. Gayunpaman, sunod sunod niyang inabala ang ibang mga tao simula nang gumising siya sa kanyang surgery. Hindi lang sina Luna at Joshua, pati na rin sina Bonnie, Jim, Yannie, at Thomas.
Hindi makapaniwala si Luna sa kanyang narinig. Huminto siya ng ilang sandali, pagkatapos ay umalis siya sa pagyakap kay Gwen at tumitig siya dito. “Umuwi? Saan?” “Sa Sea City.” Ngumiti ng malungkot si Gwen at sinabi niya, “Gusto kong bumalik sa Merchant City para kunin ang abo ni Luke… pagkatapos ay uuwi kami ng magkasama sa Sea City. Hinihintay kami ng tatay ko para umuwi.” Ngumiti siya ng maliit at idinagdag niya, “Buong araw akong nag iisip, at nagdesisyon na ako na kahit nasaan man ako, namimiss ko pa rin si Luke, kaya’t hindi mahalaga kung saan ako pumunta kasama ka.” “Kaya naman, nagdesisyon na ako, mas mabuti nang bumalik tayo sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.” Naging malungkot ang mga mata ni Gwen habang nakatitig siya kay Luna, ang tingin niya ay tumagos na para bang nakatingin siya sa malayong lugar. “Ang bahay na binili ni Luke para sa amin ay nasa Sea City pa rin, at ito ay ang lugar kung saan marami kaming mga alaala.” Ngumiti siya kay Luna. “Napagtanto k
“Dinala ko siya sa biyahe na ito dahil umaasa ako na hindi niya na mamimiss si Luke, pero napagtanto ko na imposible ito.” “Kapag nagpatuloy ako na hayaan siya na manatili sa mga ibang lugar na tulad nito, sigurado ako baka may mangyari na tulad ng nangyari kagabi at ngayong araw.” “Ngayon, nangyari ito habang nandito sa Saigen City, kung saan kaya niyo ni Thomas na tulungan kami, pero paano kung nangyari ito sa ibang lugar, kung saan hindi niyo kami matutulungan?” Kinurot ni Luna ang noo niya sa pagod. “Kaya naman, nagdesisyon na ako na mas mabuti na kung hinayaan natin si Gwen na umuwi. Kapag bumalik siya sa Sea City kasama ang mga abo ni Luke, baka mas magiging mabuti ang pakiramdam niya dahil nasa lugar siya na alam niyang ligtas siya.” Hindi mapigilan ni Joshua na magbuntong hininga nang marinig niya ito. “Lulu.” Nabigla si Luna dahil dito. “Ano ‘yun?” “Mas nagiging mature ka bawat araw na lumilipas.” Ngumiti si Joshua. “Maunawain ka na sa damdamin ng iba at hindi ko m
Tumahimik si Luna nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, hindi niya mapigilan na magbuntong hininga. “Ano ba ang pinagsasabi mo, Joshua?” “HIndi naman sinabi ni Gwen na buhay pa si Luke, ang binanggit niya lang ay napanaginipan niya si Luke. Bakit mo naman iisipin na buhay pa si Luke?” “Bukod pa dito, hindi ba’t ikaw ang nagdala sa katawan ni Luke palabas ng operating room kasama ang kapatid ko at inilibing niyo siya? Sinabi mo na cremated na ang katawan niya… kaya paano naman nangyari na buhay pa siya?” Pumikit si Joshua at may mapait na ngiti na namuo sa kanyang mukha. Tama si Luna… Sila ni Jim ang nagdala sa katawan ni Luke. Gayunpaman, sa mga oras na ‘yun, pareho silang puno ng kalungkutan at hindi man lang nila magawa na tumingin sa katawan ni Luke. Hindi lang ‘yun, wala pa silang ideya na may kambal na kapatid si Luke, kaya walang kahit sino sa kanila ang inaasahan na may masamang nangyari. Napagtanto ni Luna na medyo sumobra siya nang mapansin niya
Nandito siya para tulungan si Thomas para makipaglaban sa mana nito at makuha ang ebidensya ng pagpatay sa nanay niya. Gayunpaman, dahil kay Luna, maraming oras na nasayang. Kahit na maraming taon na silang kasal, hindi pa rin mapigilan ni Luna na makonsensya dahil dito. Tumawa si Joshua nang marinig niya ito. “Hindi ito abala pagdating sayo.” Kahit na maraming taon na silang kasal—Diyos ko, may apat na anak na sila—hindi pa rin mapigilan ni Luna na mamula ang mukha niya tuwing nagsasabi si Joshua ng matamis sa kanya na parang ganito. Nag usap silang dalawa ng ilang sandali pa bago niya ibinaba ang phone. Sa sandali na matapos na ang phone call niya kay Joshua, natanggap niya ang message mula kay Lucas tungkol sa mga detalye ng flight. Maraming taon nang nagtatrabaho si Lucas para kay Joshua at nakuha niya na ang parte ng ugali ni Joshua na pagiging maalalahanin. Sinadya niyang magbook ng flight ng hapon para magkaroon ng sapat na oras sina Luna at Gwen para maghanda at