Makalipas ang panahon, nung lumaki siya, naintindihan niya na na hindi niya na matanggal ang pagka bias ng mga magulang niya kay Aura.Kaya naman, natuto siya sa mga magulang niya para mahalin at alagaan si Aura, para maging mas malapit sila sa isa’t isa.Ang ilang taon na may magandang relasyon sila ni Aura ay ang pinakamagandang mga taon din na kasama niya ang mga magulang niya.Sa mga panahong ito, pinakasalan niya ang lalaking minahal niya, nakuha din niya ang pangangalaga ng kanyang mga magulang.Inisip niya na siya na ang pinakamasayang tao sa mundo.Sa huli, alam niya na maikli lang ang kasiyahang ito.Dahil ito lahat kay Aura. Pati dahil sa lalaking nasa tabi niya.Kung hindi lang pinagsawaan ni Joshua si Aura, baka si Aura pa rin ang minamahal nito.Hindi nagtagal, huminto ang kotse sa hospital.Nung huminto ang kotse, agad na binuksan ni Joshua ang pinto at kinarga niya pababa si Neil.Mabilis siyang pumasok ng hospital. “Doctor!”Sa mga sandaling ito, gabi na, a
“Doctor, hindi po ba’t sinabi niyo na kukuha kayo ng drip?”Lumingon si Luna at tumingin siya sa doctor. “Kukuha na po ba kayo ngayon?”Sumimangot ang doctor, napagtanto niya na mali ang sinabi niya, pagkatapos ay umalis na siya at sinabi niya lang. “Maghahanda na ako.”Pagkatapos lumabas ng doctor, bumaba ang tingin ni Joshua at tumingin siya kay Neil na wala pa ring malay.Pagkatapos, lumingon siya at tumingin siya sa repleksyon sa bintana.Mukha nga na… magkamukha sila.Sinuri niya ang repleksyon niya sa salamin, namuo ang ngiti sa kanyang mga labi. “Hindi ko mapapansin kung hindi niya sinabi.”Sa labas, mukhang kalmado lang si Luna, ngunit sa loob, nababalisa na siya!Masiyasat na tao si Joshua; nag aalala si Luna na may mapapansin ito.Noon, nagtagumpay si Luna na lokohin si Joshua gamit ang dahilan na isa siyang mabuting kaibigan ni Luna Gibson, pero ang mga bata… mahirap ito ipaliwanag.Huminga ng malalim si Luna, ngumiti siya, at sumingkit siya habang nakatingin kay J
Pero nagkamali siya.Ang kwarto ni Neil ay mukhang… maganda at marangya ang dekorasyon, halos pareho lang sa kwarto ni Nellie.Sa loob ng malaking kwarto, nakaupo si Neil habang naglalaro ng isang Rubik’s cube, maangas ang itsura niya habang may suot na mask at isang sumbrero.Nang makita ni Neil na pumasok ng kwarto ang dalawang babae, isang bata at isang matanda, ngumiti siya ng maliit, tumingin siya sa nanay niya, “Nakatulog po ba kayo ng maayos?”“Perpekto.”Tumingin si Luna kay Neil at hindi niya napigilan na tumulo ang luha niya.Isa siyang mapagmalaki na bata, mahilig siyang manamit ng maayos at kumilos ng maangas.Pero ngayon, para magtagumpay siya sa paghuli kay Aura, sadya niyang sinaktan ang sarili niya.“Sige, huwag na po kayong iiyak.” Tumawa ng mahina si Neil, “Hindi po takot ang mga lalaki na masaktan.”Tumingala siya at tumingin siya ng seryoso kay Luna. “Pero tumawag po ang pulis kaninang umaga, gusto po nila kayo, bilang guardian ko, na dalhin ako sa pulis s
Nang marinig niya na binanggit si Luna Gibson, sumimangot si Joseph, bumaba ang boses niya, “Kung pamilya pa rin ang tingin niya sa amin, matagal na dapat siyang umuwi! Ngayon, nakikipaglaro siya, nagpapanggap na misteryoso. Pinauwi niya ang anak niya, pero hindi man lang siya nagpakita, kahit isang hibla ng buhok.”Habang nasa tabi niya, kumunot din ang noo ni Natasha. “Ms. Luna, pinag uusapan namin ang bunso namin, hindi mo naman kailangan na banggitin ang panganay namin, hindi ba?”“Tama.”Muling binalik ni Joseph ang pinag uusapan nila. “Ms. Luna, pinag uusapan natin ang sitwasyon niyo ni Aura. Sabihin mo lang ang presyo. Basta’t mauto mo lang ang anak ang niyo para hindi na siya magsabi ng kung ano, pwede ka naming bayaran na kahit magkano. Kahit anong mangyari, manugang ko si Joshua, hindi problema ang pera.”Habang nakatingin sa matandang lalaki na nasa harap niya, isang segundo niyang ayaw na aminin na tunay niyang mga magulang ang mga ito.“Kahit gaano pa kayo kayaman, h
