Gayunpaman, kung nanggaling ang hindi pagkakaunawaan na ito kay Luna Gibson, dapat ipaliwanag ni Joshua ang sarili niya.Sa ngayon, hindi niya matatawagan si Luna Gibson, kaya’t maaasahan niya lang na ipasa kay Luna ang mensahe.Nangutya si Luna, “Sa tingin mo ba maniniwala siya sayo?”Nangutya si Joshua, “Kung hindi, tatanggapin ko na iklaro niya sa akin.”Agad na nilunok ni Luna ang mga salita niya.Huminto siya ng ilang saglit. Matapos ang ilang saglit, nangutya siya, “Sasabihin ko sa kanya.”Sigurado si Joshua na hindi magpapakita si Luna Gibson, kaya’t mayabang siya tungkol dito.Iklaro ito para sa kanya? Kapag bumalik siya sa pagiging Luna Gibson at hinarap niya si Joshua, hindi niya alam kung mabubuhay pa siya para ikwento ito!Tumahimik ang loob ng kotse. Pareho silang tahimik.Hindi nagtagal, dumating na sila sa Blue Bay Villa.Nung tumigil ang kotse, agad na bumaba si Joshua sa kotse.Nagbuntong hininga si Luna at binuksan niya ang pinto ng kotse, sumunod siya kay
Muling huminto ang itim na Maserati sa entrance ng mental hospital.Bumaba si Luna sa kotse at tumakbo siya papunta sa mental hospital!Masama ang kutob niya. Hindi bumaba ang elevator mula sa pinakamataas na palapag. Kumunot ang noo ni Luna at agad siyang umakyat ng hagdan.Nasa ika-walong palapag ang kwarto ni Aura. Tumakbo siya paakyat. Kumapit siya sa pader, naghihingalo habang hinahanap ang namumuno ng lugar.Lumakad siya at bumukas ang elevator. May matangkad na lalaki na naglakad palabas ng elevator.Tumingin ang lalaki sa kanya ng kalmado. “Mali ang dinadaanan mo.”Pagkatapos, lumingon ang lalaki at naglakad sa kabilang direksyon.Naghihingalo si Luna sa sobrang pagod. Umikot ang mga mata niya at agad siyang humabol kay Joshua.Dinala ni Joshua si Luna sa opisina ng doctor na namamahala kay Aura.Nang makita ng doctor sina Joshua at Luna, kumunot ang noo niya. “Bakit bumalik po kayo?”“May cute po bang babae na bumisita kay Aura Gibson?”Tumango ang doctor. “Oo.”“S
Huminga ng malalim si Luna at binuksan niya ang pinto gamit ang susi.Tahimik sa loob ng kwarto.Suminag ang araw sa maliit na bintana sa kisame, bumuo ito ng isang linya ng ilaw.May babaeng nakasuot ng hospital gown na may magulong buhok ang nakaupo sa sulok habang nakabaon ang ulo sa kanyang mga hita. Sa sobrang tahimik niya ay parang wala siya dito.Kumurap si Luna.Ang babaeng ito ay hindi sil Aura. Hindi magiging tahimik at masunurin si Aura.Matapos ang ilang saglit, nagbuntong hininga siya at sinabi, “Bonnie.”Medyo nabigla ang babae, pagkatapos ay tumingala ito ng mabagal.Sa ilalim ng magulong buhok, nakita ang malinis na mukha ni Bonnie.Ito ang unang pagkakataon na makita niya si Bonnie ng walang salamin. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito sa ganitong sitwasyon.“Ikaw nga talaga.” tumingin si Bonnie kay Luna at ngumiti siya ng mapait. “Akala ko walang magiging problema.”Hindi niya inaasahan na mabubunyag agad siya ng wala pa sa kalahating oras.Nang maki
Ngumiti ng mapait si Luna.“Naniniwala ka sa kanya?”“Hindi naman, pero…”Yumuko si Bonnie. “Nilabas ko ang phone ko para i-dial ang bagong phone number ng kapatid ko. Narinig ko. ‘Yun ang boses niya.“Sinabi ni Aura na nung inutusan niya ang kapatid ko na maghatid ng shipment sa kanya, may nabangga yung kapatid ko. Dahil natatakot siyang maparusahan ng batas, kinuha niya ang pera at tumakas na siya. Namumuhay pa rin siya ng komportable sa ibang bansa, pero natatakot siya na may manloko sa kanya para pabalikin siya at harapin ang mga krimen niya, kaya’t maliban kay Aura, hindi siya makikinig sa ibang tao.”Habang sinasabi ito ni Bonnie. Tumulo ang mga luha niya.Umiyak siya, “Namimiss ko talaga ang kapatid ko. Isa akong reporter. Sa mga nakalipas na taon, hinanap ko na ang lahat ng paraan para makuha ang balita tungkol sa kanya, pero dahil hindi ko talaga siya mahanap, si Aura na ang nilapitan ko. Nagsimula akong mag report ng masamang balita tungkol kay Aura. Ngayon at narinig k
