“Marunong talaga umarte si Yannie! Nagpapanggap siyang inosente at mahina, nagpapanggap siya na wala siyang koneksyon sa mga tao at galing siya sa hirap. Tingnan mo siya ngayon!” Galit na sinabi ni Wendy. “Kaya niyang bayaran ang isang buong hospital noong tatlong buwan na ang nakalipas par itago na nanganak siya dito. Mula sa nakikita ko, hindi inosente ang intensyon ni Yannie noong lumapit siya sayo.” “Tatlong buwan na siyang nagpaplano, hinihintay niya ang pagkakataon para pumasok sa entertainment industry. Sino ang mag aakala na ang isang mabait na tao na tulad mo ay bibigyan siya ng pagkakataon!” Patuloy sa pagsasalita si Wendy, ngunit ang bawat salita ay parang isang kutsilyo na sumasaksak sa puso ni Yannie. Kailangan niyang magsalita. Walang totoo sa mga sinasabi ni Wendy! Sa simula pa lamang, wala na siyang plano na pumasok sa entertainment industry. Nagkataon lang na ginawa niya ang shower gel commercial, at nagkataon na sumikat siya, at si Thomas ang nagpasok sa kan
“Kaya.” Tumigil si Thomas sa paglalakad at tumingin siya sa mukha ni Wendy na parang wala siyang pakialam. Naging malamig ang tono niya. “Base sa lohika mo, alam na ni Yannie na bibigyan mo siya ng pagkakataon noong tatlong buwan na ang nakalipas, kaya naghihintay siya sa mga panahong ‘yun?” Nagbago ang ekspresyon ni Wendy dahil sa mga sinabi ni Thomas. Kinagat niya ang labi niya. Pagkatapos, naisip niya na kung paano siya sasagot kay Thomas. “Hindi, hindi, hindi! Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin! Ang sinasabi ko ay matagal nang plano ni Yannie na pumasok sa entertainment industry. Kahit na hindi dahil sayo o sa akin, balak niya dati pa na pumasok sa industriya.” Tumaas ang mga kilay ni Thomas at ngumiti siya. “Kung tama ang pagkaka alala ko, si Yannie ay assistant ni Luna noong nakaraan. Kung plano niya na pumasok sa entertainment industry, bakit siya naging assistant ng babae ni Joshua Lynch? O sinasabi mo bang…” Yumuko si Thomas at tumitig siya kay Wendy. “Ang babae ni Joshu
Habang iniisip ito, naging sabik si Wendy at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sa nakalipas na buwan, may dalang malaking gulo si Yannie para kay Wendy. Sa nakalipas na mga taon, si Wendy lang ang tanging tao sa entertainment industry na kayang maging malapit kay Thomas. Paano naman siya magiging komportable sa biglang pagsulpot ni Yannie? Kaya naman, kinuha niya ang pagkakataon na ito para hayaan si Yannie na maglaho sa tabi ni Thomas! … Kasabay nito, sa isa sa mga ward sa Central Hospital, nakahiga si Gwen sa kama, pinapanood niya ang international news habang hindi nakapokus ang tingin. Pagpasok ni Luna, nakita niya ang malungkot at nakakaawa na itsura ni Gwen, lumapit siya dito. Kinuha niya ang remote control mula kay Gwen. “Bakit ka nanonood ng international news? Hindi mo naman ito gusto. Ang sabi ni Anne ay kapag nasa bad mood ang isang tao, dapat siyang manood ng entertainment news. Minsan, mas exciting ito kaysa sa kahit anong drama!” Bumalik sa sarili si Gwen p
[Si Yannie ba ito? Namamalikmata ba ako?] [Bakit nasa bedroom ni Thomas si Yannie? Hindi ba’t magkatrabaho lang sila?] [Nakita ko ang stretch marks sa tiyan ni Yannie! Nanganak nga talaga siya!] [Kung may anak na talaga siya, walang hiya siya para magpanggap na magkasintahan sila ni Thomas sa TV! Walang hiya siya para maghintay kay Thomas sa bedroom niya, at ‘yan lang ang suot niya!] [Walang hiya siya! Dapat na siyang umalis ng entertainment industry!] … Nang makita na nakatayo si Yannie sa bedroom ni Thomas habang suot lamang ang underwear, ang mga manonood ng live stream ay nagkagulo habang nag kokomento sila ng masama tungkol kay Yannie. Tumingin lang ng saglit si Wendy, at nang makita niya na ang mga insulto ay para kay Yannie, agad siyang nasabik. Ito ang epekto na gusto niya! Gusto niyang ibunyag sa lahat ang pinaka pangit na itsura ni Yannie. Gusto niya na kamuhian ni Thomas si Yanie. Bukod pa dito, ang lahat ng ito ay nasa harap ng mga mata nila. Kahit na hind
Gayunpaman, si Joshua lang ang tumutulong kay Yannie na harapin ang mga balita nitong umaga. Walang ginawa ang team ni Thomas. Syempre, hindi ito mahalaga masyado. Tutal, inayos na ng mga tauhan ni Joshua ang lahat. Ngunit, sa mga sandaling ito, tila walang alam si Thomas tungkol sa live stream na ito at ang mga komento tungkol kay Yannie. Kakaiba ito. “‘Wag mong isipin kung kakaiba ito o hindi.” Kumunot ang noo ni Gwen at ipinasa niya kay Luna ang phone niya. “Hindi ba’t may number ka ni Thomas? Tawagan mo na siya ngayon. Sabihin mo muna sa kanya na harapin niya ang sikreto na live stream.” Tinikom ni Luna ang mga labi niya at tumingin siya sa phone sa kamay niya. Nagdalawang isip siya ng ilang sandali bago niya mabilis na hinanap ang number ni Thomas at tinawagan niya ito. … Sa sandali na tumawag si Luna kay Thomas, nagring din ang phone ni Thomas sa live stream. Kumunot ang noo ni Thomas habang nilabas niya ang phone niya para tingnan ito. Nang makita niya na si Luna
Agad na huminto ang hangin dahil sa mga sinabi ni Thomas, sa offline pati sa online. Walang kahit sino sa live stream ang nagsalita. Nalito ang lahat, iniisip nila kung mali ang kanilang pagkakarinig. Kahit si Yannie, na yakap ni Thomas, ay ito rin ang iniisip. Matagal siyang nakatayo sa lugar at hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Alam ba talaga ni Thomas na siya ang nanay ng anak nila, o tinutulungan lang siya nito? “I—Imposible!” Si Wendy ang unang bumalik sa kanyang sarili. Tumakbo siya papunta kay Thomas na parang isang baliw habang galing niyang sinabi, “Thomas, nababaliw ka na ba? Nararapat ba ito para sa isang babae na tulad ni Yannie? Kayang kumita ni Yannie para sayo, pero pwede ko rin itong gawin! Pati, maraming taon na akong nagsisikap sa entertainment industry! Maraming tao sa internet na hinihiling na maging magkasintahan tayo.” “Basta’t papayag ka makipagtulungan sa akin, at basta’t papayag ka na maging magkasi
Gayunpaman, naging matatag si Wendy para hindi siya mag overreact. “Thomas, hindi mo kailangan isakripisyo ang sarili mo ng ganito! Ikaw…” “Hindi ka pa rin naniniwala sa akin?” Binitawan ni Thomas si Yannie, na siyang nahihilo at kulang sa hininga, at ngumiti siya. “Maniniwala ka lang ba sa akin kapag pinakita ko sayo ang anak namin ni Yannie?” “Binabalaan kita: babae ko si Yannie, at isang taon na simula nang maging kami. Isinilang niya ang isang bata noong tatlong buwan na ang nakalipas, oo, at sa akin din ‘yun. Pati, hindi pa patay ang anak namin. Ang anak namin ay nasa pangangalaga nila Joshua Lynch at Luna.” “Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mo silang tanungin!” Si Yannie, na siyang yakap ni Thomas, ay tumigas ang katawan nang marinig niya ito. Hindi siya sigurado kung alam ni Thomas ang nangyari noong isang taon na ang nakalipas o kung sinasabi lang ito ni Thomas para protektahan siya. Hindi siya sigurado, tulad ng sinabi ni Thomas, na anak nila si Riley. Hindi s
Nagbago ang ekspresyon ni Wendy nang marinig niya ang tanong ni Yannie, kinagat niya ang labi niya. “Wala akong ideya sa sinasabi mo, Yannie. Wala akong kilala na Dr. Camila.” Magkasalungat ang mga salita ni Wendy. Kumunot ang noo ni Yannie. “Pero sinabi mo na nakita mo ang impormasyon ko mula kay Dr. Camila, Ms. Fann, at na tatlong buwan na ang edad ng anak ko ngayon.” Nataranta si Wendy. Lumingon siya para tumingin kay Yannie, pagkatapos ay tumingin siya kay Thomas, na siyang nakahalukipkip, pinapanood mangyari ang lahat ng ito. Humigpit ang mga kamao ni Wendy. “Sinabi ko na nakita ko ang mga dokumento mula sa balita nitong umaga. Doon ko nalaman na ang anak mo ay tatlong buwan na ang edad! Wala akong kilala na Dr. Camila!” Kumunot ang noo ni Yannie dahil sa sagot na ito. Naaalala niya na ang balita sa internet nitong umaga ay nagbunyag ng mga detalye ng dati niyang pagpunta sa hospital. Dati pa siyang ayaw ni Wendy. Hindi imposible para kay Wendy na alamin ang mas marami