“Hindi tulad mo. Nagpapanggap na isang mabuti at mapagmahal na kapatid.”Namutla si Aura dahil sa mga sinabi niya.Ngunit saglit lamang ito.Pagkatapos, nagbuntong hininga siya, “Anim na taon bago mo natuklasan ang tungkol doon?”Pagkatapos, nagkibit balikat si Aura. “Aamin ako, natalo ako sayo at sa bwisit na ‘yun, pero hindi ibig sabihin nito ay nanalo ka na…”Sumandal siya pababa sa mesa at tumingala siya, tumitig siya ng naiinggit kay Luna. “Luna, masyado kang tanga. Naging ganitong klaseng tao ka, wala nang kahit isang bahid ng dating Luna, maging ang mukha at katawan mo. Kung walang ebidensya, paano mo mapapatunayan na ikaw si Luna Gibson, paano ka babalik sa tabi ni Joshua?”Kumunot ang noo ni Luna, namuo ang malamig na ngisi sa mukha niya. “Bakit naman ako babalik sa tabi niya?”“Hah.”Ngumisi si Aura, “Kung hindi ka babalik sa tabi niya, paano mo mapoprotektahan ang mga anak mo?”Habang nakatingin sa nababaliw na ekspresyon, may gusto sanang sabihin si Luna ngunit sum
Dahil sa sinabi ng butler, nagulat si Joshua.Sinulyapan niya ang butler na may hindi makapaniwalang mga mata. "Ano ulit... sino ang bumalik?""Joshua, bumalik na ako."Tumunog ang boses ng isang babae, malinaw ito.Ang kanyang malalim na mga mata ay huminto, ang mga itim ng mata niya ay marahas na lumiliit.Luna Gibson!Tama!Ang babaeng nasa harapan niya ay si Luna Gibson.Anim na taon na niyang hinahangad ang mukha na ito!Nang makita siyang nakatitig sa babaeng ito, isang bakas ng kasiyahan sa sarili ang sumilay sa kanyang mga mata.Pagkatapos, iniyuko ng babae ang kanyang ulo sa gilid, at ngumiti ito sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin, hindi mo ba ako tinatanggap?""Hindi…"Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng kaba si Joshua na dating laging malamig, mayabang, at walang kibo.Mabilis na tumibok ang puso niya.Pagkaraan ng mahabang sandali, huminga siya ng malalim, naipon ang kanyang mga iniisip, humakbang patungo sa kanya, at hinila siya sa kanyang mga bisi
"Siya ang iyong tunay na ina.""Hindi po siya!"Nabalisa ang batang babae na halos mapaluha. "Hindi po ganoon ang hitsura ng Mommy ko, hindi!"Muling sumimangot si Joshua, saka lumingon para sumulyap sa babaeng nasa harapan niya. “Lulu, ito ay…”Pumikit ang babae ng walang magawa at bumuntong-hininga, "Alam kong mangyayari ito..."Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kanyang mga mata, malungkot na nakatingin kay Nellie. “Pagkatapos kong ipanganak ang dalawa kong anak na sina Nellie at Neil, nanghina ang katawan ko at hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na alagaan ang aking sarili pabalik sa kalusugan. Tapos, minsan, nung na-distract ako, may kumidnap sa mga anak ko…”Habang nagsasalita siya ay pinunasan niya ang kanyang mga luha. “She was a jewelry designer, nakilala ko siya sa ospital. Sa umpisa, magaling siya sa akin, nagtiwala ako sa kanya ng buo, pero hindi ko inaasahan na...nang nalaman niyang ikaw ang ama ng mga anak ko, kinidnap niya sila…”Habang nagsasalita siya, la
Sa sandaling ito, pakiramdam ni Luna ay sasabog ang kanyang utak.Itong babaeng nasa harap niya... sino siya?“Luna.”Inangat ng babae ang kanyang ulo, nakatingin kay Luna na puno ng luha ang mukha, “Trinato kita bilang matalik kong kaibigan, sinabi ko sa iyo ang lahat, hiniling ko pa sa iyo na tulungan mo ako na alagaan ang dalawa kong anak... At ganito mo ako tratuhin? Paano mo... nagawang agawin ang dalawang anak ko!"Sinamaan niya ng tingin si Luna, bakas sa mga mata niya ang galit. “Ginawa mong kakila-kilabot ang buhay ko! Hindi mo alam kung paano ako nabuhay nitong mga nakaraang taon!"Pagkatapos, sumugod ang babae at sinakal ang leeg ni Luna na parang baliw. “Anong gusto mong gawin ko para masiyahan ka? Gusto kong baliin ang iyong mga buto at balatan ang iyong katawan, para makabawi sa sakit ng pagkawala ng aking mga anak na pinagbayaran ko nitong nakaraang anim na taon!”Napaatras si Luna, bumagsak ang buong katawan niya sa pinto sa likod niya ng malakas na ‘tunog’.Ang