Nagbago ang ekspresyon ni Wendy nang marinig niya ang tanong ni Yannie, kinagat niya ang labi niya. “Wala akong ideya sa sinasabi mo, Yannie. Wala akong kilala na Dr. Camila.” Magkasalungat ang mga salita ni Wendy. Kumunot ang noo ni Yannie. “Pero sinabi mo na nakita mo ang impormasyon ko mula kay Dr. Camila, Ms. Fann, at na tatlong buwan na ang edad ng anak ko ngayon.” Nataranta si Wendy. Lumingon siya para tumingin kay Yannie, pagkatapos ay tumingin siya kay Thomas, na siyang nakahalukipkip, pinapanood mangyari ang lahat ng ito. Humigpit ang mga kamao ni Wendy. “Sinabi ko na nakita ko ang mga dokumento mula sa balita nitong umaga. Doon ko nalaman na ang anak mo ay tatlong buwan na ang edad! Wala akong kilala na Dr. Camila!” Kumunot ang noo ni Yannie dahil sa sagot na ito. Naaalala niya na ang balita sa internet nitong umaga ay nagbunyag ng mga detalye ng dati niyang pagpunta sa hospital. Dati pa siyang ayaw ni Wendy. Hindi imposible para kay Wendy na alamin ang mas marami
“Mukha ngang isang buwan pa lang kaming magkakilala ni Yannie, pero higit sa isang taon na kaming magkasama. Sa nakalipas na taon, nagtatago si Yannie mula sa akin, iniisip niya na hindi siya nararapat sa akin at nanganak siya ng palihim. Ito rin ay dahil sa kanya at ng anak niya, kaya’t pumunta ako dito sa Merchant City.” “Sinabi mo rin na mas mabuti ka kay Yannie. Aamin ako na mas mabuti ka kay Yannie sa maraming bagay, pero…” Lumapit si Thomas kay Yannie, na siyang nalilito pa rin, at niyakap niya ito. Kalmado niyang sinabi, “Meron si Yannie ng isang bagay na wala ka.” Habang nalilito, tumingin si Wendy kay Thomas. “Ano naman ‘yun?” Ngumiti si Thomas at hinawakan niya ang stretch marks sa tiyan ni Yannie. “Meron siya nito.” Tapat at nakakaakit ang boses ni Thomas. “Nangyari ito dahil isinilang niya ang anak ko. Ito ang katunayan ng sakripisyo niya para sa akin at sa anak namin.” Nasira ng buo ang pride ni Wendy dahil sa mga salita ni Thomas. Kinagat niya ang labi niya,
Nabigo si Yannie na makuha ang ibig sabihin ni Thomas. Kumunot ang noo niya at lumingon siya para tumingin kay Thomas ng nalilito. Habang nakatingin sa maliit na mukha ni Yannie, naging maamo si Thomas. Nagbuntong hininga siya at tinaas niya ang kamay niya at dahan dahan na piningot ang ilong ni Yannie. “Tama na; ‘wag mo nang isipin si Wendy at Joshua. Mas marami pa tayong importanteng gagawin.” Kumunot ang noo ni Yannie. “Ano naman ‘yun?” Nagbuntong hininga si Thomas. Yumuko siya at tumingin siya kay Yannie, na siyang walang suot kundi ang underwear nito. Habang iniisip na nakita ng internet ang maliit na katawan ni Yannie, hindi mapigilan ni Thomas na magalit. “Una sa lahat, magbihis ka.” Napatili si Yannie nang mapagtanto niya ito at mabilis siyang tumalikod at nagtago sa ilalim ng kumot. Sa sobrang pokus niya sa pagtatanggol sa sarili niya laban kay Wendy ay nakalimutan niya na underwear lang ang suot niya! Nang ipunto ito ni Thomas, agad na namula ang mukha niya.