Tumingin sa kanya si Joshua ng malamig. “Obsessed at paranoid.”Ngumiti ng peke si Joshua. “Ako ba o siya ang tinutukoy mo?”Huminto ng ilang sagli si Luna bago niya napagtanto na pwede niya rin sabihin kay Joshua ang sinabi niya kay Bonnie.Nagkibit balikat si Luna. Ngumiti siya ng maliit kay Joshua. “Mr. Lynch, marami ka lang iniisip. Paano naman kita ilalarawan na ganun? Gusto ko pa rin na tulungan mo ako na hanapin kung saan pumunta si Aura.”Kumunot ang noo ni Joshua dahil sa mga sinabi ni Luna. Nagbuntong hininga siya, “Hindi namin siya mahanap. Pagkatapos niyang lumabas ng mental hospital, tumawag siya ng taxi.”Nakatayo si Lucas sa likod ni Joshua at nagbuntong hininga siya. Muli niyang inulit kay Luna ang sinabi niya kay Joshua.“Pumunta siya mga lugar kung saan walang mga surveillance camera. Maging sa traffic o public transport surveillance, hindi na namin siya mahanap.”Nagbuntong hininga si Lucas, “Nasa Banyan City pa rin siguro siya, para naman sa lokasyon niya, hi
Sa mga sandaling ito, ngayon lang naalala ni Luna na nagsend siya ng message kay Natasha nung lumabas siya ng mental hospital.Pumayag na sila na magkita sa dating bahay ni Luna. Gusto niyang sabihin kay Natasha ang lahat ng ginawang masama ni Aura.Gayunpaman, sa sobrang abala ni Luna sa nangyari kay Bonnie ay halos nakalimutan niya na ito.Huminga siya ng malalim. Tumingin si Luna sa madilim na kalangitan. “Pupunta na ako.”Pagkatapos, binaba niya ang phone. Bumaba siya at nagpalit siya ng damit.“Mommy, pupunta ka po talaga?”Narinig ang boses ni NIgel mula sa necklace. “Sa tingin niyo po ba hahanapin ni Aura si lola? Pinagkakatiwalaan po talaga ni lola si Aura. Kahit na nakulong po si Aura, lumapit pa rin po siya kay lola para sa tulong.”Nagbibihis si Luna nang bigla siyang huminto.Kapag nagtulungan sina Natasha at Aura para lokohin siya doon...Pero, paano kung hindi nakita ni Aura si Natasha?Wala masyadong tiwala si Natasha kay Luna. Mahirap bago nakuha ni Luna ang r
“Hula ko lang.”Sumandal si Luna sa backseat, tumingin siya sa tanawin ng gabi sa labas ng bintana.Lumabas sa isip niya ang mapaghamong mga mata ni Bonnie.“Mahal ako ng kapatid ko! Ako ang pinakamahal niya ng buong buhay niya! Kung hindi niya ako mahal, bakit siya magsasakripisyo para sa akin, bakit niya binigay ang lahat sa akin?”Umismid si Luna.Totoo nga. Walang kwenta talaga ang mga relasyon.Sa mga sandaling ito, si Bonnie ay parang si Luna Gibson dati, sa sobrang nakakatawa ay masakit ito sa puso.Hindi nagtagal, dumating na ang van.Sinamahan ni Zach at Yuri si Luna sa taas. Nang makarating na siya sa taas, binuksan ni Luna ang pinto ng inuupahan niyang apartment.Hindi nakabukas ang ilaw sa loob. Sa ilalim ng ilaw ng buwan, napansin ni Luna ang payat na taong nakaupo sa sofa.Kumunot ang noo ni Luna at binuksan niya ang ilaw.Nakahiga sa sofa si Natasha, natutulog ng mahimbing.Nung bumukas ang ilaw, kumunot ang noo niya at gumising siya mula sa kanyang panaginip
Tumingin si Natasha kay Luna ng nalilito.Matapos ang ilang saglit, pinunasan niya ang luha niya at tumango siya. “Oo. Kung ako rin siya, ganun din ang gagawin ko…”Kilala at pinagkakatiwalaan dapat ng nanay ang anak niya, pero...Nang makita niya na umiiyak ng malubha si Natasha, kahit na malupit si Luna, nagbuntong hininga lang siya.Inabot niya ang tissue kay Natasha. “Punasan niyo na po ang mga luha niyo.”Sa loob, nag uusap ng madamdamin ang mag ina. Sa labas, nagtititigan lang sina Zach at Yuri.“Inaantok na ako.” Humikab si Yuri. Umikot ang mga mata ni Zach. May gusto sana siyang sabihin nang may nakita siyang tao sa hagdan.Kumunot ang noo niya. “Sino ‘yan?”Matapos ang ilang saglit, may babaeng nakasuot ng itim na trench coat at itim na salamin na lumapit. Nakatago siya sa dilim, kaya’t hindi makita ng maayos ang mukha niya.“Hello.” Tumawa siya ng mahina at lumapit. Nilabas niya ang phone niya na nakapatay. “Nandito ako para bumisita ng tao, pero namatay ang phone ko