Nang makitang maglalakad na si Rosalyn sa gilid ng kalsada, agad na sumimangot si Gwen at sumugod sa harapan para hawakan ang braso nito. "Mrs. Landry, hindi ka pa ganap na nakaka-recover, kaya mas mabuting huwag..."Mahigit isang taong na-coma si Rosalyn, at pagkagising niya, nagmadali siyang pumunta sa Merchant City para tulungan si Christopher na bumuo ng gamot na makakatulong sa kanya na patatagin ang kanyang mental na estado. Kaya naman, pagod na pagod na siya.Wala pa siyang oras na nagre-recover, at sa sandaling ito, lalakad na sana siya sa gilid ng kalsada para pigilan sina Jim at Bonnie...Isa itong highway, at dahil sa dalawang mabilis na sasakyan, inutusan ni Luke ang kanyang mga tauhan na linisin ang mga kalsada dahil sa takot na may mangyaring aksidente.Kung tatayo si Rosalyn sa gilid ng kalsada, ano kaya ang mangyayari kung aksidenteng nabangga siya ng isa sa kanila?"Salamat sa pag-aalala mo." Ngumiti si Rosalyn sa kanya. "Kilala kita. Ikaw si Gwen."Hindi pa naki
Alam ni Bonnie na si Jim ay nakikipagkarera sa paligid ng track upang ilabas ang nakakulong na galit nito, ngunit ayaw niya na gawin niya ito nang mag-isa.Kung gusto nitong bilisan, sasamahan niya ito.Ayaw niyang madama ni Jim na nag-iisa siya, at ayaw niyang madama nitong iniwan siya ng sinuman.Gusto niyang malaman ni Jim na kahit anong mangyari, hindi niya gustong maramdaman nitong siya ay pababayaan!Kahit na…Kahit papaano ay mayroong isang tao doon—isang babaeng nagngangalang Bonnie Craig—na laging nandiyan kasama niya at hindi susuko sa kanya.Sa pag-iisip nito, tinapakan ni Bonnie ang gas at hinabol ang direksyon ni Jim.Gayunpaman, ang sasakyan ni Jim ay napakalayo na, at upang makasabay sa kanya, si Bonnie ay walang pagpipilian kundi pabilisin nang buong tulin.Gayunpaman, na-overestimated niya ang kanyang sarili, o sa halip, na-overestimated niya ang kanyang kakayahan na manatiling kalmado sa ganitong nakababahalang sitwasyon.Habang umiikot siya sa isang liko sa
"Bonnie!" Napahiyaw sa takot si Rosalyn bago nawalan ng malay.Agad siyang hinawakan ni Charles at sumigaw, "Jim! Ano pa ang itinatayo mo diyan? Dalhin mo agad siya sa ospital! Buntis siya sa anak mo!"Nanlamig ang buong katawan ni Jim nang marinig ito.Pagkaraan ng ilang segundo, umiling siya at nauutal, "Paano...paanng nangyari iyon? Hindi ba't si Bonnie ay nag..."Hindi ba siya dumaan sa pagpapalaglag?Kinumpirma ni Christopher ang surgical form ng kanyang abortion bilang lehitimo, kaya paano niya…"Sa huli ay hindi natuloy si Bonnie sa pagpapalaglag," umalingawngaw ang boses ni Luke mula sa malayo.Inangat ni Jim ang kanyang ulo at nakita si Luke na naglalakad palapit sa kanila habang nakaakbay kay Gwen. Sa sandaling ito, ang mukha ni Gwen ay kasing putla ng isang papel, at siya ay nanghihina na hindi siya makapagbitaw ng kahit isang salita.Sa kabila nito, inipon pa rin niya ang lahat ng natitirang lakas sa kanyang katawan para manatiling nakadilat ang kanyang mga mata a
Napabuntong-hininga si Luke at bumalik sa kotse, niyakap si Gwen palapit sa kanya."Magmaneho."Inistart ng driver ang makina. "Sir, sa parehong ospital ba tayo pupunta?""Oo." Maingat na hinila ni Luke si Gwen palapit at idinagdag, "Tawagan si Dr. Zachary at sabihin sa kanya na maghanda para sa isa pang pagsasalin."Tumigil sandali ang driver. "Pero Sir...nasalinan mo na ng dugo si Ms. Larson nang tatlong beses ngayong buwan.“Ngayong lumalala na ang kalagayan niya, hindi mo na kayang ipagpatuloy ang pagsasalin ng iyong dugo sa kanya. Hindi na kaya ng katawan mo."Bakit hindi mo sabihin kay Ms. Larson ang totoo tungkol sa kanyang sakit? Hangga't handa siyang makipagtulungan, baka makahanap tayoi ng bagong paggamot na gagana. Hindi mo gugustuhin na pareho kayong magdusa ni Ms. Larson, tama ba?"Natawa si Luke sa narinig. "Naging bagong boss ka ba kahit papaano nang hindi ko nalalaman? Bakit hindi mo kunin ang trabaho ko at simulan mong bantayan ang mga gang sa Merchant City at S
Hindi nagtagal ay dumating na ang sasakyan sa ospital.Dahil sa tawag ng driver habang papunta sa ospital, inaasahan ni Dr. Zachary at ng iba pang kawani ng ospital ang kanilang pagdating at agad silang hinintay sa pasukan.Nagsalubong ang kilay ni Dr. Zachary nang makita si Gwen. "Ilang beses na ba ito para sa buwang ito? Mr. Jones, ang kanyang kondisyon ay tila napakabilis na lumala. Siya ba ay dumaranas ng emosyonal na kaguluhan kamakailan?"Kumunot ang noo ni Luke habang pinag-iisipan ito. "Sa tingin ko ay hindi. Ang pinakamasamang pinagdaanan niya ay marahil ngayon..."Nagulat si Gwen nang makita niya ang pag-crash ng sasakyan ni Bonnie ilang minuto ang nakalipas, ngunit bukod dito, lagi siyang masayahin at sa gayon ay wala man lang masyadong emosyonal na kaguluhan."Sigurado ka ba?" Nakakunot ang noo ni Dr. Zachary habang sinimulan niyang suriin si Gwen at sinabing may halong pagtatanong, "Hindi ko maiwasang mapansin na ang kanyang kalagayan ay ganap na iba sa inilarawan mo
Tutal, ang mga doctor ay nabigo na makahanap ng tugma na blood type para kay Gwen kahit na hinalughog na nila ang buong blood bank, ngunit sa sandali na nag alok si Luke, natuklasan niya na perpektong tugma siya. Gayunpaman… Hindi alam ni Luke kung gaano katagal na lang ang natitira sa kanila ni Gwen. Habang iniisip ito, lumingon siya para tumitig kay Dr. Zachary. “Sa aming dalawa ni Gwen, isa lang ba sa amin ang mabubuhay?” Tumahimik ng ilang sandali si Dr. Zachary, pagkatapos ay tumingin siya kay Luke ng nakakunot ang noo. “Parang ganun na nga.” “Hindi kakayanin ng katawan mo ang madalas na blood transfusion, at balang araw, magcocollapse ka.” “Kapag trinasplant mo ang puso at dugo mo sa kanya, baka mabuhay siya, pero sa kasamaang palad, mamamatay ka.” “Sa isang palad, kapag pinili mo ang sarili mo, mawawalan na siya ng oras.” Pagkatapos, nilagay ni Dr. Zachary ang pen sa bulsa niya at sinabi niya, “Ano man ang mangyari, Mr. Jones, kailangan kitang payuhan laban dito.
Tumingin si Luke sa pangalan sa screen, pagkatapos ay sumenyas siya kay Dr. Zachary na magpatuloy habang pumunta siya sa isang tabi para sagutin ang phone call. “Bakit mo ako tinatawagan sa ganitong oras?” “Kamusta ka na?” Ang tanong ni Joshua ng may mababang boses habang nag konekta ang phone call. Ngumiti ng maliit si Luke. “Naaksidente si Bonnie, at nahimatay ang biyenan mo. Hindi ba’t dapat ay inaalagaan mo sila ngayon?” “O hindi kaya, dapat ay kinakamusta mo si Gwen, at hindi ako.” Nagbuntong hininga si Joshua at sumagot siya, “Nandyan si Jim para kay Bonnie, at nandyan si Charles para kay Rosalyn, at busy si Luna sa pag aalaga sa kanilang dalawa. Nandyan ka… para kay Gwen, pero sino ang nandyan para sayo?” Kalmado si Joshua at dinagdag niya, “Sino pa ang mangangamusta sayo, kung hindi ako?” “Nagdodonate ka na naman ng dugo sa kanya?” Lumingon si Luke para tumingin kay Gwen mula sa salamin, tumatanggap si Gwen ng blood transfusion at tumawa si Luke. “Mukhang wala nan
Ito ang rason kung bakit sinabi ni Luna na tawagan na lang ni Joshua si Luke. “Ayos lang siya.” Bumalik sa pagiging kalmado si Joshua at sumagot siya, “Nagsusuka ng dugo si Gwen dahil sa dating ulcer niya. Alam mo naman na noon pa siya may problema sa tiyan.” “Nabigla siya nang makita niya ang nangyari kay Bonnie at sa nanay mo, kaya’t sinumpong ang dating problema niya. Sinabi ni Luke na magiging ayos lang siya at kailangan niya lang magpahinga.” Naramdaman ni Luna na nabawasan ang bigat na dinadala niya. Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Salamat sa Diyos at ayos lang siya.” Nakakapagod na para alagaan sina Bonnie at Rosalyn, at kapag may nangyari pang masama kay Gwen… Hindi niya alam kung paano niya hahatiin ang sarili niya sa tatlo para alagaan silang tatlo. “Kamusta na si Rosalyn ngayon?” Mabilis na binago ni Joshua ang pinag uusapan nila sa sandali na mapansin niya na hindi naghihinala si Luna. “Gising na siya ngayon, at dinala siya ng tatay ko para bisitahin s