“Hula ko lang.”Sumandal si Luna sa backseat, tumingin siya sa tanawin ng gabi sa labas ng bintana.Lumabas sa isip niya ang mapaghamong mga mata ni Bonnie.“Mahal ako ng kapatid ko! Ako ang pinakamahal niya ng buong buhay niya! Kung hindi niya ako mahal, bakit siya magsasakripisyo para sa akin, bakit niya binigay ang lahat sa akin?”Umismid si Luna.Totoo nga. Walang kwenta talaga ang mga relasyon.Sa mga sandaling ito, si Bonnie ay parang si Luna Gibson dati, sa sobrang nakakatawa ay masakit ito sa puso.Hindi nagtagal, dumating na ang van.Sinamahan ni Zach at Yuri si Luna sa taas. Nang makarating na siya sa taas, binuksan ni Luna ang pinto ng inuupahan niyang apartment.Hindi nakabukas ang ilaw sa loob. Sa ilalim ng ilaw ng buwan, napansin ni Luna ang payat na taong nakaupo sa sofa.Kumunot ang noo ni Luna at binuksan niya ang ilaw.Nakahiga sa sofa si Natasha, natutulog ng mahimbing.Nung bumukas ang ilaw, kumunot ang noo niya at gumising siya mula sa kanyang panaginip
Tumingin si Natasha kay Luna ng nalilito.Matapos ang ilang saglit, pinunasan niya ang luha niya at tumango siya. “Oo. Kung ako rin siya, ganun din ang gagawin ko…”Kilala at pinagkakatiwalaan dapat ng nanay ang anak niya, pero...Nang makita niya na umiiyak ng malubha si Natasha, kahit na malupit si Luna, nagbuntong hininga lang siya.Inabot niya ang tissue kay Natasha. “Punasan niyo na po ang mga luha niyo.”Sa loob, nag uusap ng madamdamin ang mag ina. Sa labas, nagtititigan lang sina Zach at Yuri.“Inaantok na ako.” Humikab si Yuri. Umikot ang mga mata ni Zach. May gusto sana siyang sabihin nang may nakita siyang tao sa hagdan.Kumunot ang noo niya. “Sino ‘yan?”Matapos ang ilang saglit, may babaeng nakasuot ng itim na trench coat at itim na salamin na lumapit. Nakatago siya sa dilim, kaya’t hindi makita ng maayos ang mukha niya.“Hello.” Tumawa siya ng mahina at lumapit. Nilabas niya ang phone niya na nakapatay. “Nandito ako para bumisita ng tao, pero namatay ang phone ko
Pagkatapos ng ilang sampal, namaga at namula ang mukha ni Neil.Naramdaman ni Aura na nawala ang galit niya dahil dito.Tumayo siya at tumingin siya ng mayabang kay Neil. “Hindi ba’t matalino ka? Hindi mo nahulaan ang balak kong gawin? Bakit pumunta ka pa rin ng basta basta?”Tumingin si Neil kay Aura. “Kung hindi ako pumunta, si Nellie o si Mommy ang pupuntiryahin niyo. Babae sila, lalaki ako.”Si Neil dapat ang magtiis ng pagdurusa.Umismid si Aura dahil sa mga sinabi niya, “Ang tapang mo naman, pero ano magagawa mo kahit matalino ka? Nandito ka pa rin at sinasaktan kita.”Kumindat si Neil. “Mahuhulaan niyo ba kung bakit ako tatanggap ng pananakit niyo dito?”Kumunot ang noo ni Aura, pero wala siyang sinabi.Ngumiti ng maliit si Neil. “Tumingin kayo sa baba.”Tinikom ni Aura ang mga labi niya. Lumapit siya sa bintana, binuksan ang mga kurtina, at tumingin sa baba.“Tumawag ka ng mga pulis?”“Kung hindi ako nagkakamali, si Nellie ang tumawag sa mga pulis.”Ngumiti ng simpl
“Hindi lang dahil kinidnap niyo ako ngayon, pero dahil sinubukan niyo rin patayin si Nellie dati, kaya…”Sumingkit si Neil. “Pati na rin ang aksidente sa nakalipas na anim na taon. Pagbabayaran niyo ang lahat ng krimen na ginawa niyo.”Tumigas ang katawan ni Aura. Hindi siya makagalaw.Lumiit ang mata niya at tumingin siya sa maliit na na mukha ni Neil. “Alam… mo rin ang nangyari noong nakalipas na anim na taon?”Noong nakalipas na anim na taon, nasa loob pa ng tiyan ni Luna ang batang ito!“Hindi malalaman ng mga tao ang ginawa niyo kung hindi niyo ito ginawa.” Ngumiti si Neil. “Alam ko na nakipag sabwatan kayo kay Joshua para gumawa ng masamang mga bagay.”Kumunot ang noo ni Aura at tumingin siya ng malapit kay Neil.Matapos ang ilang saglit, ngumiti siya.Sinabi ni Neil na nakipag sabwatan si Aura kay Joshua para gumawa ng masamang mga bagay, pero, mula pa sa simula, hindi ito alam ni Joshua.Pinaghihirapan ni Joshua na gumawa ng pagitan sa kanilang dalawa, paano naman siya