Ang puting pang itaas at light green na palda ay nakadagdag lang sa ganda ni Yannie. Parang isa siyang diwata na galing sa gubat. Dahil maraming taon na siyang nasa entertainment industry, marami nang nakita si Thomas na magandang mga babae, ngunit sa sandaling ito, nabighani siya sa kagandahan ni Yannie. Tahimik siya ng ilang sandali bago siya tumingin palayo, umubo siya ng mahina. “Hindi ko alam kung sino ang tunay na nanay ni Riley, pero simula sa araw na ito, ikaw na ang nanay niya.” Sa sandali na sinabi ni Thomas kay Wendy na ang anak ni Yannie ay anak niya rin, plano niya nang gawin na nanay ni Riley si Yannie. Kahit na hindi niya pa binisita si Riley sa nakalipas na buwan, alam niya na madalas na binisita ni Yannie si Riley, kaya’t naglagay siya ng camera kay Yannie, gusto niyang makita ang anak niya gamit si Yannie. Sa ganun, pwede niyang makita sa camera si Yannie at hindi niya makukuha ang atensyon ni Joshua. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na mamahalin ni Yannie
Huminto ng ilang sandali si Thomas. Pagkatapos, tumaas ang mga kilay niya at tumingin siya kay Yannie. “Ano? Sinusubukan mo ba akong imbestigahan? Nahulog ka na ba para sa akin?” Pagkatapos, umupo siya ng mas komportable, humalukipkip siya at sumandal siya sa pinto. Tumingin siya ng malalim kay Yannie at ngumiti siya. “Kapag nangako ka ngayon na ikaw ang magiging nanay ni Riley, pwede ko sabihin sayo kung ilang babae na ang nakasama ko.” Walang may alam na sa isang gabing ‘yun sa ibang bansa, ito rin ang unang beses ni Thomas—hindi lang sa babaeng yun. Syempre, hindi niya ito sasabihin kay Yannie bago pumayag si Yannie na maging nanay ni Riley. Tutal, naisiip niya na kapag hindi pumayag si Yannie na maging kasintahan niya, kapag sinabi niya ito kay Yannie, baka gamitin lang ito laban sa kanya. Gayunpaman, iba ang pagka intindi ni Yannie sa mga sinabi ni Thomas. Kinagat niya ang labi niya, at tumitig siya sa nakangiting Thomas, medyo kumalma na siya. Ginagamit ba ni Thomas ang
Tila nanginginig ang pandinig ni Yannie habang nakatitig siya kay Thomas. Paano nangyari ‘yun? Kinagat niya ang labi niya at kinuha niya ang phone niya na parang isang baliw. Tama nga, kahit na tapos na ang live stream, may mga screenshot at mga komento ng tungkol sa live stream. Ang trending topics sa social media ay tungkol sa kanya, kay Thomas, at kay Wendy. Ang lahat ng nakikita at binabasa niya ay parang isang kidlat na tumama sa kanya, sa punto na hindi siya makagalaw. Akala niya ay sinesetup lang siya ni Wendy, sinisiraan siya sa pag akit kay Thomas, kaya’t hindi natakot si Yannie. Akala niya ay basta’t sumunod siya sa pagpapanggap ni Thomas, mabubunyag niya si Wendy para sa setup nito. Gayunpaman, nang basahin niya ang pag uusap ng internet tungkol sa kanila, gustong mamatay ni Yannie. “Hindi ngayon ang oras para malungkot.” Tila nabasa ni Thomas ang iniisip ni Yannie, ngumiti siya at lumapit siya dito. Tinaas niya ang kamay niya at niyakap niya ang mga balikat
Dumating na sina Thomas at Yannie sa hospital, pinalibutan sila ng mga camera ng mga reporter. Lumabas sila ng elevator para makita si Luna, na siyang nakatayo sa harap ng pinto ng ICU ward, pati na rin si Gwen, na siyang nakaupo sa wheelchair sa tabi nito. Walang plano si Luna para bisitahin si Riley sa araw na ito. Isang buwan na ang nakalipas, dinala sa hospital si Riley, binisita ni Luna si Riley tuwing tatlong araw dahil sa payo ng doctor. Ang araw na ito ay ang pangalawang araw pa lang simula nang huling bisita ni Luna kay Riley. Noong una ay ayaw niyang pumunta, ngunit pagkatapos makita ni Gwen ang live stream nila Thomas at Yannie at narinig na anak nila si Riley, pinilit ni Gwen na puntahan nila si Riley. Hindi pa maganda ang kalusugan ni Gwen, masama pa rin ang kalagayan niya dahil kay Luke, kaya sumuko na si Luna at pinuntahan nila si Riley. Hindi nila inaasahan na makakasalubong nila sina Thomas at Yannie habang paalis sila… pati na rin ang grupo ng mga reporter.
Alam ni Joshua na si Riley ay ang anak ni Thomas. Alam ni Joshua na hindi madali para sa isang tao na tulad ni Thomas na pumasok sa ICU, ngunit tumanggi pa rin siya na ilipat si Riley sa isang normal na ward. Dahil natatakot sila na bisitahin ni Thomas si Riley, nagdesisyon si Thomas na magdala ng maraming tao. Ang isa ay para malaman ng lahat na si Riley ay anak nila ni Yannie, para mapressure si Joshua para mabilis nang ibalik nila Joshua at Luna si Riley sa kanila. Pangalawa, ay para sabihin kay Joshua na alam niya na ang mga pakana nito. Gayunpaman, dahil sa mga sinabi ni Thomas, mas lalong nakumbinsi si Luna na hindi maayos na tatay si Thomas para kay Riley. Sumingkit ang mga mata ni Luna. “Ako ang nagsabi na hindi siya pwedeng ilipat. Hindi pa matatag ang kalagayan ng bata. Kahit na gumaling na siya sa nakalipas na buwan, kapag bumalik ang sakit niya habang nasa general ward, dapat ulit siyang dalhin sa ICU, kaya nagdesisyon ako na huwag siyang pahirapan.” Ngumisi si