Krash! Dahil sa gulat, nabitawan ni Yannie ang baso ng tubig na hawak na inabot ni Mrs. Flores nang marinig niya ang sinabi ni Thomas. Lumaki ang mga mata niya at tumitig siya kay Thomas, hindi siya makapaniwala sa kawalang hiyaan ng lalaking ito. ‘Sinabi mo ba talaga ang tanong na ito?’ Ang naisip ni Yannie. Dahil lang gusto siyang alagaan ni Joshua sa pag alok sa kanya na maging assistant ni Luna… Dahil lang hindi hahayaan ni Joshua na apihin siya ni Thomas… May lakas ng loob si Thomas na sabihin na mistress siya ni Joshua! Hindi lang siya ang nahiya sa tanong na ito, pati sina Joshua at Luna! Galit na kinagat ni Yannie ang labi niya habang tumingin siya ng masama sa lalaking nakaupo sa sofa ng may nanunuyang ekspresyon. ‘Nagkamali ako. Akala ko ay isa siyang mabait, maamo, at gwapong lalaki na tulad ng papel niya sa mga palabas!’ Lagi niyang hinihimas ang tiyan niya habang sinasabi sa anak niya na ang tatay nito ay ang pinakagwapong lalaki sa mundo, pati maamo at cut
Ngumisi si Thomas at tinakpan niya ang mukha niya habang nakatitig siya sa ulo na lumabas mula sa likod ng balikat ni Mrs. Flores. “Bakit ka nagtatago ngayon at sinabi mo sa akin na sasampalin mo ulit ako kapag inulit ko ang sinabi ko?” Ngumisi siya. “Lumabas ka dito. Uulitin ko ang sinabi ko.” Kinagat ni Yannie ang labi niya habang tumitig siya ng tahimik kay Thomas. Sumingkit ang mga mata ni Joshua kay Thomas at sinabi niya, “Mr. Howard, hindi ba’t masakit pa rin ang mukha mo ngayon? Kapag sinabi mo ulit ito, baka sumama ako kay Yannie sa pagsampal sayo. Kapag ginawa ko ‘yun, baka hindi ka na makaupo ng komportable at takutin siya ulit.” Pagkatapos, ngumisi siya at sinabi niya ng malamig, “Thomas Howard, ipapayo ko sayo na tumigil habang kaya mo pa. Gumawa ka na ng kaguluhan sa pamilyang ito ngayong umaga, at kapag nagpatuloy ka pa sa ginagawa mo, hindi kita hahayaan na lumabas ng basta basta.” “Alam mo dapat na ang pamilya Lynch at pamilya Landry ang namumuno sa Merchant Cit
Nang makaharap ang malamig na titig ni Joshua, ito ay para bang ang malalim na mga mata ni Joshua ay kayang mabasa ang nasa isip ni Yannie. Kinagat ni Yannie ang labi niya at yumuko siya para tumingin sa mga paa niya, nagdadalawang isip siya kung magsasalita siya. Sa katotohanan, isa siyang duwag, at natatakot siya sa walang awang titig ni Joshua. Ito ang rason kung bakit hindi siya tumingala at tumingin sa mga mata ni Joshua. Natatakot siya na baka aksidente niyang masabi kay Joshua na dati niyang dinala sa sinapupunan ang anak ni Thomas. Isang sikreto na namatay ang kanyang anak, at si Father Samuel at ang obstetrician lang ang may alam nito. Hindi niya hinayaan ang kahit sino na makaalam ang tungkol sa anak niya. Ayaw niya na maawa o tawanan siya ng mga tao na para bang siya ang sentro ng chismis habang nag iinuman sila ng tsaa. May rason kung bakit ganito mag isip si Yannie; narinig niya na ang ganitong mga chismis tungkol kay Thomas dati. Ito ay isang chismis kung saan
“Ayos lang ba kung nagsimula magtrabaho si Yannie ngayong araw? May mga problema ba kayo?” Ang tanong ni Luna. Nabigla si Mrs. Flores noong una, ngunit mabilis siyang bumalik sa sarili at tumango siya. “Wala pong problema! Pwede na po siya magsimula kahit kailan niyo gusto; ayos lang po sa akin.” Pagkatapos ay lumingon siya at tumingin siya ng seryoso kay Yannie. “Yannie, dapat kang magsikap sa trabaho mo. Tratuhin mo ng seryoso ang trabaho mo, at ‘wag kang magiging tamad.” Itinikom ni Yannie ang mga labi niya at tumango siya. “Naiintindihan ko.” Sa oras na makuha ni Luna ang permiso ni Mrs. Flores, hinawakan niya ang kamay n Yannie at dinala niya ito palabas ng bahay. “Tara na.” Pagkatapos nila umalis ng bahay, pumasok ng kotse sina Luna at Yannie kung saan inutos ni Luna sa driver, “Dalhin mo kami sa isang clinic na malapit sa studio.” Nabigla si Yannie dahil dito, tumingin siya kay Luna. “Hindi po ba tayo pupunta sa studio?” Nagbuntong hininga su Luna at tumingin siya
"Anong ibig mong sabihing hindi kayo bagay?" Nagsalubong ang kilay ni Luna.Naisip niya na malamang ang tinutukoy ni Yannie ay dahil galing siya sa isang mahirap na pamilya, kaya naman hindi niya inaakala na magiging mabuting kapareha siya sa kaibigan ni Luna.Sa pag-iisip nito, tinapik ni Luna ang kanyang balikat na may nakakapanatag na ngiti at sinabing, "Huwag kang mag-alala; ang kaibigan kong ito ay hindi naman mayaman. Siya rin, ay ipinanganak sa isang pamilya na mahirap, ngunit ito ang nagtulak sa kanyang maging masipag, responsable, at mapagkakatiwalaang tao."Habang pinag-iisipan niya ito, parang mas magiging perpekto sina Yannie at Sean para sa isa't isa. Hindi niya maiwasang subukang marahang itulak si Yannie sa direksyong iyon habang nagpapatuloy siya, "Hindi lang 'yan, pero malayong kamag-anak din ni Joshua ang kaibigan ko, kaya kung magkakasama kayong dalawa, magiging pamilya na tayo sa hinaharap.”"Kapag nangyari iyon, walang maglalakas-loob na bastusin ka sa pamamagi
Walang choice si Luna kundi sabihin sa sarili na baka aksidente lang ito.Siya...malamang ay hindi na naloko sa pangalawang pagkakataon.Sa sandaling ito, tumunog ang kanyang telepono na may mensahe mula kay Joshua.Binuksan niya ito, nakasimangot.Isang hilera ng mga salita ang ipinakita sa screen, [Subukan mong alamin kung paano nagkakilala sina Yannie at Thomas.]Tinitigan niya ang mensaheng ito, nakasimangot dahil medyo nalilito siya.Ang dahilan kung bakit niya pinalabas ng bahay si Yannie ay para maiwasan niyang sagutin ang tanong ni Joshua, kaya paano niya itatanong iyon sa kanya?Sa pag-iisip nito, kinuha ni Luna ang kanyang telepono at nag-reply kay Joshua, [Hindi ko gagawin yun. Dahil ayaw niyang sagutin iyon, hindi na natin siya dapat tanungin pa.]Tapos, itinago niya ang phone niya at tatalikod na sana at ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Yannie.Nakakagulat, biglang sinabi ni Yannie, "Sa totoo lang, ma…masasabi ko sa iyo kung paano kami nagkakilala ni Thomas."T
Nawala ang kulay sa mukha ni Yannie nang marinig niya ito.Kinagat niya ang kanyang labi nang may kaba, ibinaba ang kanyang ulo, at sinabing may halong kalungkutan, "Ang bata..."Suminghot siya at sinabi sa makapal, galing sa-ilong na boses, "Ang bata ay...namatay ilang minuto lang pagkatapos ko siyang ipanganak."Napabuntong-hininga si Luna nang marinig ito at inabot ang kamay para hilahin ang kawawang dalaga. "Naiintindihan ko talaga ang nararamdaman mo."Sa nakamamatay na gabing iyon dalawang buwan na ang nakalilipas, naisip din niya na nawalan siya ng anak.Naaalala pa rin ni Luna ang kalungkutan at kawalan ng pag-asa sa kanyang puso, kaya lubos niyang nauunawaan ang lungkot na nararamdaman ni Yannie sa mga sandaling ito.Noong gabing iyon, sumagi sa kanyang isipan ang pag-iisip na wakasan ang kanyang buhay matapos malaman ang pagkamatay ng kanyang anak.Kung hindi dahil sa tatlong anak na nangangailangan pa sa kanya, nagpakamatay na lang si Luna para lang makasama ang baby
"Masyadong bata pa si Yannie, hindi pa nga siya nagkaka-boyfriend.”"Kung siya ay pinalad na makasal sa isang mabuting tao at magkaroon ng mga anak, hindi ko na ipagpapatuloy ang pagtatrabaho bilang isang babysitter. Ako ay mananatili na lamang sa bahay at aalagaan ang kanyang mga anak."Ang tugon ni Mrs. Flores ay nag-iwan ng pangmatagalang impresyon sa isip ni Luna na si Yannie ay isang konserbatibo at pormal na babae na ililigtas ang sarili para sa kasal.Ito ang dahilan kung bakit laking gulat ni Luna nang malaman niya ang tungkol sa illegitimate na anak nina Yannie at Thomas."Ang aking ina... ay walang ideya." Kinagat ni Yannie ang kanyang labi at sinamaan ng tingin si Luna. "Ms. Luna, pakiusap...wag mong sabihin sa nanay ko. M—matagal ko nang itinatago ito sa kanya."Tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi habang nauutal, "Nakita mo mismo kung gaano ka-tradisyonal ang pag-iisip ng aking ina…”"Ang totoo, nagpunta ako sa Europa bilang kapalit niya, at kung nalaman niyang nawa