Nanginig si Luna dahil sa mga sinabi ni Neil.Tinikom niya ang kanyang mga labi at niyakap niya ng mahigpit si Neil. May gusto siyang sabihin kaso hindi niya mahanap ang mga salita para dito.“Pero, Mommy…” Suminghot si Neil. Bumulong siya ng mahina sa tainga ni Luna. “Medyo pagod na po ako. Matutulog na po ako.”Pagkatapos, biglang bumagsak papunta sa sahig si Neil ng walang pasabi.Nung bumalik na sa sarili si Luna at sinubukan niyang saluhin si Neil, halos bumagsak na ito sa sahig.May pares ng malaking mga kamay na sumalo kay Neil. Agad na kinarga ni Joshua ang walang malay na katawan ni Neil.Nung bumalik na sa sarili si Luna. Agad siyang tumayo. “Salamat.” Inabot niya ang kamay niya para kunin si Neil mula kay Joshua.Bahagyang kumunot ang noo ni Joshua. Yumuko siya at tumingin kay Luna, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad palayo. “Sumunod ka sa akin.”Huminto si Luna ng ilang saglit bago niya sinundan si Joshua.“Aura! Aura!”Sa sandali na lumabas si Luna, nakasal
Makalipas ang panahon, nung lumaki siya, naintindihan niya na na hindi niya na matanggal ang pagka bias ng mga magulang niya kay Aura.Kaya naman, natuto siya sa mga magulang niya para mahalin at alagaan si Aura, para maging mas malapit sila sa isa’t isa.Ang ilang taon na may magandang relasyon sila ni Aura ay ang pinakamagandang mga taon din na kasama niya ang mga magulang niya.Sa mga panahong ito, pinakasalan niya ang lalaking minahal niya, nakuha din niya ang pangangalaga ng kanyang mga magulang.Inisip niya na siya na ang pinakamasayang tao sa mundo.Sa huli, alam niya na maikli lang ang kasiyahang ito.Dahil ito lahat kay Aura. Pati dahil sa lalaking nasa tabi niya.Kung hindi lang pinagsawaan ni Joshua si Aura, baka si Aura pa rin ang minamahal nito.Hindi nagtagal, huminto ang kotse sa hospital.Nung huminto ang kotse, agad na binuksan ni Joshua ang pinto at kinarga niya pababa si Neil.Mabilis siyang pumasok ng hospital. “Doctor!”Sa mga sandaling ito, gabi na, a
“Doctor, hindi po ba’t sinabi niyo na kukuha kayo ng drip?”Lumingon si Luna at tumingin siya sa doctor. “Kukuha na po ba kayo ngayon?”Sumimangot ang doctor, napagtanto niya na mali ang sinabi niya, pagkatapos ay umalis na siya at sinabi niya lang. “Maghahanda na ako.”Pagkatapos lumabas ng doctor, bumaba ang tingin ni Joshua at tumingin siya kay Neil na wala pa ring malay.Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya sa repleksyon sa bintana.Mukha nga na… magkamukha sila.Sinuri niya ang repleksyon niya sa salamin, namuo ang ngiti sa kanyang mga labi. “Hindi ko mapapansin kung hindi niya sinabi.”Sa labas, mukhang kalmado lang si Luna, ngunit sa loob, nababalisa na siya!Masiyasat na tao si Joshua; nag aalala si Luna na may mapapansin ito.Noon, nagtagumpay si Luna na lokohin si Joshua gamit ang dahilan na isa siyang mabuting kaibigan ni Luna Gibson, pero ang mga bata… mahirap ito ipaliwanag.Huminga ng malalim si Luna, ngumiti siya, at sumingkit siya habang nakatingin kay J
Pero nagkamali siya.Ang kwarto ni Neil ay mukhang… maganda at marangya ang dekorasyon, halos pareho lang sa kwarto ni Nellie.Sa loob ng malaking kwarto, nakaupo si Neil habang naglalaro ng isang Rubik’s cube, maangas ang itsura niya habang may suot na mask at isang sumbrero.Nang makita ni Neil na pumasok ng kwarto ang dalawang babae, isang bata at isang matanda, ngumiti siya ng maliit, tumingin siya sa nanay niya, “Nakatulog po ba kayo ng maayos?”“Perpekto.”Tumingin si Luna kay Neil at hindi niya napigilan na tumulo ang luha niya.Isa siyang mapagmalaki na bata, mahilig siyang manamit ng maayos at kumilos ng maangas.Pero ngayon, para magtagumpay siya sa paghuli kay Aura, sadya niyang sinaktan ang sarili niya.“Sige, huwag na po kayong iiyak.” Tumawa ng mahina si Neil, “Hindi po takot ang mga lalaki na masaktan.”Tumingala siya at tumingin siya ng seryoso kay Luna. “Pero tumawag po ang pulis kaninang umaga, gusto po nila kayo, bilang guardian ko, na dalhin ako sa pulis s
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya