Gayunpaman, si Joshua lang ang tumutulong kay Yannie na harapin ang mga balita nitong umaga. Walang ginawa ang team ni Thomas. Syempre, hindi ito mahalaga masyado. Tutal, inayos na ng mga tauhan ni Joshua ang lahat. Ngunit, sa mga sandaling ito, tila walang alam si Thomas tungkol sa live stream na ito at ang mga komento tungkol kay Yannie. Kakaiba ito. “‘Wag mong isipin kung kakaiba ito o hindi.” Kumunot ang noo ni Gwen at ipinasa niya kay Luna ang phone niya. “Hindi ba’t may number ka ni Thomas? Tawagan mo na siya ngayon. Sabihin mo muna sa kanya na harapin niya ang sikreto na live stream.” Tinikom ni Luna ang mga labi niya at tumingin siya sa phone sa kamay niya. Nagdalawang isip siya ng ilang sandali bago niya mabilis na hinanap ang number ni Thomas at tinawagan niya ito. … Sa sandali na tumawag si Luna kay Thomas, nagring din ang phone ni Thomas sa live stream. Kumunot ang noo ni Thomas habang nilabas niya ang phone niya para tingnan ito. Nang makita niya na si Luna
Agad na huminto ang hangin dahil sa mga sinabi ni Thomas, sa offline pati sa online. Walang kahit sino sa live stream ang nagsalita. Nalito ang lahat, iniisip nila kung mali ang kanilang pagkakarinig. Kahit si Yannie, na yakap ni Thomas, ay ito rin ang iniisip. Matagal siyang nakatayo sa lugar at hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Alam ba talaga ni Thomas na siya ang nanay ng anak nila, o tinutulungan lang siya nito? “I—Imposible!” Si Wendy ang unang bumalik sa kanyang sarili. Tumakbo siya papunta kay Thomas na parang isang baliw habang galing niyang sinabi, “Thomas, nababaliw ka na ba? Nararapat ba ito para sa isang babae na tulad ni Yannie? Kayang kumita ni Yannie para sayo, pero pwede ko rin itong gawin! Pati, maraming taon na akong nagsisikap sa entertainment industry! Maraming tao sa internet na hinihiling na maging magkasintahan tayo.” “Basta’t papayag ka makipagtulungan sa akin, at basta’t papayag ka na maging magkasi
Gayunpaman, naging matatag si Wendy para hindi siya mag overreact. “Thomas, hindi mo kailangan isakripisyo ang sarili mo ng ganito! Ikaw…” “Hindi ka pa rin naniniwala sa akin?” Binitawan ni Thomas si Yannie, na siyang nahihilo at kulang sa hininga, at ngumiti siya. “Maniniwala ka lang ba sa akin kapag pinakita ko sayo ang anak namin ni Yannie?” “Binabalaan kita: babae ko si Yannie, at isang taon na simula nang maging kami. Isinilang niya ang isang bata noong tatlong buwan na ang nakalipas, oo, at sa akin din ‘yun. Pati, hindi pa patay ang anak namin. Ang anak namin ay nasa pangangalaga nila Joshua Lynch at Luna.” “Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mo silang tanungin!” Si Yannie, na siyang yakap ni Thomas, ay tumigas ang katawan nang marinig niya ito. Hindi siya sigurado kung alam ni Thomas ang nangyari noong isang taon na ang nakalipas o kung sinasabi lang ito ni Thomas para protektahan siya. Hindi siya sigurado, tulad ng sinabi ni Thomas, na anak nila si Riley. Hindi s
Nagbago ang ekspresyon ni Wendy nang marinig niya ang tanong ni Yannie, kinagat niya ang labi niya. “Wala akong ideya sa sinasabi mo, Yannie. Wala akong kilala na Dr. Camila.” Magkasalungat ang mga salita ni Wendy. Kumunot ang noo ni Yannie. “Pero sinabi mo na nakita mo ang impormasyon ko mula kay Dr. Camila, Ms. Fann, at na tatlong buwan na ang edad ng anak ko ngayon.” Nataranta si Wendy. Lumingon siya para tumingin kay Yannie, pagkatapos ay tumingin siya kay Thomas, na siyang nakahalukipkip, pinapanood mangyari ang lahat ng ito. Humigpit ang mga kamao ni Wendy. “Sinabi ko na nakita ko ang mga dokumento mula sa balita nitong umaga. Doon ko nalaman na ang anak mo ay tatlong buwan na ang edad! Wala akong kilala na Dr. Camila!” Kumunot ang noo ni Yannie dahil sa sagot na ito. Naaalala niya na ang balita sa internet nitong umaga ay nagbunyag ng mga detalye ng dati niyang pagpunta sa hospital. Dati pa siyang ayaw ni Wendy. Hindi imposible para kay Wendy na alamin ang mas marami
“Mukha ngang isang buwan pa lang kaming magkakilala ni Yannie, pero higit sa isang taon na kaming magkasama. Sa nakalipas na taon, nagtatago si Yannie mula sa akin, iniisip niya na hindi siya nararapat sa akin at nanganak siya ng palihim. Ito rin ay dahil sa kanya at ng anak niya, kaya’t pumunta ako dito sa Merchant City.” “Sinabi mo rin na mas mabuti ka kay Yannie. Aamin ako na mas mabuti ka kay Yannie sa maraming bagay, pero…” Lumapit si Thomas kay Yannie, na siyang nalilito pa rin, at niyakap niya ito. Kalmado niyang sinabi, “Meron si Yannie ng isang bagay na wala ka.” Habang nalilito, tumingin si Wendy kay Thomas. “Ano naman ‘yun?” Ngumiti si Thomas at hinawakan niya ang stretch marks sa tiyan ni Yannie. “Meron siya nito.” Tapat at nakakaakit ang boses ni Thomas. “Nangyari ito dahil isinilang niya ang anak ko. Ito ang katunayan ng sakripisyo niya para sa akin at sa anak namin.” Nasira ng buo ang pride ni Wendy dahil sa mga salita ni Thomas. Kinagat niya ang labi niya,
Nabigo si Yannie na makuha ang ibig sabihin ni Thomas. Kumunot ang noo niya at lumingon siya para tumingin kay Thomas ng nalilito. Habang nakatingin sa maliit na mukha ni Yannie, naging maamo si Thomas. Nagbuntong hininga siya at tinaas niya ang kamay niya at dahan dahan na piningot ang ilong ni Yannie. “Tama na; ‘wag mo nang isipin si Wendy at Joshua. Mas marami pa tayong importanteng gagawin.” Kumunot ang noo ni Yannie. “Ano naman ‘yun?” Nagbuntong hininga si Thomas. Yumuko siya at tumingin siya kay Yannie, na siyang walang suot kundi ang underwear nito. Habang iniisip na nakita ng internet ang maliit na katawan ni Yannie, hindi mapigilan ni Thomas na magalit. “Una sa lahat, magbihis ka.” Napatili si Yannie nang mapagtanto niya ito at mabilis siyang tumalikod at nagtago sa ilalim ng kumot. Sa sobrang pokus niya sa pagtatanggol sa sarili niya laban kay Wendy ay nakalimutan niya na underwear lang ang suot niya! Nang ipunto ito ni Thomas, agad na namula ang mukha niya.
Ang puting pang itaas at light green na palda ay nakadagdag lang sa ganda ni Yannie. Parang isa siyang diwata na galing sa gubat. Dahil maraming taon na siyang nasa entertainment industry, marami nang nakita si Thomas na magandang mga babae, ngunit sa sandaling ito, nabighani siya sa kagandahan ni Yannie. Tahimik siya ng ilang sandali bago siya tumingin palayo, umubo siya ng mahina. “Hindi ko alam kung sino ang tunay na nanay ni Riley, pero simula sa araw na ito, ikaw na ang nanay niya.” Sa sandali na sinabi ni Thomas kay Wendy na ang anak ni Yannie ay anak niya rin, plano niya nang gawin na nanay ni Riley si Yannie. Kahit na hindi niya pa binisita si Riley sa nakalipas na buwan, alam niya na madalas na binisita ni Yannie si Riley, kaya’t naglagay siya ng camera kay Yannie, gusto niyang makita ang anak niya gamit si Yannie. Sa ganun, pwede niyang makita sa camera si Yannie at hindi niya makukuha ang atensyon ni Joshua. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na mamahalin ni Yannie
Huminto ng ilang sandali si Thomas. Pagkatapos, tumaas ang mga kilay niya at tumingin siya kay Yannie. “Ano? Sinusubukan mo ba akong imbestigahan? Nahulog ka na ba para sa akin?” Pagkatapos, umupo siya ng mas komportable, humalukipkip siya at sumandal siya sa pinto. Tumingin siya ng malalim kay Yannie at ngumiti siya. “Kapag nangako ka ngayon na ikaw ang magiging nanay ni Riley, pwede ko sabihin sayo kung ilang babae na ang nakasama ko.” Walang may alam na sa isang gabing ‘yun sa ibang bansa, ito rin ang unang beses ni Thomas—hindi lang sa babaeng yun. Syempre, hindi niya ito sasabihin kay Yannie bago pumayag si Yannie na maging nanay ni Riley. Tutal, naisiip niya na kapag hindi pumayag si Yannie na maging kasintahan niya, kapag sinabi niya ito kay Yannie, baka gamitin lang ito laban sa kanya. Gayunpaman, iba ang pagka intindi ni Yannie sa mga sinabi ni Thomas. Kinagat niya ang labi niya, at tumitig siya sa nakangiting Thomas, medyo kumalma na siya. Ginagamit ba ni Thomas ang