Napabuntong-hininga si Luke at bumalik sa kotse, niyakap si Gwen palapit sa kanya."Magmaneho."Inistart ng driver ang makina. "Sir, sa parehong ospital ba tayo pupunta?""Oo." Maingat na hinila ni Luke si Gwen palapit at idinagdag, "Tawagan si Dr. Zachary at sabihin sa kanya na maghanda para sa isa pang pagsasalin."Tumigil sandali ang driver. "Pero Sir...nasalinan mo na ng dugo si Ms. Larson nang tatlong beses ngayong buwan.“Ngayong lumalala na ang kalagayan niya, hindi mo na kayang ipagpatuloy ang pagsasalin ng iyong dugo sa kanya. Hindi na kaya ng katawan mo."Bakit hindi mo sabihin kay Ms. Larson ang totoo tungkol sa kanyang sakit? Hangga't handa siyang makipagtulungan, baka makahanap tayoi ng bagong paggamot na gagana. Hindi mo gugustuhin na pareho kayong magdusa ni Ms. Larson, tama ba?"Natawa si Luke sa narinig. "Naging bagong boss ka ba kahit papaano nang hindi ko nalalaman? Bakit hindi mo kunin ang trabaho ko at simulan mong bantayan ang mga gang sa Merchant City at S
Hindi nagtagal ay dumating na ang sasakyan sa ospital.Dahil sa tawag ng driver habang papunta sa ospital, inaasahan ni Dr. Zachary at ng iba pang kawani ng ospital ang kanilang pagdating at agad silang hinintay sa pasukan.Nagsalubong ang kilay ni Dr. Zachary nang makita si Gwen. "Ilang beses na ba ito para sa buwang ito? Mr. Jones, ang kanyang kondisyon ay tila napakabilis na lumala. Siya ba ay dumaranas ng emosyonal na kaguluhan kamakailan?"Kumunot ang noo ni Luke habang pinag-iisipan ito. "Sa tingin ko ay hindi. Ang pinakamasamang pinagdaanan niya ay marahil ngayon..."Nagulat si Gwen nang makita niya ang pag-crash ng sasakyan ni Bonnie ilang minuto ang nakalipas, ngunit bukod dito, lagi siyang masayahin at sa gayon ay wala man lang masyadong emosyonal na kaguluhan."Sigurado ka ba?" Nakakunot ang noo ni Dr. Zachary habang sinimulan niyang suriin si Gwen at sinabing may halong pagtatanong, "Hindi ko maiwasang mapansin na ang kanyang kalagayan ay ganap na iba sa inilarawan mo
Tutal, ang mga doctor ay nabigo na makahanap ng tugma na blood type para kay Gwen kahit na hinalughog na nila ang buong blood bank, ngunit sa sandali na nag alok si Luke, natuklasan niya na perpektong tugma siya. Gayunpaman… Hindi alam ni Luke kung gaano katagal na lang ang natitira sa kanila ni Gwen. Habang iniisip ito, lumingon siya para tumitig kay Dr. Zachary. “Sa aming dalawa ni Gwen, isa lang ba sa amin ang mabubuhay?” Tumahimik ng ilang sandali si Dr. Zachary, pagkatapos ay tumingin siya kay Luke ng nakakunot ang noo. “Parang ganun na nga.” “Hindi kakayanin ng katawan mo ang madalas na blood transfusion, at balang araw, magcocollapse ka.” “Kapag trinasplant mo ang puso at dugo mo sa kanya, baka mabuhay siya, pero sa kasamaang palad, mamamatay ka.” “Sa isang palad, kapag pinili mo ang sarili mo, mawawalan na siya ng oras.” Pagkatapos, nilagay ni Dr. Zachary ang pen sa bulsa niya at sinabi niya, “Ano man ang mangyari, Mr. Jones, kailangan kitang payuhan laban dito.
Tumingin si Luke sa pangalan sa screen, pagkatapos ay sumenyas siya kay Dr. Zachary na magpatuloy habang pumunta siya sa isang tabi para sagutin ang phone call. “Bakit mo ako tinatawagan sa ganitong oras?” “Kamusta ka na?” Ang tanong ni Joshua ng may mababang boses habang nag konekta ang phone call. Ngumiti ng maliit si Luke. “Naaksidente si Bonnie, at nahimatay ang biyenan mo. Hindi ba’t dapat ay inaalagaan mo sila ngayon?” “O hindi kaya, dapat ay kinakamusta mo si Gwen, at hindi ako.” Nagbuntong hininga si Joshua at sumagot siya, “Nandyan si Jim para kay Bonnie, at nandyan si Charles para kay Rosalyn, at busy si Luna sa pag aalaga sa kanilang dalawa. Nandyan ka… para kay Gwen, pero sino ang nandyan para sayo?” Kalmado si Joshua at dinagdag niya, “Sino pa ang mangangamusta sayo, kung hindi ako?” “Nagdodonate ka na naman ng dugo sa kanya?” Lumingon si Luke para tumingin kay Gwen mula sa salamin, tumatanggap si Gwen ng blood transfusion at tumawa si Luke. “Mukhang wala nan
Ito ang rason kung bakit sinabi ni Luna na tawagan na lang ni Joshua si Luke. “Ayos lang siya.” Bumalik sa pagiging kalmado si Joshua at sumagot siya, “Nagsusuka ng dugo si Gwen dahil sa dating ulcer niya. Alam mo naman na noon pa siya may problema sa tiyan.” “Nabigla siya nang makita niya ang nangyari kay Bonnie at sa nanay mo, kaya’t sinumpong ang dating problema niya. Sinabi ni Luke na magiging ayos lang siya at kailangan niya lang magpahinga.” Naramdaman ni Luna na nabawasan ang bigat na dinadala niya. Nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Salamat sa Diyos at ayos lang siya.” Nakakapagod na para alagaan sina Bonnie at Rosalyn, at kapag may nangyari pang masama kay Gwen… Hindi niya alam kung paano niya hahatiin ang sarili niya sa tatlo para alagaan silang tatlo. “Kamusta na si Rosalyn ngayon?” Mabilis na binago ni Joshua ang pinag uusapan nila sa sandali na mapansin niya na hindi naghihinala si Luna. “Gising na siya ngayon, at dinala siya ng tatay ko para bisitahin s
Umupo ng tahimik si Jim at hindi siya nagsalita. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ni Bonnie ng mahigpit. Gayunpaman, habang mas tahimik siya, mas lalong nagagalit si Rosalyn. Kinagat niya ang labi niya at tumingin siya kay Jim. “Jim, hindi ko alam kung ano ang nangyari at masama ang mood mo.” “Kahit na kung sakali na hindi sayo ang dinadala niya, paano mo siya hinayaan na habulin ka niya sa highway ng ganun? Wala ka bang kahit anong respeto sa kanya? Hindi ka ba nag aalala sa kaligtasan niya? Hindi ka ba nag aalala na hindi siya makakahabol sayo at may mangyayari na masama?” “Mabuti na lang at may airbag at nakaligtas siya. Kung hindi, patay na siya ngayon!” Yumuko si Jim at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Bonnie. “Sinabi ko na sa kanya na ‘wag niya akong habulin.” Sinundan siya ni Bonnie simula nang umalis siya ng Quinn Mansion. Hindi lang sa hindi siya sinundan sa kotse niya, tumawag pa si Bonnie sa phone niya. Noong una, ayaw niyang sagutin ang phone niya, ng
Masisira ba nito ang bagong relasyon nila Charles at Rosalyn? Pinag isipan ito ni Jim, tumitig siya sa kanila ng tahimik. Sa labas ng pinto, narinig ni Luna ang pag uusap nila at napansin niya ang pag iisip sa mga mata ni Jim. Napuno ng init ang puso niya. Simula nang mawala ang mga alaala ni Jim, ang lahat ng ginawa niya ay laban sa kagustuhan ni Luna, ngunit sa sandaling ito… Mukhang ito pa rin ang kapatid niya, ang lalaking nagmamalasakit sa damdamin ni Rosalyn ng higit sa kahit ano. Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Luna at naglakad siya papunta sa kwarto. “Kamusta na si Bonnie ngayon?” Ang biglaang pagdating nila Luna at Joshua ay sumira ng awkward na katahimikan sa kwarto. Agad na bumalik sa sarili si Jim at nagbuntong hininga siya. “Hindi… nakaligtas ang bata.” Kumunot ang noo ni Luna at nagdalawang isip siya bago siya lumapit, tinaas niya ang kamay niya, at sinampal niya sa mukha ni Jim. Pak! May nakakabinging tunog na umalingawngaw sa kwarto. Na
Napuno ng katahimikan ang kwarto pagkatapos magsalita ni Luna. Tahimik na kumunot ang noo ni Joshua. Gayunpaman, ngumiti si Jim at hindi niya isinapuso ang mga sinabi ni Luna. “Ano man ang intensyon mo, tinulungan mo ako, at nagpapasalamat ako dahil dito. Bukod pa dito…” Tumingin siya kay Bonnie, na siyang nakahiga sa kama at nakapikit, nalungkot ang kanyang mukha. “Best friend ka niya. Gusto niya talaga protektahan ang sanggol at gumawa pa siya ng pekeng report para itago ito. Pero, dahil sa basta bastang pagkilos ko, nawala ang sanggol.” “Naiintindihan ko ang galit mo, at dapat lang akong sampalin; tama lang na tiisin ko ito. Ang sarili ko lang ang masisisi ko.” Pagkatapos, tumingin siya kay Luna at nagbuntong hininga siya. “Pwede mo bang pakisabi sa akin ang iba pang tungkol sa relasyon namin ni Bonnie?” Nalito si Luna sa tanong ni Jim. Tumingin siya sa lalaking nasa harap niya at nararamdaman niya na parang may mali dito, ngunit hindi niya malaman kung ano ‘yun. Nang